Chapter One 1.1 Insta Love Potion

3063 Words
1.1 Insta Love Potion NAPAKAMOT ng ulo at napailing na lang si Mira dahil kung saan-saang eskinita sila nagsu-suot ng kaibigang si Lorraine.Nagpaikot-ikot, nakipagsiksikan sa karamihan ng tao at halos maligaw pa ang mga ito sa dami ng pasikot-sikot na pinasukan nila para lang sa isang tindahan.....kung anong mang klaseng tindahan iyon ay walang kaalam-alam si Mira. Tanging pagkadismaya lang ang rumehistro sa mukha ni Mira ng makita ang isang lumang-lumang tindahan na tila antigo na sa kalumaan, ito lang pala ang pakay ni Lorraine sa lugar, kung anong klaseng tindahan ito tiyak si Lorraine lang ang nakakaalam. Mas naloka pa si Mira sa pangalan ng tindahan, mukhang hindi mapagkakatiwalaan.Parang isang 'joke'. " Seryoso ba 'to,Lorraine?.Ito na 'yung tindahang hinahanap mo?.Isa pa tindahan ba talaga 'yan?,e mas mukhang haunted house 'yan kaysa tindahan," tanong ni Mira na nagsisimula ng kilabutan sa lugar. " Oo, 'yan na 'yan na 'yun," siguradong na sagot ni Lorraine na kaibigan. "nakuuu...ayaw kong pumasok diyan, umuwi na lang tayo ....," takot na napaatras si Mira sa pagpasok sa tindahan at akmang aalis ng hawakan ito ni Lorraine sa braso para pigilan. Hindi maipaliwanag ni Mira kung anong klaseng tindahan ang may werdong pangalang... 'Lulubong Lilitaw Shop' , where everything you need',.  Disclaimer: Hindi po sa'kin 'tong picture na ginamit ko, nakuha ko lang po sa internet.For imagination purpose only. Plagiarism is a crime P.S. Pagpasensyahan niyo if hindi masyadong tugma sa paglalarawan ko ang shop nasa picture.Iyon na kasi ang pinaka-close sa paglalarawan ko.....??? "Mira...nandito na tayo, kaya lubos-lubusin mo na ang pagsama mo sa'kin," pangungumbinsi ni Lorraine rito Labag man sa kalooban ni Mira ang pumasok sa loob ng shop dahil nakaramdam siya ng kakaibang kilabot dito na hindi niya maipaliwanag ngunit para kay Lorraine, na kaibigan niya ay nilakasan na lang niya ang loob. "Ito na ba talaga 'yun?,",muling tanong ni Mira habang kinikilabutang nakatingin sa shop.Umaasa pa rin siya na magbago ang isip ng kaibigan at huwag ng tumuloy pa. " Oo.Itong-ito na nga 'yun, hindi ako pwedeng magkamli sa pangalan ng shop.Halika na, pumasok na tayo," siguradong sagot ni Lorraine sabay hila nito sa kaibigan para pumasok sa loob.Gustong ibaon ni Mira ang mga paa sa semento pero wala siyang nagawa sa pamimilit ng kaibigan. " Pwedeng dito na lang ako sa labas maghintayyy.....," at wala ng nagawa si Mira ng halos kaladkarin siya ng kaibigan papasok sa loob ng shop. Naguguluhan, madudumihan, o kinikilabutan, hindi makawari ni Mira kung alin ba sa mga ito ang nararamdaman niya sa loob ng kakaibang shop o baka magkakahalo na ang lahat ng pakiramdam na iyon sa loob niya.Maraming kung anu-anong nakasabit sa ding-ding, mga lumang bagay na naka-display tulad ng mga buto ng kung anong hayop, at hindi lang sigurado si Mira at hula niya baka may buto pa tao , may mga garapon na may lamang mga dahon-dahon, ugat-ugat at kung anu-ano pa.Sa tingin ni Mira parang isang tindahan ng mga mangkukulam ang pinasukan nila. " Ano ba kasi talaga ang lugar na ito?.At ano ba kasi ang kailangan mo dito?.Baka mamaya may kung anong lumitaw dito....baka may multo o maligno....natatakot na ako,Lorraine," hindi mapalagay na tanong ni Mira sa kaibigan habang kinikilabutan na pinagmamasdan ang loob ng shop.Parang tuko ito na nakakapit sa braso ni Lorraine. " Basta...," maiksing sagot ni Lorraine. "Lorraine, kapag may lumabas na kung ano rito, tatakbuhan talaga kita...," takot na sambit ni Mira na ayaw ng bumitaw sa braso ng kaibigan. "Tao po!...,Tao po!...," pasigaw na tawag ni Lorraine sa loob ng tindahan.Tanging ang boses ng pagtawag ni Lorraine ang umalingawngaw sa nakakabingi ang katahimikan ng buong shop. "Lorraine...pwede bang bumalik na lang tayo...walang tao, ouh...?," pangungulit ni Mira na talagang hindi na mapakali at panay na ang hila sa braso ng kaibigan. May kaluskos na narinig ang dalawa.Madaling sumiksik si Mira na hindi na mapigil ang takot na kanina pa niyang sinasabi sa kaibigan. " Ano 'yun?.Umalis na tayo....baka may kung ano pa tayong makita dito...," takot na takot na aya ni Mira na kulang na lang ay tumakbo palabas. "Naku, huwag kang nagpapaniwala sa mga multo.Hangin lang 'yun.Isa pa tanghali ngayon wala pang multo," katwiran ni Lorraine na natatakot din pero pinipilit lang magtapang-tapangan. " Ano ba kasing kailangan mo dito.....," pagmamaktol ni Mira. " Tao po!!!...tao po!!!...," tawag muli ni Lorraine. " Welcome to Lulubog Lilitaw S-," saad ng boses na bigla ma lang sumupot kung saan. "Ahhhhh....tikbalang!!!!......tikbalang!!!...zombie!!!..zombie!!!...multo!!!...multo!!!.....," sa gulat at taranta ni Mira sa bigla na lang sumulpot sa likuran niya ay mabilis itong napa-dampot ng panghampas at walang kaabog-abog na pinaghahampas ang bigla na lang sumulpot. "Uy!...uy!....tama na....tama na...aray!.....tama na....aray!!....aray!..aray!!!...," pagmamakaawa ng taong pinagkamalang multo ni Mira habang patuloy niya nitong pinaghahampas ng isang malaking buto na siyang nadampot niya. " Lorraine, ano ba?...tulungan mo'ko dito.Kumuha ka ng bato....babasagin o kahit ano....hampasin mo siya...," nagpa-panic na utos ni Mira kay Lorraine habang patuloy sa paghampas sa kawawang nilalang. Nahawa si Lorraine sa pagkatratanta ni Mira kaya naghanap rin ito ng maaari ipanghampas, isang malaking bato ang nakita nitong naka-display,kinuha niya ito at ng akmang ipupukpok nito.... " TAMA NAAAAAA!!!!........," biglang lumakas at lumaki ang boses ng taong pinaghahampas ni Mira. Parehong nagulat sina Lorraine at Mira sa laki ng boses na umalingawngaw sa buong shop.Natigilan ang dalawa na nasindak sa boses at doon lang nila napagtanto na tao pala ito. " Papatayin niyo ba ako?!," galit na bulalas ng taong tila naging incredible hunk ang laki ng boses.Binawi nito ang hawak-hawak na bato ni Lorraine. "....Sus!!!...mga baklang 'to papatayin pa 'ata ako!," biglang lumambot ang boses na kanina lang ay lalakeng-lalake pero ngayon ay baklang-bakla na. " S-sorry, pasensya ka na," paumanhin ni Mira na nahiya sa ginawa niya. " Naku po, kamuntik niyo na akong mapatay...akin na nga 'to...," sabay bawi naman sa hawak ni Mira, tila ba naninigurong hindi na siya mahahampas ng mga ito. Makapal na make up, kulot na maiksi na buhok nito.Moreno o morena, at napakulay ng suot at nagmumukha itong taong chandelier sa mga suot-suot nitong burluloy.Ito ang hitsura ng taong napagkamalang maligno ni Mira. " Sus!...at nagkalat pa kayo dito...," dugtong nito na pinagpupulot ang mga gamit na nahulog sa kahon kung saan basta na lang kinuha ni Mira ang buto. " Sorry po talaga.Nagulat lang po ako, e, kasi naman bigla-bigla kayong sumulpot tapos ganyan pa kakapal ang make-up niyo, sino ba naman ang hindi matatakot sa inyo tapos ganito pa ang hitsura ng shop niyo, pang-horror," katwiran ni Mira na aminado sa nagawa.Kaagad naman itong tumulong ito sa pagpupulot ng mga nalaglag sa kahon pero may bagay na hindi naibalik si Mira sa kahon, isang pink na botelya na inilagay na lang niya sa isa sa mga shelves ng shop na sa halip sa kahon. Isang pink na botelya na magiging malaking bahagi ng pagbabago ng buhay niya. " Hindi ka rin madaldal na bata, ano?...huwag mo ng pakialaman ang make-up ko...uso 'to, binabagay ko lang dito sa shop....vintage....," sagot nito kay Mira. "Vintage???...baka po antique," hirit na biro ni Mira na nawala na ang takot na naramramdaman kanina. " At, talagang nag-joke ka pa...ang cute mo...nakakagigil...," sambit ng tao ng shop. Nag-peace sign si Mira sa birong niyang iyon. "..anyway...ako nga pala si Madam Z, anong kailangan niyo sa shop ko?," sagot ng nagpakilalang Madam Z na may-ari pala ng tindahan. " Madam Z???..as in 'Zombie' ?...," bulong ni Mira na na-curious sa pangalan ni Madam Z. " Hoy!...narinig kita...ano 'to?!, porke malaki ang eyebag ko, zombie kaagad?....pwedeng puyat lang???....," saway ni Madam Z ng marinig si Mira. " Sorry," sambit ni Mira na kalmadong-kalmado na. " Ah, Mira pwede ba kitang maka-usap saglit?," bigla na lang nagbago ang tono ni Lorraine, naging seryoso ito biglang ng magpakilala si Madam Z. " Okay," sambit ni Mira. " Madam Z, saglit lang po kami sa labas," paalam ni Lorraine. " Sige," sambit nito. Sa labas ng tindahan dinala ni Lorraine si Mira. " Ano ba 'yun?.Bigla ka 'atang naging seryoso, anong meron?," tanong ni Mira sa kaibigan. " Ah, pwede mo ba akong ibili ng tubig?," utos ni Lorraine. " Talaga?..gusto mo lang ng tubig?," tanong ng kaibigan rito. Nagtaka si Mira sa biglang pag-iiba ng kilos ni Lorraine.Mukha itong kinakabahan, " Oo naman pero ayus ka lang ba?," pag-aalala ni Mira. " O-oo.Kinabahan lang ako sa nangyari kanina.Grabeh 'yun di ba.Halos binugbog natin si Madam Z," sagot ni Lorraine. Napangiwi si Mira ng maalala ang nangyari kanin. " Oo nga noh," hindi na nag-usisa pa si Mira sa kaibigan at naniwala na lang sa rason ni kaibigan. Pagbalik ni Lorraine sa loob ng tindahan nag-aayus na ng shop si Madam Z dahil sa kalat ng nangyari kanina na halos kumalampag sa buong shop. " Nasaan na 'yung kaibigan mo?...aba'y halos patayin ako kanina," tanong ni Madam Z ng makitang si Lorraine na lang ang bumalik sa loob. " Pasensya na po kayo.Nagulat lang po siya ng husto e medyo matatakutin po iyon," depensa naman ni Lorraine para sa kaibigan. " Grabeh sa pagkagulat 'yung kaibigan mo, ano?, kamuntikan na akong ma-tsugi.Ano ba ang kailangan niyo sa shop ko.Sadya ang lugar na 'to kaya ibig sabihin hindi ordinaryong bagay ang kailangan mo," pahayag ni Madam Z sabay tanong na rin sa pakay ni Lorraine. Kanina pang kinakabahan si Lorraine pero ngayon lang niya ito nararamdaman ng husto.Wala na siyang magagawa kundi ang kumapit sa patalim.Ngunit sa sandaling pag-aalinlangan nito, naisip niya ang maaaring mangyayari sa kanya.....napabuntong-hininga na lang si Lorraine sa palaging bukang-bibig ng ina sa kanya sa tuwing tinatawagan niya ito para manghingi ng pera.....palagi siya nitong kinukulit tungkol sa iisang bagay lang..... ***Flashback***............ " Anak, kung pumayag ka na sana sa alok na kasal nu'ng matandang foreigner ,e di dapat hindi mo na kailangang magkandakuba-kuba sa pagtatrabaho," palaging pinipilit ng ina ni Lorraine na pakasalan ang matandang foreigner na may gusto sa anak para makaahon sila sa hirap ng buhay.Ang gusto nito instant yaman, at double instant din kung sakaling si Lorraine ay magpapakasal rito,may asawa na, may lolo pa. " Ma, pwede ba huwag niyo na po akong pilitin tungkol diyan.Nagtatrabaho naman po ako ng maayos dito....wala akong inaatupag na ibang bagay kundi trabaho lang kaya....please huwag niyo na po akong pilitin...ayaw ko sa matandang foreigner na 'yun" paulit-ulit na pagmamakaawa na pagtanggi ni Lorraine sa ina. " Anak naman....nagbabakasakali lang naman ako na magbago ang isip mo.Kasi naman 'yung tatay mo lumalala ang sakit ta-," " Ma, maaga pa po ang pasok ko bukas sige na ho," siningitan na ni Lorraine ang ina bago pa ito tuluyang makapagsermon sa kanya na gagamitin pa ang ama'ng may sakit, " ....sige na ho, kailangan ko ng pong matulog ng maaga,bye-bye po, Nay.Good night," paalam nito. Tanging si Lorraine lang ang inaaasahan ng pamilya niya pero kahit anong mangyari ayaw niyang magpakasal sa isang matandang foreigner kaya patuloy siyang nagsusumikap sa buhay pero nagigipit na siya ng sitwasyon gayong palala na ng palala ang sakit ng ama. Huminga muna ng malalim si Lorraine bago sumagot," May gayuma po ba kayong binebinta?," lakas-loob na patanong na sagot nito. " Sus, gayuma lang pala...marami kaming binibenta dito.Nasa tamang lugar ka, hija," hindi na nasorpresa si Madam Z. Dahil hindi ordinaryo ang tindahan nila at pang karaniwan na lang ang naghahanap ng mga gayuma sa shop niya, "....remember this is 'Lulubong Lilitaw Shop...where everything you need ," at dinugtong pa talaga nito ang werdong pangalan ng shop kasama pa ang tag line na pang advertise. " Magkano naman po?," halatang concern sa presyo si Lorraine. " Sus, murang-mura lang 1000 pesos for you, discounted na 'yan," mala-sale lady na kung makipag-usap si Madam Z na animo'y sale clerk na nagbebenta ng appliances sa mall. Napalaki ng mata si Lorraine ng banggitin ang presyo. " Ang mahal naman 'ata?,pwede pa po bang tawaran?," tila nag-alangan sa presyo si Lorraine. Ang kaba at pag-aagam-agam ni Lorraine kanina ay bigla na lang nawala ng marinig ang presyo ng gayuma. " Sige....900 pesos," isang daang pesong tawad ang binigay ni Madam Z. " 100 pesos lang ang tawad?..., grabeh naman.May warranty po ba 'yan?," tanong ni Lorraine na hindi pa ayus sa 100 pesos na tawad. " Sige...sige...last tawad...sagad at tapat na 'to...700 pesos," muling bawas ni Madam Z sa presyo. Tila nasa Divisoria ang dalawa sa tawaran. Napa-isip si Lorraine.Gusto niyang kagatin ang presyo pero umiral pa rin ang pagka-kuripot nito. " 500 pesos...," tawad ni Lorraine na kalahati sa presyo ng gayuma. " Grabeh naman,kalahati kaagad?...ibinagsak mo kaagad ang presyo," reklamo ni Madam Z. "...alam niyo ako pa nga ang lugi dito.Una hindi ko pwede i-testing 'yung gayuma niyo. Tapos hindi ko pa pwedeng ibalik, pangalawa walang warranty-," " Sus...ginawa mo namang appliances ang gayuma ko....," reklamo ni Madam Z. " Yun na nga po e.Sa pagkakaalam ko hindi naman legal ang bintahan ng mga ganitong bagay kaya,-," katwiran ni Lorraine. " Hep...hep...hep...Okay na....500 pesos...sige na...baka paghumaba pa ang usapan natin e, hingiin mo na lang...mailibre ko pa sa'yo.," wala ng nagawa si Madam Z kundi ang pumayag sa bagsak presyong tawad ni Lorraine dahil medyo ulats ang bentahan niya ngayon. " Pwede ho ba?...biro lang okay na ho ako sa 500....," hirit ni Lorraine na walang kupas ang talento sa pagtawad. " Sandali lang...maghahanap ako rito 'yung pang-500 pesos ang epekto...," pilosopong sambit ni Madam Z. Naghanap-hanap kung saan-saan si Madam Z ng may makita itong pink na botelya sa isa sa mga shelves ng shop nito.Ito rin ang botelyang pinulot ni Mira na inilagay sa shelves.Kinuha niya ang pink na botelya at binasa ang label nito. 'Insta Love Potion'. " Ito...," inabot ni Madam Z ang botelya kay Lorraine na binasa naman ang nasa label nito. " Insta Love Potion....epektibo ba ito?," tila nagdududang tanong ni Lorraine. " Oo, best-seller namin 'yan dito,duda pa 'to" sagot ni Madam Z. Iaabot na sana ni Lorraine ang bayad ng huminto ito, " Papaano po kung hindi ito gumana?," diskimpiyadong tanong ni Lorraine. " Grabeh ka naman, binarat mo na nga ako, kalahati na nga ang binababa ko sa presyo niyan," reklamo ni Madam Z na nabitin sa pag-abot ng bayad. Iaabot na sana ulit ni Lorraine ang pera ng , " Paano po ito gamitin?,".Tanong ulit nito. " May instruction sa botelya," nagmamadaling sagot ni Madam Z sabay kuha ng pera sa kamay ni Lorraine para makasigurado ito. " Effective ba talaga 'to?," malaki pa rin ang pagdududa ni Lorraine habang hawak-hawak ang botelya ng gayuma at tinitingnang mabuti. Tuluyan ng nainis si Madam Z sa dami ng tanong ni Lorraine gayong binarat naman nito ang presyo ng tinda niya," Kung gusto mo subukan mo sa'kin...ano?, gayumahin mo'ko," sagot nito. Napalunok ng laway si Lorraine sa sinabi ni Madam Z habang nakatingin rito.Kahit na hindi beki si Madam Z ay hindi niya ito tipo. "Huwag na po....," sagot ni Lorraine. " Ayus din kayong magkaibigan, ano.Iyong isa binugbog ako, samantalang ikaw binugbog mo 'yung presyo ng tinda ko kulang na lang halos hingiin mo," napapailing na sabi ni Madam Z. " Grabeh naman po kayo," sagot ni Lorraine. Pagbalik ni Mira, nasa labas na ng shop ang kaibigan, " O,anong nangyari sa loob?," tanong nito kay Lorraine, may napansin si Mira na isang pink botelya sa kamay nito, " ano 'yan?," tanong nito. Dali-daling inilagay ni Lorraine ang botelya sa bag sabay sabing, "Wala....halika na... umuwi na tayo," sagot ni Lorraine sabay kuha sa bottled water at kaagad na uminom na para bang galing ito sa marathon kung makalag-ok, uhaw na uhaw ito. " Ayus ka lang ba talaga?.Anong nangyari sa loob?," usisa muli ni Mira na nagtataka sa kinikilos ng kaibigan. " O-oo naman, okay lang ako.Isa pa wala naman akong napala sa loob, alis na tayo dito," sagot ni Lorraine na nagyaya ng umalis. " Okay," simpleng tugon ni Mira na hindi na nag-usisa pa. Pag-uwi sa inuupahang boarding house.Sa kwarto kung saan mag-isa lang si Lorraine, kinuha niya ang gayumang nabili. 'Insta Love Potion' ang nakatatak sa label ng pink na botelya. " Effective kaya 'to?," tanong ni Lorraine sa sarili habang tinititigang mabuti ang botelya. " Paano ba 'to gamitin?," tanong nito at ng ikutin ang botelya sa likuran ay may nakasulat. Hindi basta-basta mababasa dahil sa liit ng pagkasulat kaya kinailangan pang ilapit ni Lorraine sa mata ang botelya para lang mabasa ang nakasulat rito'ng instruction. " Insta Love Potion sure ang lovelife mo.....," binabasa ni Lorraine ang unang nakasulat rito.  Disclaimer: Hindi po sa'kin 'tong picture na ginamit ko, nakuha ko lang po sa internet.For imagination purpose only. Plagiarism is a crime P.S. I know, again hindi ito ang eksaktong description ko sa story tungkol sa pink bottled love potion kaya sana palampasin niyo na lang din para lang naman ma-imagine kahit papaano. " Aba, ayus din 'to ah,para lang instant noodles" pansin nito sa kakatwang nabasa. Pinagpatuloy ni Lorraine ang pagbabasa sa likurang bahagi ng botelya, " Bago ipainom sa iyong napupusuan, banggitin ang orasyong nakasaad....tandaan isang lag-ok lang, sigurado ang love life mo.....". "Wow, hanep sa advertisement....," komento nito. "..mukhang madali lang," kumpiyansa si Lorraine matapos mabasa ang instruction ng gayuma. Para kay Lorraine ang gayuma'ng iyon ang magiging sagot sa lahat ng problema niya.Sa halip na magpakasal siya sa matandang foreigner na parang lolo na niya ay mas mabuti ng magpakasal siya sa isang gwapong mayaman na kaedaran lang niya. "Kung magpapakasal lang din naman ako sa hindi ko gusto e, di dun na sa gwapong mayaman kaysa sa naghihingalong matanda," sambit ni Lorraine habang mahigpit na nakahawak sa botelya na tila ba ang buhay na niya ang nakasalalay rito. Napaigtad si Lorraine sa kinauupuan nitong kama ng biglang pumasok si Mira sa kwarto nila, kamuntikan pa itong mahulog mula sa pagkakaupo.Kakatapos lang nitong maligo dahil nagpupunas pa ito ng basang buhok. " Oh, anong nangyari sa'yo?.Nagulat ba kita?," tanong ni Mira sa kaibigan. " Hindi naman," nakangiting sagot ni Lorraine habang pasimpleng nakatingin sa gayumang naihagis nito sa ilalim ng unan nito. "Huwag kang masyadong magkape, nagiging magugulatin ka," komento ni Mira na naupo sa kabilang kama. Parehong boarding house lang nakatira sina Mira at Lorraine, roommate rin ang dalawa at magkasama rin sa trabaho kaya maging magkaibigan ang dalawa. Gerona J.R... Author's note:. Salamat sa pagbasa....sana nagustuhan niyo ang story.Sana basahin niyo kung anong gagawin ni Lorraine at kung papaano madadamay ni Mira sa balak niya.....???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD