2.2 Emman, The Mr. Hamster

2055 Words
2.2 Panaginip??? ISANG weird na panaginip ang gumising kay Emman.Pagtingin nito sa alarm clock sa side table kaagad itong bumangon pero saglit itong napahinto ng maramdaman ang sakit ng ulo nito dahil sa hang over.Tumayo ito upang dumeretso kaagad sa banyo para maligo. Matapos ang hoy shower nito ay dumeretso ito sa salamin ng banyo.Napahinto roon, at napatitig sa sarili.Naalala niya ang party kagabi, ngunit hindi niya maalala kung papaano siya naka-uwi ng condo niya.Pilit na inalala ni Emman ngunit mas lalong lang sumasakit ang ulo. " I think I need a coffee," sambit nito. Hindi naman talaga siya sanay uminom ng sobra-sobra, ni hindi rin siya mahilig sa alak ngunit simula ng naghiwalay sila ni Carlene tila alak na ang maging best friend niya. Sa office ni Emman.... Kahit na may hangover pa si Emman ay nagawa pa nitong pumasok sa opisina ng maaga. " Good morning ,Sir Emman," nakangiting bati ng clerk kay Emman, si Ivy na may signature red lipstick bagay na hinding-hindi nito makakalimutan maglagay.Sa todo effort ni Ivy na ngumiti at magpaka-sweet sa boss tanging saglit na lingon lang ang natanggap nitong sagot ni walang 'hello' o 'Hi' man lang..... " Ang sungit ni Sir pero okay lang may K naman siyang magsungit.Isa parang gwapo siya kapag nagsungit," sambit ni Ivy sa sarili na kinikilig pa rin sa boss.Matagal na siyang may crush rito, kahit na noong may girlfriend pa ito. Dumeretso si Emman sa opisina niya.Naupo siya kaagad at nagsimulang magtrabaho. Kahit na nagiging alcoholic si Emman at broken-hearted pa ito isang bagay ang hindi siya mawawalan ng focus, iyon ay ang trabaho niya sa family company nila.Pero pinahinto siya ng hang-over.Napahilot ito sa sentido. " Ayus lang po kayo, Sir?," tanong ng personal assistant nitong si Alfred na kakapasok lang sa opisina. " May hangover lang ako kagabi..ipakuha mo na lang ako ng coffee kay Ivy," utos ni Emman na napapapikit sa sakit ng ulo nito. " Okay po sir," kaagad naman sumunod si Alfred. Bago ihatid ni Ivy ang kape ni Emman sinigurado muna nito na maayus siya kaya todo retouch ito, nagawa pang mag-lipstick ulit kahit pulang-pula na ang labi.At para mapansin siya talaga ni Emman halos ipaligo nito ang pabangon niya. "Ahem!!!...Ahem!!!... hoy...grabeh ka naman...Ivy, maghahatid ka lang ng kape kung makapag-lipstick wagas...isa pa 'yang kape ni Sir maglalasang pabangon mo," saway ng katrabaho nitong si Terio. " Mas mabuti nga 'yun...para hanap-hanapin niya ang halimuyak ko...," pa-irap na sagot ni Ivy. " Ay....ang taray...ni girl...maka-halimuyak...wagas...hindi ka 'ata nakapag-update ng dictionary....," pabirong pansin ni Olie, proud na membro ng LGBT community, proudly gay. " E, ano naman...at least proud Pilipino ako," sagot ni Ivy na matagal ng inis kay Olie dahil palagi siya nitong sinisupla. " E kasi baka mabahing si Sir sa pabangon mo ang lakas ng tama...," sagot ni Olie dito. " Mga inggit lang kayo...alam mo ikaw'ng bakla ka manahimik ka na lang kasi hindi pumapatol Sir sa katulad mo," mas mataray na sagot ni Ivy na gandang-gandang sa sarili.Kinuha nito ang kape na para kay Emman ay nag-flip pa ng hair bago umalis kaya kumalat muli ang amoy