Chapter-6

1508 Words
Inakyat ng isang kasambahay ang damit na suot-suot niya kagabi. Sinabi nitong nalabhan na iyon at napatuyo na. Nais sana niyang tanungin ang kasambahay, baka kasi ito ang naghubad sa kanya kagabi at hindi naman si Garreth. Kaya nga lang nahihiya siya kaya naman nagpasalamat na lang siya rito. Agad na siyang naligo at nagbihis. Hindi siya nag ayos o ano pa man. Nagsuklay lang siya ng basang buhok. Kahit naman kagabi hindi siya nag-ayos. Hindi niya sinuot ang damit na pinasusuot ng Kuya niya sa kanya. Ayaw niyang maging attractive sa harapan ni Garreth. Bitbit ang bag lalabas na sana siya ng silid nang mag ring ang cellphone niya. Kaya naman kinuha na muna niya iyon sa loob ng bag. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Kuya Simon niya. Inikot niya ang mga mata sa inis sa kapatid bago sinagot ang tawag nito. "Bakit Kuya?" Bungad na tanong niya sa kabilang linya. "Katatapos ko lang kausapin si Garreth. Nariyan kapa pala sa bahay niya. Gawin mo na ang plano ngayon, para matapos na ang gulong ito," saad ng Kuya niya. "Akitin mo na siya at i alok ang sarili sa kanya. Tutal nariyan kana rin sa bahay niya, tapusin mo na ang gulong ito at ng lahat tayo manahimik na," dagdag pa ng kapatid.. "Ano ba ang gusto mong gawin ko Kuya?" Galit na tanong niya sa kapatid. Kung nakikita lang ng kapatid ang ekspresyon niya ngayon, tiyak sampal o kung ano na naman ang aabutin niya sa kapatid. "Ano pa nga ba? Akitin mo mag makaawa ka, na ibalik ang farm kapalit ang katawan mo,' tugon ng kapatid. Napakawalanghiya talaga ng kapatid niya kahit kailan. Hindi niya gulo ito, pero siya ang naiipit at kailangan gumawa ng paraan. "Matanda ka na Annika. Alam mo na iyang ginagawa mo. Isa lang naman ang goal mo diyan. Ang mapapayag si Garreth na maibalik sa atin ang farm," dagdag pa ng kapatid. Napailing na lang siya ng ulo at inis na pinatay ang tawag ng kapatid. "Nakakainis! Bakit ako ang dapat umayos ng gulong ito? Bakit kailangan ako pa ang ma perwisyo ng husto?!" Naiiyak niyang tanong sa sarili. Pero anong magagawa niya? Hindi naman makakaya ng konsensya niya na pabayaan na lang ang mga taong nagpalaki at nag alaga sa kanya. Hindi niya kayang talikura ang mga taong nagbigay sa kanya ng pamilya. "Bahala na," bulong niya at muling sinuksok sa bag ang cellphone saka na siya lumakad palabas ng silid. Natigilan pa siya ng paglabas niya makita niya kung gaano kalaki at kalawak ang bahay. Well, mayaman naman talaga ang boss niya. Lalo na ang pamilya nito. Dahan-dahan siyang humakbang pababa ng hagdan, habang inililibot ang mga mata sa napakaganda at modernong bahay ni Garreth Saavedra. Nang makababa siya sa mataas na hagdan hindi naman niya malaman kung saan siya tutungo. Narinig niya kay Garreth kanina ma mag-aalmusal daw sila nito sa hardin. Sa laki ng bahay, hindi niya alam kung saan ang papuntang hardin. "Good morning po Ma'am," bati ng isang kasambahay na lumapit sa kanya. Iba pa ito sa kasambahay na nag akyat sa damit niya kanina sa guest room. Mukhang maraming kasambahay si Garreth. Kung sa bagay sa laki ba naman ng bahay nito. Mala palasyo na ito tapos isang tao ang nakatira. Mabuti na rin na marami itong kasambahay. Hindi rin tuloy niya maiwasang isipin kung ano kaya ang iniisip ng mga kasambahay sa kanya. Kung bakit siya naroon sa bahay ni Garreth. Panigurado rin na hindi siya ang unang babaing dinala ni Garreth sa bahay nito. Tiyak na marami na itong babaing nadala sa bahay nito. "Good morning," bati rin niya sa kasambahay. "Nasa may hardin na po si Sir Garreth at hinihintay kayo," saad ng kasambahay. "Ah... Ganoon ba," tanging tugon niya. "Samahan ko po kayo," sabi pa nito. Tumango naman siya rito at nauna na itong lumakad sa kanya. Sumunod naman siya rito. Sa laki ng bahay nu Garreth. Pakiramdam niya ang haba pa ng kanilang nilakad bago nakarating sa pintuan patungong hardin. "Ayun na po si Sir," sabi pa ng kasambahay nang makalabas siya ng pintuan. "Salamat," pasalamat niya sa kasambahay. Nakita niyang nakaupo na si Garreth sa tapat ng bilog na mesa na may kung anu-anong pagkain para sa kanila. Suot pa rin naman nito ang suot nitong puting t-shirt at jogger pants. Napalingon pa ito sa kanya, marahil naramdaman nito ang presensya niya. Kaya naman agad siyang nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad palapit, kahit medyo kabado at bahagyang nanginginig ang kanyang mga paa. "Come here, join me, Annika," anyaya sa kanya ni Garreth nang makalapit na sa mesa. Walang kibo siyang naupo sa upuang nasa tapat ni Garreth. "Kumain na muna tayo before tayo mag start sa pag-uusapan natin," Garreth said. Tango lang ang naging tugon niya at iniwasan na mapasulyap rito. Paano napakagwapo nito, lalong lumitaw ang kagwapuhan nito sa liwanag. Bigla tuloy siyang na contious at nais magsisi dahil hindi siya nag ayos ng sarili bago humarap kay Garreth. Sana naman hindi siya mukhang bagong gising na walang make up. Sana naman fresh look pa rin siya kahit papano, para naman hindi siya masyadong malayong tignan kay Garreth. Nang magsimula na silang kumain, pasimple niyang sinusulyapan si Garreth na patuloy lang sa pagkain. Magana itong kumakain. Sa bagay masarap naman kasi ang pagkaing nakaahin sa kanila. "Anyway, nakausap ko pala ang Kuya Simon mo. Tinawagan ka ba niya?" Garreth asked her. Nag angat siya ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Medyo nagkatitigan pa silang dalawa. "Ah... Yeah... yeah...," kabado niyang tugon sa kaharap. Hindi niya malaman kung bakit na i-intimidate siya kay Garreth Saavedra ng ganito. Oo naroon na iyung gwapo ito at malakas ang s*x appeal. Naroon na rin na mayaman ito at boss niya ito, kaya siya na i-intimidate rito. "Anong sinabi niya sa iyo?" Garreth asked at lalo siya nitong tinitigan sa mga mata. Lalo namang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok pa siya at hinila ang baso ng juice at uminom muna bago sinagot ang tanong ni Garreth sa kanya. "Kung ano ang sinabi niya sa iyo. Iyon din ang sinabi niya sa akin," nakuha niyang sabihin sa kabila ng kaba. "Well, he said na ma i a-alok ka daw sa akin kapalit ang farm ng pamilya niyo," Garreth answered. Nasamid pa siya sa naging tugon ni Garreth sa kanya. "He also said na wala ka daw hindi kayang gawin para maibalik sa inyo ang farm," dagdag pa ni Garreth na dahilan para maubo na siya ng tuluyan. Mukhang wala na siyang takas pa. Sinabi na yata lahat ng Kuya Simon niya kay Garreth ang mga plano nila para mabawi ang farm. "Enlighten me, Annika. Ano ba ang kaya mong gawin kapalit ng farm niyo?" Garreth asked her. Napalunok siya at pinunasan ang bibig, habang nakatingin sa mga mata ni Garreth. Sobrang gwapo ng kaharap niya. Panigurado kaya nitong makuha kahit pinaka magandang babae sa mundo. Baka naman kung i alok niya ang sarili eh mapahiya lang siya, lalo na't daang milyon ang worth ng farm na nais niyang mabawi kapalit ang kanyang katawan. "Well, actually, wala akong idea kung paano naisangla ng kapatid mo ang farm sa bangko. Ang abogado ko ang nagsabi sa akin about sa farm na bidding sa banko. When I checked it, I like it, kaya pinaayos ko na agad sa abogado ko iyon. Wala akong idea na kayo pala ang may-ari non ng kapatid mo," mahabang litanya nito sa kanya. "Buhay pa ang mga magulang namin. At doon sila sa farm na iyon nakatira. Sa farm rin na iyon kumukuha ng pang kabuhayan ang mga magulang namin. Isama na ang halos isang daang tauhan sa farm na mawawala ng trabaho pag nawala sa mga De Jesus ang farm," paliwanag niya kay Garreth. "Kung ganoon naman pala. Bakit isinangla ng kapatid mo ang farm?" Garreth asked at nagtuloy sa pagkain. "Nalulong ang Kuya Simon ko sa sugal, at walang kaalam-alam ang mga magulang namin sa ginawa niya. Even ako, hindi ko alam ang ginawa niyang pag sangla sa farm. Ngayon ko lang din nalaman, dahil nais niyang tulungan ko siyang gumawa ng paraan para mabawi ang farm sa iyo," mahabang paliwanag niya rito. "I see. Eh anong paraan ba ang nasa isip mo?" Garreth asked her and looked at her. "I don't know, wala akong maisip na paraan. Hindi ko kasi kaya ang pinagagawa ng kapatid ko," she said. "Ano ba ang pinagagawa sa iyo ng kapatid mo Annika?" Garreth asked. Hindi siya makakibo. Hindi niya gustong sa kanya magmula ang bagay na iyon. Baka kasi pagtawanan lang siya nito pag sinabi niya. Sa itsura palang kasi nito eh mukhang active na active ang s*x life nito, tiyak na hindi na nito kailangan ang isang katulad niya. Lalo na't virgin pa siya at wala pang karanasan sa pakikipagtalik. "Simon told me na, balak mo raw i alok sa akin ang katawan mo kapalit ang farm," Garreth said makalipas ang mahabang sandali. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD