Chapter 8

2308 Words
HARPER HALOS hindi rin ako nakakain nang maayos sa restaurant na aming pinuntahan ni uncle. Paano ba naman, kahit hanggang doon ay tampulan pa rin kami nang makahalugang tingin. "You're not eating. Didn't you like the food?" puna ni uncle sa akin nang mapansin nitong halos hindi ko ginalaw ang in-order kong pagkain. "The food is fine. It's them that I don't like," nakangusong turan ko. Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang aking tugon. Kasunod noon ay sinundan niya ng tingin ang direksyon ng aking mga mata. Kasalukuyan kasi akong nakatingin sa isang lamesa kung saan nakaupo ang apat na kababaihan. Kanina pa hindi mapakali ang mga ito habang panay sulyap sa gawi namin. Hindi ko kailangang hulaan kung sino ang tinitingnan ng mga ito sa aming table dahil halata namang na kay Uncle Greyson ang atensyon nila. Akala mo'y mga bulateng inasinan ang mga ito nang bumaling ng tingin si uncle sa kanilang gawi. "Why, what's wrong?" takang tanong ni uncle. Napasimangot na lamang ako dahil ko magawang sabihin sa kaniya ang dahilan nang pagsama ng aking timpla. Nang bumaling ako sa kabilang lamesa ay panay pa rin ang sulyap ng mga ito kay Uncle Greyson. Kasalukuyan kaming nakaupo sa magkabilang bahagi ng lamesa. Habang naniningkit ang aking mga mata sa inis ay bigla akong nakaisip ng paraan upang maiiwas si uncle sa mga tingin nila. Dali-dali akong tumayo mula sa aking kinauupuan saka lumipat sa tabi ni uncle. Bahagya pa itong nagulat sa biglaan kong paglipat ng puwesto ngunit wala rin itong nagawa kung 'di ang umusog upang magbigay ng espasyo para sa akin. Bahagya nang naikubli si uncle dahil sa akin. Nang bumaling akong muli sa kabilang lamesa ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanilang pagsimangot dahil sa aking inasal. Daig ko pa ang basketball player kung makabakod. Napangisi ako kasabay nang pagtaas ng aking isang kilay nang sinamaan ako ng tingin ng mga ito. Matalim ko lamang na inirapan ang mga ito bilang ganti. "What?" patay-malisya kong tanong nang mamataan ko siyang nakatitig sa akin. Malawak itong ngumiti na agad namang nagpabilis nang t***k ng aking puso. "Satisfied?" nakangiting tanong nito. Hindi man nito sabihin ngunit nababatid kong alam niya ang tunay kong intensyon sa paglipat sa kaniyang tabi. Matamis akong ngumiti bago sumagot. "Very." Masigla kong inumpisahang galawin ang aking pagkain. Habang tahimik kaming kumakain ay hindi ko maiwasang isipin na tila isa kaming magkasintahan na nagde-date. I know this is way far from being a date. But it feels good to think it that way. "Hmmm...this is good," wika ko habang nginunguya ang isang hiwa ng steak sa loob ng aking bibig. Bahagya pa akong pumikit upang namnamin ang lasa noon. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napasinghap ako nang ang magtama ang aming mga paningin. "You want one?" inosente kong tanong. Bago pa man ito sumagot ay nauna na akong naghiwa ng steak saka iyon isinubo sa kaniya. Saglit itong tumitig sa akin ngunit sa huli ay tumanggi rin ito. "No, thanks," tugon nito saka muling ibinalik ang tingin sa kaniyang pagkain. "Come on, try it. It's delicious. I swear," pagpupumilit ko habang pilit na inilalapit sa kaniyang bibig ang tinidor na mayroong steak. Hindi ito agad na nakaiwas kaya't tumama ang pagkain sa kaniyang bibig dahilan upang malagyan ito ng sauce mula sa steak. Out of instict, I immediately wipe the sauce from his mouth with my finger. Before I could even realize, I brought my finger into my mouth and suck it. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hilahin ang aking kamay papalayo sa aking mga labi. "What do you think you're doing?" he asked, staring at my eyes intently. Hindi ko agad nakuhang sumagot dahil kahit ako ay nagulat sa aking ginawa. "You're playing with fire, Harper. Stop it before you get burned," banta nito bago binitawan ang aking kamay at muling bumaling sa kaniyang pagkain. Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na kami muling nag-imikan hanggang makabalik kami sa sasakyan. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumutol nang siya na ang humawak ng manibela. Nanatili akong tahimik at nakamasid sa labas ng binta hanggang sa makauwi kami ng bahay. Bitbit ang aming mga pinamili ay dali-dali akong dumiretso sa loob ng aking silid. Hindi ko alam kung paanong muling haharapin si uncle matapos ang ginawa ko kanina. Nang makapasok ako sa loob ng aking silid ay pabagsak akong humiga sa ibabaw ng aking ama. "Nababaliw ka na talaga, Harper!" pagalit ko sa aking sarili. Makailang ulit kong gustong batukan ang aking sarili sa tuwing maalala ko ang aking ginawa. We practically kissed indirectly because of what I did. Habang nanunumbalik sa aking memorya ang nangyari ay wala sa sarili kong ginagap ang aking labi. I think I'm crazy for letting myself imagine how it felt to kiss his luscious lips. Ngunit bago pa man mapunta sa kung saan ang aking imahinasyon ay maagap ko nang sinaway ang aking sarili. "Stop! Stop! Stop! Hindi puwede ang iniisip mo!" Mabilis akong dumapa sa ibabaw ng kama at ibinaon ang aking mukha sa unan saka roon malakas na sumigaw. Pinili ko na lamang ikulong ang sarili ko sa loob ng aking kuwarto maghapon. Kahit nang dumating ang oras ng hapunan ay nagdahilan na lamang ako upang hindi bumaba sa komedor at makasabay si Uncle Greyson. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili si uncle rito sa bahay kaya't mas mabuti pang iwasan ko na lamang ito hangga't maaari. I don't like what I'm turning into since he arrived. Thinking about him in any manner other than a person who supports me is definitely wrong. Mabuti pang supilin ko umusbong na damdamin ko para sa kaniya. Nang lumalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko pa rin magawang alisin sa aking isip ang tungkol kay uncle. Higit pa roon, halos isang pader lamang ang pagitan ng aming mga silid. I can't help but think what he was doing right now. Mahimbing na kaya itong natutulog? Nasa kalagitnaan ako nang pagiisip sa tungkol kay Uncle Greyson nang biglang magsimulang kumulo ang aking tiyan. Bumalikwas ako ng bangon saka naisapang bumaba ng kusina upang maghanap ng makakain sa loob ng refrigerator. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking silid. Maingat ang bawat kong kilos. Siniguro kong hindi iyon gagawa ng kahit anong ingay na maaaring makakuha ng atensyon ng sinuman sa loob ng bahay. Madilim na ang paligid. Tiyak na natutulog na lahat. Napalingon ako sa pinto ng silid ni uncle. Sarado iyon ngunit may naaninag pa akong ilaw mula sa loob, indikasyon na maaaring gising pa ito. Dahil doon ay mas lalo kong iningatan ang bawat kong kilos upang hindi nito marinig ang paglabas ko ng silid. Halos pigil ko ang aking hininga habang marahan at maingat ang bawat kong hakbang patungo sa unang palapag kung saan naroon ang kusina. Nang buksan ko ang ref ay napagpasyahan kong magprutas na lamang. Masyado nang malalim ang gabi para kumain pa ako ng kanin. Kailangan ko lamang ng kahit anong maaaring makapawi ng aking gutom. Kumuha ako ng isang bungkos ng ubas at saka iyon hinugasan. Pagkatapos ay iniligay ko iyon sa isang maliit na mangkok bago kumuha ng isang basong orange. Naisapan kong sa may pool na lamang kumain upang makalanghap na rin ng isang sariwang hangin. Bitbit ang inihanda kong pagkain ay naglakad na ko patungo sa may gilid ng pool. Pinili kong pumuwesto sa may bandang dulo dahil mas malambot at upuan doon. Bahagyang natatakpan ng matataas na halaman ang bahaging iyon. Hindi pa man nag-iinit ang aking puwitan sa pagkakaupo nang makarinig ako ng kaluskos mula sa pinto ng bahay. Nanlaki ang aking mga mata nang mamataan ko kung sino ang lumabas mula sa pinto. It was Uncle Greyson. Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong grapes nang makita kong unti-unting hinubad ni uncle ang kaniyang damit hanggang sa tanging swimming trunks na lamang ang natira. Mas lalong namilog ang aking mga mata nang mag-dive ito sa pool. I'm not sure why, but I just found myself hiding behind the bushes. Daig ko pa ang mambabaso dahil sa ginawa kong pagtatago. Nakailang ulit itong nagpabalik-balik ng langoy sa mahabang pool. At halos malaglag ang aking panga nang bigla itong umahon mula sa tubig. Kitang-kita ko kung paanong pumapatak ang mga butil ng tubig sa matipuno nitong katawan. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinapanood kung paano niya idampi ang towel sa bawat parte ng kaniyang katawan. Habang pinapanood ang tila modelong pagrampa ni uncle sa tabi ng pool ay hindi ko namalayang inuumpisahan na pala akong papakin ng mga langgam sa sulok na aking pinagtataguan. "Fck! Fck! Fck!" mahina kong mura habang pilit na pinapagpag ang mga langgam na kumakagat sa aking paa at binti. "Who's that? Is someone there?" narinig kong turan ni Uncle Greyson. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa labis na kaba. Nagsisimula na akong mataranta kung paano kong lulusutan ang aking sitwasyon. "Fck! Bahala na!" muli kong bulong. "May tao ba d'yan?" ulit na tanong nito. Mariin akong pumikit saka lumikha ng ingay. "Meow..." Gusto kong batukan ang aking sarili dahil doon. Abot-abot ang aking dasal na sana ay maniwala itong pusa lamang ang pinanggalingan ng ingay. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng t***k ng aking puso dahil sa labis na kaba. Bahagya akong nakahinga nang makalipas ang ilang minuto ay wala akong narinig mula kay uncle. Marahan kong iniangat ang aking ulo upang silipin kung nasaan na ito. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang mamataan kong wala ng tao sa pool. Mukhang bumalik na sa loob si Uncle Greyson kaya't nagpasya na akong lumabas mula sa aking pinagtataguan. "Alam mo bang hindi magandang asal ang paninilip?" turan ng pamilyar na tinig mula sa aking likuran. Dahil sa labis na pagkagulat ay wala sa sarili akong napaatras. Huli nang mapagtanto kong malapit na pala ako sa may gilid ng pool. Sumunod kong namalayan na lumubog ang aking katawan sa ilalim ng tubig. May kalaliman ang bahagi kung saan ako nalaglag. "Bakit ka ba nanggugulat?" inis kong saad nang makaahon ang aking ulo mula sa tubig. Namataan ko itong nakatayo sa may gilid ng pool habang nakangisi. "What a beauty. You're such a cute wet little kitten," wika nito habang may pilyong ngiti ang naglalaro sa kaniyang mga labi. Sa sobrang inis ko ay sinubukan ko itong sabuyan ng tubig mula sa swimming pool. Agad niyang iniharang ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha upang makaiwas sa talamsik ng tubig. "Harper, that's enough!" saway niya sa akin ngunit hindi ko ito pinakinggan. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa upang mas lalo itong inisin. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Tumalon ito sa tubig saka lumangoy papalapit sa akin. Nang makita ko iyon ay dali-dali kong sinubukang lumangoy papalayo ngunit maagap niyang nahapit ang aking baywang. "Where do you think you're going?" Nahigit ko ang aking hininga dahil sa labis na pagkakalapit ng aming mga mukha. Halos iilang pulgada na lamang ang distansya sa pagitan naming dalawa. His body was pressed against mine. Ramdam na ramdam ko ang init ng hubad niyang katawan sa kabila nang malamig na temperatura ng tubig. Ang mas lalong nagpabilis nang t***k ng aking puso ay ang malaki at matigas na bagay na dumudunggol sa may bandang tiyan ko. "So, when did you become a cat?" tanong nito nang muli itong magsalita. Matalim ko itong inirapan upang itago ang kabang aking nararamdaman sa pagkakadaiti ng aming mga katawan. "I don't know what you're talking about," mariing tanggi ko. Kahit ata bitayin ako rito ay hindi ko magagawang umamin. "Okay. So, I'll just pretend that I didn't hear you make that sound," natatawang saad nito. Umirap ako sa hangin. "I just didn't want to disturb you," pagdadahilan ko. Mahina itong tumawa. "What are you doing here in the middle of the night?" usisa nito. "I'm having my dinner. Malay ko bang trip mo palang mag-swimming sa gabi. Sana sa kuwarto na lang ako kumain." "You should have joined me at dinner. Are you avoiding me?" Kapag sinabi kong "oo", siguradong marami pa itong susunod na mga tanong kaya't pinili ko na lamang na magsinungaling. "Of course not. B-Bakit naman kita iiwasan?" mariin kong tanggi. I'm not a good liar. I tried to avoid eye contact because I'm sure as hell that my eyes would give me away. "Well, you should be. Especially if you found out what's going on inside my head right now," makahulugang turan nito. Marahan kong ipinaling ang aking mukha hanggang sa tuluyang magtama ang aming mga mata. Mariin akong napalunok nang masilayan ko ang nag-aalab niyang mga tingin. Unti-unting gumapang ang init sa bawat himaymay ng aking pagkatao. I'm hanging by a thread. I'm so close to getting over the line that I shouldn't cross. Laking pasalamat ko nang si Uncle Greyson na ang naunang bumawi. "Let's get inside. You might get cold," aya nito sa akin bago nito kinalas ang pagkakapulupot ng kaniyang braso sa aking baywang. Nauna na itong umahon habang ako ay ilang minuto pang nanatili roon at pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso. Makalipas lamang ang ilang minuto ay umahon na rin ako mula sa tubig. Tahimik naming binaybay ang pasilyo pabalik sa kaniya-kaniya naming mga silid. "Sweet dreams, Harper," huling turan ni Uncle Greyson bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang silid. Kagaya nito ay pumasok na rin ako sa aking kuwarto at dumiretso sa loob ng banyo upang magbanlaw. Ilang minuto na ang lumipas ngunit sadyang hindi napapalis ang init na aking nararamdaman. Kahit malalim na ang gabi ay pinili ko pa ring magbabad sa ilalim ng shower upang mapawi ang init na bumabalot sa aking buong pagkatao. "This is getting worse," turan ko sa aking sarili habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD