Chapter 3

2072 Words
HARPER NAGISING akong masakit ang ulo at buong katawan. Malabo pa sa aking alaala ang nangyari kagabi. Minasahe ko ang aking sentido habang pilit na binabalikan ang kaganapan sa party. Napadilat ang aking mga mata nang bumalik sa aking alaala ang trahedyang muntik ko nang sapitin sa kamay ng aking kasintahan, o mas mabuti sigurong sabihing dating kasintahan. There's no way in hell that I'll get back to that scumbag after stint last night. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan at sinubukang palisin ang hindi magandang alaala na dulot ng nangyari kagabi. Napakunot ang aking noo nang maamoy ang kakaibang pabango. Dumilat akong muli at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kama. Higit iyong malaki at malawak. Kulay itim din ang kulay ng punda at kumot sa kamang iyon, taliwas sa aking silid na punung-puno ng kulay luntian na siyang aking paboritong kulay. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko kung saang kuwarto naroon. "Argh! My head," reklamo ko sa aking sarili. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naisipan kong lunurin ang aking sarili sa alak kagabi. "Had fun last night?" turan ng isang baritonong tinig mula sa sulok ng malaking silid. Agad na gumapang ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang malagong na tinig ng isang lalaki. Siguradong hindi iyon tinig ni Thomas o 'di naman kaya ni Roland. Tanging isang tao na lamang ang aking naiisip na maaaring magmay-ari ng baritonong tinig na iyon. Mariin akong lumunok at dahan-dahang luminga sa pinanggagalingan ng tinig. Agad kong nahigit ang aking hininga nang mamataan ko ang isang malaking bulto na nakaupo sa pang-isahang sofa na nakapuwesto sa may kaliwanag bahagi ng silid. He looks different from the last time I saw him. Bakas sa kaniyang mukha ang ilang taong lumipas. Hindi ko lubos na matandaan kung ganito na ba siya katikas at kaguwapo noong una kaming magkita. Kapansin-pansin ang isang baso ng alak sa kaniyang kamay habang matiim siyang nakatitig sa akin. Bagama't nilukob ng takot at kaba ang aking dibdib, pinilit ko pa ring maging matapang upang harapin ito. "U-Uncle Greyson..." una kong sambit. Calling him "uncle" feels so wrong in so many ways. Hindi ko maipaliwanag ngunit hindi ako komportableng tawagin siyang uncle. But I still did anyway. "Harper..." tugon nito. "H-How long have been there?" nauutal kong tanong. "Not long enough," he vaguely answers. "Did you come home last night?" muli kong tanong. "No, I just came home this morning," payak nitong sagot. Muling nabalot ng katahimikan ang aming paligid. Hindi ko magawang kumilos. Nanatili lamang akong nakaupo sa ibabaw ng kama at pinagmamasdan ang pagod nitong mukha. Tila wala pa itong matinong tulog base sa itim na bilog sa ilalim ng kaniyang mga mata. Laking pasalamat ko nang ito na ang naunang bumasag ng katahimikan. Bahagya pa akong kinabahan nang bigla itong tumayo. "Go back to your room. Fix yourself. I'll meet you downstairs for breakfast," malamig nitong utos bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi ko namalayang kanina ko pa pigil ang aking hininga. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan nang maglaho ang kaniyang pigura. Patakbo kong tinungo ang pinto at dali-daling lumabas ng silid upang bumalik sa aking kuwarto. Pakiramdam ko ay hinahabol ako ng isang libong kabayo. Habol ko ang aking hininga nang makarating ako sa aking silid at tuluyan kong maisarado ang pinto. Nanghihina akong napasandal sa pinto at nanlalambot ang aking tuhod na naupo sa sahig. For years, I have been playing a scenario on how our first meeting will go after a long time. I never imagined that it would be this nerve-wracking. He has this effect on me that I can't explain. Ang kaniyang kulay tsokolateng mga mata ay tila nangungusap. That man was practically stranger to me, but I don't understand how he managed to make me feel flustered without doing anything. * * * * MATAPOS kong maligo ay agad akong nagbihis. Wala akong lakad ngayong araw dahil kakatapos lamang ng graduation at sa susunod na linggo pa ang simula ng unang araw ko sa trabaho. Nagsuot lamang ako ng maikling maong na