HARPER
"HARPER, ano ba? Tigil-tigilan mo na nga ang kakatitig d'yan sa cellphone mo!" pasigaw na sita ni Denise sa akin. Kinakailangan nitong sumigaw upang marinig dahil na rin sa lakas ng tugtog.
Ang akala kong isang simpleng pagdiriwang ay naging magarbo nang hindi dumating ang lights and sound system na nirentahan ni Thomas. Hindi ko na magawang tumanggi lalo na't nag-uumpisa nang dumating ang iba naming mga kaklase. Halos mapuno ang mansyon dahil sa dami ng mga bisita. Si Manang Guada naman ay napilitan na lamang umorder ng pagkain at maiinom dahil na rin sa dami ng mga dumating.
"Oo nga, hon. Bakit ba kanina ka pa tingin nang tingin d'yan sa cellphone mo? I'm right here, you know? You should be paying attention to me, not to your damn phone," reklamo naman ni Thomas.
"I'm sorry. I was just---"
"What? Waiting for your prince charming uncle to call you?" sarkastikong turan pa nito. "Kung hindi ko lang alam na matagal nang hindi umuuwi 'yang uncle mo na 'yan dito sa bahay n'yo, iisipin kong may namamagitan sa inyong dalawa," dagdag pa nito.
"Will you please stop saying that. Igalang mo naman si Uncle Greyson. He's my uncle, and you're in his house. Have some respect," inis kong singhal sa kaniya.
I'm not really sure why I put up with this guy. Maybe because he's the only guy who shows interest in me. Kaya kahit may pagkamagaspang ang ugali nito, hindi ko siya magawang hiwalayan. I have this irrational fear of being left alone. It was probably the reason why I never broke up with Thomas.
"Fine, fine," turan ni Thomas kasunod nang pagtaas niya ng kaniyang dalawang kamay biglang tanda ng pagsuko. Sinundan pa nito iyon ng pag-ikot ng kaniyang mga mata at hindi man lang sinubukang itago ang pagkadisgusto sa aking sinabi. "But please, put down your phone. We're here to celebrate," pamimilit nito.
Para matahimik na ito ay sinunod ko na lamang ang nais niya. Muli kong sinulyapan ang aking cellphone, nagbabakasakaling dumating na ang hinihintay kong reply mula kay Uncle Greyson. Ngunit bigo ako. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit pilit kong hinihintay ang kaniyang sagot gayong alam ko namang ni minsan ay hindi nito nagawang sumagot sa aking mga text. Bagsak ang balikat kong iniligay ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ang baso ng alak sa aking harapan at diretso iyong nilagok.
"Yeah! That's what I'm talking about!" hiyaw ni Thomas.
I'm not really good at drinking. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto kong lunurin ang aking sarili sa alak. Wala naman sigurong masama kung minsan ay hayaan ko ang aking sarili na maglibang kagaya ng mga kaedaran ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila kay bigat ng araw na ito para sa akin. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay nakapagtapos na ako ng pag-aaral, pero kabaliktaran noon ang aking nararamdaman.
Tila naman ikinatuwa iyon ni Thomas kaya't sunud-sunod ang salin nito ng alak sa aking baso. Nagsisimula na rin ang paglilikot ng kaniyang kamay. Sa kabila nang nagsisimula kong pagkahilo, malinaw pa rin sa aking isip na mali iyon kaya't panay ang tabig ko sa kaniyang kamay.
"Come on, hon. I think it's about time to bring our relationship to the next level," he whispered.
I tried to move away my ear from him. His touches make me uncomfortable. I know it's part of a relationship, but I don't think I'm ready for that.
"Thomas, I already told you. I'm not ready," wika ko kasunod nang marahang pagtulak dito.
"Two years in a relationship, and yet, I haven't passed the first base. Alam mo bang ikaw lang ang kaisa-isang babae na tumagal ng ganito? Lahat ng nakakarelasyon ko, agad na bumibigay sa mga gusto ko. You should be thankful that I put up with you for two years. Maybe it's time na ang gusto ko naman ang pagbigyan mo," lukot ang mukha turan nito at mababakas ang pagkainis sa kaniyang tinig.
"I'm saving myself for marriage," pagdadahilan ko.
"That's bull! Who stays virgin up until their wedding night? Hindi na uso 'yan. We need to test our compatibility in bed," giit nito. Pabagsak niyang isinandal ang kaniyang likod sa mahabang upuan.
I'm used to this. Kung anu-anong dahilan ang ginagamit nito upang patunayan ang punto niya. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko magawang maging intimate sa kaniya kagaya ng nais nito.
Sa halip na makipagtalo ay pinili ko na lamang na tumahimik at muling tumungga ng alak. Napangiwi ako nang muli kong maramdaman ang pagguhit ng mapait na lasa ng alak sa aking lalamunan. Hindi ko na maibilang kung ilang baso na ang naubos ko. It didn't take long before the bitter taste of the liquor becomes tolerable.
I decided to enjoy the night with Denise and Thomas. They were the only one among the people here who I actually knows. Karamihan sa mga ito ay kinakausap lamang ako dahil kay Denise. She's quite popular in school. She's the side court reporter for our university league. Siya rin ang modelo ng school na pinapasukan namin. Lumalabas na rin ito sa mga piling commercial sa telebisyon kaya't marami ang gusto maging kaibigan nito. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako napiling maging kaibigan.
"Atta girl!" hiyaw nito habang pinanunuod niya akong ubusin ang laman ng shot glass na inabot niya sa akin. Hindi ko na malaman kung anu-ano ang mga klase ng alak na inabot niya sa akin.
Malalim na ang gabi at nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Katulad kanina, panay pa rin ang pasaring at paghawak ni Thomas sa akin ngunit patuloy ko itong tinatanggihan. Marahil dulot na rin nang aking kalasingan kaya't unti-unting naging mahina ang pagtulak ko sa kaniya na agad naman niyang binigyan ng ibang kahulugan.
"You're drunk. Maybe you should take some rest," suhestiyon ni Thomas. "Why don't I bring you to your room," dagdag pa nito.
He's right. I'm already dizzy, and I can feel that I'm about to pass out anytime. Mas mabuti na iyon sa kuwarto ako mawalan ng malay kaysa dito sa sala.
"Yes, I think I had enough. I'll go to my room. Kayo na lang muna bahala ni Denise sa mga bisita. Ask Manang Guada if you need anything," bilin ko bago sinubukang tumayo. Ngunit hindi pa man ako nagtatagal na nakatayo ay agad kong naramdaman ang pag-ikot ng aking paningin. Muli akong napaupo sa sofa.
"Ihahatid na kita sa kuwarto mo," alok ni Thomas.
"Hindi na. Kaya ko namang umakyat mag-isa. Dito ka na lang. Enjoy the party," tanggi ko.
"No, I insist. Halika ka na." Hindi na niya hinintay pa aking magiging sagot. Mabilis niyang isinukbit ang aking braso sa kaniyang balikat habang ang isa naman niyang kamay ay nakapulupot sa aking baywang.
Dahil sa labis na kalasingan ay hindi ko na nagawang tumanggi.
Habang patungo kami sa aking silid ay panay ang halik ni Thomas sa aking pisngi. May pagkakataon ding pilit niyang kinakabig ang aking mukha upang mahalikan ako sa labi. This wasn't the first time that we had kissed. Pero pilit ko pa ring iniiwasan ang kaniyang mga labi.
"I'm going to rock your world tonight," bulong nito sa aking tainga na agad nagpatayo ng aking balahibo dahil sa takot.
"I already said no, Thomas. Mabuti pa bumalik ka na lang sa baba. Kaya kong pumunta sa kuwarto ko mag-isa," pagtataboy ko rito bago pilit na kumawala sa pagkakahawak niya.
"Sawa na ako sa pa-virgin effect mo. Dalawang taon na akong nagtiis. Panahon na anihin ko ang itinanim ko sa loob ng mahabang panahon."
Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi. Lubusan kong napagtanto na nasa mapanganib akong kalagayan sa mga oras na iyon.
"I said let me go!" Muli kong sinubukang kumawala sa kaniyang pagkakahawak ngunit bigo ako. Bukod sa lubos na mas malakas ito sa akin, hindi rin nakatulong ang labis kong kalasingan at pag-ikot ng aking paningin.
"No. You're mine tonight," sagot niya. "Now, where's your room?" wika nito saka nagpalinga-linga sa paligid ng pangalawang palapag upang hanapin ang aking kuwarto. Ito ang unang pagkakataon na nakaakyat siya sa bahagi ng bahay na ito kaya't sigurado akong hindi niya alam kung nasaan ang aking kuwarto.
Pero hindi iyon sapat upang isipin ko na ligtas na ako. Maraming bakanteng kuwarto sa palapag na ito at maaari niyang gawin doon ang masama niyang balak sa akin.
Mas lalong tumindi ang takot na aking nararamdaman nang bigla itong ngumisi. "You know what, I have a better idea. Why don't we go to your all high and mighty uncle? Siya naman palagi ang bida sa 'yo, 'di ba? Let's spread our cvm all over his bed."
"No! Umalis ka na bago pa kita ipapulis!" banta ko.
"Before you could even to do, I'm already done with your body. And what's the point of fighting? I'm your boyfriend. Normal na ginagawa 'to ng magkasintahan," pagdadahilan pa niya.
Bahagya akong napaisip sa kaniyang sinabi. Tama siya. Bago pa ako makatawag ng pulis ay baka huli na ang lahat. Kaya naman kahit alam kong malaking eskandalo ay binalak kong sumigaw upang makaagaw ng atensyon. Ngunit hindi ako nagtagumpay dahil mabilis niyang nailagay ang kaniyang kamay sa aking bibig.
"Huwag ka nang magpumiglas. Masasarapan ka rin naman," wika nito bago niya ako sinubukang kaladkarin patungo sa isang kuwarto.
Hindi ko alam kung may suwerteng dala ang demonyong ito kaya't saktong ang kuwarto ni Uncle Greyson ang kaniyang napiling puntahan. Kampante naman akong hindi niya iyon mabubuksan dahil madalas iyong nakakandado. Kaya't ganoon na lamang ang gulat ko nang mabuksan niya ito.
Buong lakas kong sinubukang magpumiglas. Sa kabila ng labis na kalasingan ay nagawa kong makakalas sa kaniyang pagkakahawak. Sinubukan kong tumakbo papalabas at sumigaw ngunit maagap niya akong nahuli. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng sa pagkakataong ito ay may basong panyo siyang itinakip sa aking bibig. Mayroon iyong kakaibang amoy. Hindi agad pumasok sa aking isip kung ano ang bagay na iyon. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagsisimulang manghina. Nananatiling buhay ang aking isip ngunit ang aking katawan ay tuluyan nang nawalan ng lakas.
"No...get of me..." nanghihina kong turan nang ihiga niya ako sa kama at kumubabaw ito sa akin.
"Akin ka na ngayon..."
No! Help! Please save me....Uncle!
Mga piping sigaw ang tangi kong nagawa. Hindi ko na magawang idilat ang aking mga mata ngunit nananatiling gising ang aking diwa. I was waiting for the worst, but it didn't happen. Naulinagan ko na lamang ang ingay sa loob ng kuwarto.
"Tarantado ka talaga!" sigaw ng pamilyar na tinig ni Roland. "Sinasabi ko na wala akong tiwala sa karakas mo. Dito ka pa talaga sa mansyon maghahasik ng kademonyohan!" sigaw ni Roland kasunod nang mga ingay na tila nagsusuntukan.
"Ipadampot mo na 'yan sa pulis!" tinig ni Manang Guada. "Naku! Siguradong mayayari tayo nito kay Sir Greyson."
"Ako nang bahala dito, ma. Intindihin n'yo na lang po si Harper. Mas lalo tayong malalagot kapag may nangyari sa kaniya," turan ni Rolland.
"Hay, naku. Mabuti pa nga. Igapos mo muna 'yang sira ulong 'yan at tulungan mo akong ilipat ng kuwarto si Harper."
"Huwag na. Hayaan mo na lang po s'yang magpahinga. Hindi naman uuwi si Sir Greyson. Linisin na lang natin bukas ng umaga," turan naman ni Roland.
"Oh, s'ya sige. Kukuha lang ako nang maligamgam na tubig sa baba."
Iyon ang mga huling ingay na aking narinig bago ako tuluyang nilikob ng kadilim. The last thing I remember was the manly scent that filled the room. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa silid ni Uncle Greyson. And for the first, I feel warmth and security. He's protecting me even from afar. Pakiramdam ko, ang kuwartong ito ang nagsalba sa akin sa bingit ng kapahamakan.
************