Chapter 6

1995 Words
HARPER HINDI na katakatakang pagpasok na pagpasok pa lamang namin ng mall ay agad kaming naging sentro ng atensyon. Bakit nga naman hindi, magpapakamalan mo kasing modelo ang lalaking nasa aking tabi dahil sa tangkad at tikas ng kaniyang pangangatawan. Good for him, but not for me. Pahaba nang pahaba ang aking nguso sa tuwing may makakasalubong kaming mga babaeng kulang na lamang ay tumambling sa aming harapan para lamang mapansin ni Uncle Greyson. "Tss!" ismid ko kasabay nang matalim na pag-irap sa hangin. "What's wrong?" usisa ni Uncle Greyson sa akin nang mapansin niya ang pagkalukot ng aking mukha. "Wala," mataray kong sagot saka agad na binilisan ang aking lakad. Inilibot ko ang aking paningin habang naghahanap ng shop na maaaring puntahan. Binibilisan ko ang aking lakad upang hindi ko siya makasabay ngunit sadyang malalaki ang kaniyang mga hakbang kaya't kahit anong bilis ang gawin ko ay tila balewala lamang sa kaniya. "Will please slow down?" puna niya sa akin makalipas ang ilang minutong paglalakad. "Hindi mo kailangang sumabay sa akin kung napapagod kang maglakad nang mabilis," masungit kong tugon. "It's me that I'm worried about. Tingnan mo nga ang sarili mo, kanina ka pa hinihingal sa bilis ng lakad mo," turan nito. Noon ko lamang napansin na kanina pa pala ako naghahabol ng hininga. Marahil nakatuon sa ibang bagay ang aking atensyon kaya't hindi ko iyon namalayan. Napanguso na lamang ako sa labis na inis bago sinimulang bagalan ang aking lakad. Habang nagtitingin-tingin ay napadako ang aking mga mata sa isang mamahaling shop. Hindi ako ang tipo ng taong mahilig sa mamamahaling mga gamit. Lalo na't hindi ko naman sariling pera ang ginagastos ko. Ngunit sa labis kong inis ay naisipan kong gumanti kay Uncle Greyson. Balak kong pumili ng mamahaling mga damit dahil ito naman ang magbabayad noon. "Let's see how deep is your pocket, Mr. Dela Cuesta," bulong ko sa aking sarili. "You're saying something?" usisa nito. Matamis akong ngumiti habang patuloy na tumatakbo sa aking isip ang maitim kong plano. "Nothing, uncle. Shall we try this shop?" inosente kong tanong. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at nauna nang pumasok doon. Halata mong mamahalin ang mga tinda roon dahil halos kakaunti lamang ang makikita mong tao sa loob. Habang abala ako sa pamimili ng mga damit na balak kong isukat ay tahimik lamang na nakasunod si Uncle Greyson. Hindi pa man kami nagtatagal sa loob nang biglang lumapit sa amin ang isa mga sa sales associate ng shop. "Excuse me, sir. Would you like to sit and wait in our lounge while you're waiting for your daughter?" tanong ng babae habang kumikinang ang kaniyang mga matang nakatitig kay Uncle Greyson. "She's not my daughter," malamig na tugon ni Uncle Greyson. Hindi ko lubusang mawari sa kaniyang reaksyon kung hindi ba nito nagustuhan ang sinabi ng babae dahil nananatiling blangko ang kaniyang mukha. Hindi ko naiwasang mapangisi nang makita alanganing ngiti ng babae dahil sa pagkapahiya. May kapilyahan na namang pumasok sa aking isip at walang babala akong sumabat sa kanilang usapan. "Actually, he's my daddy...my sugar daddy," sabad ko. Ngumisi ako at lumingon kay uncle kasabay nang pagtaas ng aking kilay. Mariing kumunot ang noo ni Uncle Greyson nang marinig ang aking sinabi. "I-I'm sorry, ma'am. I-If you need any assistance, I can help..." "No. We're good. But thanks for the offer," wika ko saka pekeng ngumiti. Matapos kong sabihin iyon ay nakayukong nagpaalam ang babae saka bumaling sa ibang customer. "Why would you say that?" nakasimangot nitong tanong. "So you prefer that they assume you are my father? Well, be my guest," kibit-balikat kong tugon. "Do I really look like your father?" Mahihimig mo ang inis sa kaniyang tinig. "That's twice in a row and I'm pissed," dagdag pa nito. "I'll put my money on the suit. Sino bang pumupunta sa mall nang naka-suit? And the tie...urgh!" Ngumiwi pa ako upang mas lalong bigyang-diin ang aking pagkadisgusto roon. Pinaningkitan niya ako ng tingin at halata sa kaniyang mukha ang inis. Malayo ito sa blangko at walang ekpresyon niyang itsura kanina. "I think I'll take that lounge," wika nito saka mabilis na tumalikod. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang supilin ang ngiting nais kumawala roon habang pinagmamasdan ang malapad nitong balikat habang patungo sa lounge. Matatanaw mula sa aking kinatatayuan ang malaki at mamahaling sofa na nasa malapit sa dressing room ng boutique. Ipinagpatuloy ko ang pamimili ng mga damit na maaari kong suotin sa opisina. I'm not really fond of shopping. That's why I was kinda surprise that I'm enjoying choosing among these expensive garments. Ilang minuto rin akong nalibang sa pamimili nang hindi sinasadyang mapadako ang aking mga mata sa kinaroroonan ni Uncle Greyson. Kumunot ang aking noo nang mamataan kong may kasama itong babae at tila masaya silang nag-uusap. Tila customer din ito sa shop kagaya namin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis habang pinagmamasdan silang dalawa. Maganda, balingkinitan, at maputi ang babaeng kausap ni Uncle Greyson. Mahahalata mo sa kaniyang tindig na may sinasabi ito sa buhay. Her whole aura screams sophistication and elegance even from afar. Ang mga babaeng kagaya niya ang nababagay para kay uncle. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad tatlumpu't lima na si uncle. Just the right age to get married and have a family. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa itong asawa o 'di kaya'y girlfriend. What makes you think that he doesn't have a girlfriend? turan ng munting tinig sa aking isip. Wala akong alam na kahit anong bagay tungkol dito maliban sa kaugnayan niya sa aking ina. Subalit kahit iyon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga bang nakaraan ang mayroon ito at ang aking ina. Sinubukan kong ibaling ang aking atensyon sa pamimili ng mga damit ngunit sadyang hindi mapalis sa aking isip ang imahe nilang dalawa. Sa huli ay sumuko na rin ako at dali-daling nagmartsa papalapit sa dalawa habang bitbit ko ang mga damit na balak kong isukat. Naningkit ang aking mga mata nang tila hindi man lamang ako napansin ng dalawa kahit pa ilang minuto na akong nakatayo sa kanilang tabi. "Ahem!" I cleared my throat trying to catch their attention. Halos sabay silang napalingon sa aking gawi. "Are you done? Do you need my card?" tanong ni Uncle Greyson sa akin. "Oh, that's so sweet. Is she your daughter?" maarteng tanong ng babae. Akmang sasagot si Uncle Greyson nang mabilis ko itong inunahan. "No. And it's none of your fcking business," mataray kong saad. "Harper, language!" mariing saway ni uncle sa akin. Sa halip na magpatinag ay sinamaan ko lamang ito ng tingin. "I'm sorry about that," hingi nito ng paumanhin sa babae. "It's fine. I also have a teenage niece and she's exactly like her. Ganyan na yata talaga ang mga kabataan ngayon," wika nito. "At ganyan nga siguro ang mga matatanda ngayon," sabad ko naman. "For you information, manang, I'm already twenty two." Nanlaki ang mga mata ng babae sa gulat. Napanganga ito at hindi agad lubusang nakabawi sa pagkabigla. Hindi nito malaman kung anong sasabihin. "Harper!" muling saway ni uncle sa akin. "Why don't you go the counter and pay for that," utos nito sa akin sabay abot ng kaniyang card. "No need. Wala na akong balak bilhin 'yan. Ang papangit ng taste ng mga bumibili rito," wika ko habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa babae. Padabog kong ibinigay kay uncle ang bitbit kong mga damit saka walang babalang tumalikod at lumabas ng shop. "I'm so sorry." Narinig ko pang muli niyang hingi ng paumanhin sa babae bago nito tinawag ang aking pangalan. "Harper, wait for me!" hiyaw nito. Hindi ako nag-abalang lingunin ito. Dire-diretso lamang ang aking lakad kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko maipalawanag kung bakit gano'n na lamang ang inis na aking nararamdaman. Habang patuloy ako sa paglalakad ay naramamdaman ko ang presensya ni Uncle Greyson sa aking likuran at tahimik lamang na nakasunod. Makalipas ang ilang minuto paglalakad ay bahagya na akong kumalma. Unti-unting bumagal ang aking lakad dahil nagsisimula na rin akong kapusin ng hininga. Sa pagkakataong ito ay kasabay ko na siyang naglalakad sa aking tabi ngunit nananatili pa rin itong tahimik at walang kibo. Ngayon bahagya nang humupa ang aking emosyon ay unti-unting gumapang ang hiya sa aking katawan dahil sa aking ginawa kanina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang aking naging reaksyon nang makita ko silang dalawang tila masayang nag-uusap. "Do you feel better now?" tanong nito makalipas ang ilang minutong pananahimik. Nakanguso akong tumango habang nakatingin sa sahig. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya matapos ng ginawa ko kanina. "Now that I think about it, I think I probably know why they have been mistaking me to be your father," he said. Napaangat ako ng tingin at bumaling sa kaniya dahil interesado rin ako sa tinutumbok ng kaniyang sinasabi. "It's not because I was too old to be your father. The reason was probably because you look way younger than your age," natatawang paliwanag nito. Sa halip na matuwa ay mas lalo lamang akong nainis sa kaniyang paliwanag. "Well, good for you," sarkastikong turan ko kasunod nang matalim ng irap. Mahina itong tumawa dahil sa aking naging tugon. "Stop sulking. Come, let's go. We still have shopping to do," wika niya. Bahagya pa akong nagulat nang bigla niyang inabot ang aking kamay saka marahan akong hinila. May kiliting dumaloy sa aking katawan dahil sa pagkakadikit ng aming mga palad. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang hindi nito binitiwan ang aking kamay sa kabila nang ilang minuto naming paglalakad. Hindi na mahalaga sa akin kung saan pa kami pupunta. Ang nais ko lamang ay manatili pa kami sa ganitong posisyon nang mas matagal. Napasimangot ako nang makalipas lamang ang ilang sandali ay huminto kami sa harap ng isang mamahaling shop. Kasabay noon ay ang pagbitaw niya sa aking kamay. "We're here," anunsyo niya. "Ano ba 'yan? Wala na bang mas malayong shop?" bulong ko sa aking sarili. "You're saying something?" usisa nito nang hindi sinasadyang napalakas pala ang aking bulong. "Ah...eh...wala po. Sabi ko po baka mahal dito," pagsisinungaling ko. "Really? Eh, magkapresyo lang ito at 'yong pinasukan nating shop kanina," wika nito na halatang hindi naniniwala sa dahilan ko. "Ah...'lika uncle! Pasok na tayo. Mukhang magaganda mga damit dito," wika ko saka dali-daling naunang pumasok sa loob. Agad naman itong sumunod sa akin. Nakakailang hakbang pa lamang kami papasok sa loob nang agad kaming sinalubong ng mga tauhan sa shop. Bahagya pa akong nagtaka nang marinig ko ang sinabi ni uncle mula sa aking likuran. "Ask everyone to leave. I'll call you if we need anything," utos nito sa tila store manager ng shop. Mabilis akong napalingon dito habang halos lumuwa ang aking mga mata sa pagkagulat. Ngunit ang mas lalo kong ikinabigla ay nang walang tanong-tanong na sumunod ang mga ito at dali-daling lumabas ang hanggang sa kaming dalawa na lamang ang natira sa loob ng shop. "What's going on?" naguguluhang tanong ko. "Para walang istorbo," maiksing paliwanag nito kasunod nang muli niyang paghila sa aking kamay patungo sa lounge kung saan naroon ang isang mahabang sofa. Hindi ko alam kung bakit ngunit iba ang dating sa akin ng katagang iyon. Pakiramdam ko ay may gagawin kaming kasalanan. A lot of erotic things started swirling in every corner of my mind. Huli na nang mamalayan ko ang init ang unti-unting gumagapang sa bawat himaymay ng aking pagkatao. Saka lamang ako bumalik sa aking tamang ulirat nang muli itong magsalita. "Go on, roam around. Check if there's anything that suits your taste. If none, we can still go to another store," saad nito bago umupo sa sofa at dinampot ang isang broadsheet at nagsimulang magbasa. Ako naman ay natatarantang nagtungo kung saan naroon ang mga damit upang makalayo rito. Pakiramdam ko kasi ay tuluyan na akong mawawala sa aking katinuan kung mananatili pa ako roon. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD