"Ikaw! Walanghiya ka! Anong gjnawa mo sa akin?!" Hiyaw niya sa lalaking kapapasok palang sa loob ng silid na kinaroroonan niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang kumot na tanging tumatakip sa hubad niyang katawan.
"Bakit ako nakahubad? Pinagsamantalaan mo ba ko?!" Asik pa rin niya sa lalaking palapit sa kanya habang nakatingin ito sa kanya.
Kung kanina animo tambol ang tunog ng kanyang dibdib naging mas malakas pa ang tunog non ngayong palapit sa kanya si Garreth Saavedra.
Kung kagwapuhan lang naman ang pag-uusapan gwapo naman talaga ang kanyang boos. Bukod sa gwapo ay napakalakas din ng s*x appeal nito.
Huminto si Garreth sa may paanan ng malaking kamang kinahihigaan niya. Lalo naman niyang siniksik ang sarili sa headboard ng kama at mas hinigpitan din ang pagkakahawak sa kumot na parang doon na nakasalalay ang kanyang buhay.
Pansin niyang naka puting plain t-shirt lang si Garreth at gray na jogger pants. Malayo sa alam niyang laging suot ng boss. Coat and tie kasi kadalasan ang suot nito sa pagkakaalam niya. Kahit kasi boss niya ito hindi naman niya ito madalas makita.
"Sa dami ng mga tanong mo hindi ko tuloy alam kung ano ang unang sasagutin ko," tugon sa kanya ni Garreth habang hindi ito nag-aalis ng tingin sa kanya.
Napalunok pa siya nang marinig ang magandang boses nito. Baritono kasi ang tinig nito at lalaking-lalake. Tila ba nanonoot ang tinig nito sa buong katawan niya.
"Kumusta na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya nang hindi siya agad makasagot dahil nga natulala siya sa maganda nitong boses.
"Anong ginagawa ko rito?" Tanong niya kay Garreth at hindi sinagot ang pangungumusta nito.
"Iyan ba ang gusto mong unahin kong sagutin?" Balik tanong nito sa kanya.
"Yes," mariin niyang tugon sabay taas ng kanyang mukha.
"Well, narito ka sa bahay ko. Dinala kita rito dahil sa sobrang kalasingan mo nawalan ka ng malay," tugon nito sa kanya.
"What?" Kunot noong tanong niya.
"More on alcohol ang wine na ininom mo kaya madali kang tinamaan," Garreth said.
"Hindi ko naman alam kung saan kita ihahatid. Sinubukan kong tawagan ang Kuya Simon mo, hindi naman siya sumasagot. Kaya dito na kita dinala," litanya ng lalake sa kanya.
Alam niyang tinikman niya ang wine na hiningi niya sa waiter. Hindi lang siya sure kung naubos ba niya isang bote ng wine, kaya siya nalasing at hindi na alam ang nangyari.
"Anong ginawa mo sa akin?!" Matalim niyang tanong. Tinapunan din niya ito ng masamang tingin para naman mabawasan ang pagkapahiya niya sa parteng nalasing siya at nawalan ng malay kaya napilitan itong dalhin siya sa bahay nito.
"Walang akong ginagawa sa iyo," mabilis nitong tugon. Pinakatitigan niya ito, para tignan kung nagsasabi ba ito ng totoo sa kanya. Nakipagsukatan naman ito ng tingin sa kanya.
"Isa pa, bakit mo pa kailangan itanong ang bagay na iyan, eh ang sabi ng Kuya Simon mo may i o-offer ka raw sa akin," Garreth said.
"Anong i o-offer?" Kunot noong tanong niya.
"I don't know. Nawalan ka kasi ng malay kaya hindi tayo nakapag-usap ng maayos kagabi," tugon nito sa kanya.
"Si Kuya Simon, talaga," inis na bulong niya. Marahil sinabi ng Kuya niya kay Garreth i a-alok niya ang kanyang katawan kapalit ang kanilang farm, gaya ng utos ng kapatid sa kanya. Bagay na labag sa kalooban niya.
"Bakit ako nakahubad?" Tanong niya kay Garreth.
"Nagsuka ka kagabi, kaya kita hibubaran," tugon nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ibig sabihin ito nga ang naghubad ng kanyang kasuotan kagabi. Ibig sabihin nakita na nito ang katawan niya.
"Nakita mo ang..... ," hindi niya magawang ituloy ang sasabihin habang nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa lalake na confident na nakatayo sa may paanan ng kama at nakatingin sa kanya.
Tumango pa ito sa kanya at pinagsalikop ang mga kamay nito sa malapad nitong dibdib.
"Yes, Annika nakita ko na ang buong katawan mo. Wala naman akong choice kagabi kundi hubaran ka, dahil na rin puno ng suka ang damit mo. Hindi naman kita mahuhubad na hindi nakikita ang katawan mo," litanya ng lalake sa kanya.
Lalo namang nanlaki ang kanyang mga mata at gamit ang isang kamay dinampot niya ang unan at buong lakas na binato iyon kay Garreth.
"Bastos ka!" Galit na sigaw niya. Nakailag naman si Garreth sa unan.
"Ikaw na ang pinaka bastos na nakilala ko!" Asik pa niya.
"Bastos pa ako?" Saad nito sabay turo pa sa sarili nito.
"Ms. De Jesus, baka nakakalimutan mo kayo ng Kuya mo ang may kailangan sa akin. Kayo ng Kuya mo ang ang set up ng date na iyon. Halos magmakaawa pa nga ang kapatid mo sa akin, para lang pumayag ako. Tapos tatawagin mo pa akong bastos ngayon!" Mahabang litanya ng lalake sa kanya.
Hindi naman niya magawang magsalita, dahil totoo naman ang sinabi nito. Siya ang may kailangan kay Garreth. Nagyuko pa nga siya ng ulo dahil sa pagkapahiya sa binata.
Wala siyang kinalaman sa pag set up ng Kuya Simon niya ng dinner date na iyon. Labag din sa kalooban niya ang pagsunod sa gusto ng kapatid. Pero ano nga ba ang magagawa niya, hindi niya magawang sumuway sa Kuya niya.
"Ipapanhik ko sa kasambahay ang mga damit mo na pinalabhan ko, saka ka na magbihis at bumaba. Sa ibaba tayo mag usap ng maayos,' saad pa nito makalipas ang mahabang sandaling pananahimik niya. Na realized na kasi niya ang lugar niya ngayon.
"Pagkatapos mong magbihis bumaba ka at magpapahanda ako ng almusal sa may hardin. Para naman makasagap ka ng sariwang hangin at mawala ang hangover mo," saad pa nito.
"Wala akong hangover," bulong na sagot niya. Hindi naman na kumibo pa ito at tumalikod na.
Nakasunod lang siya ng tingin sa lalaking patungo sa may pintuan. Kahit likod na nga lang ang nakikita niya sa lalake ay gwapung-gwapo pa rin ito.
Nang makalabas si Garreth ng silid agad niyang hinanap ang bag niya. Nakita naman niya iyon sa side table. Hinila iyon at hinanap ang cellphone. Tatawagan niya ang kapatid, para alamin ang plano nito.
"Sagutin mo naman Kuya," bulong niya. Nakailang ulit na siya sa pagtawag pero hindi talaga sinasagot ng kapatid.
Mukhang mapapasubo na talaga siya ngayon. Mukhang siya na talaga ang pinagagawan ng kapatid ng paraan para sa farm nila. Samantalang wala naman siyang kinalaman sa pagsusugal ng kapatid. Tapos ngayon siya ang magdurusa, siya ang kailangan gumawa ng paraan para maisalba ang farm nila.
"Bwisit!' Asik niya.
Naiiyak siya dahil iniisip niya si Rico ang kanyang nobyo. Ano man ang gawin niya ngayon ay si Rico ang maapektuhan. Ang pagsasama nila ng nobyo ang maaapektuhan.