Prologo

607 Words
Prologo ' 'Happily Ever After' 'AND they lived happily ever after.....' ang common ending ng mga fairy tale story na palaging binabasa ng paulit-ulit nina Jerie at Mira, kapwa mga ulila sa isang bahay-mapunan.Parehong sanggol pa lang ay nasa bahay-ampunan na sila at dito na lumaki. " Totoo kaya ang 'happy ending'?," tanong ni Jerie sa kabigan. " Siguro?....e kasi 'yang ang palaging nasa ending ng kwentong binabasa natin," hindi siguradong sagot naman ni Mira sa kaibigan may maisagot lang. Isinara ni Jerie ang librong binasa. " Ako hindi naniniwala sa happy ending,isa pa naman hindi naman kasi totoo ang mga fairy tale,," kontrang komento ni Jerie na akala mo matanda kung mag-isip, e sampung taong gulang lang naman silang dalawang magkaibigan. " Bakit naman?," tanong ni Mira sa kaibigan. " Sa tingin mo may happy ending ang mga katulad natin?.E, di ba mga ulila tayo, walang pamilya," inis na paliwanag ni Jerie. " Ano ka ba?.Oo, ulila tayo pero may pamilya tayo, ikaw at ako, ang lahat ng nandito sa bahay-ampunan pamilya tayo dito, di ba 'yun ang palaging sinasabi nila sa'tin, nila sister," positibong namang paliwanag ni Mira sa kaibigan. Tinitigan ng mabuti ni Jerie ang kaibigan at pinag-isipan ang mga sinabi nito.Totoo naman ang mga sinabi ni Mira, kahit na nasa bahay-ampunan sila masaya pa rin ang buhay nila.Sa katunayan isa silang malaking pamilya. " Tama ka naman dun, Mira," pagsang-ayon din nito. " Syempre naman.Kailangan mong lang maniwala na may happy ending," isang makahulugang dugtong ni Mira kahit na siya ay hindi gaanong batid ang mga sinabi. "Ang hilig mo talaga sa mga fairy tale, Mira," saad ni Jerie sa matalik na kaibigan. " Hindi naman,ang ganda lang kasi basahin 'yung kwento ng mga prinsesa at prinsepe...," tugon naman ni Mira na may ngiti pa sa mukha nito matapos isara ang librong binasa....ito ang paboritong niyang fairy tale ang 'Beauty and the Beast',. Napahiga si Jerie sa damuhan at habang nakahiga malinaw niyang nakikitaba ang mga ulap na may iba't-ibang hugis. "Alam mo kung bakit ayaw ko ng mga fairy tales?," sambit ni Jerie sa kaibigan habang nakatingin sa mga ulap. Napatingin si Mira sa kaibigang nakahiga at deretso lang sa mga ulap. " Bakit?," tanong ni Mira rito. " Kasi sa mga fairy tales kung saan palaging inililigtas ng mga prinsepe ang prinsesa, nagmumukhang mahina ang mga babae, di ba nakakainis 'yun," sagot ni Jerie, na parang may problema sa mga plot ng fairy tales. " Pero iba naman ang kwento ng 'Beauty and the Beast', kasi si Belle, hindi prinsesa tapos iyong prinsepe isinumpa.Tapos si Belle ang nakatanggal sa sumpa,di ba parang si Belle ang nagligtas sa prinsepe...," paliwanag ni Mira sa kaibigan.Iyon ang paborito niya fairy tale. Napa-isip sandali ang kaibigan.Napatingin ito kay Mira.May punto ang kaibigan. "Tama ka naman dun....," sambit nito na napatingin ulit sa mga ulap at sa pagkakataon iyon napatingala na rin si Mira. Napangiti si Mira habang pinagmamasdan ang mga ulap na para bang mga bulak sa kalangitan.Maganda ang panahon,maaraw ngunit hindi mainit,mahangin at makulimlim.Perpektong weather para mahiga sa damuhan at pagmasdan lang ang kalangitan. " Jerie, hindi man tayo mga prinsesa sa isang fairy tales,sure ako may 'happy ending' tayong lahat ng nandito sa orphanage....," nakangiting sambit Mira. Ngumiti si Jerie, " Sabi mo eh," sambit nito. " Ang ganda ng mga ulap....," nakangiting sambit ni Mira habang nakatingala sa mga ito. "Oo, sobrang ganda," pag-sang-ayon naman ng kaibigan. Makalipas ang ilang taon....... Gerona J.R... Author's note: Salamat sa pagbasa, sana kahit papaano ay nagustuhan niyo...hoping you proceed to next chapter....??? P.S. sana may pa-vote and pa-comment na rin kasama if you like nemen...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD