1.4 Mr. Nice Guy

1118 Words
1.4 Meet the Mr.Nice Guy NAKAYUKONG naglalakad si Mira habang iniiwasang dumikit ang basang uniform sa katawan nito dahil mas lalo lang siyang nilalamig.Dahil dun hindi na napansin ni Mira ang guest na nakasalubong na busy naman sa cellphone nito.Nagkabanggaan ang dalawa at sa kamalasan ni Mira natapunan siya ng red wine na bitbit ng guest. " Na-naman....," dismayadong reaksyon ni Mira habang naaawa sa damit na basa na nga at ngayon ay may mantsa pa. " Naku, sorry miss.Kasalanan ko, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko," paumanhin ng guest na inako ang kasalanan. " Wala po 'yun sir.Basa na naman talaga 'to," sagot ni Mira sa guest na medyo na starstruck sa kagwapuhan nito bukod pa dun ay napaka-humble nito, kung sa ibang guest iyon nangyari tiyak ay pinagalitan na siya at baka matanggal pa sa trabaho. Na guilty ang guest at nagmagandang loob na pang-ipahiram ang suot nitong coat," Ito, gamitin mo,". Nagulat si Mira ng maghubad ng sport coat ang guest at ito pa mismo ang nagsuot sa balikat niya. " Naku, huwag na po sir...o-okay lang po ako," sinubukang tumanggi ni Mira pero talagang mapilit ang mabait na guest. " Ayus lang dahil sa'kin basang-basa ka," sagot ng guest rito.Tila hindi naman makapaniwala si Mira sa kabaitan ng guest. Ang tagpong iyon ang nasaksikan ni Trina na kaagad namang umiksena.Kilala ni Trina ang gwapo at mayamang guest kaya ang iniisip nito may ginawang paglalandi si Mira dito at hindi siya makakapayag basta-basta....isa sa mga target ni Trina ang guest kaya hindi siya pwedeng maunahan ni Mira. " Excuse me.May problema po ba sir?," eksena ni Trina.Parehong napatingin si Mira at ang guest sa presensya ni Trina na basta na lang umeksena. " Wala.Ang totoo niyan ako ang may kasalanan.Natapunan ko siya ng wine kaya basang-basa siya ngayon," paliwanag ng guest. Tumingin ng masama si Trina kay Mira. " Ganun po ba....sige na Mira, bumalik ka na sa locker room at pagpalit ng uniform....," pinilit na maging mabait at malumanay ni Trina kay Mira na pasimpleng pinalalayas ito. " Okay po, Ma'am," sarkatikong sagot ni Mira rito na nag-astang boss ng paalisin siya ni Trina. "Sige po sir, pasensya na po kanina," paalam naman ni Mira sa mabait na guest habang nakasuot pa rin sa balikat nito ang coat ng guest.... 'Hay...kunwari pa...pero halata namang pumaparaan si ang Trina'ng 'to...,' bulong ni Mira habang papalayo ito. Saglit pa ay unti-unting gumagalaw ang guest na ang buong akala ni Lorraine ay magigising na, ngunit laking gulat nito ng unti-unti ay nagbabago ng anyo ng guest at parang lumiliit , biglang kinabahan si Lorraine, " A-anong nangyayari?...," sambit ni Lorraine na nalilito sa mga nangyayari. Walang ibang magawa si Lorraine kung hindi ang pagmasdang mabuti ang nangyayari sa guest at laking gulat nito ng ang gwapong guest ay tuluyang nagbago ng anyo bilang isang...., " hamster???..anong nangyari??...ba-bakit ganito???....bakit naging hayop siya???....naku, anong ginawa ko???..," gulat na gulat si Lorraine sa nasaksihan, hindi ito makapaniwala, parang hindi totoo ang lahat. Ang Love potion na inaakala niyang magiging sagot sa lahat ng problema niya ay isa pa lang malaking kapalpakan. Nakokonsensya si Lorraine sa nagawa niya pero hindi rin naman niya alam na mangyayari ang mga bagay na iyon at higit sa lahat hindi niya alam kung papaano ibabalik sa dating anyo ang guest. " Naku, p-pasensya ka na...h-hindi ko naman sinasadyang gawin kang hamster o ano pa man....ano ba 'tong nagawa ko..," pinagpapawisan na si Lorraine sa kaba.Hindi rin nito alam ang gagawin. Ayaw man iwan ni Lorraine ang guest na naging hamster wala naman siyang magagawa pa rito.Dahil kahit siya ay nagulat rin sa nangyari. " Sorry talaga....kung sino ka man...hindi ko sinasadya ang nagawa ko....," kinabahan na si Lorraine at nag-panic na rin kaya lumabas na lang siya ng kwarto at iniwan ang hamster sa kama. Pagsara ni Lorraine madali itong umalis sa kwarto.Hindi na niya magawang lumingon pa sa kwarto.Hindi lang palpak ang gayuma, may napahamak pa siyang ibang tao dahil sa pagiging desperada niya. " Pangako, pangungumpisal na lang ako, araw-araw akong magdarasal sa nagawa ko...," nakokonsenayang sambit ni Lorraine habang papalayo ng kwarto. Pabalik na sana si Mira sa hotel room kung saan niya iniwan ang lasing na guest at si Lorraine ng makasalubong na niya ang kaibigan. " Lorraine?..kamusta 'yung guest?...nagising na ba?," tanong ni Mira ng makita ang kaibigan. " A...o-oo...," kinakabahang sagot ni Lorraine na nakokonsensya sa nagawa niya, "...naging hamster lang naman siya...," pabulong na dugtong nito. " May sinabi ka?...," tanong ni Mira ng hindi marinig ang sinabi ng kaibigan. " Hah?...wala...Sabi ko, okay na siya ..," sagot ni Lorraine rito. Napansin ni Mira na balisa ang kaibigan, tila may kakaiba rito. " Ayus ka lang ba,Lorraine?," nag-aalalang tanong ni Mira rito. "Hah?!...O-oo n-naman...ayus lang ako," halos pautal-utal na sagot ni Lorraine. Nagduda si Mira sa kaibigan. " Lorraine,bakit parang balisa ka?.May nangyari ba?...nagising ba 'yung guest?...," sunod-sunod na tanong ni Mira sa kaibigan na nagsisimula ng mag-alala. " W-wala...okay lang ako.Okah lang din 'yung guest.Mahimbing na natutulog kaya huwag nag-iisip ng kung anu-ano.Mabuti pa bumalik na tayo sa trabaho bago pa pag-initan tayo ni Trina ng tuluyan....," pangungumbinsi ni Lorraine sa kaibigan. " Ewan ko lang...pero sure akong busy 'yun...busy sa pakikipagcharotan sa gwapong guest," sagot ni Mira. " E, ikaw?...okay ka lang ba?...," tanong ni Lorraine sa kaibigan upang malihis ang usapan tungkol sa guest. " O-oo naman.May nakabangga akong guest kanina pero in fairness ang bait niya...," sagot ni Mira na napakwento sa mabait na guest. "Talaga?.Paano mo naman nagsabing mabait 'yun,guest? ," tanong ni Lorraine sa kaibigan. " E, kasi hindi niya ako pinagalitan, isa pa nag-sorry siya at bukod pa dun inahiram niya 'yung coat niya sa'kin," nakangiting kwento ni Mira. Napansin ni Lorraine ang ngiti ni Mira." Uy,gwapong ba 'yung guest?, tanong nito. " Oo, gwapo na, mabait pa," sagot ni Mira. " So, crush mo?," panunuksong tanong ni Lorraine. Tiningnan ng deretso ni Mira ang kaibigan. " Crush kaagad?...nababaitan lang dun sa tao, crush kaagad.E, kasi parang sa dami-dami ng guest rito siya lang 'yung nakita kong mabait at may respeto," katwiran ni Mira. Nagtaas ng balikat si Lorraine na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ng kaibigan. " Okay, sabi mo eh," panunuksong sambit ni Lorraine. " Alam mo mabuti pa bumalik na tayo sa trabaho,bago pa tayo mapag-initan ni Trina, sigurado ako bukas sisipsip na naman 'yun para mapagalitan tayo," saad ni Mira. " Mabuti pa nga," ani Lorraine. Gerona J.R... Author's note: Salamat dahil nakarating ka sa bahaging ito.Sana naaliw ka sa aking munting kwento.At baka naman...paki-vote and pa-comment na rin....??? Abangan..... Anong mangyayari sa guest?... At sino ang guest na iyon?... Paano na ang balak ni Lorraine?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD