Chapter Two

2750 Words
Chapter Two Redenthor Natutulog na ang anak ko. Nakahiga ako ngayon sa tabi niya habang hinihimas ko ang magulo niyang buhok. Mahimbing na siyang nakakatulog ngayon ngunit kailangan ko muna siyang kwentuhan ng mga nakakatakot na bagay para makatulog. Maya-maya ay lalabas na rin ako sa kwarto niya at matutulog na rin sa kwarto namin ng asawa ko. Mahigit isang taon na rin nang mawala si Veronica – ang unang pag-ibig ko. Apat na taon na kaming kasal at dalawang taon na si Travis noong araw na ikasal kami. Tandang tanda ko pa kung paano natuwa ang lahat nan gang anak ko ang nagsilbing ring bearer sa kasal naming at magiliw siyang naglakad sa isle ng simbahan. At nang nakarating na siya sa gitna ay nadapa siya at agad namang tumayo at pinunasan ang mga tuhod niya. Hindi siya umiyak dahil katulad ko, malakas na bata si Travis. Ngunit sa mga nagdaang buwan ay madalas siyang umiyak. Hindi dahil sa nadadapa siya kundi dahil sa namimiss niya si Nica. Nica ang nickname ng asawa ko. Gabi-gabi ay pilit kong ikinekwento sa kanya at ipinauunawa na wala na ang mama niya, ang asawa ko. Hindi ko siya dinala sa ospital nang malaman kong naaksidente si Nica. Masakit para sa akin na malaman ng anak ko kung ano ang sinapit ng kanyang ina sa malagim na trahedyang iyon. Sa burol ni Veronica ay magiliw na naglalaro lamang sa isang sulok ang anak ko. Tila walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Nang minsang umiyak ako sa harap ng labi ng aking asawa ay agad naman siyang lumapit at niyakap ang isa kong binti. Napakliit ng mga palad ng aking anak. Kasing liit ng pagkakataong nakasama niya ang napakabait at responsible niyang ina. Mahal na mahal ko si Veronica at an gaming nagiisang anak. Tandang tanda ko pa noong mga panahong susunduin naming siya sa kanyang trabaho ay buhat buhat ko si Travis na sasalubong sa kanya sa gate ng eskwelahan. Public school teacher ang aking asawa. Parehas kami ng unibersidad na dinaluhan at magkasunod lang kaming nagtapos. Nagtapos siya ng pagiging guro sa elementarya at ako naman ay bilang pulis. Maraming nagtatanong kung bakit hindi ako pumapasok sa trabaho at hindi sinusubukang mag-apply man lang. Sa totoo lang ay block listed ako. Sinuntok ko ang isang opisyal sa aming training nang ako ay papasok pa lamang sa pagiging pulis. Malaking pangalan ang aking binangga kaya malabong makapagtrabaho ako sa kahit anong may kinalaman sa pagiging pulis. Hindi naman ako barumbado. Ayaw ko lang na may nakikita akong naaapi. Kaya’t simula noon, naglagi na lang ako dito sa amin. Minana ko ang aming bahay at machine shop ni tatay. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Pulis ang aking kuya Jonathan at dentista ang aking bunsong kapatid na si Rowena. Dahil sap ag-aayos ko ng mga sirang makina at sa ipon ko sa aking pagseserbisyo sa mga sasakyan ay nakabili ako ng motor, gwapong motor na siya kong ipinanghahatid at  ipinangsusundo kay Nica sa paaralan. Kanikanina habang kami ay naghahapunan ay tumakbo ang anak ko at kinuha ang sobre mula sa kanyang bag. Iniabot niya ito sa akin. “Papa, pinabibigay po ni teacher,” saad niya. Halatang malungkot ang anak ko. “Para saan daw ito anak?” tanong ko. “Di ko po alam papa. May ginawa po ba akong bad?” inilagay ni Travis ang pareho niyang kamay sa mesa at ipinatong ang kanyang ulo doon na para bang nagsasabing ‘papa, wala po akong inaway sa school.’ “Wala naman siguro anak. Wag kang mag-alala, siguro type lang ako ng teacher mo kaya binibigyan nya ako ng love letter,” pagbibiro ko. Ngayon ay nakaluhod ako sa tabi ng kanyang kinauupuan at hinimas ang likod niya. “Type? Ano po yun pa?” tanong niya. “Ahh wala nak. Kain na tayo,” pag-aanyaya ko. “Pray po muna tayo,” sabi ng anak ko na agad namang pumikit. Pinagmamasdan ko siya habang nagdarasal. Kawahig ko si Travis. Maraming nagsasabing ganyan daw ako nung bata ako at napatunayan ko nga dahil sa mga nakatabi kong mga litrato nung bata pa ako. “Jesus, salamat po sa food. Bless niyo po yung food para po maging malakas at Malaki po ako katulad ni papa ko po. Sana po pauwiin niyo nap o si mama para po kasama na naming siyang kumain araw araw. Thenk you po Jesus. Amen,” siya. Natutuwa at nalulungkot ako para sa kanya. Pero wala akong magawa. Inahinan ko na siya at nagsimula na kaming maghapunan. Ngayon ay nasa silid na ako. Tinititigan ko ang sobreng nasa mesa na katabi ng higaan ko. Binuksan ko ang ilaw at nagdesisyong basahin ang nilalaman nito. Dear Mr. and Mrs. Alcantara, Sumulat po ako sa inyo hindi po para ipatawag kayo sa school, kundi po para humingi ng permiso mula sa inyo. Nais ko po sanang magsagawa ng home visit sa darating na Sabado upang makausap po kayo ng personal tungkol sa inyong anak na si Travis. Huwag po kayong mag-alala dahil mabait pong bata si Travis at ang akin pong pagbisita ay dahil po sa mga bagay na napapansin ko sa bata sa mga nagdaang buwan. Nais ko po sanang makatanggap ng sagot mula sa inyo kung nais niyo pong mangyari ang aking nais. Magandang araw po. Ms. Julia Lorenzo Julia Lorenzo. Parang narinig ko na ito dati. Pero di ko maalala kung saan. Ang weird lang na nais niya akong makausap eh wala namang ginawang mali ang anak ko. May napapansin siya kay Travis? Sino naman kasing hindi makapapansin sa anak ko, gwapo, mabait, magalang at masipag mag-aral. Parang ako lang din. Siguro gusto niya lang akong makita. Tatawa tawa akong iniligpit ang sulat sa aking drawer at natulog na. Ilang buwan na rin akong walang kasamang matulog. Minsan tinatabihan ko na lang ang anak ko hanggang kinaumagahan. Namimiss ko nang gumising sa umaga na siya ang nasa tabi ko. Ginigising niya ako sa mga yakap niya at halik niya sa ilong ko na siyang gumugising sa akin. Mahal na mahal ko siya hangang ngayong wala na siya sa amin. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa iyak ni Travis. Nananaginip ang anak ko kaya’t bumangon ako agad at tinungo ang kwarto niya. “Nak, andito si papa,” agad kong niyakap ang munti kong anak sa aking mga bisig. “Papa, si mama kinuha ng mga bad na tao,” humihikbi pa ang anak ko mula sa kanyang malakas na pagkakaiyak. Nang mapatulog ko na siyang muli ay hindi na rin ako dinadalaw ng antok. Kaya’t nagtungo na ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Maya-maya ay magluluto na ako ng agahan. Ilang buwan na ring ako ang nagaasikaso ng lahat. Ginagawa ko lahat ng ito para sa nagiisa naming anak. Nagbukas ako ng fridge at kumuha ng hotdog at itlog. Paborito itong almusal ng anak ko. Ginawa ko ring fried rice ang naiwang kanin kagabi. Pasado alas sais na kaya pinuntahan ko na si Travis sa kwarto niya. Bubuksan ko pa lang sana ang kwarto niya nang buksan niya na ito. “Good morning papa, I love you,” agad naman siyang humalik sa labi ko nang lumuhod ako para yakapin siya. “Good morning baby. I love you too,” niyakap ko siya ng mahigpit. “Kakain na po ba tayo?” tanong niya. “Oo nak, nagluto ako ng paborito mong ulam,” saad ko at inakay na siyang papunta sa kusina. Nagdasal na kami at nagsimula nang kumain. Maya maya ay nagtanong siya. “Papa, nabasa niyo na po ba yung sulat?” “OO anak, sabihin mo sa teacher mo turuan ka niya ng mabuti at pagpapasensyahan ka niya,” ako. “Opo papa, lagi niya po akong kinukumusta. Lagi niya rin po akong sinusundan. Maganda po si teacher. Paglaki ko po siya po pakakasalan ko,” magiliw na saad ng anak ko. “Maganda ba siya anak? Pakilala mo naman kay papa,” biro ko. “Hindi po pwede papa, sa akin na po siya. Iba na lang po sa inyo. Baka po magalit si mama sayo,” babala ng anak ko. “Siguro type ka ni teacher anak. Kasi diba, mana ka kay papa, gwapo, malakas ang dating, macho, mabait, masipag,” maya maya ay lumapit ako sa kanya. “Papa, di pa po ako big boy katulad mo, di niya po ako type,” malungkot niyang saad. Natuwa naman ako sa kanya at sinubuan mula sa kanyang kutsara. “Bata ka pa nak. Kaya hindi pa pwede. Crush lang muna pwede sayo ha?” ako. “Opo papa,” siya. Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko na siya. Giliw na giliw siya dahil kinikiliti ko pa siya habang pinaliliguan. Nagbihis na lang din muna ako ng putting t-shirt at jeans para ihatid siya sa eskwelahan. “Nandito na tayo nak,” sabi ko. Dahan dahan ko siyang ibinaba sa motor at humalik siya sa pisngi ko. “See you later papa,” sabi niya at yumakap sa akin. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa gate at pinagmasdan ko siyang makapasok at pagkatapos ay isinuot ko na ang helmet at bumalik na sa bahay. Maghapon ako ngayong gagawa ng sirang makina ng sasakyan ni Mang Dado. Binaunan ko ng pagkain ang anak ko para hindi na siya lalabas pa sa school para kumain.Bago mag alas kwatro ay pupuntahan ko siya para sunduin. Habang nasa shop ako ay iniisip ko pa rin ang sulat ng teacher ni Travis. Hindi ako sumagot kaya sigurado akong tatanungin siya nito mamaya. Mabilis na lumipas ang oras kaya ngayon ay nagshower na ako para sunduin ang anak ko sa school. Fifteen minutes bago mag alas kwatro ay nasa tapat na ako ng school. Nakasunglasses ako at nakasumbrero ng itim dahil mataas pa ang araw. Matiyaga kong inaantay ang labasan ng mga mag-aaral. Maya-maya pa ay nagring na ang bell at una unahang nagtatakbuhan ang mga bata. Mula sa isang silid ay nakita ko ang aking anak na simpleng maglakad. Hindi nagmamadali at di rin nakikipag-unahan. Madali ko siyang mapapansin dahil iba ang anak ko sa ibang bata. Hindi siya masyadong Malaki at di rin naman gaanong maliit. Parang siya ako nung bata pa. Pagdating niya sa gate ay agad niya akong nakita. Tumakbo siya at yumakap sa isa kong paa. “Hi papa. Namiss kita po,” paglalambing niya. “Namiss din kita baby boy,” binuhat ko na siya. “Alis na tayo papa, baka makita ka ni teacher,” pagmamadali niya. “Bakit? Ayaw mo ba akong makita ni beautiful teacher?” nagpout ako para maniwala naman siyang malungkot ako. “Basta papa, alis na tayo. Dali,” tinapik tapik niya pa ang balikat ko. “Yes sir,” saludo ko sa anak ko. Mga fifteen minutes ay nakarating na kami sa bahay. Dumaan kasi kami sa bayan para mamili ng pagkain. Bumili ako ng mga kakailanganin sa bahay. Paubos na rin kasi ang mga stocks kaya nagpasya na rin akong dumaan. Ibinili ko ng ice cream ang anak ko. Cookies and cream lagi ang paborito niyang kunin sa Nestle fridge kaya kumuha ako ng nasa cone at nasa gallon na pwedeng ifridge sa bahay. Pagkatapos ay umuwi na kami. Friday ngayon kaya hinayaan ko lang manood ng cartoons ang anak ko hanggang sa makatulog siya. Nakikinood na rin ako sa kanya habang panay ang kwento niya sa mga nangyayari sa cartoon movie na pinanonood niya. Higit na siguro sa limampung beses niya pinanood ang Lion King kaya halos kabisado na niya lahat ng mga nangyayari. Sa ilang beses niyang panonood nito ay pati ako nakakabisado ko na rin. Pero panay pa rin ang kwento niya kaya ako ay nagkukunwaring nakikinig. Maya-maya pa ay nakatulog na siya. Pinatay ko na ang TV at dahan dahan ko siyang binuhat papunta sa kwarto niya. Kinumutan ko na rin siya at hinalikan sa noo. “I love you, Travis. Ikaw na lang ang mayroon ako. Hayaan mo, masaya na si mama sa heaven. Lagi ka niyang babantayan,” bulong ko sa kanya. Pinagmamasdan ko ang anak ko sa dilim. Tanging ilaw lamang mula sa lampshade ang tanglaw kaya kahit papaano ay nakikita ko siya. May kakaiba sa anak ko kapag natutulog. Laging bukas ang labi niya. Hindi naman sa bukas na bukas pero naka-uwang ng bahagya. Cute. Sabi ng asawa ko, ganoon din daw ako pag natutulog. Laging sinasabi ni Veronica na halos wala raw minana sa pisikal na anyo ang anak namin sa kanya. Kulay, buhok, mata, ilong, pilik mata, kilay at mga labi ay sa akin niya nakuha. Hindi naman ito masama dahil pogi naman ang lahi ko. Ang namana lang siguro ng anak ko kay Nica ay ag pagtatanong, pagiging seloso at mapagmahal. Maya – maya pa ay nagtungo na rin ako sa kwarto para matulog.    SABADO. Matapos ang tanghalian ay nag-ayang matulog si Travis. Sinamahan ko siya at nakaidlip ako ng kaunti. Hinayaan ko lang siyang matulog at nagtungo na sa shop para ituloy ang aking ginagawa. Kailangan ko na kasing tapusin ang sasakyan ni Mang Dado. Pasado alas dos nang may marinig akong boses ng babae. Nasa ilalim ako ng sasakyan kaya hinayaan ko lang muna. Habang tumatagal ay papalakas na ang sigaw. Bigla kong naalala ang anak ko na natutulog kaya nagpasya akong sagutin ang sigaw ng babae. “Natutulog ang bata, huwag mong gisingin,” ako. Maya maya ay may narinig na akong mga yabag ng paa na papalapit sa shop. Patuloy sa pagtatanong ang babae pero hinayaan ko lang. Lumabas ako mula sa ibaba ng sasakyan at tumayo. Kinuha ang face towel para punasan ang aking kamay na puro grasa upang sana ay abutin ang kamay niyang makikipag-shake hands sana. Agad naman niya itong binawi dahil siguro nadudumihan siya sa akin. Mukha ba akong madusing? Hindi lang ako nakapagshave ng ilang araw pero ayos pa naman ang hitsura ko. Pwera lang sa madumi ako ngayon at pawisan. Nainis ako sa naisip kong iyon kaya imbes na sagutin ang napakarami niyang tanong ay pinaandar ko ang sasakyan upang itest. Galit siya sa akin pero umiiwas ako sa mga titig niya sa akin. Kababaing tao nito pero parang hinuhubaran ako sa mga titig niya. Medyo nailing ako. ”Ikaw baa ng ama ni Travis?” tanong ng babae. “Mukha na ba akong may anak?” pagatatanong ko. Curious din kasi ako kung ano ang tingin ng iba sa hitsura ko. Sa totoo lang mature na rin naman ang pisikal na anyo ko. Pero hindi rin naman ako magpapahuli sa mga single at binata na taga rito. “Kung hindi ikaw ang ama niya, siguro trabahador ka nila. Nasaan ang tatay niya?”tanong niya. See. Porket marumi ako ganyan ang tingin sa akin ng babaeng ito. Ang galling manghusga. Maganda pa man din sana. “Nagtatrabaho,” sagot ko. Inilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at sa kabila naman ay hawak ko ang towel. Nakakunot ang nook o ngayon at seryosong tumitig sa mata niya. “Kung gayon, nasaan ang nanay niya?” Tanong niya. Halatang iritado na siya sa akin dahil sa taas ng tono ng boses niya. Nakikipagsubukan ang mga titig niya. Hindi ko alam pero parang sa loob ng tigreng mga mata niya ay may muning na nagtatago. “Wala siya,” simpleng sagot ko. Maya maya ay kinuha ko ang tubig mula sa kabilang pintuan ng sasakyan at uminom. Maya-maya ay narinig ko si Travis mula sa kanyang likuran. “Papa, I want ishnacks po,” Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata niya nang tawagin ako ng aking anak. Agad yumakap sa akin si Travis kahit marumi ako at binuhat ko siya mula sa kanyang baywang. Isang kamay ang gamit ko at ang isa ay ginamit ko upang kumaway sa babaeng nasa harapan naming. Sinabi ni Travis na siya ang teacher niyang maganda kaya kinindatan ko na lang para mas lalong maasar. Ewan ko kung nakita niya pero bahala na siya. Nagtungo kami sa loob ng bahay ni Travis para gawan siya ng meryenda. Sumunod naman sa amin ang babae na para bang natrauma dahil sa nalaman niya. So, maganda nga siya. Pero bata pa. Mas bata ang anak ko para magustuhan siya. Ako? Hindi pwedeng ako. Mahal ko si Nica at hindi ko pa siya handang palitan sa puso ko ngayon. Ano ba itong nararamdaman ko? Mali ito. Maling mali. ____ Thanks for reading. God bless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD