HARPER
I DON'T know what got into my mother's head. Marahil ay dulot iyon nang sandamakmak na gamot na itinusok sa kaniyang ugat bago s'ya malagutan ng hininga. No one in their right mind would send their child to live with a stranger.
“Simula ngayon ay titira ka na kay Uncle Greyson mo.“ Naalala ko pa ang eksaktong salita na sinambit ng aking ina habang nakaratay ito sa ospital.
“Ma, seryoso ka ba d'yan? Ni hindi ko pa nga nakikita 'yang Uncle Greyson na tinutukoy mo. Tapos ngayon, gusto mong sa kaniya ako tumira? Saka puwede ba? Huwag kang magsalita ng ganiyan. Masamang damo ka, kaya matagal ka pang mamamatay," mataray kong turan.
Pilit itong tumawa sa kabila nang hirap at sakit nitong nararamdaman. "Ito lamang ang tangi kong maibibigay sa 'yo bago ako tumawid sa kabilang buhay. Maging mabuti ka sa Uncle Greyson mo. If you can't trust him, then trust me. Kilala ko ang taong iyon at alam kong mabuti ang kaniyang puso. Tatanggapin ka niya nang walang pag-aalinlangan," turan niya kasunod nang mag-abot sa aking kamay. "Narito ang kaniyang address, pumunta ka sa kaniya at iabot mo sa kaniya ang sulat na ito. Kapag nabasa niya iyan ay sigurado akong tatanggapin ka niya at hindi ka niya pababayaan." Marahan niyang pinisil ang aking kamay matapos iabot ang sulat. May pilit na ngiti sa kaniyang mga labi. Iyon na ang huling pagkakataong nasilayan ko ang kaniyang mga ngiti.
Pinilit kong maging matatag at huwag ipakita sa kaniya ang aking kalungkutan hanggang sa kaniyang huling sandali. Nang hugutin niya ang kaniyang huling hininga at tuluyang namaalam sa mundong ito, saka ko lamang pinakawalan ang aking luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I hate you, Ma. I hate you," mahina kong sambit habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. "Bakit kailangan mo akong iwan? Paano na ako?" sumbat ko sa kaniyang walang buhay na katawan habang unti-unting lumalakas ang aking paghikbi.
Our relationship as mother and daughter hasn't been perfect. Sa edad na labintatlong taon ay hindi ko na mabilang sa aking daliri kung ilang lalaki na ang dumaan sa kaniyang buhay. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit siya iniwan ng aking ama na kahit kailan ay hindi ko nasilayan. Sanay na akong makitang umikot at gumuho ang kaniyang mundo dahil sa isang lalaki. Siya ang tipo ng babaeng tila hindi magagawang mabuhay nang walang lalaki sa kaniyang tabi.
Gayunpaman, hindi ito nagkulang sa lahat ng aking pangangailangan. She may not be a perfect wife or a partner, but no one can say that she's been a bad mother. She tried to provide me with the best of everything. My mother doesn't have a lot. Matagal na siyang itinakwil ng kaniyang buong pamilya. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong makilala ang mga ito. Kaya naman narito ako ngayon sa labas ng gate ng isang malaking mansyon. Inaabangan ang pagdating ng taong tinutukoy ng aking ina.
Nakasandal ako sa mataas na pader sa tabi ng gate ng malaking bahay habang nasa aking tabi ang isang malaking bag na naglalaman ng aking mga gamit. Matapos mailibing ang aking ina sa tulong ng mabubuti naming kapitbahay ay umalis na rin ako sa dati naming tinutuluyan. I'm already in senior high at malapit na ring magtapos ng high school nang tuluyang mamaalam ang aking ina. Matagal na niyang iniinda ang kaniyang sakit ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Kaya naman hindi na naagapan ang kaniyang ovarian cancer na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Hindi man ako sang-ayon sa gusto ng aking ina na tumira ako sa bahay ng isang estranghero, wala akong ibang pagpipilian. Wala akong alam na kahit anong trabaho at hindi pa rin ako nakakapagtapos ng high school. Nais kong subukan ang magiging buhay ko rito. At kung sakali mang isang panot, matanda, at manyakis ang lalaking tinatawag ng aking ina na Uncle Greyson, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya kung may gagawin man siyang masama sa akin.
Napatuwid ako ng tayo nang matanaw ko ang isang kulay itim na sasakyan na papalapit sa gate ng mansyon. Hindi ko alam kung paano pupukawin ang atensyon ng kung sino man ang nasa loob. I'm assuming that it was Uncle Greyson's car. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng kabog ng aking puso. Mas lalong tumindi ang aking kaba nang biglang huminto ang sasakyan sa aking tapat. Maya-maya pa ay unti-unting bumaba ang tinted na bintana ng sasakyan.
Bahagya akong natigilan nang taliwas sa aking inaasahan ang bumulaga sa akin. Isang matipuno, guwapo, at kabigha-bighaning nilalang ang lulan ng magarang sasakyan. Kabaliktaran iyon ng imahe ng Uncle Greyson na siyang binuo ko sa aking isipan.
Napakunot ako nang bigla itong magsalita.
"Alejandra?" tawag nito sa akin.
That was my mother's name. Maraming nagsasabi na para kaming pinagbiyak na bunga ng aking ina. Kamukhang-kamukha ko raw ito noong kabataan nito. Napatunayan ko iyon nang minsan kong mahalungkat ang litrato ng aking ina noong dalaga pa ito.
"Alam kong kamukha ko ang nanay ko, pero ang mapagkamalan mo akong siya habang nakasuot ng high school uniform, is that your some kind of fetish?" mataray kong sagot dito. Alam kong hindi ako dapat umasta ng ganito lalo na't hihingi ako nang malaking pabor dito. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis nang tawagin niya ako sa pangalan ng aking ina.
"You're definitely not her. Malayong-malayo ang ugali mo kay Alejandra," komento nito. Nananatiling blangko at seryoso ang guwapong mukha ng lalaki.
I can't help but admire his beautiful face. Sa hinuha ko ay nasa edad bente singko pataas na ito. Kaya naman hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang kaugnayan nito sa aking ina.
"Yeah, I know," wika ko sabay abot ng sulat na iniwan ng aking ina para sa kaniya. "Here."
Bagama't bakas sa mukha nito ang pagtataka ay agad din niyang kinuha ang sulat. Unti-unting nawala ang pagkakalukot ng kaniyang mukha habang binabasa ang sulat.
Nang matapos nitong basahin ang sulat ay muli itong nag-angat ng tingin at bumaling sa akin. Sa pagkakataong ito ay nagtama ang aming paningin. Hindi ko lubos akalain na ang isang simpleng tingin na iyon ang magpapabago sa aming mga buhay.
**************