Chapter-2

1317 Words
Kinabukasan nagulat siya sa biglang pagsulpot na naman ng Kuya niya sa building ng pinagtatrabauhan niya. "Ano na naman ang ginagawa mo rito Kuya?' Inis na tanong niya sa kapatid. Hindi na kasi niya maitago ang inis sa kapatid. Tiyak na problema lang naman ang dala nito sa kanya. "Anong sinabi mo?" Galit na balik tanong nito sa kanya at marahas siyang sinaklit sa braso. "Aray! Kuya ano ba!" Asik niya habang napapangiwi sa sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya. "Ayusin mo ang pakikipag usap mo sa akin ah Annika! Ako pa rin ang tunay na anak rito at sampid ka lang! Wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses!" Galit na pagbabanta ng kapatid sa kanya saka siya nito marahas na binitiwan. Hindi siya kumibo at inayos na lang ang sarili. Lagi namang mainit ang ulo ng kapatid niya. "Pumunta ako dito para sabihin sa iyo na magkita tayo mamaya sa isang restaurant," saad nito habang nagsisindi ng sigarilyo. "May lakad kami ni Rico mamaya Kuya," sabi niya. Masamang tingin ang pinukol ng kapatid sa kanya at saka ito umitit sa sigarilyong hawak. "Uunahin mo pa ba iyang hampas lupa mong nobyo, kesa sa ikakaayos ng farm ng pamilyang nag aruga sa iyo ah Annika?!" Panunumbat na naman sa kanya ng kapatid. Lagi naman ganito ang Kuya niya mula nang maisanglang nito ang farm sa banko at nabili naman ng kanyang boss na si Garreth Saavedra. Ay lagi siyanv sinusumbatan kung saan siya nanggaling at kung ano nga ba ang papel niya sa pamilya. "I cancel mo iyang lakad niyo ni Rico at makipagkita ka sa akin mamaya," sabi pa nito sa kanya habang patuloy sa paninigarilyo. "Paano kung hindi ako pupunta?" Pagmamatigas niya sa kapatid. "Walanghiya ka!" Sabi nito at isang malakas na sampal ang binigay nito sa kanya. Tumagilid ang mukha niya. Pakiramdam nga niya nahilo siya sa ginawa ng kapatid. "Huwag mo kong tatarantaduhin Annika! Magagawa kitang ibenta sa mga hapon magkapera lang ako. Pasalamat ka pa nga kay Garreth Saavedra kita binebenta. Kahit papano matino pa ang animal na iyon kesa sa mga hapon!" Galit na litanya sa kanya ng kapatid habang hawak-hawak niya nasaktang pisngi. May nalasaan pa nga siyang maalat sa ibabang labi. Marahil pumutok ang labi niya sa lakas ng pagkakasampal ng kapatid sa kanya. "Ite-text ko sa iyo ang address. Mag ayos ka, iyung maganda at kaakit-akit para naman hindi makatanggi ang gagong Saavedra na iyon sa iyo," sabi pa ng kapatid. "Pero Kuya-" "Tama na Annika! Huwag ka ng dumagdag pa sa problema ko ngayon. Gawin mo lang ang iniuutos ko sa iyo, at magkakasundo tayo," putol ng kapatid sa pagnanais sana niyang tumanggi rito. Humugot na lang siya ng malalim na paghinga at hindi na kumibo pa. Tiyak na makakatikim siya muli ng sampal sa kapatid kung aapela pa siya. Sinundan na lang niya ng tingin ang kapatid na pasakay na sa kotse nito. Buti na lang at walang tao sa paligid. Walang nakakita sa pagsampal sa kanya ng kapatid. Nang makaalis ang sasakyan ng kapatid agad na rin siyang sumakay sa kotse niya at hindi napigilan ang umiyak ng umiyak sa sama ng loob sa kapatid niya. Wala naman siyang kinalaman sa ginawa ng Kuya Simon niya sa farm, pero siya ang pinagagawan nito ng paraan para maayos ang gusot. Ayaw din naman niyang masaktan ang mga magulang niya pag nalaman na mawawala na sa mga ito ang farm. Ang farm pa naman ang tanging pundar ng kanilang mga magulang. Hindi rin niya kayang makitang mawalan ng tirahan ang mga magulang niya. Pero paano naman siya? Paano sila ni Rico? Paano ang mga plano nila ni Rico? Ang kasal nila? Paano na ang sarili niyang pangarap kung kailangan niyang sumiping kay Garreth Saavedra kapalit ang farm nila. Habang umiiyak siya sa loob ng sasakyan. Tumunog ang cellphone niya. Si Rico ang tumatawag sa kanya. Inayos muna niya ang sarili para naman hindi mahalata ng nobyo na umiiyak siya. Hindi pa niya nasasabi kay Rico ang lahat. Paano naman niya sasabihin sa nobyo ang tungkol sa bagay na iyon. Tiyak na hihiwalayan siya ni Rico. At hindi niya kayang mawala sa kanya si Rico. Sa tagal na nilang magkarelasyon ni Rico hindi pa sila umaabot sa bagay na hindi pa naman talaga nila dapat abutin dahil hindi pa sila kasal. Mabait si Rico at ginagalang siya nito. At syempre mahal siya nito kaya hindi siya nito pinipilit na gawin ang isang bagay na hindi pa niya handang gawin. Nagpaplano na rin naman sila ni Rico na magpakasal, nag-iipon lang sila ng sapat na pera. Saka naman dumating ang ganitong daguk sa buhay niya. May usapan sila ni Rico na kakain sa labas ngayon. Pero kailangan niyang ikansela, para hindi na muna lumala pa ang gulo nila ng Kuya Simon niya. Sa ngayon kasi wala siyang magagawa. Kilala niya ang kapatid. Hindi lang sampal ang aabutin niya sa susunod sa sumuway siya sa kapatid. Kaya kailangan niyang mag ingat at pikit mata na munang sumunod sa gusto nitong mangyari. "I'm sorry Rico, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko," paumanhin niya sa nobyo nang sagutin ang tawag nito. "Ganoon ba? Gusto mo ba puntahan kita sa bahay niyo?" Tanong ni Rico sa kanya sa kabilang linya.. Agad na siyang tumanggi sa nobyo. At nag dahilan na muna rito. Nakokonsensya siya sa pagsisinungaling niya sa nobyo, pero wala naman siyang magagawa sa ngayon. Ayaw na niyang lumaki pa ang gulo. Kailangan magawan ng paraan ang farm dahil ayaw niyang masaktan ang mga naging magulang niya. May point din naman ang Kuya Simon niya sa mga panunumbat nito sa kanya. Mali lang talaga ang ginawa nitong pagsusugal at pagtaya sa farm. Matapos makausap si Rico, agad na siyang nagmaneho para umuwi na. Magpapahinga na muna siya dahil mamaya sa ayaw at sa gusto niya makakaharap na niya ang boss niya. At kung ano ang susunod na mangyayari ay hindi niya alam. At mukhang wala naman siyang magagawa kundi pikit mata na lang niyang susunod sa kapatid. Pagdating sa bahay nakita niya sa bakuran ang sasakyan ng Kuya Simon niya. Tiyak na narito ang kapatid, para hindi niya ito matakasan pa mamaya. "Hi, Annika," bati ni Joyce sa kanya nang pumasok siya sa loob ng bahay at makita ang bagong kinakasama ng Kuya Simon niya. Hindi lang sugarol ang Kuya Simon niya. Babaero rin ito at walang tumatagal na babae rito. Kung sinu-sino na nga ang sinama nito sa bahay nila at pinakilala sa mga magulang nila, pero ang ending wala din. Sa edad na trenta'y singko ng kapatid wala pa rin yata itong balak mag asawa. Nais pa rin nito ang magpalit-palit ng babae. "Annika, pinaakyat ko na pala sa katulong ang regalo ko sa iyo sa silid mo,' sabi ng Kuya Simon niya na nakangiti pa. Kumunot pa nga ang noo niya at napaisip kung ano ang regalo ng salbaheng kapatid sa kanya. "Salamat Kuya," pasalamat naman niya sa kapatid at nagpaalam na sa mga ito na aakyat na muna sa itaas at magpapahinga nang makasalubong niya ang Mommy nila sa may hagdan. "Good afternoon po Mommy," bati niya sa ina at humalik sa pisngi nito. Nakita niyang kumunot ang noo ng Mommy niya nang mapasulyap sa putok niyang labi. "Anong nangyari sa labi at pisngi mo?" Usisa ng ina sa kanya at bago pa siya makaiwas nahawakan na ng ina ang pisngi niyang sinampal ng kapatid kanina. "Ah.... Eh.. Wala po iyo Mommy," pagsisinungaling niya at sinulyapan ang kapatid na nakatingin sa kanya. Na tila ba nakaabang ito kung magkamali siyang magsumbong sa Mommy nila. "Nauntog lang po ako kanina sa opisina,' pagsisinungaling pa rin niya. "Naku Annika, mag ingat ka sa susunod ah," nag-aalalang sabi pa ng Mommy niya. "Opo Mommy," tugon naman niya at agad ng nagpaalam sa ina. Nais muna kasi niyang makapag pahinga at maihanda ang sarili para mamaya kay Mr. Garreth Saavedra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD