"Are you Ms. Annika De Jesus?" Tanong sa kanya ng lalaking nakatayo sa harapan niya at nakatingin sa mga mata niya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtama ang mga mata nila ng kanyang boss. Sa tagal na niyang nagtatrabaho sa kompanya nito at never pa siya nitong tinignan. At hindi niya inakala na sa ganitong paraan sila magkikita.
Ramdam niya ang pagkahilo dala ng nainom niyang wine. Pero hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang kagwapuha ng lalaking kaharap.
Nakasuot pa ang lalake ng business suit. Mukhang galing pa ito sa opisina, at dumetso lang sa restaurant. Ganoon pa man fresh na fresh pa rin ang lalake at nasasamyo niya ang mamahaling mems cologne nito na agad umalingasaw nang pumasok ito sa pintuan.
"Ikaw ba ang kapatid ni Simon De Jesus?" Tanong pa ng lalake sa kanya. Masyado kasi siyang natulala sa kgwapuhan nito at hindi nagawang sumagot sa unang tanong nito sa kanya.
Nagbukas siya ng bibig para magsalita, pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Nanatili lang siyang nakatingala sa gwapong lalake. Matangkad kasi ito kaya kailangan niyang tumingala pa.
Hindi niya alam kung dahil ba sa wine kaya parang hindi nag pa-function ang brain niya o natutulala lang siya sa gwapong kaharap.
Nakasunod siya ng tingin sa lalake nang maupo ito sa tapat niya at napansin ang pagsulyap nito sa wine bottle na wala ng laman.
"Empty bottle eh," the man said.
"Ah... Eh..," she said.
"Matagal ba kong dumating kaya naubos mo na ang isang bote ng wine?' Tanong nito at tumingin sa kanya.
Napansin niya ang pag kunot ng noo nito habang nakatingin sa buong mukha niya. Pagkatapos nitong masuri ang mukha, bumaba naman ang mga mata nito sa kasuotan niya na lalong kinalalim ng kunot nito sa noo.
Marahil hindi nito inaasahan na ganito ang kanyang kasuotan. Kilalang babaero ang boss niya, at lahat ng na li-link rito ay talaga namang magaganda at sexy. Malayo sa style niya ngayon. Kaya marahil nagtataka ito sa kanya.
Sinadya niyang hindi mag-ayos para mawalan ng gana sa kanya ang lalake. Hindi siya isang kasangkapan lang na pwedeng gawing pambayad utang ng sino man.
Mukhang malinaw ang pag-iisip niya pero lutang na ang kanyang physical na katawan, dahil sa wine. Kaya hindi nagtatagpo ang lakas ng katawan niya at isip niya.
"Anything you want to eat, before we proceed?" Tanong sa kanya ng lalake.
"No," she answered.
Nahihilo na talaga siya at hindi na kaya ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa alcohol.
"I want... to... go.. home.," hirap pa niyang sabi sa lalake at dala ng pagkahilo bumagsak na lang bigla sa mesa ang nananakit niyang ulo at pinikit ang mga mata. Umiikot na kasi ang bawat tignan niya.
"Damn it," malinaw niyang narinig ang pagmumura ng lalake sa harapan niya. Sadyang wala siyang lakas para sulyapan ito.
"What the f*ck is this Simon?"
Sunod na narinig niyang sabi ni Garreth. Galit ang boses nito. At mukhang kausap na nito ang Kuya Simon niya.
Tiyak na magagalit ang kapatid niya pag nalaman nitong nalasing siya at hindi makausap ng matino ni Garreth Saavedra.
Narinig at naintindihan niya lahat ang mga sinabi ni Garreth sa kapatid niyang nasa kabilang linya. Although hindi niya naririnig kung ano ang sinasabi ng Kuya niya sa kabilang linya.
Ang pagkakaintindi niya ay si Garreth na ang bahala sa kanya. At pwede siya nitong dalhin saan man niti gusto.
Sa kalagayan niyang ito, wala siyang lakas para protektahan ang sarili niya. Hinang-hina ang katawan niya. Sa tuwing bubuksan ang mga mata niya umiikot ang nakikita niya. Nais tuloy niyang magsisi at nalasing siya.
Nais lang naman niyang uminom pampalakas ng loob. Na overwhelmed siya at nagawang ubusin ang isang buong bote.
"Let's go," sabi ng lalake sa kanya at naramdaman ang kamay nito sa balikat niya.
"Where... are we... going?" she asked.
"My place," tugon ng lalake sa kanya.
Sunod na naramdaman niya nakasubsob na ang mukha niya sa malapad na balikat ng lalake at nakaalalay ito sa paglalakad niya. Nagagawa pa naman niyang humakbang kahit papano, basta nakakapit siya sa lalake.
Paunti-unti niyang binubuksan ang mga mata para makita ang dinadaanan nila, pero agad din naman niyang pinipikit dahil sa hilo.
Sunod na naramdaman niya sumakay sila ng lalake sa likuran ng sasakyan at magkatabi sila nito. Nakasandal pa nga siya sa balikat nito nang maramdaman ang pag andar ng sinasakyan nila.
Kung saan sila papunta ay hindi niya alam. Wala rin siyang idea kung ano mangyayari sa kanya. Sa kalagayan niyang ito ang sarili niya ang dapat sisihin.
Matapos ang ilang minuto biyahe nila narinig niyang nagpasalamat si Garreth sa driver at saka na sila bumaba.
Nang buksan ang mga mata malaking bahay ang tumambad sa kanya na puno ng ilaw sa labas.
"Where... are.. we?" She asked.
"Sa bahay ko," tugon ng lalake sa kanya.
Nabigla pa siya nang bigla siyang buhatin ng lalake pa bridal style. Sa takot ba malaglag kinawit niya ang mga kamay sa batok nito at sinubsob ang nananakit na ulo sa dibdib nito.
"Good evening po Sir Garreth."
"Good evening Manang. Pakidalhan ako ng mainit na tubig sa itaas at tubig ma maiinom."
"Opo Sir."
Malinaw niyang naririnig ang mga nag-uusap, but, she is to weak to handle herself now.
Sunod na naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama. Sinubukan niyang buksan ang mga mata para tignan ang lalaking kasama at para malaman kung nasaan na nga ba siya.
Nang imulat ang mga mata tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Garreth na nakatingin sa kanya.
"Anong gagawin mo sa akin?" Tanong niya sa lalake.
"As of now wala. I can't f*ck a drunk woman!" Mariing tugon sa kanya ng lalake.
Napangiwi siya sa magaspang na pananalita nito. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang pag gapang ng kakaibang init sa buong katawan niya.
"How do you feel?" Tanong ng lalake sa kanya.
"Dizzy," she answered. Iyon naman ang totoo umiikot ang paningin niya, but, still she can't resist na tignan ang gwapong mukha ng lalaking kaharap niya.
"Close your eyes. You should sleep," Garreth said to her.
Agad naman niyang sinunod ang sinabi ng lalake. Hinang-hina na rin naman kasi siya. Hindi na niya kayang protektahan pa ang sarili. Bahala na bukas kung ano ang mangyayari sa kanya. Bahala na si Garreth kung nais siya nitong samantalain. Masyado siyang mahina at lasing na para maipagtanggol pa niya ang sarili. Hinihila na rin siya ng antok at nais na niyang pagbigyan ang nanghihinang katawan.
Kianabukasan dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at napatitig sa puting kisame ng ilang secundo, bago marealized na hindi pamilyar sa kanya ang magandang kisame.
Kumunot ang noo niya at napabalikwas ng upo mula sa pagkakahiga. Nakaramdam pa nga siya nang pananakit ng ulo nang sa biglang pagbangon.
"Nasaan ako?" Tanong niya sa sarili at ginala ang mata sa buong kapaligiran.
Maganda ang kabuuan ng silid. Moderno at kumpleto sa kagamitan. Nagsusumigaw ang karangyaan.
"Nasaan ba ako?" Muli niyang tanong sa sarili at pilit inalala ang nangyari sa kanya at kung bakit naroon siya sa lugar na ngayon lang niya nakita buong buhay niya.
Habang sinusuri ang bawat sulok ng malaking silid. Naramdaman niya ang pagdausdos ng puting kumot na tumatakip sa katawan niya. Napayuko siya sa sarili para sana tignan ang kumot nang manlaki ang mga mata niya nang makitang hubad ang pang itaas niya.
Nanlalaki ang mga mata niyang hinila niya pataas ang kumot para takpan ang hubad na katawan.
Parang tunog ng tambol ang kanyang dibdib at nanginig ang buong katawan.
"Bakit ako nakahubad? Anong nangyari sa akin?" Tanong niya sa sarili.
Dahan-dahan niyang hinila ang kumot para silipin kung hubod't hubad nga siya.
"Aaahhhhhh!!!!!" Malakas niyang tili nang makitang wala siyang saplot, hubod't hubad nga siya.
Sa kanyang pag sigaw ng malakas biglang bumukas ang pintuan ng silid at nagmamadaling pumasok ang isang lalake.
"Garreth? Garreth Saavedra?!" Gulat niyang sabi sa lalaking pumasok sa loob.