Chapter 2: Simula ng Kamalasan

1192 Words
2.1 Fired! "YOU'RE....FIRED!!!!..ikaw!!!....at ikaw!!!...," matinding bulyaw mula sa manager ang inabot nina Mira at Lorraine na ngayon ang pareho ng nasisante.Hindi maintindihan ng dalawa kung ano ang dahilan at kung bakit sila nasisante. " Sir, bakit naman po nasta-basta niyo na lang kami sinesante na hindi namin alam ang dahilan?," reklamo ni Lorraine na ayaw tanggapin na basta na lang sila mawawalan ng trabaho. " Oo nga naman po sir hindi ito makatarungan," dagdag na reklamo ni Mira na katulad rin ni Lorraine hindi kayang mawalan ng trabaho. Bago makasagot ang manager ay biglang pumasok sa opisina si Trina.Hindi na ikinagulat nito ng makita ang dalawa na nginitian pa niya. " Hello!...," nakakainis nitong bati sa dalawa. Hindi pinansin ng dalawa ang pagpapansin ni Trina kaya na-imbyerna ang beauty nito ng deadmahin siya. " Hindi niyo alam ang pinaggagawa niyo?," galit na balik-tanong ng manager sa dalawa. " Sir, nagtatrabaho kami ng maayus," katwiran ni Lorraine. Ngingiti-ngiti si Trina habang pinanonood ang dalawang magkaibigan kasisisante lang.Hindi nito maitago na masayang-masaya ito sa nangyayari sa dalawa. " Sige gusto niyo pa talaga na marinig.Ikaw Lorraine walang nakakita sa'yo sa venue ng party na ginagawa ang trabaho mo sa halip nakita kang lumabas sa isang hotel room...anong gusto mong isipin ng mga kliyente natin?...ibang serbisyo ang inaatupag mo?!...," sigaw nito ay Lorraine. "At ikaw Mira,may nakakita sa'yo na nakikipagkwentuhan sa guest,anong tingin mo sa sarili mo?...matuto lang lumugar...," baling naman nito kay Mira. Parehong hindi makapaniwala ang dalawa sa dahilan na ibinigay ng manager sa kanila. " Kawawa naman kayo...kasi naman kung anu-ano ang inaatupag niyo sa oras ng trabaho...ibang service ang binibigay sa guest," singit ni Trina na walang paglagyan ang tuwa sa sinapit ng dalawa. Tiningnan ng masama ni Lorraine si Trina.May ideya na ito kung paano sila natanggal ng ganun-ganun lang. " Sir, hindi naman totoo ang mga bintang na 'yun.May tinulungan kaming lasing na guest, isa pa huwag kayong nagpapaniwala sa sipsip na Trina'ng 'yan," hindi na nakatiis si Mira na sisihin si Trina na tanging masaya sa nangyayari. " Hoy!, huwag niyo nga akong idamay sa kapalpakan niyo, noh," mataray na depensa ni Trina. Gustong-gustong lapitan ni Lorraine si Trina at kalbuhin ito dahilan ito ang may kagagawan kung bakit sila nasisante ng kaibigan pero pinigilan siya ni Mira. " Tama na!....sisante na kayo...kaya umalis na kayo dito sa opisina ko at huwag ng gumawa pa ng gulo," utos ng manager.Wala ng nagawa ang dalawa kundi umalis ng lang pero nagngingitngit sa galit ang dalawa kay Trina. Nasa labas ng building na ngayon ay dating opisina sina Lorraine at Mira na hindi pa rin makapaniwala sa biglaang pagkasisante. " Kasalanan ng mahaderang Trina na 'to!...napakasipsip talaga ng babaeng 'yun.....naku kapag nakita ko 'yun makakalbo ko siya....eeeeee...nakakabwisit talagaaaa siya.....," hindi na maitago ni Lorraine ang pagkagigil.Pumalpak na nga 'yung gayuma niya tapos sinabayan pa ng pagkasisante nito kaya ngayon bigla naging doble ang problema niya. " Aaahhhhh.....," dismayadong-dismayadong sigaw ni Lorraine. " Speaking of impaktita...'ayan na siya...,".Nakita ni Mira si Trina na kakalabas lang ng building. " Mabuti naman.Dahil ngayon kakailanganin niyang magpa-parlor....," galit na galit ng sumugod si Lorraine kay Trina na kaagad na hinila ang buhok nito. " Arayyy....anong ginagawa mo???...bitiwan mo'ko.....," walang nagawa si Trina ng mahablot ni Lorraine ang buhok niya. " Ano ka sinuswerte?...kakalbuhin kita...ikaw'ng sipsip ka!!!...nang dahil sa'yo nawalan kami ng trabaho....," galit na galit sinambunutan ni Lorraine si Trina. " Mira ako ng bahala dito....," ani Lorraine na ang ibig sabihin ay huwag na makisali pa si Mira.Gusto nito ng one on one na laban kay Trina.Gusto niyang ibuhos ang lahat na inis at galit niya sa mundo kay Trina na mas nagpahirap pa sa buhay niya ngayon. Bilang kaibigan inirespeto nito ang desisyon ni Lorraine, hindi nakialam si Mira ng magsambunutan na nga ang dalawa.Parehong natumba sina Lorraine at Trina na patuloy pa rin sa rambulan hanggang napansin ng guard ng building ang nangyayari, madaling umawat ito.Nang makita ni Mira na si Lorraine ang nahawakan ng guard madali itong lumapit at hinawakan si Trina para hindi makaganti ito sa kaibigan. " Ano ba!, bitiwan mo'ko!....," sigaw ni Trina kay Mira na mahigpit siyang hinawakan. Nang makita ni Mira na binitiwan na ng guard ang kaibigan basta na lang nitong binitiwan si Trina na napasubsob sa sahig. " Bitiwan pala, hah," sambit ni Mira. " Bakit mo'ko binitiwan bigla?," reklamo ni Trina. " Sinunod lang kita, sabi mo bitiwan ka," pilosopong katwiran ni Mira na natatawa pa ngunit pinigilan lang " Aaaahhh....Pareho lang kayong dalawa ng kaibigan mo, mga wild freak!!!...mga Bw*sittt......," galit na galit na sigaw ni Trina na tumayo habang hawak-hawak ang ulo nito. " Wild freak???..sige...ano gusto mo ng round two?....halika....," nag-iinit pa ring hamon ni Lorraine. " Ano ako shunga?...dalawa kaya kayo...hindi patas ang laban...," sagot ni Trina na sa totoo lang e naduduwag lang naman. " Hindi naman ako nakialam kanina, ah," sagot ni Mira. " Ah, basta!....hindi ako pumpatol sa mga wild freak na katulad niyo.Buti mga matanggal kayo sa trabaho!!!...," sigaw ni Trina. " Tama na!...huwag na kayong mag-away dito...," saway ng guard na umawat. Madaling pumasok ng building si Trina sa takot na masambunutan pa ulit. Kahit na nanalo sa sambunutan si Lorraine e talong-talo pa rin sila dahil pareho silang wala ng trabaho.Dismayadong-dismayado si Lorraine sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon.Matapos ng palpak na gayuma ngayon nasesante pa siya...walang trabaho...walang pera at ang pinakamalalang pwedeng mangyari ay ang mapilit siya ng ina na magpakasal sa matandang foreigner lalo na kapag nalaman nitong wala na siyang trabaho. " Hin-diiiiii........," napaupo na lang si Lorraine matapos maisip ang lahat na kamalasang nangyayari sa kanya. " Uy...huwag kang mag-alala siguradong makakahanap tayo ng trabaho," kahit papaano ay gustong palakasin ni Mira ang loob ng kaibigan. Walang alam si Mira tungkol sa alok ng ina ni Lorraine na magpakasal ito sa isang matanda bagay na hindi na lang ikinuwento ni Lorraine sa kaibigan. " Syempre...alam ko 'yun.Pero talagang nakakadismaya ang buhay...gusto ko lang umangat pero bakit ang hirap-hirap?...," pagsesentimyento ni Lorraine. " Ganun talaga ang buhay...hindi maiiwasan na may mga impaktang sipsip.Well, at least mapapagastos ang Trina'ng 'yun ngayon dahil kakailanganin niyang bumili ng hair grower, e kinalbo mo 'ata ang taong 'yun," birong sagot ni Mira na naki-join na rin sa pag-upo katabi ang kaibigan.Gusto lang niyang pagaanin ang loob ng kaibigan. Tiningnan ng mabuti ni Lorraine ang kaibigan kahit papaano ay napangiti ito. " Sa tingin ko nga kulang pa 'yun ginawa ko.Sana pala ninudnod ko 'yung mukha niya sa semento para mapagastos na rin siya ng pang-derma," dugtong na biro ni Lorraine. " Oo nga noh," dugtong ni Mira tapos ay nagtwanan ang magkaibigan. " Alam mo buti na lang kaibigan kita kundi maloloka na ako ngayon,".Pasalamat ni Lorraine sa kaibigang nagawa siyang pangitiin sa kabila ng lahat.Pero mas natatawa sila sa sinapit ni Trina. Gerona J.R... Author's note: Salamat sa read sa chapter na 'ito....sana may pa-vote and pa-comment na rin....??? Abangan.... Ano ng mangyayari ngayon kay Lorraine at Mira dahil nawalan na sila ng trabaho?. Ano na nga bang nangyari sa taong ginamitan ni Lorraine?...sana basahin niyo pa ulit ang next chapter.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD