"Ano iyang suot mo Annika?" Galit na tanong sa kanya ng kapatid nang puntahan ito sa nasabing restaurant ng kapatid sa kanya.
Hindi kasi siya sumunod sa gusto ng kapatid na magsuot siya ng sexy at mag-ayos para maakit si Garreth Saavedra. Mas pinili niyang mag suot ng kumpotableng jogger pants, maluwag na t-shirt at puting rubber shoes. Naka messy bun lang din ang mahaba niyang buhok. Wala siyang ano mang make up na nilagay. Buti nga nag spray pa siya ng pabango sa katawan.
"P*tcha Annika, ginagalit mo ba ako?" Galit na tanong ng kapatid at sinaklit siya sa braso.
"Babaero siya hindi ba? Ano man ang suot ko maakit siya," taas mukhang tugon niya sa kapatid.
"G*ga ka talaga!" Inis na sabi ng kapatid sa kanya at binitiwan siya nito.
"Pumasok ka na sa loob. Sinabi ko na sa g*gong iyon na pupuntahan mo siya ngayong gabi. Pumasok ka na sa loob at hanapin mo siya!" Utos ng kapatid sa kanya.
"Huwag kang gagawa ng hindi ko gusto Annika. Magagawa kitang kalbuhin para iwan ka ni Rico!" Pagbabanta pa ng kapatid sa kanya.
Hindi siya kumibo sa kapatid. Masamang tingin lang ang pinukol niya rito at lumakad na papasok sa loob ng kilalang restaurant sa bayan ng San Sebastian.
Nakataas ang mukha niyang pumasok sa loob ng restaurant at hinanap si Garreth sa mga taong naroon.
"Excuse Ma'am may reservation po ba kayo?' Tanong ng waiter na lumapit sa kanya. At napansin ang kakaibang tingin nito sa kanya. Marahil dahil sa suot niya. Hindi kasi bagay ang suot niya sa loob ng restaurant na iyon. Lahat kasi ng kumakaing naroon ay naka pustura at naka formal attire.
"Ah.. Guest ako ni Mr. Garreth Saavedra," sagot niya sa waiter.
"Are you Ms. De Jesus?" Tanong sa kanya ng waiter.
"Annika De Jesus," tugon niya sa waiter.
"This way Ma'am," nakangiting sabi ng waiter at lumakad na ito. Sumunod naman siya sa waiter.
Kinakabahan siya at natatakot. Kumakabog nga ang kanyang dibdib sa kaba. Nag-aalala siya na baka makilala siya ni Garreth na tauhan siya nito.
Hindi lang naman ang relasyon nila ni Rico ang nanganganib sa pinagagawa sa kanyan ng kapatid niya. Pati ang magandang career niya nanganganib rin. Dahil nga boss niya si Garreth Saavedra.
Kumunot pa ang noo niya nang lumakad pa sila ng waiter sa may hallway. Mukha kasing nasa VIP room si Mr. Saavedra.
Well, hindi na siya magtataka pa. Kayang-kaya naman ni Mr. Saavedra ang VIP room para sa meeting nito.
Pinagbuksan siya ng waiter ng pintuan. Pagpasok niya sa loob wala namang taong nakita roon. May mesa lang doon na naka set up for dinner, pero walang Garreth Saavedra ang naghihintay sa kanya sa loob.
Sinilip niya ang relo sa palapulsuan nakita niyang 8:20 na ng gabi at 8PM ang usapan ng Kuya niya at ni Garreth. Pero wala pa rito ang huli.
"Where is Mr. Garreth Saavedra?" Tanong niya sa waiter nang ipanghila siya ng upuan at alalayan sa pag upo.
"Wala pa po si Mr. Saavedra, pero baka parating na siya," tugon sa kanya ng waiter.
Hindi niya alam na napaka unprofessional pala ng boss niya at hindi dumadating sa tamang oras na napag-usapan.
"Drinks Ma'am?" Tanong sa kanya ng waiter.
"Ah.. Yes. Can I have a wine?" She asked.
"Sure Ma'am," tugon ng waiter at tinanong siya kung anong wine ang gusto niya.
"The best one," she answered.
Wala siyang balak uminom ng ano mang alcohol lalo na't hindi si Rico. Nais lang niyang mag order ng something expensive para ma turn off sa kanya si Garreth. At tumanggi ito sa kanya. Iyon nga lang ewan lang niya kung ano na ang mangyayari sa farm nila.
Hindi siya sigurado kung makikilala siya ni Garreth bilang empleyado nito. Sa dami rin kasi ng empleyado nito, baka hindi siya kilala ng boss.
"Coming Ma'am," tugon ng waiter na mabilis na lumakad palabas ng VIP room.
"Asaan na ba siya?" Bulong na tanong niya sa sarili at sinulyapan ang cellphone. May missed call sa kanya si Rico.
Napakagat labi siya. Nakokonsensya kasi siya dahil nagsinungaling siya kanina sa nobyo. Sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at magpapahinga na siya. Baka tinatawagan siya ng nobyo para i check ang kalagayan niya.
Ito ang unang pagkakataon na nagsinungaling siya kay Rico. She is always honest kay Rico, dahil mahal na mahal niya ang nobyo. Si Rico na nga talaga ang nais niyang makasama habang buhay. And she is hoping na hindi makahadlang ang dagok na kinahaharap niya sa pagsasama nila ni Rico.
Pagbalik ng waiter mag-isa pa rin siya sa VIP room. Wala pa rin si Garreth.
Agad namang inilapag ng waiter ang wine sa mesa at binuhusan ang wine glass na naroon, habang pinapaliwanag pa nito kung anong klaseng wine ang dala nito at kung anong year ito. Nagkukunwari lang siyang nakikinig, dahil wala naman siyang alam talaga sa wine. Nais lang niyang magmukhang sosyal, dahil na rin sa ilang beses na ng sinusulyapan ng waiter outfit niya.
"May kailanga pa po kayo Ma'am?" Tanong ng waiter sa kanya.
"Wala na. Ok na ito," tugon niya sa waiter. Nagpasalamat naman ito sa kanya at nagpaalam muna. Kaya naiwan na naman siyang mag-isa sa loob.
Tinikman niya ang wine at halos hindi niya magawang lunukin dahil sa napakapait na lasa at init da lalamunan. Ganoon pa man pinilit niyang ininom ang wine, para na rin magkaroon siya ng alcohol sa katawan at may lakas siya ng loob mamaya pagdating ni Garreth.
Matapos maubos ang laman ng kopita, nakaramdam siya ng pag iinit sa pisngi. Ganoon pa man muli niyang sinalinan ang kanyang wine glass. Wala pa rin kasi si Garreth.
Tinawagan na nga niya ang Kuya Simon niya para sabihing wala pa rin si Garreth sa usapan.
"Na text siya na ma le-late ng kaunti. Maghintay ka lang diyan. Huwag kang aalis. Andito ako sa labas binabantayan ka Annika. Kaya huwag kang gagawa ng hindi ko gusto," sabi ng kapatid sa kabilang linya. Inikot na lang niya ang mga mata at pinatay na ang tawag, lalo lang kasi siyang naiinis sa tinig ng kapatid. Lalo na sa mga pagbabanta nito sa kanya.
Binagsak niya sa mesa ang cellphone at muling tinuon ang atensyon sa wine na iniinom. Kaya naman kahit halos hindi niya kayang malunok ang wine ay pinilit niyang lunukin. Tiyak na malakas na ang loob niya mamaya pagdating ni Garreth.
Halos nakakalahati na niya ang laman ng bote ng wine ay wala pa rin ang hinihintay niya. Nais na nga sana niyang lumabas at umalis na. Kaya lang nasabi ng Kuya niya na nasa labas ito at nagmamanman. Kaya naman wala siyang kawala. Kailangan niyang maghintay kay Garreth Saavedra hanggang mamaya.
Dahil na rin sa naiinip siya sa paghintay kay Garreth nagawa niyang libangan ang wine hanggang sa maubos niya ang isang bote. Mainit na mainit na nga ang pisngi niya at nakakaramdam na siya ng pagkahilo. May tama na sa kanya ang wine na nainom, pero wala pa rin si Garreth. Nang silipin ang oras nakita niyang alas nueve na ng gabi. Halos isang oras na siyang naghihintay kay Garreth at hilong-hilo na siya.
Dahil wala na siyang mainom pa. Nilalaro-laro na lang niya ang wine glass. At dahil na rin sa medyo hilo na siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan napalingon siya at nakita ang isang matangkad na lalakeng palapit sa kinauupuan niya at nakatingin sa mga mata niya. Nabitiwan naman niya ang hawak na wine glass na agad dumulas sa mesa at nahulog sa sahig. Lumikha iyon ng ingay. Pero hindi naalis ang mga mata ng lalake sa mga mata niya.
Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalaking ito ay si Garreth Saavedra. Ito ang lalaking kailangan niyang akitin at i alok ang sariling katawan kapalit ang farm ng kanilang pamilya.