Chapter Three
Julia
Pinauna ko na sila sa loob ng kanilang bahay at makailang segundo ay sumunod naman ako sa kanila.
Napalitan ng hiya ang kanina ay inis dahil sa nalaman kong ang gwapo – este suplado s***h pilosopong lalaking iyon ay ang tatay ng estudyante ko.
Naupo ako sa sala. Tanaw ko naman ang kusina mula sa aking kinauupuan at naroon sa tapat ng lamesa ang tatay ni Travis. Nakatalikod ito mula sa amin. Kaharap ko si Travis sa maliit na sofa ng kanilang sala.
Tahimik kong pinagmamasdan ang lalaki. Mula sa sala ay tanaw ko ang paggalaw ng mga muscles niya sa balikat habang nagtitimpla ng meryenda ng kanyang anak. Nangingintab pa rin ito sa pawis. Parang nag-iislow motion ang bawat galaw niya sa paningin ko. Feeling ko ang lakas lakas niya at sa mga yakap niya ay komportab---- ooppss. Ang halay na naman ng utak ko. But really, he has a perfect body physique para sa isang may asawa. I wonder kung nasaan ang asawa niya.
“Teacher, sino po hinahanap niyo po?” maya maya ay tanong ni Travis na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
“Ahh. Hi Travis. Hinahanap ko ang parents mo,” ako.
“Si papa lang po ang kasama ko dito. Ako po teacher, hindi mop o hinahanap?” tanong pa niya.
“Of course naman hinahanap din kita,” pinisil ko ang pisngi ng cute na bata.
“Namiss niyo po ba ako teacher?” tanong niyang muli. Aba. Matanong pala itong batang ito. Napakalayo ng behavior niya dito kumpara sa klase.
“Namimiss kita syempre naman,” natutuwa kong sagot.
“Eh bakit po si papa lang po gusto mo po teacher?” tanong niyang muli.
Medyo namula siguro ako sa kanyang sinabi. Mula sa peripheral view ko ay natanaw ko ang paglapit ng ama niya sa amin akaya naman ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
“Nak diba gusto mo ng Oreo at milk?” sabad ng ama.
“Opo papa,” magiliw na sagot ni Travis.
“Ayun, nandun na mesa, dalian mo baka unahan ka ng ghost na kainin,” pang-uuto niya sa anak.
Agad naman tumakbo si Travis at naupo na sa upuan sa harap ng mesa.
“Ma’am, meryenda po muna kayo,” abah at ipinagtimpla niya ako ng juice at naglagay ng dalawang nilagang saging.
Mabait din pala ito.
“Di na po sana kayo nag-abala mister,” teka bakit parang basing sisiw ako ngayon.
“Papa, ano po ang pinag-uusapan niyo ni teacher?” nagulat naman ako dahil nasa likod na ng sofa si Travis.
“Nak, diba sabi ko sayo pag may nag-uusap na matatanda, hindi pwedeng sumali ang mga babies,” paalala ng tatay niya.
“Sorry po papa, sorry po teacher,” si Travis.
“That’s my boy,” hinimas ni Travis ang ulo ng anak saka hinalikan sa noo.
Gosh. Sana naging noon a lang din ako.
HepHep. Ang halay ng utak mo Julia. Focus.
Ang cute nilang tingnan. Sa totoo lang naaamaze akong tingnan silang dalawa.
Magkamukha silang dalawa na parang pinagbiyak na buko. Napukaw naman ang imahinasyon ko sa pagsasalita ni Thor.
“Excuse me ma’am,” magsasalita pa sana siya pero pinutol niya muna ito nang abutin niya ang baso ng tubig saka uminom.
Kitang kita ko ang pag-inom niya. Nag-iislow motion na naman ang mga galaw niya sa isip ko.
Kitang kita ko ang namumuong mga pawis sa noo niya pababa sa medyo mabuhok niyang jaw line pababa pa sa leeg niya at ang basa niyang dibdib na pansin sa sando niya pababa pa--- hep hep enough please.
Nakikita ko ang pagtaas baba ng adam’s apple niya sa pagkakainom niya ng tubig at tila doon pa lang ay walang babaeng magsasabing hindi nila siya pagpapantasyahan.
I admit, naaattract ako sa kanya pero please – my brain and heart betrayed me. Bakit ba kasi ang lakas ng dating niya kahit mukhang nangangasim na siya sa pawis?
“Ma’am kung okay lang po sa inyo magquick shower lang ako, nakakahiya naman po sa inyo na ganito ang hitsura ko – amoy pawis na ho kasi ako,” saad niya sabay bahagyang taas ng kanang kamay at amoy sa kanyang kili-kili. Pansin ko naman ang magandang tubo ng hibla ng buhok mula doon.
Shocks, nakakapanghina ng tuhod ang pakili-kili ni mayor. Sweet Jesus tama na po. Susuko na ang Bataan sa mga Hapon.
“hhhmmm asim,” sabay tingin pa niya sa akin at bahagyang natawa dahil sa pagiging natural niya.
Actually he is a man who seems to be so natural. He doesn’t mind if he looks weirds or what. She doesn’t try to impress others para magustuhan siya. Actually, kahit walang effort ay kagusto gusto talaga siya.
