1.2 Mr. Broken-hearted

1550 Words
1.2 Move on MOVING on and letting go...mga salitang madaling sabihin sa mga broken-hearted pero mahirap gawin lalo na kung paulit-ulit na binabalikan ang nakaraan.Kahit na hindi na kayo mapapangiti ka pa rin sa tuwing maalala mo ang mga masasayang alaala noong kayo pang dalawa ngunit masasaktan ka rin ng paulit-ulit dahil alam mong wala na kayo at sa tanging alaala mo na lang kayo magkasamang masaya.Masakit man isipin na ang taong dating nagpapasaya sa'yo noon ay siya namang nagbibigay ng matinding kirot sa puso mo ngayon..... Kaya sinong nagsabing madaling mag-move on?....Para lang iyon sa mga undenial sa mga relasyong nagkasawaan na.Moving on, ay hindi madali para sa mga taong patuloy na nagmamahal pa rin kahit, Wala ng sila, at tanging siya na lang ang nag-iisang nagmamahal. At iyon ang eksaktong nararamdaman ni Emman.Isang broken-hearted prince si Emman.Mister Perfect nga kung ituring siya,gwapo, matalino, at plus bonus pa na galing ito sa mayamang pamilya pero sa kabila ng lahat 'he is damn brokenhearted man' na hindi maka-move on sa past at hindi maka-let go kaya ang future niya ay still bitter, mas mapait pa sa kinilaw na ampalaya...bitter much ang peg.... Kahit na walang ng communication ito sa ex-girlfriend nitong si Carlene patuloy pa rin niya itong sinusubaybayan....what could a broken-hearted man can do for the one who got away niya?...well,si Emman nagawa niyang gumawa ng isang fake account para lang ma-stalk ang lahat ng social media account ng ex-girlfriend nito at habang pinagmamasdan niya ang mga masasayang picture nito na naka-post he couldn't resist to feel the pain....ang 'pain' ng katotohanang kayang maging masaya ng ex- niya kahit na wala na siya kaya sa buhay nito, kaya mas lalong hindi ito maka-let go....he's stuck in past and still hoping for her in the future. " Sir-," naputol ang pag-e-emote ni Emman sa biglang pagpasok ng secretary nitong si Alfred,kaagad niyang isinara ang laptop. Matagal ng secretary ni Emman si Alfred, nasa 40,s na ito.Bata pa lang si Emman ay nagtatarabaho na si Alfred para sa ama nito at hanggang ngayon nagtatrabaho pa rin ito sa pamilya nila ngunit ngayon sa kanya na ito personal na nagtatrabaho. "Yes, Alfred?," hinarap nito ang secretary na parang wala lang. Isa sa mga bagay na magaling ang mga pusong sawi iyon ay ang magpanggal....magpanggap na ayus lang sila....okay na sila....naka-move on na sila but deep inside nakatago lang lahat ng sakit. " Ito po 'yung invitation sa party ni Mr. Lopez," sabay abot ng invitation card rito. " Thanks," sagot ni Emman na hindi naman interesado sa party pero kailangan niyang pumunta, dahil family friend nila ito, at investor na rin. ************ DALAWANG taon ng magkasama sa trabaho sa catering service sina Mira at Lorraine bilang waitress.Ngunit higit pa sa dalawang taong samahan ang turingan ng dalawa dahil sa iisang boarding house lang sila nakatira, para na silang pamilya, at magkapatid na ang turingan nila sa isa't-isa.Taga-probinsya si Lorraine na nakipagsapalaran sa lungsod para magtrabaho ng matulungan ang pamilyang naiwan nito.Samantalang si Mira, na lumaki sa bahay-ampunan ay nagpasyang umalis ng ampunan para maging independent at tuparin ang mga pangarap. Sa isang grand hotel ang venue ng catering service ng magkaibigan pero para kay Lorraine pagkakataon na niya ito para bigyan solusyon ang lahat ng problema niya sa buhay.Habang nakatitig sa botelya ng gayuma kinukumbinsi niya ang sarili na kayang niyang gawin iyon, at ito lang ang tanging paraan kung gusto niyang matapos lahat ng problema niya sa isang iglap. " Kaya mo'yan,Lorraine....ito na 'yun, wala ng atrasan pa," bulong nito sa sarili ng bigla na lang may umiksena ang pakialamerang sipsip na katrabaho nila, si Trina. " Hoy...anong 'yang hawak-hawak mo?," usisa ni Trina ng makita ang botelyang hawak ni Lorraine. Madaling itinago ni Lorraine ang botelya, "Pangkulam...para sa mga pakialamera," mataray na sagot ni Lorraine rito. Si Trina ay iyong tipo ng empleyado na sipsip.Palaging nagmamagaling kahit na walang namang alam.Minsan, nag-aastang boss kaya ganoon na lang ang inis Lorraine rito. Hindi kaagad nakasagot si Trina na natakot sa sinabi ni Lorraine, batid niyang galing ito sa probinsya at kapag ganoon ay may palaging misconception tungkol sa kanila. Hindi na ito nakipagtalo pa ng iwan siya ni Lorraine. "Sa bagay mukha naman siyang may lahing mangkukulam...hindi ka naman kagandahan noh....mas maganda pa rin ako.....," pabulong na saad ni Trina ng makalayo na si Lorraine. Bago tuluyang umalis si Lorraine nag-iwan ito ng deadly look kay Trina na para bang isang pagbabantay.Nagulat si Trina sa ginawang iyon ni Lorraine na hindi na naka-reak pa. " Bruha," inis na bulong ni Trina ng tuluyan ng umalis si Lorraine sa silid. Nagsimula ng magdatingan ang mga bisita sa party at unti-unti ng nagiging abala ang buong crew sa pag-assist sa mga guest.Kaya hindi na halos magkita sina Mira at Lorraine.At kung may pagkakataon ay nagtatanong-tanong si Mira sa ibang katrabaho nila kung nasaan na si Lorraine ngunit hirap itong mahagilap ang kaibigan. May bitbit na tray si Mira ng makita nito si Trina at lapitan. "Trina, nakita mo ba siya Lorraine?," tanong ni Mira rito. Nagtaas kaagad ng kilay si Trina rito." Anong Malay ko sa kaibigan mong may lahing mangkukulam?," sarkatikong sagot nito. " Ang taray naman neto," sambit ni Mira.Hindi tulad ni Lorraine kayang-kayang tarayan ni Trina ito dahil hindi naman siya pinapatulan ni Mira. "Alam mo kanina ko pa ngang hindi nakikita 'yang kaibigan mo ng magsimula ang party, sa employee's room ko pa siya huling nakita.Baka may kung anong kalokohang ginawa 'yan, hah....isusumbong ko kayong dalawa," pagbabanta ni Trina rito. Hindi talaga maintindihan ni Mira kung bakit ba palaging pinag-iinitan silang dalawa ni Lorraine ni Trina. "Alam mo tama ka,dapat kong hanapin si Lorraine," sambit ni Mira na ibinigay kay Trina ang hawak-hawak nitong tray...."E,di ikaw ng bahala dito.....," walang reklamong tinanggap naman ni Trina ang tray. " Aba dapat lang, hanapin mo 'yong kaibigan mo, baka iba na ang inaatupag nun," pag-sang-ayon ni Trina na animo'y boss ni Mira. " Yes, Miss...mauna na ako," saad ni Mira sabay alis kaagad bago pa man may mapansin si Trina sa mga nangyayari. At ng nakalayo na si Mira doon lang napansin ni Trina na na-isahan siya nito.Napatingin siya sa bitbit na tray. "Na-isahan ako nun a, pinabitbit niya 'tong tray sa'kin....nautusan pa ako," hindi makapaniwala si Trina na naisahan na pala siya ni Mira. "Hayyy...nakakainis ang Mira'ng 'yun.Wala akong planong maging waitress....asar!!!!...," nanggagalaiting sambit ni Trina. Matapos makabati ni Emman kay Mr.Lopez, nagsolo na si Emman sa isang sulok ng party, wala siyang planong makipag-usap kanino man kung hindi kinakailangan.Gusto lang niyang mag-isa. Nakatitig ito sa cellphone at naka-log in sa isang fake social media account para i-stalk na naman si Carlene.Sakto lang ang timing ng pagla-log in ni Emman dahil may bagong post si Carlene.Nasa beach ito at may mga kasamang kaibigan.Kitang-kitang enjoy na enjoy ito sa picture bagay na nagbigay ng inis at lungkot kay Emman.Inis, dahil tila talagang nakalimutan na siya ni Carlene at lungkot dahil nagagawa nitong maging masaya kahit wala na sila.Para bang balewala lang kay Carlene ang lahat samantalang siya ay miserable pa rin, hindi ito makapaniwala na ganun lang kadali kay Carlene na mag-move on,habang siya nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila. Isang larawan ang mas ikinainis ni Emman, ang picture ni Carlene na may naka-akbay na lalake at mukhang sweet na sweet ang mga ito sa isa't-isa.Kahit na alam naman ni Emman na wala na sila ni Carlene hindi niya maiwasan magalit at magselos ng makita ang picture. " Mukhang ang saya mo....samantalang ako...ganito," puno ng galit at pagka-inis sa sarili ni Emman.At ang pagkawasak ng puso ni Emman ay dinaan na lang nito sa pag-inom, ang pansamantalang solusyon ng mga broken-hearted, ang anesthesia ng mga pusong wasak, ang pain killer ng mga pusong sugatan....ang walang kupas at mabisang bote ng alak.Walang limit ang prescription hanggang kaya mong tumuma walang problema hanggang sa maging manhid ka na.Makalimutan mo siya, maging ang sarili mo.Panandalian solusyon. Nakailang wine glass na rin si Emman at ilang ulit na rin nagpabalik-balik ang waiter sa table niya para bigyan siya ng wine. " Excuse me, Sir...ayus lang po ba kayo?," tanong ng waiter ng makitang lasing na si Emman at nawawala na ito sa huwestiyo. " Ayus lang ako.W-wala ba kayong mas matapang pa rito?E, parang juice lang 'tong binibigay mo," sarkatikong sagot ni Emman na talagang tinamaan na ng espiritu ng alak. " Sorry po Sir, pero iyan lang po klase ng alcohol drinks ang sine-serve namin.If you like Sir,there's a wine bar sa banda dun, pwede po kayong ma-request dun ng gusto niyong drinks," paumanhin muna ng waiter sabay suggest ng wine bar. " Tama, mabuti pa dun na lang ako," sambit ni Emman.Pagtayo nito ay halos mawalan ito ng balanse, akmang aalalayan siya ng waiter ngunit pinigilan ni Emman ito. " I'm fine.I can manage myself....hindi pa ako lasing....I just drank....," katwiran ni Emman. " Okay,Sir,this way ang wine bar...," turo ng waiter. " I know," sagot ni Emman. Walang nagawa ang waiter kung hindi hayaan lang ang kayang guest na umalis patungong wine bar habang susuray-suray na sa pag-lalakad. Gerona J.R... Pasalamat sa reads....hoping for your votes and pa-comment naman.... Abangan.... Anong mangyayari sa party?. Nasaan na nga ba si Lorraine?. At abangan ang unang pagkikita......sana basahin niyo pa rin ang next chapter....???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD