Chapter One

1777 Words
Chapter One Julia “Good bye class,” “Good bye Ms. Lorenzo,” sigaw ng mga bata. Tapos na naman ang isang araw kong klase. Inaayos ko ang mga gamit ko sa mesa nang lumapit sa akin ang pinakatahimik kong estudyante – si Travis. Isang quarter na ang nagdaan at pilit ko pa ring kinikilala ang mag-aaral kong ito. Madalas ay tahimik lamang siya sa klase. Inoobserbahan ko rin kung natututo ba siya sa aking mga aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga aktibidad na maaari niyang maabot sa lebel ng kanyang pagkaunawa. Sa tuwing recess, naiiwan siya sa kanyang upuan. May baon naman siya palaging chocolate drinks at cookies na madalas ay Oreo. Tinatanong ko siya kung ayos lang ba siya at lagi lamang siyang tumatango at ngumingiti. Mabilis namang nawawala ang mga ngiting iyon pagkatapos. Mahusay na bata si Travis. Isa siya sa mga marurunong nang magbasa sa klase. Hindi nga lang siya showy na kagaya ng iba. Kapag tatawagin siya upang magbasa ay sinisigurado niya munang siya ang tinawag bago tumayo. Nakatayo siya ngayon sa harapan ng aking mesa. Binigyan ko nga pala siya ng sulat para sa kanyang mga magulang. I need to talk to them para matanong  kung m ay  psychological prob  le m yung  bata . “ Teacher,   para  saan   po  yung  sobre ? “  tanong  niya. “Para  yan sa parents  mo Baby  Travis,”  sagot ko. Ngayon ay umupo ako sap aa upang  maging kalevel ko ang  height niya . “Bakit po para sa  kanila ? “ tanong niya. “Kasi,  I  need to  talk to  them about  you,” hinawakan  ko ang  mga  balikat   niya . “May kasalanan po ba ako Teacher? “  he asked. “Bakit mo  naman natanong?” ako. “Kasi diba  po kapag tinawag ang parents, may  kasalanan ang anak nila?” siya . “Sino naman ang may sabi  sayo niyan?  Ang bait bait mo kaya,”  sabay  himas ko  sa ulo  niya. “Si  papa po, lagi  niyang  sinasabi na  magpakabait  po  ako  para di siya  tawagin  dito  sa  school, “ pagpapaliwanag niya . “Basta,  you are a good  kid okay?  Sige na Baby Travis, go home na,” utos  ko. “Good bye teacher,” paalam niya. Ilang  buwan  na  rin  nang mapermanente  ako sa trabaho. Nakatira ako sa Solana – isang bayan pa ang pagitan mula sa bayan na aking pinagtatrabahuhan. Umupa ako ng kwarto malapit sa school upang hindi ako mamroblema ng sasakyan ko papunta at pauwi galling trabaho.  Hindi naman ako nagiisa sa boarding house. May mga kasama rin akong guro na nagtatrabaho rin sa bayan. Sa ibang eskwelahan nga lang. May mga naging kaibigan na rin naman ako dito. Sa totoo lang, mababait naman ang mga tagarito.  Simple lang din ang buhay nila. Tahimik at  hindi gaanong magarbo. “Sis,  makikipagmeet ako sa kachat ko sa Saturday, sama ka?”  si Janeth, ang karoom mate ko na co-teacher ko rin. Mula pa siya sa Allacapan, tatlong oras ang byahe mula rito. “Hay nako, may home visit ako sa isa sa aking mga estudyante, ikaw na lang,” ako. “Pang ilang home visit mo na yan ?   Nung una, hinabol ka ng aso, tapos nawala ka, tapos nawalan ka ng sasakyan dahil hinapon ka. Ano na naman ba ang mangyayari sayo? “   aburido niyang tanong. “Huwag kang mag-alala, kinakabisado ko na itong lugar,” ako. Kasalukuyan akong nagrerecord ng mga output ng mga estudyante ko. Kanina lang ay nagpaguhit ako sa kanila ng larawan na nagrerepresenta ng pagmamahal. May kanya – kanyang iginuhit ang mga bata. May gumuhit ng puso. Mayroon ding gumuhit ng lalaki at babae ngunit may isang larawang nakakuha ng atensyon ko. Ang guhit ni Travis. Hindi naman gaano kayos ang guhit niya ngunit makikita mo agad ang ibig sabihin ng kanyang interpretasyon sa  pag-ibig. Sa isang malinis na papel, iginuhit niya ang isang matangkad na lalaki na  balbas sarado. Malaki ito. Sa baywang nito ay may buhat na batang lalaki na may hawak na kung ano. Hindi ko mawari kung ano ito ngunit sa tingin ko ay biscuit o tinapay dahil kinulayan niya ito ng dark brown. Sa kanyang iginuhit ay naalala ko bigla ang aking ama. Siya ang nagtaguyod sa akin para makapagtapos ako. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para magpursige sa pag-aaral. Kaya nagsusumikap akong magtrabaho at kumayod para mabigyan ko sila ng magandang buhay ng aking ina. Sa kanyang iginuhit ay nacurious ako sa pagkatao ng bata. Parang mas lalo akong nabuhayan ng loob para isagawa ang home visit. “Sis, pati ba naman  sa oras ng pagpapahinga ay nagchecheck ka pa ng papel? Martir award ka na niyan,” saad ni Janeth habang nakatitig at kinikilig pa sa kachat niya. “Wala naman akong ibang gagawin kaya magchecheck na lang ako,” saad ko. “Maghanap ka na kasi ng majojowa. Hindi mo na nga dapat intindihin ang paghahanap kung sinagot mo na yung mga manliligaw mo diba?” sabi niya. Sa totoo lang, maraming nag attempt na manligaw sa akin ditto. Mga pulis, teacher at mga businessman. Pero iisa ang sinabi ko sa kanila. Na ang priority ko muna sa ngayon ay ang magtrabaho ng maayos. “Sis diba alam mo naman na focus muna ako sa career ko,” sabi ko. “Bahala ka, tatanda kang dalaga,” tumalikod na siya at nag ayos ng buhok dahil nagring ang messenger niya. May kavideo chat ang gaga. 07:30 A.M. Papalapit na ako sa gate ng school. Natanaw ko mula sa di kalayuan si Travis na pababa sa motor na kanyang sinasakyan. Humalik ito sa isang lalaking nakasakay rin  sa motor. Sa tingin ko ay ito ang kanyang ama. Hindi  ko  siya masyadong naaninag dahil sa dami na rin ng pumapsok sa gate. Binilisan ko ang lakad pero akma naman nang magsusuot ng helmet ang lalaki at aalis na. Hindi ko na siya naabutan. Sa halip ay sinabayan ko na lang ng lakad si Travis. “Hi Baby Travis. Papa mo iyon?” tanong ko. “Yung pogi po? Opo,” saad niya. Seryoso ba siya? May pagkapilyo ang batang ito. “Yung nagdrive ng motor na naghatid sayo,  papa  mo? “ paglilinaw ko. “Hindi niyo po ba siya nakita teacher?” tanong niya. “Ahh, hindi eh. Tatanungin ko sana kung natanggap niya yung sulat,” ako. “Binigay ko po sa kanya. Sabi niya po basta mag-aral lang daw po ako ng mabuti,” saad niya. Yun lang? Wala na bang ibang sinabi? Kung naaalala ko, sinabi ko sa sulat na magrespond kung ayos lang bang magconduct ako ng home visit. Ayaw ba nilang mag-asawa na panghimasukan ko ang pag-aaral ng anak nila? “Wala na ba siyang ibang sinabi?” tanong ko. “Sabi po ni papa na turuan niyo raw po ako ng maayos at pagpasensyahan niyo raw po ako,” saad niya. “Mabait ka naman baby Travis, sige na mahuhuli ka na sa klase,” ako. Dahil dito, mas lalo akong naging curious sa kanila. Ano ba  ang kwento? Anong klaseng pamilya kaya ang mayroon siya?  