HARPER
INABALA ko ang aking sarili sa pagpili ng mga damit upang makalimutan ang tensyong namumuo sa aming pagitan. Pilit kong pinalalahanan ang aking sarili na hindi tama ang aking mga iniisip.
May ilang mga pares ng pang-opisinang damit na akong napili. Isusukat ko na lamang ang mga iyon upang masigurong sakto ang yakap ng mga damit sa aking katawan.
Habang abala ako sa pagtingin ng mga damit na bibilhin ay napadako ako sa section kung saan naroon ang mga mamahaling mga bestida. Bagama't hindi iyon mga damit pang-opisina, naisipan ko pa ring tingnan ang mga disenyo ng mga damit doon. Halos lahat ng mga naka-display sa clothe rack ay mga sexy at daring na bestida. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Uncle Greyson. Abala pa rin ito sa pagbabasa habang nakaupo sa mahabang sofa.
Sumagi sa aking isip ang tinuran nito kanina. Do I really look that young for my age? Alam kong malaki ang agwat ng aming edad pero hindi naman ako gano'n kabata para maging anak n'ya. We're just fifteen years apart.
Napatingin ako sa mahabang salamin sa aking gilid. Napanguso ako nang makita ko ang aking kabuuan mula sa mahabang salamin. Isang bulaklaking bestida na may mahabang manggas ang aking suot. Mas lalo nga akong naging mukhang bata kumpara sa aking edad dahil sa disenyo ng aking suot. Kaya naman dali-dali akong pumili ng ilang bestida mula sa mga damit na nakadisplay. Nais kong isukat ang mga iyon upang mas lalo akong magmukhang mature. Hindi ko gusto na madalas kaming napapagkamalang magtatay.
Bitbit ang mga damit na nais kong isukat ay nagtungo na ako sa dressing room na malapit sa kinaroonan ni Uncle Greyson.
"Is that all you want?" tanong nito sa akin saka ibinaba ang hawak nito nang maramdaman niya akong dumaan sa kaniyang harapan.
"I'm going to try this out first. Then I'll decide which one am I going to get," sagot ko.
"You can buy everything you like, just so you know," paalala nito sa akin bago muling ibinalik ang kaniyang tingin sa binabasa.
Napairap na lamang ako sa hangin nang marinig ang kaniyang sinabi. Mukhang wala lang dito kung ubusin ko man ang laman ng shop na 'to. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa nang makita niya ang aking naging reaksyon.
Tumuloy na lamang ako sa loob ng dressing at saka isa-isang isinabit ang mga damit na aking isusukat sa sampayan na naroon sa loob. Mayroon ding isang malaking salamin na nakasabit sa dingding. Isa-isa kong hinubad ang aking mga damit hanggang sa tanging underwear na lamang ang natira. Mas madali kasi para sa akin ang magsukat kung naka-underwear lamang ako.
Inuna kong isukat ang mga pencil-cut skirt na aking kinuha. Buti na lamang at halos kasya at sakto lamang sa akin ang mga sample na aking kinuha. May ilang slacks pants din akong sinukat. Kumuha rin ako ng ilang pirasong blazer na siyang ipapares ko sa mga skirt at pants na aking kinuha. Halos ilang minuto rin ang aking itinigal ko sa loob ng dressing room bago ko lubusang maisukat ang lahat ng damit na aking kinuha.
Habang inililigpit ang mga iyon ay dumako ang aking mga mata sa ilang pirasong dress na aking kinuha kanina. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa mga iyon dahil sa pagiging abala ko sa pagsusukat. Habang tinitingnan ang mga iyon ay nadadalawang-isip ako kung kaya ko nga bang magsuot nang gano'n ka-daring na damit.
"Sabagay...isusukat lang naman," kumbinsi ko sa aking sarili.
Agad kong kinuha ang unang damit saka sinimulan iyong isukat. Isang itim na mini dress ang una kong isinuot. Mababa ang neckline noon kaya't talagang hantad ang dibdib kapag isinuot. Mayroon din itong zipper sa likuran na abot lamang sa kalahati ng aking likod kaya't halos nakahantad na rin ang aking likuran. Sinubukan ko ring alisin ang aking bra upang makita kung anong magiging itsura nito.
Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita. Sanay ako sa mga simpleng damit kaya't hindi ko akalaing malaking kaibahan ang magiging dulot sa aking itsura nang pagsusuot ng ganitong klaseng damit. Somehow, this dress makes me feel sexier. Sinubukan kong isara ang zipper sa likod upang lubusang makita ang kabuuan nito habang suot ko ngunit hindi ko iyon maabot. Sa pagpupumilit kong maisara ang zipper sa aking likuran ay hindi sinasadyang napatid ako sa hanger na nasa aking paanan dahilan upang bahagya akong matumba. Mabuti na lamang at hindi gaanong kalakihan ang dressing room kaya't napasandal lamang ako sa dingding at hindi tuluyang natumba. Subalit dahil doon ay lumikha iyon nang malakas na kalabog dahilan upang maalarma si Uncle Greyson na ilang dipa lamang ang layo mula sa dressing room.
"Harper! What's going on? Are you okay?" sigaw nito mula sa labas.
Ngunit bago pa ako makasagot ay mabilis na nitong nahila ang pinto ng dressing room. Nagulat pa ako nang bigla itong bumukas. Nakalimutan ko pala iyong i-lock kaya naman walang hirap niya iyong nabuksan.
Parehas kaming natigilan nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko kung paanong bumaba ang kaniyang tingin sa aking katawan. Bagama't may suot akong damit, hindi iyon naging sapat upang itago ang nakahantad na parte ng aking katawan. Ang kaniyang matiim na titig ay agad na naghatid ng init sa aking katawan. Napahapit ang aking hawak sa aking dibdib dahil kasalukuyan akong walang suot na bra.
"What happened?" seryosong tanong nito nang magbalik ang tingin niya sa aking mga mata.
"H-Hindi ko kasi maabot 'yong zipper ng damit ko kaya na-outbalance ako," nauutal kong paliwanag. Mariin akong lumunok upang tanggalin ang tila bikig sa aking lalamunan.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mabigat na pag-alon ng kaniyang dibdib. Pati na rin ang mariin niyang paglunok. Makalipas ang ilang segundong katahimikan ay muli itong nagsalita.
"Turn around," utos nito.
Tila ako nahihipnotismo sa kaniyang salita. Namataan ko na lamang ang aking sarili na sumusunod sa kaniyang utos. Marahan akong tumalikod gaya nang utos nito.
Halos pigil ko ang aking hininga habang pinakikiramdaman ang kaniyang presensya sa aking likuran. Wala sa sarili akong napapikit nang dumampi ang kaniyang mga daliri sa aking likuran habang marahan niyang isinasara ang zipper sa aking likuran.
"You do realize that this dress isn't appropriate for office, right?" Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking nakahantad na likod.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay napasinghap ako nang magtama ang aming mga tingin sa salamin na nasa aming harapan. Mariin akong napalunok bago sumagot.
"I-I wasn't planning on wearing this for work," kinakabahang paliwanag ko.
"Isn't this too revealing?" tanong niya saka bumabang muli ang kaniyang tingin sa aking damit.
May kakaibang kiliti ang gumapang sa aking katawan nang mamataan ko itong nakatitig sa aking dibdib. Bahagya akong nakaramdam ng init nang mapansin ko na mababakat mula sa manipis na tela ng aking suot ang tuktok ng aking dibdib.
"Most of the people my age wear this nowadays," paliwanag ko.
Tumalim ang kaniyang tingin dahil sa aking sinabi. "Nah. I don't like this. It's showing too much skin," saad nito.
Napasimangot ako nang marinig iyon. Mabilis akong bumaling upang harapin ito. "You don't have to like it. Hindi ko naman 'to isusuot para sa 'yo," wika ko saka matalim itong inirapan.
"Then, who? Para kanino mo balak isuot ang damit na 'yan? To your rap!st boyfriend?" nang-uuyam nitong turan.
Gumapang ang inis sa aking dibdib. Hindi ko nagustuhan ang pinupunto niya. Dahil sa inis ay mas pinili kong galitin ito.
"Thomas was just drunk kaya n'ya nagawa iyon. And if ever, I don't see anything wrong. Besides, we haven't broken up formally," wika ko. I didn't mean to defend Thomas in front of him. Naiinis lamang ako sa kaniyang sinabi kaya ko nagawa iyon.
It's too late when I realize the severity of what I did. Mapakla itong tumawa bago marahang humakbang papalapit sa akin dahilan upang awtomatiko akong mapaatras. Patuloy ang ginawa kong pag-atras hanggang sa tuluyan akong nasukol nang lumapit ang aking likod sa malamig na salamin. Mariin akong napalunok nang unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Halos mabingi ako sa lakas nang kabog ng aking dibdib sa pag-aakalang nais niya akong halikan. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkadismaya nang hindi iyon ang nangyari.
"Your relationship with him ended the moment he tried to lay his hands on you, Harper. So if you're thinking about reconciling with him, that's not going to happen. Not on my watch. He'll certainly regret it if he ever tried to go near you," banta nito. "I'm not a very patient man, Harper. Kaya huwag mo nang subukang sawayin ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin itong tumalikod at lumabas ng dressing room.
Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan akong mapag-isa sa loob ng dressing room. Being that close with him awaken feelings that I never knew existed. Nanumbalik ang aking alaala sa unang araw na nagtama ang aming mga paningin. Noon pa man ay alam ko nang may nararamdaman akong paghanga sa kaniya lalo na't hindi naman maipagkakaila ang angkin nitong kakisigan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nabaon sa limot ang mga damdaming iyon. Subalit sa muli nitong pagbabalik, tila may kung anong bagay ang muling nabuhay sa aking dibdib.
Mabilis kong ipinaling ang aking ulo upang iwaksi ang hindi kanais-nais na ideyang iyon. Uncle Greyson is like a forbidden fruit that I will never dare to pick. Mas mabuting habang maaga pa ay supilin ko na ang kung anumang damdamin ang nababadyang sumibol sa aking puso.
Malakas akong napabuga ng hangin bago sinimulang magbihis. Matapos kong isuot ang aking damit ay agad na akong lumabas bitbit ang mga damit na aking isinukat. Naabutan ko si Uncle Greyson habang nagsusukat ng isang bagong polo shirt.
"I'll take this," turan nito sa babaeng nasa kaniyang harapan.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis habang pinapanood ang babae na inaayos ang kuwelyo ng suot na damit ni uncle. Alam kong ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho ngunit hindi maipagkakaila ang malalagkit nitong tingin kay Uncle Greyson habang ina-assist ito.
"Akala ko ba pinaalis n'ya ang mga tao rito?" bulong ko sa aking sarili.
"Are you done, miss?" tanong ng babae nang bumaling ito sa akin. Bagama't nasa akin ang kaniyang atensyon, hindi naman nito makuhang lumapit sa akin. "Please wait for a while. I'll be there with you shortly," wika nito saka matamis na ngumiti.
Sa halip na gumanti ng ngiti ay isang matalim na irap ang siyang itinugon ko rito. Saglit na napalis ang ngiti sa kaniyang mga labi ngunit agad din naman itong bumalik nang bumaling ang kaniyang tingin kay uncle.
"I'm good. Go on and assist her," utos ni uncle.
Bakas ang pagkadismaya sa mukha ng babae nang marinig ang utos nito. Dali-dali itong tumalima at lumapit sa akin.
"Alin po rito ang kukunin n'yo, miss?" tanong nito.
"Give me a new stocks of these," turo ko sa mga office attire na sinukat ko kanina. "Itong mga dresses, hindi na," tukoy ko sa mga sexy dresses na sinubukan kong isukat kanina. Bagama't isa pa lamang ang naisukat ko ay agad kong napagtanto na hindi ko rin naman talaga kayang magsuot nang gano'n ka-revealing na mga damit. Masasayang lang kung bibilhin ko tapos hindi ko rin naman susuotin.
"Good choice," nakangising komento ni uncle nang marinig niyang hindi ko na bibilhin ang mga damit na kanina lamang ay pinagtatalunan namin.
"Happy?" sarkastikong turan ko saka ito muling inirapan.
"Very," tugon nito bago inabot ang kaniyang card sa babae.
Pabagsak akong umupo sa malambot na sofa saka inis na pinagsalikop ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. Maya-maya pa ay umupo ito sa aking tabi habang hinihintay ang aming mga pinamili. Napalingon ako sa kaniyang gawi nang mapansin kong hindi na nito hinubad ang sinukat niyang polo shirt kanina. In fairness to him, he looks way younger in that shirt. Parang bumata ito ng sampung taon dahil doon. Mas lalong nangibabaw ang kagwapuhan nito.
Napasimangot ako dahil siguradong mas lalo itong pagtitinginan ngayon. Mas lalo lamang tuloy tumindi ang aking nararamdamang inis. Ilang minuto rin kaming naghintay bago tuluyang natapos ang mga ito sa pagbabalot ng aming pinamili. Napansin ko ring nagsimula nang bumalik sa loob ng shop ang mga nagtatrabaho roon pati na rin ang ilang mga customers.
"Here you go, sir. Thank you! Please come again," turan ng babae nang iabot niya kay uncle ang aming pinamili.
Napaismid ako dahil sa ginawang pagpapa-cute ng babae. Napangisi naman ako nang wala akong narinig na sagot mula kay Uncle Greyson. Sa halip, inabot niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad papalabas ng shop. Kahit nakalabas na kami roon ay hindi pa rin mawala ng inis sa aking dibdib. Hindi ko namalayang halos lukot na pala ang aking mukha dahil sa labis na pagsimangot.
Nagulat na lamang ako nang bigla kaming huminto sa paglalakad. Marahan niya akong hinila paharap sa kaniya. Bahagya itong yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong halos ilang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha.
"Maaga kang tatanda kung palagi kang nakasimangot," puna nito.
"Eh, 'di good. At least hindi na nila ako pagkakamalang anak mo," mataray kong saad bago ito matalim na inirapan upang itago ang kabang aking nararamdaman dahil sa pagkakalapit ng aming mga mukha.
Mahina itong tumawa saka tumuwid ng tayo at muling ginagap ang aking kamay. Nagsimula kaming maglakad habang magkasugpong ang aming mga kamay.
"Mukhang gutom ka na. Let's go find somewhere to eat," aya nito.
*************