Apple Antoinette Maraño Hindi pa rin bumaba ang lagnat ko kinabukasan kaya tudo alaga sa akin ang asawa ko. Parang bumaliktad ang sitwasyon. Ako na ngayon ang inaalagaan. Halos lahat sa bahay ay nag-alala sa akin. Kahit ang mga kasambahay ay nagtatanong rin kung okay na ako. Inaayos ninDon ang kumot ko nang makarinig ng katok mula sa labas ng pinto. Si Jeremy ang nasa labas ng pagbuksan niya ito. May bitbit itong tray na may takip. "Son, may kailangan ka?" tanong ni Don sa kanya. “May dala akong mainit na sopas para kay Apple. Ako mismo ang nagululuto nito. Natutunan ko itong lutuin nong sa America pa ako,” sagot ni Jeremy sa ama. “Okay, pasok ka. Ilagay mo lang dyan sa table,” sabi naman ni Don. Pumasok naman si Jeremy at nilagay sa bedside table ang dala niya. Akala ko ay aal