That’s for me to find out. Friday na ngayon at bukas ng hapon ay tutungo ako sa kanila. Alam ko naman kung saan siya nakatira dahil na rin sa School Register. Hindi ko nga lang alam kung ano ang eksaktong lokasyon. May date si Janeth kaya ako lang mag-isa ang pupunta. Kakayanin ko naman siguro . “Good bye class,” saad ko. “Good bye Teacher Julia,” sigaw ng mga bata. Inaayos ko na ang mga gamit ko. Pagkatapos ay tinanaw ko mula sa bintana ang mga mag-aaral na nagsisilabasan na. Pilit kong hinahanap mula sa kumpol ng mga mag-aaral si Travis. Maliit lang siya kumpara sa mga ibang mag-aaral. Kaya’t mahirap siyang hanapin sa ganito karaming tao. Maya-maya pa ay may nakita akong lalaking naka puting T-shirt at naka maong na pantalon na  nakatayo mula sa gate. Matangkad ito at Moreno. Hindi ko maaninag ang mukha  dahil nakasumbrero ito ng itim at naka sunglasses na bumagay naman sa hugis ng mukha nito. Maya-maya pa ay sumalubong ang bata ng yakap sa lalaki at agad naman nitong binuhat ang bata. Magiliw na nagkwento ang bata sa lalaki habang naglalakad na sila patungo sa isang motor na nakapark sa gilid ng school. Ilang sandal pa ay umalis na sila. Teka. Bakit lately ay parang nagiging interesado ako sa buhay ni Travis? Siguro dahil na rin sa misteryoso siyang bata.Siguro nga ay ganoon lang talaga. Exactly five ng hapon ay nag-time out na kami ni Janeth at naglakad na pauwi. Walking distance lang naman ang kasera naming kaya ineenjoy na lang namin ang paglalakad kasama ang ilan sa mga studyante. “Sis, excited na ako sa meet up naming bukas. Hindi k aba talaga sasama?” tanong niya. “Sa susunod na lang siguro. May home visit kasi ako bukas sis. Ikaw na lang muna,” saad ko na deretsong nakatingin sa daan. “Teka, kagabi ka pa parang tulaley jan ha? May sakit k aba? Ang lalim ng iniisip mo ha,” sunod sunod niyang sabi/ “Nacucurious lang kasi ako  sa buhay ng isa kong estudyante. Lately may mga napapansin ako sa kanya kaya bukas ay bibisitahin ko sila,” saad ko sa kanya na ngayon ay nacucurious na rin sa mga sinasabi ko. “Sis baka mapahamak ka ha.  Mag-iingat ka doon. Naku, uso na ang r**e ngayon sa mga liblib na lugar,” pag-aalala niya. “OA ka naman. Hindi ako magpapadilim sa daan  ano. At hindi naman yun liblib masyado,” saad ko. Sa loob loob ko ay, sana nga hindi ako makahanap ng ikapapahamak ko sa aking buhay sa paghohome visit ko. Sana lang makatagpo ako ng solusyon sa curiosity ko. Sana nga matupad ito. Sana nga talaga. Sana. Pasado alas diyes nang mahiga ako sa kama at hanapin ang tulog ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Travis at kung anong meron sa pamilya niya. Haayyysst. Hindi na naman ako makakatulog nito. Kaya’t nagdasal na lang ako at nagsimula nang hanapin ang antok ko hanggang sa gumising na lang ako ay 07:00 na ng umaga. Mamaya na ang lakad ko. Ngayong umaga ay maglalaba ako ng mga uniforms at mga maruruming damit. Habang ginagwa koi yon ay napapangiti ako sa mga maaaring mangyari mamaya. Teka, excited ba ako? Erase. Hindi kasiyahan ang pupuntahan ko. Sosolusyon sa problema.  Okay? _____ This is the first chapter. I hope naenjoy ninyo ito. Please vote and feel free to leave your comments and suggestions .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD