"Ano?!" Bulalas niya habang nakatingin kay Garreth na patuloy lang sa pagkain, na para bang normal na lang dito ang sinabi nito sa kanya. "Well, nabanggit sa akin ng kapatid mo na ikaw daw ang may nais gumawa ng paraan para mabawi niyo ang farm. Nais mo raw gawin ito para sa mga magulang niyo. Dahil na rin wala na yatang kakayahan pa ang kapatid mo para mabawi ang farm niyo," litanya ni Garreth habang patuloy na kumakain at pasulyap-sulyap lang sa kanya at sa pagkain nito. Samantalang siya halos hindi na makahinga sa kaba dahil sa takbo ng kanilang pinag-uusapan. "At ang i a-alok mo raw sa akin ay ang katawan mo," dagdag pa ni Garreth sa kanya. Umigting ang kanyang panga. Inis at sobrang galit ang nararamdaman niya sa kapatid. Napakawalanghiya ng kuya niya para gawin sa kanya ang bagay