short at kulay puting t-shirt na humukab sa aking kurba. Hindi ako madalas mag-makeup sa loob ng bahay ngunit sa mga oras na iyon ay naisipan kong maglagay kahit kaunti upang magkaroon ng kulay ang aking mukha. Tinuyo ko ang aking kulot at mahabang buhok gamit ang hair blower. Magtapos kong mag-ayos ay muli kong sinulyapan ang aking kabuuan sa harap ng mahabang salamin. Nang makuntento ako sa aking itsura ay saka ako nagdesisyong lumabas ng aking silid. Makailang ulit pa akong humugot nang malalim na hininga bago tuluyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa komedor upang mag-almusal. Kapansin-pansin ang katahimikan sa loob ng dining area nang pumasok ako roon. Kasalukuyang nakaupo si Uncle Greyson sa may gitna at dulong bahagi ng mahabang lamesa. Sa tabi nito ay nakalatag ang isang malinis na pinggan na kung hindi ako nagkakamali ay inahanda nila Manang Guada para sa akin. Noong wala pa si Uncle Greyson dito ay sabay-sabay kaming lahat kumain ng agahan. Kaya naman nakakapanibagong kami na lamang ni Uncle Greyson ang makasama sa hapag-kainan. Saglit akong luminga-linga sa paligid. Ang ibang mga kasambahay ay mailap ang mga mata sa akin at nananatiling nakayuko ang kanilang mga ulo habang pinagsisilbihan si Uncle. "Manang Guada, kain po tayo," aya ko rito. "Hindi na, Harper. Mamaya na lang kami at marami pa kaming gagawin," sagot ni Manang Guada. Sumenyas pa ito sa akin upang umupo na ako sa harap ng lamesa at saluhan si Uncle Greyson na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo at humihigop ng mainit na kape. Who does that? May nagbabasa pa pala ng newspaper sa panahon ngayon? Tahimik akong umupo sa kanang bahagi ng kinauupuan ni Uncle Greyson. Muli kong sinulyapan si Manang Guada at ang iba pang mga kasambahay. Kapansin-pansin ang pananahimik ng mga ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nadamay ang mga ito sa galit ni Unlce Greyson dahil sa nangyari kagabi. "G-Goodmorning, uncle," nauutal kong bati rito matapos kong makaupo. Hindi ito sumagot ngunit agad nitong tiniklop ang hawak nitong diyaryo saka umayos ng pagkakaupo. "Let's eat," malamig nitong turan saka sinimulang sumandok ng pagkain at iniligay iyon sa kaniyang plato. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Tanging mga tunog ng kubyertos ang namamayani sa paligid. Panaka-naka akong sumulyap sa kaniyang direksyon. Nakatutok ang atensyon ni Uncle Greyson sa kaniyang pagkain dahilan upang magkaroon ako ng layang pagmasdan ang guwapo nitong mukha. The pictures from the magazine and news didn't give him any justice. Hamak na labis itong mas guwapo at mas makisig sa personal. Wala sa sariling bumaba ang aking mga tingin sa mapupula niyang mga labi. I didn't know what got into me, but I suddenly felt an unknown emotion crawling into my system just by looking at those red and luscious lips. Huli na nang namalayan kong kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Napasinghap ako at nanlaki ang aking mga mata nang bigla itong lumingon sa aking gawi at mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Dali-dali akong umiwas ng tingin at ibinaling ang aking atensyon sa aking pinggan. Abot-abot ang aking dasal na huwag sana nitong punain ang ginawa kong pagtitig. "So, how's your graduation?" tanong nito. Napapitlag ako sa biglaan niyang tanong at mabilis na napabaling sa kaniya. Hindi ko agad nagawang sumagot. It took me a few more minutes to finally compose myself and answered. "It's fine. By the way, thank you for the gift. I texted you yesterday. Natanggap mo ba?" "Yes, I did," payak nitong sagot. Ilang minuto itong nanahimik bago muling nagsalita. "What's your plan?" "I have one last week to submit all my pre-employment requirements before I start," sagot ko. "You got a job already? Good. I guess Scarlett forgot to mention it," turan nito. Si Scarlett ay ang sekretarya nito na madalas kong makausap sa tuwing may kailangan ako sa kaniya. "I didn't apply in your company, if that's what you mean by that," turan ko. Bahagya itong napatigil. Madilim ang mukha nito nang mapalingon ako sa kaniyang gawi. "And why not?" This is my only chance to say my piece. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito magtatagal dito kaya't sasabihin ko na ang gusto kong sabihin habang may pagkakataon. Humugot ako nang isang malalim na hininga bago sumagot. "I'm grateful for all your help, uncle. Hindi ko man alam kung anong tunay na dahilan kung bakit mo ako tinulungan, pero habambuhay ko pa ring tatanawing malaking utang na loob iyon. Pero ngayong nakapagtapos na ako ng pag-aaral, sa tingin ko oras na para pagbayaran ko ang lahat ng ginawa mong pagtulong. Matatagalan siguro bago ako tuluyang makabawi pero pipilitin ko," wika ko. "No one asked you to pay for it, Harper. And if you really insist on paying me back, then you should have applied a job at my company," kunot-noong turan nito. "I know. Pero gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi habangbuhay ay nakasandal ako sa 'yo. Kung may mararating man ako sa trabahong ito, gusto ko dahil sa sarili kong pagsusumikap at hindi dahil sa tulong mo," giit ko. "That's the most absurd reason I've ever heard in my entire life." Mapakla itong tumawa. "The answer is no," mariin nitong turan. Nalukot ang aking mukha dahil sa inis. Alam kong hindi magiging madali ang pagpayag niya ngunit hindi ko inaasahang agad-agad niyang kokontrahin ang plano. "I'm not asking for your permission. I think I'm old enough to know what's right for me," matapang kong turan. Ngumisi ito saka matalim akong tinitigan, "Katulad ng desisyon mong lunurin ang sarili mo sa alak kagabi kaya muntik ka nang mapahamak?" Agad akong natigilan. Parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan. Hindi ko agad nagawang sumagot. It feels like a trap that he laid out for me, and I willingly walk into it. Kanina ko pa iniisip kung kailan niya bubuksan ang paksa tungkol doon. But as usual, he did it when I least expected it. Mariin akong napalunok. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pilit na nag-iisip kung anong maaari kong isagot sa kaniya. Just when I was trying to make a point, he would say something that would corner me and left me speechless. Sa huli ay pinanindigan ko na lamang ang aking desisyon at piniling huwag sagutin ang kaniyang huling sinabi. "Buo na po ang desisyon ko, uncle. Sa isang linggo na ako mag-uumpisa sa trabaho," turan ko. Matiim itong tumitig sa akin. Sinubukan kong labanan ang kaniyang matatalim na tingin ngunit sa huli ay ako rin ang unang sumuko at nag-iwas ng tingin. Narinig ko na lamang ang malakas niyang pagbuga ng hangin bago ito muling nagsalita. "Fine. If that's what you want. I'm giving you a year to work in that company. After that, you'll resign and work with me. I want you to start learning how the operation works and help me manage it," wika nito. Bahagya akong naguluhan dahil sa huli niyang sinabi. Ngunit sa kabilang banda ay para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagpayag nitong magtrabaho ako sa ibang kompaniya. Kaya naman nagpasya akong huwag nang usisain pa ang tungkol sa huli niyang sinabi. "T-Thank you, uncle," saad ko. To lighten up the mood, sinubukan kong ilihis ang paksa. "How long are you going to stay here, uncle?" "I'm not sure. A month, probably," tugon nito saka ipinagpatuloy ang pagkain. "I already booked a hotel. I just dropped by to check on you after I heard what happened last night." "Hotel? Why?" gulat kong tanong. Bahagyang napalakas ang aking boses kaya't natigilan ito sa pagsubo. "What do you mean why?" "I-I mean, why are you going to stay in a hotel when you have a huge house. You have a room upstairs. You don't need to get a hotel," kunot-noong turan ko. "If you're worried about me, I'll be fine. Kung mayroon mang may karapatan na manirahan dito, ikaw 'yon," giit ko. Nanatili itong nakatitig sa akin. Kapansin-pansin ang biglaang paglukob ng lungkot sa kaniyang mukha. Maya-maya pa ay bumuga ito nang malakas ng hangin bago sumagot. "Okay, if it's fine with you. Then, I'll stay here." Ngumit ako bilang tugon. Bigla akong nakaramdam ng pananabik sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang kakaibang damdaming lumulukob sa aking dibdib. Muli kong ibinalik ang aking buong atensyon sa pagkain. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD