Chapter-1

1114 Words
"Kuya Simon hindi ko kaya ang pinagagawa mo!" Mariin niyang sabi sa kapatid nang sabihin nito sa kanya ang plano nito para mabawi ang farm na pagmamay-ari ng pamilya nila. Naisangla iyon ng kapatid niya sa banko dahil sa pagsusugal nito, at ngayon siya ang gusto nitong gumawa ng paraan mabawi ang farm nila na siyang tanging pinagkukuhanan ng mga magulang nila, kahit ang Kuya Simon niya, ang kita sa farm lang ang inaasahan nito. "Anong sinabi mo?!" Asik na tanong nito sa kanya at tinabig ang mga gamit na nasa ibabaw ng desk niya. Nagulat pa siya at napatili sa ginawa ng kapatid at umiwas. rito. Kilala niyang bayolente ang kapatid at mainitin ang ulo pag hindi nakukuha ang gusto nito. Nanakit ito ng babae. Marami na sa mga kinasama nito ang physical na sinaktan ng kapatid. Pati rin naman siya, sinasaktan siya nito pag galit na galit ito. "Sino ka para tanggian ako ah, Annika?! Baka nakakalimutan mo na kung hindi sa Mommy at Daddy ko wala ka sa kung nasaan ka ngayon!" Galit na sumbat ni Simon sa kanya. "Pero Kuya, mali ang-" "P*ta naman Annika! Anong mali kung akitin mo ang walanghiyang Garreth Saavedra na mayabang na iyon, para mabawi mo ang farm ng pamilya natin ah, Annika?" Tanong sa kanya ng kapatid. Hindi niya naituloy ang pangangatwiran niya rito dahil sa sigaw ng kapatid. "Akitin mo ang g*gong iyon hanggang sa maibalik niya sa atin ang farm! Hindi naman niya pinaghirapan makuha iyon!" Galit pang sabi ng kapatid sa kanya. "Pero kuya, kung hindi mo itinaya sa sugal ang farm, hindi iyon mawawala sa atin," mariing sabi niya sa kapatid. "Ano?!" Galit na tanong nito at tinapunan siya ng masamang tingin. Humakbang ito palapit sa kanya at marahas na hinawakan ng mahigpit ang mukha niya. "Ah... Kuya nasasaktan ako," tili niya. "Huwag mong kalimutan Annika kung sino ka sa pamilyang ito, at kung ano ang papel mo! Wala kang karapatang tumanggi sa gusto ko! Sa ayaw at gusto mo Annika lalapit ka sa hambog na Garreth Saavedra na iyon para gawin ang plano ko, para mabawi ang farm!' Mariing sabi ng kapatid habang halos madurog ang mukha niya sa pagkakahawak nito. "Kung kinakailangan lumuhod ka sa harap ng tarantadong iyon, gawin mo para sa farm, Annik!" Patuloy pa ng kapatid sa kanya. Bago pa siya makapagsalita marahas siyang binitiwan ni Simon patulak, dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig. "Babalikan kita ulit Annika para sabihin ko sa iyo ang mga gagawin mo. Huwag na huwag kang magsusumbong kina Daddy at Mommy, kundi malilintikan ka sa akin!" Pagbabanta pa ng kapatid sa kanya. Saka na ito tumalikod at ni hindi man siya nito tinulungan makatayo, basta na lang siya iniwan ng kapatid na nakaupo sa sahig. Siya si Annika De Jesus, bente tres anyos at nagtatrabaho sa G. Saavedra Corporation bilang accountant. Ang G. Saavedra Corporation ay pagmamay-ari mismo ni Garreth Saavedra na siyang tinutukoy ni Simon na akitin niya para mabawi ang farm na naisalang nito at naibenta na ng banko kay Garreth Saavedra. Paano naman niya magagawang akitin ang isang katulad ni Garreth Saavedra na napakagwapo at habulin ng mga babae. Sa dami na ng mga babaing kusang lumalapit sa isang Garreth Saavedra, ay baka hindi man siya nito mapansin. Sa isang taon na nga niya sa kompanya ni Garreth Saavedra ay halos dalawang beses palang niya nakita ng personal ang boss. Kung hindi pa magkaroon ng event sa kompanya ay hindi niya ito makikita, sa dami ng negosyong inaasikaso nito bilang isang anak ni Gavin Saavedra. Ang mga Saavedra ang pinakamayaman sa bayan nila ang bayan ng San Sebastian. Isang malaking problema para sa kanya ang pinagagawa ng Kuya niya, dahil bukod sa hindi niya kayang akitin ang isang Garreth Saavedra ay may nobyo siya, si Rico. Tatlong taon na ang relasyon nila ni Rico na isang IT sa isang kompanya. Tiyak na masisira ang relasyon nila ni Rico kung susundin niya ang gusto ng kapatid. May mga plano na sila ni Rico at nag-iipon lang sila para magawa na lahat iyon. Isama pang hindi niya kayang saktan ang nobyo. Mahal niya si Rico at ganoon rin ito sa kanya. Mahal niya si Rico, mahal na mahal. Pagkatapos ng trabaho agad na siyang umuwi, hindi naman kasi sila magkikita ni Rico ngayon dahik busy pa ang nobyo sa trabaho. Sa bahay nila sa may farm siya uuwi, kung saan kasama niya sa bahay ang mga magulang. Si Simon naman ay hindi na sa farm nakatira, sa pagkakaalam niya sa kilalang condomimium nakatira ang kapatid, pero sa farm ito nagtatrabaho. At kung sakaling kunin na nga ni Garreth Saavedra ang farm nila ay mawawalan na rin sila ng mga magulang niya ng bahay. At alam niyang mawawasak ang puso ng Daddy at Mommy niya pag nangyari iyon, dahil buong buhay ng mga ito ang ginugol sa farm. Tiyak na malaking gulo pag nalaman ng mga magulang na naibenta na ni Simon ang farm. "Magandang gabi po Daddy," bati niya sa ama nang makapasok sa loob ng bahay at nagmano rito. "Annika, dumating ka na pala, anak. Tamang-tama nag-aahin na ang Mommy mo," nakangiting sabi sa kanya ng Daddy niya. Ngumiti siya sa ama at sabay na silang lumakad nito patungo sa may komedor kung saan nadatnan niyang nag-aahin ang Mommy niya ng hapunan. Kaya naman agad na niya itong nilapitan para bumati at niyakap ang ina. Malambing siya sa mga magulang na nagpalaki at nagmahal sa kanya na para siyang tunay na anak ng mga ito. Masaya siya at ang mga ito ang naging mga magulang niya. Dahil naiparamdam sa kanya ng mga ito na may pamilya siya. At naman parang hindi niya kung masasaktan ang mga ito pag nawala sa kanila ang bahay na ito at ang farm. Sa malaking gulong ginawa ng Kuya Simon niya sa mga magulang nila, ay siya ang tunay na nahihirapan at nasasaktan para sa Mommy at Daddy niya na tunay na naghirap at nagtaguyod sa farm kaya lumago ito at kumita ng malaki na siyang ginamit ng mga magulang para mapag-aral sila ng Kuya Simon niya sa kilalang eskwelaan. "Maupo ka na Annika, ako na ang mag-aahin,' sabi ng Mommy niya nang tinulungan ito sa pag-aahin ng hapunan. "Thank you po Mommy," pasalamat niya at hinalikan pa ang ina, saka na naupo sa malaking mesa kung saan sila magsasalo-salo. Silang tatlo lang naman lagi sa bahay nila, ang Kuya Simon kasi niya ay umuuwi lang naman ng farm sa tuwing kukuha ng kita ng farm sa Daddy niya. Halos ang Kuya Simon nga niya ang umuubos sa malaking kinikita ng farm na ginagamit naman ng kapatid sa pagsusugal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD