1.3 Plano ni Lorraine

1569 Words
1.3 First Meeting HINDI makita ni Mira si Lorraine.Kung saan-saan na niya ito hinanap, ngunit wala ni anino ng kaibigan.Tama si Trina hindi nga mahagilap si Lorraine kaya mas lalong dapat niyang makita ito bago pa man mag-sumbong si Trina. "Nasaan na kaya si Lorraine.Mas lalo siyang pag-iinitan ni Trina, e sipsip pa naman ang babaeng 'yun," bulong ni Mira.Hindi maganda ang pakiramdam nito sa nangyayari kaya unti-unti ng kinakabahan ito para sa kaibigan. Sa paghahanap ni Mira sa kaibigan isang lasing na lasing na guest ang nakasalubong ni Mira sa hallway.Walang tao noon kaya madaling nahalata ni Mira na lasing ang guest dahil sa susuray-suray na itong maglakad at nangangapa na lang sa pader para makalakad ng maayus. Pinagmasdan ni Mira ang lasing na guest na hindi na kayang maglakad ng deretso.Nag-alangan si Mira na lumapit rito. " Kaya pa ba ni kuya?....mukhang wasak na wasak,ah..." sambit ni Mira. Nang kamuntikang mapasubsob ang guest madaling lumapit si Mira para sana tulungan ito. " Excuse me sir, ayus lang po ba kayo?," tanong nito ng aalalayan na sana ang guest ng..... " Don't touch me!," singhal ng guest rito. Hindi naman nainis o nagalit si Mira sa guest, isa pa wala naman rin siyang karapatan para magpalit dahil isa lang siyang hamak na waitress at empleyado.Sa uri ng trabaho ni Mira kailangan niya ng mahabang pasensya. " Okay, Sir," magalang na sagot pa rin ni Mira. Hindi sumagot ang guest na basta na lang iniwan si Mira na tila ba hindi narinig ang sinabi nito. Susuray-suray na umalis ang guest habang halos nakadikit na pader maglakad at muli muntikan na 'tong mapasubsob kaya madaling niya itong inalalayan muli. Tinitigan muna ng guest ang mukha ni Mira at mas inilapit pa ang mukha nito na para bang kinikilala itong mabuti.Nailang si Mira sa lapit ng mukha ng guest, hindi maitangi ni Mira na gwapo ang guest kahit lasing ito, nalalanghap rin niya ang amoy ng alak sa hininga nito " A-ayussh...lang a-ako...h-hnde ako la-sshing..," sagot ng guest. Hindi sigurado si Mira sa sagot sa kanya ng guest dahil halata sa pananalita nito na lasing na lasing na ang guest, at kahit siguro tanungin niya ito ng one plus one baka eleven panang isagot nito. Muli dumeretso lang ang guest sa paglalakad nito na naka-alalay na lang sa pader at iniwan si Mira. " Hindi daw siya lasing.E, hindi na nga niya magawang lumakad ng maayus kulang na lang tumumba siya...." napapailing na lang na komento ni Mira habang hinayaan ang lasing guest. " Hay, tutumba na 'yan," sambit ni Mira na sakto namang tumumba ang guest na para bang magic word ang sinabi ni Mira. "Naku po...knock out na si kuya....," kaagad na nilapitan ni Mira ang nakabulagtang guest. " Sir...sir...," pinilit na gisingin ni Mira ang guest pero wala na, knock out na ito ng alak...., " Ba't ba ang lasing ayaw maniwalang lasing sila....," reklamo ni Mira habang nakatingin sa guest. Hindi alam ni Mira ang gagawin sa guest pero hindi naman niya pwede itong pabayaan na lang basta na nakabulagta sa hallway kaya pinilit niya itong itayo kahit na hirap na hirap siya...., " Grabeh kuya....ang bigat mo...," reklamo ni Mira sa walang malay na guest. Walang ibang tao sa hallway noon kaya wala siyang mahingan ng tulong.Kahit na hirap na hirap at nabibigatan na ng sobra, pinilit pa rin ni Mira na maihatid ang guest sa pinakamalapit na guestroom na pwede niyang pagdalhan dito. " Mira?...," hindi sigurado si Lorraine ng makita ang kaibigan dahil halos nakayuko na at may akay-akay pa. " L-lorraine tulong naman...," hindi na nagdalawang-isip pa si Mira at kaagad na humingi ng tulong ng marinig ang boses nito. " Sige-sige....," kaagad na tumulong si Lorraine. Nang Makahanap ng bukas na hotel room sina Mira at Lorraine.Halos pabagsak nilang inihiga ang lasing na guest. " Ang gwapo....para lang sleeping prince ang peg kaso lang parang wasak na wasak....," at hindi mapigilan ni Lorraine na pansinin ang hitsura ng guest. " Naku, sa hitsura nito lalo pa't mayaman for sure taken na 'yang si kuya, noh," komento naman ni Mira habang inaayus ang unan ng guest para makahiga ito ng maayus. Nang mabanggit ni Mira ang salitang 'mayaman' tila narinig ng guest ang mga sinabi nito at bigla na lang itong nagsalita ang buong akala ng dalawa na nagising ito..... " Car-car....car-re....," may sinabi ang guest na kung ano pero hindi maintindihan ng dalawa. " Kare-kare??...nagugutom ba 'to?," intindi ni Mira sa hindi malinaw na sinabi ng lalake. Napakibit-balikat si Lorraine." Hindi ko alam.Tanungin mo kaya,".Suhestiyon pa nito. " Sir....sir....," malumanay na paggising ni Mira sa guest para hindi ito magulat kung sakaling magising man.Pero sila ang nagulat lalo na si Mira ng biglang bumangon at magising ang guest, hinawakan nito sa magkabilaang balikat si Mira, saglit na tinitigan nito ang mukha ni Mira at hindi maganda ang mga sumunod na pangyayari dahil sumuka ito.Sinukahan nito si Mira.Sapol na sapol sa uniform nito ang suka ng guest na matapos mailabas ang ispiritu ng alak ay bumagsak na sa kama ulit. " E-eeewww!!!.....," mahina pero nangigigil na reaksyon ni Mira ng masukahan siya ng guest. Kahit si Lorraine ay nagulat rin at nandiri sa nangyari.Diring-diri si Mira na halos maligo na sa suka. "Ano 'yun?....gumising lang talaga siya para sukahan ako?," hindi makapaniwalang tanong ni Mira na diring-diri sa sarili. " Alam mo pasalamat ka na lang dahil sa damit ka lang nasukahan, di ba...," sagot ni Lorraine na pinipigilan na pagtawanan ang kaibigan sa nangyari. " Talaga ba?...batukan ko kaya 'to, total hindi naman niya malalaman....nakakaasar, hah," inis na reklamo ni Mira. " Mabuti pa maghugas ka muna,medyo kadiri e," kahit si Lorraine ay hindi maitago ang pandidiri. Sa mismong banyo ng hotel room nanghugas si Mira at kahit na nahugasan na nito ang damit may amoy pa ring naiwan dahil dito basa na rin ang uniform niya kaya kailangan na rin nitong magpalit. " Mabuti pa iwan na natin 'yan.Okay na naman siya dito," aya ni Mira. " Ah, mabuti pa magpalit ka na muna ng uniform mo.Basang-basa ka na.Maiiwan muna ako dito," tanggi ni Lorraine kay Mira. " Okay na siya dito, iwan na natin 'yan.Isa pa hinahanap ka ni Trina, alam mo namang sipsip ang isang 'yun sigurado mapapagalitan ka kapag hindi ka nakita nun," katwiran ni Mira. " Nagkita na kami ni Trina kaya okay na.Isa pa lasing na lasing ang isang ito baka may kailanganin siya tapos walang mag-aasikaso sa kanya babantayan ko na muna siya, nakalimutan mo guest natin siya, balikan mo lang ako dito," pagpupumilit ni Lorraine sa kaibigan. May kakaibang napapansin si Mira sa kaibigan bagay na hindi na lang inusisa nito. " Okay, naramramdaman ko na ang lamig kailangan ko na talagang magpalit,".Hindi na nagpumilit pa si Mira na nanginginig na sa lamig dahil sa basang damit nito. Hinatid ni Lorraine sa pinto ng hotel room ang kaibigan na para bang sinisiguradong aalis ito.Pagkalabas ni Mira sinigurado ni Lorraine na wala na ito bago isara at i-lock ang pinto. Nilapitan ni Lorraine ang tulog na tulog na guest. " Pasensya ka na pero...," napabuntong-hininga si Lorraine bago magpatuloy, "...ikaw lang ang makakatulong sa'kin...ang perfect target ko," dugtong nito labag man sa kalooban niya ang balak gawin pero desperada na siya. Walang kamalay-malay ang guest sa kung anong pinagsasabi ni Lorraine.Sa bulsa ng suot nitong uniform may kinuha ito, ang gayumang binili niya. " Ikaw ang sagot sa lahat ng problema ko...sana effective 'tong gayuma 500 pesos din ang bili ko dito," mahigpit na hinawakan ni Lorraine ang botelya at binuksan ito. " Ito na 'yun....kaysa sa isang matandang foreigner ako makakasal mas pipiliin ko ang isang mayamang gwapong tulad mo...," huminga ng malalim si Lorraine at binasa ang orasyong nasa likuran ng botelya. ' Makinig sa'king bulong.Pagtingin at pag-ibig mo'y mapapa sa'kin, sa bisa ng gayumang ito ika'y magiging akin....,' Matapos bigkasin ni Lorraine ang orasyon ayon sa instruction sa botelya kailangan na lang niyang ipainom ang gayuma sa lasing na guest. " Kaunti lang....," dahan-dahang pinainom ni Lorraine ang gayuma sa tulog na guest. "... 'ayan,".Matapos mapainom ang guest ay kaagad na tinakpan at itinabi ni Lorraine ang gayuma at naghintay na lang ito ng kung ano mang mangyayari. " Ano kayang mangyayari?," kahit si Lorraine ay nag-aabang sa mangyayari sa magiging epekto ng gayuma. " Dapat ko ba siyang gisingin?," bulong na tanong ni Lorraine sa sarili. Muli kinuha nito ang botelya ng gayuma.Tiningnan mabuti nito ang label.Inikot-ikot at kahit sa pwetan ng botelya ay sinilip na rin pero hindi niya makita ang gusto niyang makita. " Wala namang nakalagay dito kung kailan magkakabisa....anong gagawin ko?," nalilitong tanong ni Lorraine sa sarili. Ilang minutong naghintay si Lorraine ngunit wala namang nangyayari. " Peke 'ata 'tong gayuma na 'to?!," inis na sambit ni Lorraine. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang tanga.Bumagsak ang mga balikat ni Lorraine at napasandal sa headboard ng kama. "Ang tanga mo Lorraine.....gayuma talaga?...my gosh...naniwala ako dun....ayyyy...ang tanga," inis na sambit ni Lorraine sa sarili habang paulit-ulit na inuutog ang ulo sa headboard.Hindi malakas ang ginagawa niya, para lang ito na magising sa kalokohan niya. "Ayaw kong magpakasal sa matandang 'yun....," desperadang sambit ni Lorraine. Gerona J.R... Author's note: Salamat sa pagbasa, kung nakarating na kayo sa bahaging ito. Hoping you to vote and comment.??? Abangan.... Anong nang gagawin ni Lorraine?.... Hindi nga ba umepek ang gayuma????.... Basahin....hindi pwedeng abangan ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD