HARPER
"CONGRATULATIONS, Harper Louise Acosta!" malakas na bati ni Manang Guada nang salubungin niya ako sa labas ng theater ng aming paaralan. Ngayon ang araw ng aking graduation. Sa wakas ay tapos na rin ako sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science Major in Psychology.
"Salamat po, Manang," nakangiting tugon ko kasunod nang pagtanggap sa bungkos ng bulalak na inabot nito.
"Saan mo gustong kumain? Tara, libre ko!" aya pa nito.
"Aba, aba. Marami ka yatang pera ngayon, ma? Baka naman may ekstra ka d'yan. Pautang naman," singit ni Roland , ang aming driver simula nang dumating ako sa mansyon ng mga Malcolm.
"Tse! Tumigil ka nga d'yan. Inipon ko ang perang 'to para sa graduation ni Harper, 'no! Puro ka utang, akala mo sampung pamilya ang binubuhay mo," singhal ni Manang Guada sa anak nitong si Roland.
Matagal nang naninilbihan ang dalawa sa pamilyang Malcolm. Ito na rin ang sumagot sa pang-paaral ni Roland ngunit mas pinili nitong manilbihan sa mga Malcolm.
"Ma, naman. Alam mo namang nag-iipon ako ng pambili ng bahay namin ni Kristine. Kaya tipid-tipid muna ako," katwiran nito.
"Tumigil ka d'yan at tapos na obligasyon ko sa 'yo. Wala akong pera," masungit nitong turan sa anak.
Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Bagama't parang aso't pusa ang mga ito kung mag-away, alam kong hindi nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Silang dalawa ang madalas kong makausap sa loob ng mansyon. Sila ang nagpagaan ng malungkot at nakakabagot kong buhay sa poder ni Uncle Greyson.
Speaking of him, I still remember the day I arrived at his mansion. The memories were still vivid that it was embedded in my mind like an HD picture. Tandang-tanda ko pa ang mukha ni Uncle Greyson habang binabasa ang sulat ng ibinigay ng aking ina sa kaniya. I can remember the look of regrets, pity, and resentment as he reads every word in the letter. Maging hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon at bakit walang pagtutol na lamang akong tinanggap ni Uncle Greyson sa kaniyang tahanan. Higit sa lahat, hanggang ngayon ay nananatili akong mangmang sa kung anong tunay na ugnayan ang namamagitan kay Uncle Greyson at sa aking ina.
At first, I thought Uncle Greyson might be my father. But upon seeing him for the first time, he was too young to be my father. He was older than me by fifteen years. If that may be the cause, he must be fifteen years old when I was conceived. Alam kong hindi na halos mabilang sa aking mga daliri kung ilang mga lalaki ang nakaisiping ng aking ina sa kama, ngunit gusto ko pa ring maniwala na hindi magagawa ng aking ina na sumiping sa isang menor de edad.
"Aray, aray, ma!" hiyaw ni Roland nang pingutin ng kaniyang ina ang kaniyang tainga.
Dahil doon ay nagambala ang panandalian kong pagbalik sa nakaraan. Mahina akong napatawa habang pinagmamasdan ang bangayan ng dalawa.
"Huwag na kayong magtalong mag-ina. Sagot ko na 'to. Pinadalhan ako ng allowance ni Uncle Greyson para sa dinner natin," wika ko.
"Wow...ibang klase talaga 'tong si Greyson, 'no? Alagang-alaga ang prinsesa n'ya. Baka iba na ya--" komento ni Roland. Pasimpleng siniko ni Manang Guada ang tiyan ng anak upang patigilin ito sa susunod pa nitong sasabihin. Pinandilatan pa niya ito ng mata.
Napabaling ako sa aking cellphone upang tingnan kung mayroon text mula kay Uncle Greyson. Hindi ko maiwasang makaramdam nang pagkadismaya nang wala akong natanggap na kahit anong text mula rito.
I've been trying to make contact with him a year after I arrived at his house. I wanted to talk to him and thank him for everything he's done for me. Pero kahit minsan ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataong gawin iyon. Simula sa unang araw ng pagtapak ko sa mansyon ng mga Malcolm, iyon na ang naging una at huling beses ko itong nakita. Lahat ng komunikasyon sa pagitan namin ay dumadaan sa kaniyang sekretarya. Mula sa tuition fee, allowance, at mga regalo, tanging ang sekratarya lamang niya ang tumatawag sa akin upang ipaalam ang tungkol doon.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ako ang dahilan kung bakit napilitan itong umalis ng sarili niyang bahay. Marahil ay na-blackmail ito ng aking ina kaya't hindi nito magawang tanggihan ang pakiusap nitong akuin ang responsibilidad sa akin. Ngunit ngayon nakapagtapos na ako ng pag-aaral, magagawa ko nang tumayo sa sarili kong mga paa nang walang tulong niya. Magagawa ko na ring bayaran ang lahat ng mga nagawa niya para sa akin.
"Did someone say party?" wika ng isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran kasabay nang pabigla nitong pag-akbay.
"Walang nagsabi ng party, Denise. 'Wag kang paladesisyon," masungit na turan ni Roland sa aking kaibigan.
"Hindi ikaw ang kausap ko, Roland. 'Wag ka ring palasabat," ganting turan naman nito.
"Naku, kayong dalawa talaga! Para kayong mga aso't pusa," sita ni Manang Guada sa dalawa.
"Manang Guada, hindi kaya napalit po sa ospital 'yang anak mo? Malayong-malayo sa ugali n'yo, eh," pahabol pa ni Denise.
Inangilan lang ito ni Roland saka matalim na inirapan ngunit hindi na muling sumagot.
"So, you want to go the bar? Let's celebrate!" aya ni Denise sa akin.
"Denise, tigilan mo nga kakaaya kay Harper kung saan-saan. Alam mo namang papagalitan 'yan ng uncle n'ya kapag nalamang pumunta s'ya sa bar," puna ni Roland.
"You mean her invicible uncle? P'wede ba, he's miles away from us. Wala namang magagawa ang galit n'ya. Saka minsan lang naman 'to. Graduation na namin. Ito na ang huling pagkakataon namin na magkapasaya bago pumasok sa real corporate world," katwiran nito. "Saka double celeration din 'to sa pagkakatanggap mo sa trabaho."
"Talaga, Harper? Natanggap ka na sa trabaho? Saan?" usisa ni Manang Guada.
"Sa PhilMade Manufacturing Corp. Canning Factory. Natanggap po ako as HR trainee," sagot ko.
"Trainee? Aba, eh, Summa c*m Laude ka. Dapat ay associate man lang ang position. Oh, kung hindi man ay dapat manager agad. Naku! Kung sa kompanya na lang kasi ng uncle mo ikaw nag-apply---"
"Manang..." pigil ko rito sa susunod pa niyang sasabihin. "Mas gusto ko pong magtrabaho sa ibang kompaniya. Marami na pong naitulong si Uncle Greyson sa akin. Gusto ko pong masubukang tumayo sa sarili kong mga paa," paliwanag ko.
"Eh, ang akin lang naman ay mas magiging maganda ang kinabukasan mo kung sa kompaniya ni Greyson ka magtatrabaho."
"Ma, hayaan mo na si Harper. Nasa tamang edad na s'ya at alam kong alam n'ya kung anong ang makakabuti para sa kaniya," singit ni Roland.
"Tama na nga 'yang drama n'yo," singit ni Denise. "So, ano sasama ka bang mag-bar Harper?" muling tanong niya sa akin.
"Roland is right. Mapapagalitan ako ni Uncle Greyson kapag nalaman niyang pumunta ako sa bar."
"Kakasabi mo pa lang na gusto mong tumayo sa sarili mong mga paa pero hanggang ngayon takot ka pa rin ang invisible uncle mo. Ano bang mangyayari sa 'yo kung magpunta ka sa bar at uminom. Ihahatid naman kita," mataray na turan ni Denise.
"Did someone says bar?"
Nang lingunin ko ang pinanggagalingan ng boses na iyon ay bahagya pa akong nagulat nang salubungin niya ako ng isang mabilis na halik sa labi.
"Thomas," sambit ko sa pangalan ng aking kasintahan.
"Hey, hon. So, where are we going to celebrate?" tanong nito.
"Hay, naku, Tom. Ikaw nga kumausap sa dito sa girlfriend mo. Napaka-KJ kahit kailan," wika ni Denise.
"Come on, hon. Just this once, okay? I'm sure your uncle will understand," pamimilit nito.
"Bakit, hindi na lang ganito. Pumunta kayo sa bahay, pagkatapos ay ipagluluto ko na lang kayo. Doon na lang kayo mag-party," suhestiyon ni Manang Guada.
"That's so boring," komento ni Denise.
"O, eh, 'di ayain n'yo pa 'yong ibang mga kaklase n'yo. Akong bahala sa mga kakainin at iinumin n'yo," dagdag pa ni Manang Guada.
Pasimple akong lumapit dito upang kausapin ito. "Manang, ayos lang po ba 'yon? Kapag sa bahay kami pumunta siguradong makakarating 'yon kay Uncle Greyson. Siguro mas mabuti pong sa labas na lang kami," saad ko.
"Naku, mas lalong magagalit 'yon kapag pinayagan kitang uminom sa labas. At least ito mababantayan kita sa bahay. Huwag mo nang isipin ang uncle mo. Ako nang bahala sa kaniya. Dalaga ka at maganda. Hindi masamang makisalamuha ka sa mga kaibigan mo. Saka graduation day mo naman. Siguradong maiintindihan 'yon ng uncle mo," dagdag pa nito.
"Well, it's settled then. I'll tell the crew. We'll be there at eight. See you, hon!" wika nito bago muling pinatakan ng isang mabilis na halik ang aking mga labi bago ito mabilis na tumalikod at saka umalis.
"I'll go ahead as well. I'll see you at your house, Harper. Ba-yieee!" paalam nito saka sumunod kay Thomas.
Nanatili kaming nakatingin sa dalawa habang papalayo ang mga ito.
"Hindi talaga maganda ang kutob ko d'yan sa boyfriend at bestfriend mo, Harper," komento ni Roland.
"Mabuting tao si Denise at Thomas, Roland."
"Hindi ako naniniwala," wika nito saka bahagyang umangat ang sulok ng kaniyang nguso.
"Tumigil ka na nga d'yan at pati kaibigan ni Harper, eh, pinakikialaman mo. Halika na at umuwi na tayo para makapaghanda na ako para sa mga bisita ni Harper.
"Manang, sigurado ka ba rito? Hindi ba tayo pare-parehas tatamaan nito kay Uncle Greyson?"
"Huwag mo nang alalahanin 'yon. Ako nang bahala, okay?"
Bagama't nagdadalawang-isip pa rin ako ay naging mapilit si Manang Guada kaya't hindi na rin ako nakatanggi. Gusto ko rin naman na kahit papaano ay makapagdiwang ako kasama ang mga kaibigan ko at ang aking kasintahan.
Habang pabalik kami sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ay panay pa rin ang sulyap ko sa aking cellphone. Nagbabakasakali akong makakatanggap ako kahit isang text mula sa kaniya. Bagama't hindi na bago iyon dahil hindi naman talaga s'ya nagtetext o tumatawag sa kahit anong mahalagang okasyon sa aking buhay, umaasa akong iba ang pagkakataong ito.
Matagal na akong may numero ni Uncle Greyson ngunti ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-text dito. Last night, I finally had the courage to text him and inform him about my latin honor and my graduation. Kahit pa alam kong nakarating na rin sa kaniya ang tungkol doon. Nais ko pa ring sabihin sa kaniya ng personal kahit sa text. Kaya naman umaasa akong magkakatanggap ako ng congratulatory message mula sa kaniya kahit sa text lamang. Ngunit bigo ako. Napabuga na lamang ako nang isang malakas na hangin bago ibinalik ang aking cellphone sa aking bag.
*
*
*
NANG makarating kami sa bahay ay bahagya akong nagtaka nang mapansin ko ang isang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa harap ng bahay.
"Roland, bumili ba si uncle ng bagong kotse?" tanong ko Roland matapos nitong iayos ang pagkakaparada ng sasakyan.
"Ha? Wala namang sinabi ni Miss Ruth na bagong sasakyan na parating si Sir Greyson," sagot ni Roland. Si Miss Ruth ang sekretarya ni Uncle Greyson.
"Ganoon ba? Kung gano'n, kaninong sasakyan 'yon?" tanong ko.
"Baka po may bisita?" hindi rin siguradong tugon nito.
Kunot-noo akong lumabas upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Bago pa man ako makalapit sa sasakyan ay nagulat ako nang bigla akong nakarinig nang malakas na putok mula sa aking likuran. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng maliliit na confetti sa aking ulo.
"Congratulations!"
Mabilis akong napabaling sa aking likuran at bumungad sa akin ang lahat ng mga kasama ko sa bahay habang may hawak na banner at nakasulat doon ang kanilang pagbati.
"Congratulations, anak!" nakangiting turan ni Manang Guada nang lumapit ito sa akin upang yakapin ako.
"Maraming salamat, manang," tugon ko.
"Heto, tanggapin mo," wika nito nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin saka inabot ang isang susi na may nakadikit na card.
Kunot-noo ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat sa loob ng card.
Congratulations. -G
Mapakla akong tumawa habang binabasa ang nakasulat doon. Muntik na akong maiyak sa haba ng mensahe n'ya.
"He gave me a car? Ayos pa naman 'yong kotseng ginagamit ko," wika ko.
"Aba, malay ko. Subukan mo kayang tanungin ang uncle mo," tugon ni Manang Guada.
Goodluck with that. Ni hindi man lamang nga ito nag-reply sa mga text ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng tuwa sa regalo nito. I can't help but feel ungrateful.
Pilit akong ngumiti kay Manang Guada bago muling nagpasalamat. Nagpasalamat din ako sa ibang mga kasambahay na nag-abalang isurpresa ako.
Nauna nang pumasok ang mga ito. Naiwan ako sa labas habang nakatingin sa bagong BMW na nakaparada sa harap ng mansyon. I feel that this car is too much for me. Kinuha kong muli ang aking cellphone mula sa aking bag at nagtipa ng mensahe para kay Uncle Greyson.
I received your gift. Can I call you?
I immediately sent the text message to him. I waited for a couple of minutes staring at my phone, hoping that I'll get a response from him. But I didn't get any. Muli akong napabuga nang isang malalim na hininga bago pumasok sa loob ng bahay.
*******************