na pabangon nito. " Kung makatalikod akala mo maganda....hoy!...amoy pabangon sa CR 'yung amoy mo noh!!!.Isa pa!....mas maganda ako sa'yo noh!...." pahabol na kantyaw ni Olie. "Ikaw talaga,Olie, palagi mong inaasar ',yang si Ivy," ani Terio. " Ganda-gandahan kasi, as if naman papatulan siya ni Sir," sagot ni Olie. Pagpasok pa lang ni Ivy ng opisina kaagad ng kumalat ang amoy ng pabangon nito sa buong opisina maging si Alfred ay napaatras sa lakas ng dating ng amoy nito na nasobrahan. " Sir Emman ito na po ang coffee niyo...," pa-sweet palagi ang tono ni Ivy kapag si Emman ang kaharap nito.Inilapag nito ang kape sa table ngunit napa-ubo si Emman ng maamoy nito ang pabangon ng clerk. " Thanks...you can go now," ni hindi man lang tumingin si Emman kay Ivy na abala sa harap ng computer. Kitang-kita ni Alfred ang pag-ismid ni Ivy na deadmahin siya ni Emman.Kaya mula sa pa-cute nitong mukha mabilis na magbago sa imbyernang pagmumukha nito si Ivy.Inis na umalis ng opisina ni Ivy dahil hindi man lang siya napansin kahit kaunti ni Emman. " Iniligo ba niya ang pabangon, hindi ba niya na alam na nakakairita kapag ganun kalakas ang amoy niya," komento ni Emman na papa-inom ng kape. " Mukha nga po, Sir.Mauna na ho ako," paalam ni Alfred bago umalis. Halos maibugwak ni Emman ang kape sa table ng maglasang pabangon ito ni Ivy.Sa lakas ng amoy ng pabangon ni Ivy hindi na napigilan ni Emman ang bumahing, "Ha-ha-hat-hat-hat-tsingggg!!!!......,". Narinig ni Alfred ang malakas na pagbahing ni Emman, bago pa ito makarating sa pintuan ng opisina kaya napahinto ito at. " Ah, s-," natigilan at nagtaka si Alfred ng paglingon niya kay Emman ay bigla ng lang itong nawala. Narinig pa niya itong bumahing kaya imposibleng mawala ito basta-basta, isa pa iisa lang ang pintuan sa opisina kaya nagtataka si Alfred kung nasaan si Emman, naglaho itong parang bula sa opisina nito.Saglit lang naman na nawala ang paningin nito kay Emman na may tingnan na files sa folder na bitbit nito. " S-sir E-emman....sir Emman," tawag ni Alfred sa opisina, ngunit parang wala iyong kwenta dahil makikita lang ang kabuuan ng opisina. Nilapitan ni Alfred ang upuan ni Emman pero tanging ang damit na lang nito ang naiwan.Mas lalong nagtaka si Alfred, nahiwagaan sa nangyayari. "...ito ang suot ni Sir Emman, anong nangyari?...paanong bigla na lang siyang nawala???," nalilitong dinampot ni Alfred ang damit nito. Isang hamster ang bumulaga sa kay Alfred sa upuan ni Emman na lumabas sa loob ng damit. " Hamster?...saan nanggaling ang hamster na 'to?...wala namang hamster si Sir Emman?," buong pagtataka ni Alfred. Parang pinaglalaruan ang isipan ni Alfred, ito ang pakiramdam nito sa mga oras na iyon.Sigurado siyang kausap lang niya si Emman, nandun pa rin ang kape'ng hinatid ni Ivy kaya nalilito siya sa mga pangyayari. Inilibot nito ang paningin sa buong opisina, kahit ang mga pangyayari ay binalikan din ni Alfred sa isipan.Sigurado siya may Emman siyang kausap kanina.Pruweba ang kape kaya hindi maaaring pinaglalaruan lang siya ng isipan. Biglang bumukas ng bahagya ang pinto ng opisina, " Sir Emman," boses ni Ivy. Papasok sana si Ivy sa loob ng opisina ng harangin siya sa pinto ni Alfred, " Anong kailangan mo?," nagtaka si Ivy sa tanong ni Alfred sa kanya. " Si Sir Emman...malamang...bakit ka ba nakaharang sa pinto?.Papasukin mo'ko kasi may papapirmahan akong papers kay Sir," sagot sabay sita ni Ivy na nagpumilit na pumasok sa loob ng opisina. " Nakaharang?...hindi kita hinaharangan...ako ng bahala sa papers dahil...dahil wala si Sir Emman," sagot ni Alfred. " Sigurado ka?.E kahahatid ko lang ng kape kay Sir, hindi ko rin naman napansing umalis si Sir," nagtatakang sagot ni Ivy.Sa mga sinabi nito mas naging sigurado si Alfred na kausap nga lang niya si Emman kanina at hindi pa nakakalabas ng opisina. Ayaw sanang ibigay ni Ivy ang papers kay Alfred pero ito mismo ang pilit na kumuha ng folder sa kamay nito kaya wala ng nagawa si Ivy. " Ako ng bahala dito," ani Alfred. " Okay ka lang sir Alfred?, para kasing ikaw ang uminom ng kape...mukha kang tensyonado," pansin ni Ivy. " Sige na....alis na," halos ipagtabuyan ni Alfred si Ivy. Pagkaalis ni Ivy kaagad na isinara ni Alfred ang pinto.Paglingon ni Alfred para lang siyang na-malik-mata ng makita si Emman at nag-aayus na ito ng damit. " S-sir Emman?...a-anong nangyari sa inyo?...saan ho kayo nanggaling," halos magkabuhol-buhol sa pagsasalita si Alfred ng makita ito. " Alam mo Alfred, ang buong akala ko isang weird na panaginip lang ang nangyari sa'kin pero totoo pala 'yun.....," sambit ni Emman.Hindi naman maintindihan ni Alfred ang sinasabi nito. " Ano po'ng ibig sabihin niyo?," nagtatakang tanong ni Alfred. "Naging isang hamster ako....isang hamster...nababaliw na ba ako???.." kahit si Emman ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.Naging isa siyang hamster.Kahit na hamster siya ay naaalala pa rin niya ang lahat. " Panaginip?..Hamster?...kayo po ang hamster kanina?.Na-naging hamster kayo?," mas lalong hindi makapaniwala si Alfred sa sinabi ni Emman sa kanya na naging hamster ito. Kung hindi kilala ni Alfred si Emman iisipin nitong pinagloloko siya nito pero kilalang-kilala niya si Emman hindi ito palabiro.At alam niyang seryoso ito.Pero hindi pa rin siya makapaniwala. " Nakita mo naman ako kanina.Ako 'yung hamster.Nangyari na 'to pero ang buong akala ko panaginip lang, pero totoo...hindi ko alam kung anong nangyayari,paano, imposible pero totoo.....," kahit si Emman ay nalilito at hindi makapaniwala. Alam ni Alfred na nakakabaliw at hindi kapani-paniwala ang nangyari pero may hindi niya maintindihan sa naging pahayag ni Emman kani-kanina lang, bagay na gusto nitong linawin. " Tama po ba ang dinig ko sir.Nangyari na 'to sa inyo?," naninigurong tanong ni Alfred. Hindi siya sigurado sa mga pangyayari pero ang natatandaan lang niya ay nasa isang kwarto siya at may babae siyang kasama na malinaw niyang naalala ang mukha nito. "Nang malasing ako sa party may natatandaan ako.Nasa kwarto ako nun at may babae akong kasama....natatandaan ko ang mukha niya at kundi hindi ako nagkakamali nakasalubong ko pa siya sa hallway,naka-uniform siya ng pang-waitress," kwento ni Emman na unti-unting binabalikan ang nangyari sa party ng malasing siya. Wala si Alfred sa party tinawagan lang siya ng pinsan ni Emman para ihatid ito sa unit niya. " May kasama po kayong babae?..sa kwarto?...," ulit ni Alfred ayon sa naging pahayag ni Emman. Hindi maganda ang dating kay Emman ang pagkakaulit ni Alfred. " Sandali lang, mali ang iniisip mo,?," biglang naging defensive ang tono ni Emman. Umiling si Alfred, " Wala po sir.Sinisigurado ko lang ang mga sinabi niyo," sagot nito. " Ang huli kong naaalala nasa isang kwarto ako tapos may kakaiba akong naramdaman...hindi ko maipaliwanag....parang mainit na malamig sa pakiramdam...tapos unti-unti kong nararamdaman na may nagbabago sa katawan ko, pakiramdam ko masikip at unti-unti lumiliit,naging maliit na hayop ako...isang hamster...nakakaloko mang isipin pero hanggang dun lang ang naaalala ko...." dugtong ni Emman sa kwento nito. " Iniisip niyo ba Sir na maaaring may kinalaman 'yung babae sa nangyari sa inyo?.Kasi hindi naman pwedeng bigla na lang maging isang hayop kayo, maging isang hamster na para bang sumpa.Isa pa imposibleng maging hayop ang isang tao....pero sa kaso niyo Sir nangyari, nasaksihan ko kung hindi pa ako nababaliw...," punto ni Alfred. " Ewan ko....pero malakas ang kutob ko may kilaman ang babaeng 'yung sa werdong nangyayari sa'kin ngayon," sagot ni Emman. "Nang tawagan po ako ni sir Harvey, sa isang hotel room po namin kayo sinundo, gaya ng natatandaan niyo , " dagdag ni Alfred sa mga pangyayari bagay na hindi matandaan na ni Emman. " Alam mo Alfred hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon....hindi ako pwedeng maging ganito...mababaliw ako kapag hindi 'to mawala...kailangan mawala 'to bumalik ako sa normal," gulong-gulong sabi ni Emman, na walang ideya sa nangyayari sa kanya. " Sir, dapat muna Malaman natin kung anong nangyari sa inyo?....paano nangyari," suhestiyon ni Alfred. " Tama...ano sa tingin mo ang nangyari sa'kin...ano ba 'to parang science experiment na pinag-experimentuhan ako....o iyong mga sumpa-sumpa na 'yan???...," litong-lito na saad ni Emman. " Sa tingin ko Sir, mas posbileng kulam sumpa ang nangyari sa inyo," suhestiyon ni Alfred. " Kulam???..sumpa???...," ulit ni Emman.Na napapakit sa kababalaghang nangyayari sa kanya. " Oo sir, 'yun lang naman ang pinaka imposible pero posibleng sagot.Eh, kahit nga ako hindi naman naniniwala sa mga bagay na ganun pero sa nangyari sa inyo, bigla tuloy akong natakot tungkol sa kulam o sumpa," paliwanag ni Alfred. " Kung ganun anong pwede kong gawin?.Di ba kapag mga ganitong mga bagay may tinatawag silang pangkontra???..., " tanong ni Emman sa maaaring solusyon sa problema niya. " Sir, sa tingin ko kailangan muna mating hanapin ang babaeng sinasabi mo.Kung talagang may kinalaman siya s nangyari sa inyo, masasagot niya ang mga tanong mo, at baka kaya ka rin niyang ibalik sa dati," suhestiyon ni Alfred. " Tama ka.Sigurado ako may kinalaman ang babaeng 'yun," saad ni Emman. Malinaw na naaalala ni Emman ang mukha ng babae kahit pa lasing na lasing siya. Gerona J.R... Author's note: Salamat sa pagbasa...sana basahin niyo ang next chapter.Beke nemen...pa-vote and pa-comment na rin....??? Abangan..... Anong nang mangyayari kay Emman?... Mahanap pa kaya niya si Mira?... Oh,no!...si Mira ang napaghinalaan....??? Basahin ang sunod na mangyayari......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD