Chapter 5

1774 Words
HARPER NAGSUOT lamang ako ng isang simpleng bestida na abot lamang sa kalahati ng aking hita. Bulaklakin ang disenyo noon at medyo mahaba ang manggas, ngunit may kababaan nga lamang ang cleavage nito kaya't medyo nahahantad ang aking dibdib. Nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong magpalit ng damit lalo na't si Uncle Greyson ang makakasama ko sa araw na ito. Ngunit sa huli ay hindi na rin ako nagpalit. Hindi naman mukhang malaswa ang aking suot kaya sa tingin ko ay walang masama kung iyon ang aking susuotin para sa lakad namin ngayong araw. Pinaresan ko na lamang iyon ng flat sneakers upang maging komportable ako sa paglilibot mamaya. Matapos kong magbihis ay tumapat ako sa harap ng aking vanity mirror. Bahagya akong naglagay ng kaunting kulay sa aking mukha. Hindi ako madalas mag-makeup ngunit sa pagkakataong ito ay nais kong maging kaaya-aya sa paningin niya. Matapos kong sulyapan ang aking sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon ay agad na rin akong lumabas ng aking kuwarto. Nang makalabas ako ay panay ang sulyap ko sa pintuan ng kuwarto ni Uncle Greyson. Nanghahaba na ang aking leeg sa kakasilip nang biglang may magsalita mula sa aking likuran. "What are you doing?" tanong ng bartinong tinig mula sa aking likuran. Napapitlag ko dahil sa pagkabigla at hindi ko na namalayan ang mga salitang lumabas sa aking bibig. "Ay! T1ti ng kabayo!" sigaw ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay agad na sumalubong sa aking ang lukot na mukha ni Uncle Greyson. "What's with the profanity, Harper? I hope hindi 'yan ang mga natutunan mo sa school," masungit nitong turan. Matalim akong napairap upang itago ang aking pagkapahiya. "You shouldn't sneaked into someone's back, you know?" "I wasn't sneaking. It wasn't my fault that you're too busy to notice my presence," tugon naman nito. Napanguso na lamang ako nang tumalikod na ito bago ko pa makuhang sumagot. Hindi ko pa rin talaga makuha ang timpla ng hilaw kong uncle. Kung tutuusin ay napakabait nito dahil sa lahat ng naitulong niya sa akin sa kabila ng katotohanang hindi naman niya ako obligasyon. Pero ngayong kaharap ko na ito ay tila walang pagsidlan ang kasungitan nito. Ni minsan ay hindi ko pa ata ito nakitang ngumiti simula nang dumating ito. Napairap na lamang ako sa hangin bago sumunod dito. Sabay kaming bumaba ng hagdan at agad na sumalubong sa amin si Manang Guada. "Magandang tanghali, Sir Greyson. Magandang tanghali, Harper," bati niya sa aming dalawa. "Ipapahanda ko na ba ang inyong tanghalian?" tanong nito kay uncle. "No need. We're going out for lunch, and probably, dinner as well. Huwag ka nang mag-abala," walang emosyon nitong turan. Dumiretso na ito sa labas. Akmang susunod na ako rito nang marahang pigilan ni Manang Guada ang aking braso upang magtanong. "Saan daw kayo pupunta?" usisa nito. Mahina akong napatawa dahil mukhang interesadong-interesado ito sa aming lakad. "Mamimili raw po kami ng mga damit pang opisina," sagot ko. "Ahhh..." wika nito kasabay nang marahang patango-tango na tila ba may iba itong ibig sabihin. Bago ko pa man makuhang magusisa sa reaksyon ni Manang Guada ay narinig ko na ang pagdating sa akin ni uncle. Dali-dali akong lumabas ng bahay upang puntahan ito. Naabutan ko itong nakatayo sa harap ng kotseng iniregalo nito sa akin noong graduation ko. Bigla akong nasabik dahil sa pag-aakalang ako ang magmamaneho ng sasakyan kaya't iyon ang ipinahanda niya. "Where's the key?" tanong ko rito. "What key?" kunot ang noong tanong nito nang bumaling ito sa akin. "Hindi ba't regalo mo sa akin ang kotseng 'to? Ibig sabihin pinapayagan mo na akong magmaneho. Kaya mo nga 'to pinakuha, 'di ba?" "Not on my watch," maikling nitong sagot. "Pumasok ka na sa passenger seat," utos pa nito. Agad na gumapang ang inis sa aking dibdib. Sa halip na sundin ang gusto nito ay pinagkrus ko ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib saka nananatili sa aking kinatatayuan. Akmang papasok na ito sa loob ng kotse nang mapansin niya ang ako. Mas lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo nang mabalingan niya ako. "Get in the car, Harper," utos nito. "No," pagsuway ko sa kaniyang utos. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagkuyom ng kaniyang kamao na tila ba nagtitimpi. Maya-maya pa ay mariin itong pumikit kasabay nang malalim na paghugot ng hininga. Nang idilat nito ang kaniyang mga mata ay bahagya na itong kalmado. "What's the problem?" tanong nito. "You made me get my driver's license, but you never even let me drive. Tuwing lalabas na lang ako, palaging may driver. Pagkatapos ngayon binilhan mo naman ako ng bagong kotse, pero hindi mo pa rin ako pinapayagang magmaneho. Eh, para saan pa ang mga 'yan?" inis kong saad. "Those are just precautions just in case there's some instances that you need to drive. Pero habang mayroong maaaring magneho para sa 'yo, hindi ka hahawak ng manibela," katwiran nito. "Then, I'm not going inside that car until you let me driver, uncle," matapang kong hamon dito. Ilang minuto rin itong nakipagsukatan ng titig sa akin. Ngunit sa huli ay ito rin ang unang bumawi. "Fine," wika nito sabay hagis ng susi sa akin. "Really?" nagagalak kong saad. Agad akong napangiti matapos kong masalo ang susi ng sasakyan. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman. Ito kasi ang unang pagkakataong makakapagmaneho ako ng sasakyan bukod sa driving lesson na kinuha ko ng ilang linggo upang makakuha ako ng lisensya. I could have taken the minimum hours of requirement but he insisted that I should take the thirty-hour session. Nauna na itong pumasok sa loob ng sasakyan. Dali-dali naman akong sumunod at agad na pumuwesto sa driver's seat. Hindi pa man nag-iinit ang aking puwitan sa upuan ay muli akong nakarinig ng reklamo mula kay Uncle Greyson. "What are you wearing?" tanong nito. "Ahhh...a dress?" naguguluhang tugon ko. Halatang hindi nito nagustuhan ang aking sagot. Subalit hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon. "Go back inside and change," utos nito. "But why? Kanina ko pa 'to suot at kanina mo pa rin 'to nakita. Tapos ngayon kung kailan paalis na tayo saka mo ako pagpapalitin," nakangusong reklamo ko. "Yeah. That's before I knew how short your dress is," paliwanag nito. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napakunot-noo at bumaba ang aking tingin sa aking suot na bestida. Bahagya iyon umangat dahil sa aking pagkakaupo kaya't higit sa kalahati na ng aking hita ang nakahantad. "Tss! Para 'yan lang pala. I don't want to change. Saka ito ang uso ngayon, uncle," giit ko. "Harper, I'm going to count one to---" Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Automatic naman ang makina nito kaya't hindi ako nahirapang gamagin ang pagpapatakbo. Ngunit dahil hindi pa ako sanay ay medyo madiin ang pagtapak ko sa accelerator. "Harper!" sigaw ni uncle kasabay nang mahigpit nitong paghawak may pinto ng sasakyan na tila anumang oras ay bubuksan iyon at lalabas doon para iligtas ang kaniyang buhay. "Uncle, relax..." natatawang turan ko habang pinagmamasdan itong unti-unting maglaho ang kulay sa kaniyang mukha. "Stop the car. Ako na ang magda-drive. Baka maaga akong mamatay dahil sa 'yo," reklamo nito. "No. Wala nang bawian. Pinayagan mo na akong mag-drive. So, just sit back, relax, and enjoy the ride," nakangising turan ko saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Akala ko ay kampante na ito kaya ito natahimik ngunit muntik na akong mapabunghalit ng tawa nang mapabalingan ko itong halos hindi na gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan dahil sa takot. Bahagya lamang itong kumalma nang makarating kami sa main road nang walang nangyayaring masama. "See, I told you. I know how to drive," kumpiyansang turan ko. Tumaas ang isang kilay nito nang lumingo siya sa aking gawi. "Yes, you definitely know how to drive. But you aren't a good driver," wika nito sabay turo sa may bintana. Kunot-noo kong sinundan ang direksyon ng kaniyang kamay at napangiwi ako nang makita ko ang kumakaway na traffic enfoncer. Natampal ko ang aking noo saka marahang itinabi ang sasakyan at saka huminto. "Chief...good afternoon po," bati ko kasabay nang isang matamis na ngiti matapos kong ibaba ang bintana ng sasakyan. "Ma'am, beating the red light po kayo. Pakilabas na lang po ng lisensya at rehistro n'yo," turan ng traffic enforcer na sumita sa akin. Agad kong kinuha ang mga iyon saka mabilis na inabot sa lalaki. "Chief, pasensya na po kayo. Ito po kasing tatay ko kailangan kong isugod sa ospital. Medyo sumisikip po ang didbib," pagdadahilan ko. Bumaling ako sa gawi ni uncle saka ito pinandilatan ng mata. Nang muli akong lumingon sa gawi ng traffic enforcer ay nahuli ko itong nakatingin sa aking nakahantad na hita. Pasimple akong napairap sa hangin. Mga lalaki nga naman. Mas lalo ko na lamang pinag-igi ang aking pagpapa-cute para hindi na niya ako ticket-an. "Ah...sige, ma'am. Papalampasin ko po muna dahil mukhang emergency po talaga ang sitwasyon n'yo. Pakilagay na lang po ng numero n'yo rito para kung sakaling magkaroon ng problema," wika nito sabay abot ng kapirasong papel at ballpen. Muntik na akong mapangiwi dahil sigurado akong dahilan lamang niya iyon upang makuha ang number ko. Inabot ko na lamang iyon at saka nanghula ng mga numerong ilalagay roon. Matapos iyon ay agad na rin naman niya kaming pinaalis at hindi na binigyan ng ticket. Dali-dali kong pinaarangkada ang sasakyan dahil baka bigla pang magbago ang isip ng mamang 'yon. Mga ilang kanto pa lamang ang aming tinatakbo nang magsalita si Uncle Greyson. "Itabi mo, ako na ang magmamaneho," malamig nitong saad. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakipagtalo. Baka mamaya ay mahuli na naman ako at hindi na umubra ang kagandahan ko. Itinabi ko ang sasakyan at saka mabilis kaming nagpalit ng puwesto. Nauna akong nakasakay sa loob kaya't dinig na dinig ko ang malakas na pagsara nito ng pinto. Halatang masama na ang timpla nito. "Are you mad?" tanong ko. "Bakit ka ba nagagalit? Hindi naman tayo nabigyan ng ticket, ah." "Yes, I'm mad," diretsang sagot niya. "Ano bang ikinagagalit mo, ha?" usisa ko. "Honestly, I'm not really sure whether I'm mad because you told him I was your father or because that enforcer believed that I was your father," masungit nitong saad. Mahina akong natawa nang malaman ko ang dahilan nang pagsusungit niya. "Sus! Dapat nga matuwa ka kasi may maganda kang anak na katulad ko," wika ko saka matamis na ngumiti. Umismid ito. "Not gonna happen," malamig nitong tugon bago muling itinuon ang kaniyang atensyon sa kalsada at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Ako naman ay bigla na ring natahimik at hindi malaman kung anong dapat kong maramdaman sa kaniyang sinabi. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD