HARPER
MATAPOS ang agahan ay nauna nang umakyat si Uncle Greyson sa kaniyang silid habang ako naman ay naiwan pa sa harap ng lamesa. Nang makaalis ito ay agad kinuha ang pagkakataong iyon upang makausap si Manang Guada.
"Manang..." mahina kong tawag dito habang abala ito sa pagliligpit ng lamesa.
"Oh, bakit bumubulong ka riyan? Kanina pa nakaakyat ang uncle mo," turan nito.
"Eh, kumusta mo kayo? Napagalitan po ba kayo? Mukhang maagang nagsermon si uncle," usisa ko.
"Ay, ano pa nga ba? Hindi pa nakakababa ng maleta ay pinatawag na ang lahat. Naku po! Sangkaterbang sermon ang inabot naming lahat. Mata lang talaga ang walang latay. Saka mabait naman talaga 'yon si Greyson. Ayon nga lang talaga kapag nagalit, eh, kahit si satanas matatakot. Pero 'wag kang mag-alala. Binawasan lang namin kami ng sahod kaya ayos na 'yon," saad nito.
Napangiwi ako habang pinakikinggan ang kaniyang kuwento. Bigla akong kinabahan dahil hindi pa niya lubusang nauungkat sa akin ang nangyari kagabi. Sigurado akong kapag nagkataon ay sandamakmak na sermon din ang aabutin ko mula rito.
"Pasensya na po kayo. Pati kayo nadamay dahil sa akin. Susubukan ko pong pakiusapan si uncle tungkol d'yan," paghingi ko ng paumanhin.
"Naku, hija, wala kang dapat ihingi ng tawad. Sanay na kami riyan kay Greyson. Kahit naman dati pa ay gan'yan na 'yan kasungit. Mas nagulat pa nga ako nang hindi ka n'ya pinagalitan kanina," puna nito.
"Ayan nga po ang mas kinakatakot ko. Alam n'yo po ba 'yong kasabihan na calm before the storm? Ito po 'yon," nakangusong wika ko.
Nangiti ito sa akin. "Ihahanap na lamang kita ng karton at ilagay mo riyan sa puwitan mo para hindi masyadong masakit kapag napalo ka," pabiro nitong turan.
"Manang naman. Hindi naman na po ako bata para paluin sa puwit," reklamo ko.
Even though what Manang Guada said was simple remarks, erotic thoughts spanking flooded my mind. Agad na gumuhit sa aking imahinasyon ang imahe ni Uncle Greyson habang nakadapa ako sa kaniyang kandungan at malakas na pinapalo sa puwitan gamit ang kaniyang palad.
Napapitlag ako at muling nanumbalik ang aking isip sa kasalukuyan nang marinig ko ang malakas na tawa ni Manang Guada. Mariin akong napalunok habang abot-abot ang aking pasasalamat na hindi nito nababasa ang tumatakbo sa aking isip. Mabilis kong sinuway ang aking sarili dahil sa hindi kaaya-ayang imahe na gumuguhit sa aking diwa.
Mas lalong lumakas ang tawa nito nang makita niya ang nakasimangot kong mukha. "Puntahan mo na lamang ang uncle mo at mauna ka nang mag-sorry para hindi ka namimilipit d'yan. Hindi ka na matatakot na anumang oras ay ipapatawag ka n'ya para pagalitan," suhestiyon nito.
"Sa tingin n'yo po, 'yon ang dapat kong gawin ngayon?"
"Aba'y oo naman. Kaysa iyang hindi mo alam kung kailan magla-landfall sa 'yo 'yang sinasabi mong bagyo," pabiro nitong saad. "Ando'n lang naman ang uncle mo sa kuwarto n'ya. Puntahan mo na at nang makampante ka na," utos nito.
Napanguso ako bago napahugot ng isang malalim na hininga. Napagdesisyonan kong sundin ang kaniyang sinabi at agad na nagpaalam dito upang magtungo sa silid ni Uncle Greyson.
Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng aking dibdib dahil sa labis na kaba. Habang papapalit nang papalapit ang aking hakbang sa kaniyang silid at mas lalong sumisikip ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang epekto sa akin ng kaniyang presensya.
Nang makarating ako sa pinto ng kaniyang silid ay makailang ulit akong humugot nang malalim na hininga. Mariin akong pumikit at inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako bago sinubukang kumatok sa kaniyang pinto. Hindi pa man lumalapit ang aking kamao sa pinto ay napansin ko ang maliit na siwang sa gilid nito. Tila nakalimutan ni Uncle na isara ang pinto ng kaniyang kuwarto.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip dahil sa halip na ipagpatuloy ko ang aking pagkatok ay mas pinili kong silipin mula sa aking kinatatayuan ang loob ng kaniyang silid. Halos manghaba na ang aking leeg sa pagsilip sa loob ng silid ngunit wala akong makita ni anino ni Uncle Greyson.
Halos makuba na ako sa kakayuko at sa pagsilip mula sa siwang ng pinto nang bigla na lamang may puting bagay ang humarang sa aking harapan kasunod nang pagbukas ng pinto.
"What are you doing?" tanong ng baritonong tinig.
Mariin akong napalunok nang tuluyan kong mapagtanto kung ano ang bagay na nakaharang sa aking harapan. Bahagya akong nakayuko kaya't saktong natapat ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napatuwid ako ng tayo dahilan upang bumungad sa akin ang kabuuan ng lalaking nakatayo sa aking harapan.
Nahigit ko ang aking hininga nang tumama ang aking mga mata sa katawan ni Uncle Greyson na walang kahit anong saplot maliban sa puting tuwalyang nakapalibot sa kaniyang baywang. Bahagya akong napanganga nang tuluyan kong mapagmasdan ang kaniyang mukha habang tinutuyo nito ang kaniyang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.
"Did you hear me? I'm asking you again, what are you doing?" muling umalingawngaw sa aking pandinig ang malagong niyang boses dahilan upang pansamantalang mawala ang aking atensyon sa kaniyang matikas na pangangatawan.
Makailang ulit na bumuka ang aking bibig ngunit walang kahit anong salita ang lumabas mula roon.
"Harper..." muling tawag niya sa akin nang hindi pa rin ako sumasagot.
Pakiramdam ko ay may kung anong espiritu ang sumapi sa akin dahil sa halip na sumagot sa tanong nito ay muling bumaba ang aking tingin sa pagitan ng kaniyang mga hita. Kitang-kita ko ang manipis na buhok na nakadungaw sa ibabaw ng kaniyang tuwalya, na kung hindi ako nagkakamali ay karugtong iyon ng mga buhok sa kaniyang p*********i. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang tila unti-unting lumaki ang umbok sa kaniyang harapan.
"Eyes up here, Harper, damnit!" inis nitong turan.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nanumbalik ang aking ulirat. Halos manliit ako sa pagkapahiya nang tuluyan kong mapagtanto ang kahiya-hiya kong ginawa.
"I-I'm here to...apologize about...w-what happened last night," nauutal kong turan habang napako ang aking tingin sa sahig.
Wala akong narinig mula rito. Sa halip, ingay mula sa pagbagsak ng kaniyang pinto ang kaniyang naging tugon. Napabuntonghininga na lamang ako.
"I think I deserve that," turan ko sa aking sarili. Hindi maipagkakailang galit pa rin ito sa akin dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko naman ito masisisi dahil sa pagkakataong ito, ako talaga ang may mali.
Akmang tatalikod na ako upang umalis nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto. Mabilis akong napalingon doon at agad kong namataan si Uncle Greyson na nakatayo roon. Sa pagkakataong ito, nakasuot na ito ng gray ng sweatpants at puting t-shirt. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkadismaya dahil hindi ko na muling masisilayan ang perpektong hubog ng kaniyang katawan. Sa edad nitong tatlumpu't pitong taong gulang, talaga namang napakaganda pa rin ng katawan nito. Halata mong batak sa gym.
"Come in," wika nito kasunod nang malawak nitong pagbukas ng pinto.
Muli akong binulabog ng kaba habang kung anu-anong bagay na naman ang tumatakbo sa aking isip habang papasok ako sa kaniyang kuwarto. Agad na bumungad sa akin ang malaki nitong kama. Erotic thoughts of me and Uncle Greyson while we were entangled around the sheets.
Marahas kong pinilig ang aking ulo upang palisin ang mga hindi kaaya-ayang isipin na iyon. Agad kong pinagalitan ang aking sarili. Muntik na ngang may mangyaring hindi maganda sa akin kagabi tapos ngayon ay kung anu-ano nang malalaswang isipin ang tumatakbo sa aking utak.
"You're saying?" saad nito.
Mabilis akong napalingon sa kaniya na kasalukuyang nakatayo sa may kaliwang bahagi ng silid habang magkakrus ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib.
"I-I wanted to apologize about what happened last night. Walang kasalanan ang iba sa nangyari. Everything was on me. Kaya kung may dapat kang parusahan, ako 'yon. I don't think it's fair to deduct their salary for my fault," wika ko. Laking pasalamat ko na nagawang kong tapusin ang lahat ng nais kong sabihin bago pa ako mautal.
"You're all grown adults here. Alam nila kung anong kabayaran sa mga pagkakamali nila. Don't worry, you'll get your punishment in due time," saad nito.
"Eh, 'di ibawas mo na lang sa allowance ko 'yong mga ibabawas mo sa mga sahod nila."
Ngumisi ito saka matiim na tumingin sa akin. Mariin akong napulunok dahil sa kakaibang init na dulot ng kaniyang mga titig.
"May I remind you that you just graduated, Harper. I don't think you still have an allowance."
Mas lalong nanghaba ang aking nguso nang marinig iyon. Bakit nga ba nawala sa isip ko na graduate na nga pala ako. Napabuga ako nang malakas na hangin.
"How about I'll pay you when I got my first salary?"
"You're already counting your chickens when you haven't even got your eggs," saad nito.
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na naiwasang mapairap sa hangin dahil sa inis. Para kasing lahat na lamang ay may sagot ito.
"Then, what do you want? I'll do anything, say it. Just leave the rest out of this," giit ko.
"Anything?" nanunubok nitong tanong.
Mariin akong napalunok dahil sa paraan ng pagkislap ng kaniyang mga mata habang sinasabi 'yon. I'm not sure if it was just me or I really saw a hint of flirtatious attitude.
"A-Anything," sagot ko habang pilit na pinapalakas ang aking loob.
Ilang minuto ring kaming nagtagisan ng titig hanggang sa ito rin ang unang sumuko. Napangiti ito habang marahang umiling-iling.
"You're such a spoiled brat," komento nito. "You're not going to let this go, are you?"
"No. I will not leave this room until I have your word," tugon ko.
"Are you sure that's a good idea? Not leaving my room?"
Saglit akong natahimik. Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong isagot sa kaniyang tinuran. May gusto ba itong ipahiwatig sa kaniyang mga salita? Bago pa man magtungo sa kung saan ang aking isip ay muli itong nagsalita.
"Fine, I'll think about it. We'll talk about this further later. For now, go back to your and get dress. I'll take you to shopping," wika nito.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil sa knaiyang naging sagot. Bagama't hindi pa iyon isang malinaw na pagsang-ayon sa nais kong mangyari, kahit papaano ay hindi nito tahasang tinanggihan ang aking alok.
"Shopping? For what? Sa pagkakaalala ko, puno pa naman ang cabinet ko. I don't need new clothes," kunot-noong turan ko.
"You said you're going to start working next week, right? I bet you haven't had single office clothes in your closet," wika nito.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa inis. Bakit ba lagi na lamang s'yang tama? Parang imposible ata akong manalo sa diskusyon sa kaniya. Dala marahil iyon nang malayong agwat ng aming edad.
"Okay, fine," wika ko kasabay nang matalim na irap. "Magbibihis lang ako," paalam ko bago mabilis na lumabas ng kaniyang silid.
Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan kong mailapat ang pinto ng kaniyang silid. I'm starting to think that offering him to stay here with me was a bad idea. Pakiramdam ko ay may hindi magandang kahihinatnan ang pagsasama namin sa iisang bubong. Wala pang isang araw ngunit kung anu-anong mga bagay na ang naglalaro sa aking isip. Paano pa kaya kung tumagal ito ng isang linggo, buwan, o taon.
"This is so wrong, Harper. Stop fantasizing about him!" saway ko sa aking sarili.
**************