“Ma’am,” pinatunog niya ang mga daliri niya para magising ako sap ag-iimagine.
“Okay lang po ba kayo?” tanong niya.
“Yeah mister. Okay lang ako. Sige po take time habang nagmemeryenda po ako. Salamat pala,” pagbabalik ng utak ko sa tamang pag-iisip.
Tumalikod na siya at nagtungo sa isang kwarto. Maya maya ay lumabas na may sabit na twalya sa kanyang balikat. Nagtungo na siya sa banyo nilang malapit lang din sa kusina.
Tumikhim ako sa saging at uminom ng pineapple juice na tinimpla niya. Nag-usisa ako sa paligid ng bahay nila. Iniikot ko ang tingin ko sa disenyo ng bahay at mga kagamitan. Halos mga antique ang laman nito. Mula sa aking likuran malapit sa bintana ay kita ko ang wedding picture ng mag-asawang Alcantara. Malaki ito. Tumayo ako para pagmasdan ang litrato.
Napakaperpekto nilang dalawa. Kitang kita ko ang masasayang feelings ng kanyang asawa na nakakapit sa kaliwang kamay niya at nakasandal naman ang ulo ng babae sa broad shoulders ng lalaki habang nakasandal sa ulo ni babae ang ulo ni lalake. Maluwag at genuine ang pagkakangiti nila. Para bang stolen picture lamang ito na hindi pinilit.
Ang gwapo niya at ang ganda rin ng asawa niya. Sobrang bagay sila. Sa ibaba ng picture frame ay may mas maliit namang picture frame na kung saan ay magkakasama silang nakaupo sa damuhan. Maliit pa si Travis a litrato at nakapout ang lips nito na nakatingin sa kanyang papa, may pahid din ng chocolate ice creams sa pisngi nito habang ang lalaki ay may hawak na ice cream at tumatawa – no, humahalakhak. Sa likod ni Travis ay ang babae. May hawak itong pamunas at pinupunasan nito ang chocolate ice creams sa kabilang pisngi. Masaya sila. Napakaganda nilang tingnan.
Titig na titig ako sa litrato nang may kumalabit sa likod ko. Lumingon ako at nagulat ako dahil si Travis nap ala ang nasa likod ko.
“Teacher, ito pa po oh, picture po namin ni papa po,” iniabot niya ang frame na medyo maalikabok na.
Medyo luma na ang nasa litrato. Nakaputing t-shirt na maluwag ang tatay niya at magiliw na binubuhat si baby Travis. Sanggol pa siya noon kaya hindi mapapansin na siya iyon.
Ramdam na ramdam ko na si Travis ang pinakamasayang nangyari sa buhay nilang mag-asawa.
“Iyan po ako teacher nung baby pa po ako. Pero big boy nap o ako ngayon parang kay papa,” turo niya pa sa tiyan niya.
Nginitian ko lang siya.
Maya-maya ay tumakbo siya sa may drawer malapit sa TV at inilabas doona ng isang malaking Photobook.
“Teacher, marami po akong pictures dito oh,” iniabot niya sa akin ang album at binasa ang nasa cover nito.
Your smiles will always be in my heart, forever.
“Pwede ko bang tingnan?” sabi ko sa kanya.
“Opo teacher pwede po,” magiliw naman siyang umupo sa tabi ko.
Binuksan ko ang album at ang unang nakita ko ay ang litrato ni Travis nang siya ay nasa around one. Mahimbing itong natutulog sa crib, bahagyang nakanganga pa ito.
Sa mga sumunod na larawan ay puro litrato nilang mag-ama. Ang una ay si Thor, nakatopless na mahimbing na natutulog sa kama habang ang maliit na Travis ay nakapatong naman sa dibdib niya. Nakadapa ito at nakayap sa kanya ang ama. Ang cute lang tingnan.
Ang ilan pang mga litrato ay mga natutulog. May litrato pang magkatabi sila at parehong pareho ang posisyon ng katawan. Nakataas ang kanang kamay at nakalagay sa likod ng ulo. Nakabuka ang mga paa. Nakabuka rin ng bahagya ang parehong bibig habang mahimbing na natutulog. May caption itong,
Look, like father like son. I love you both.
How I wish magkaroon ako ng ganitong mag-ama.
May isa pang litratong nakakuha ng atensyon ko. Ang close up picture nila ni Travis na parehong nagduduling-dulingan at labas ng dila. Hindi ko maitago ang aking ngiti dahil napakacute naman talaga nila.
“Bakit po kayo tumatawa teacher?” tanong ni Travis na pinagmamasdan ako.
“Napaka-cute mo kasi ditto baby Travis,” hinimas ko ang ulo niya.
Matatapos ko nang tingnan ang lahat ng litrato pero wala pa akong nakikitang litrato nilang mag-ina.
Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya’t nagmadali akong iclose ang album at ibinigay ito kay Travis.
Agad naman siyang tumakbo at isinauli ang album.
Nakabihis na si Thor nang lumabas ng banyo. Pinupunas pa nito ang buhok gamit ang tuwalya nang lumapit sa amin.
“Nak, dalhin mo muna ito sa kwarto tapos maglaro ka muna doon habang nag-uusap kami ni teacher ha?” utos niya sa anak.
“Opo papa, labyu po,” magiliw na humalik sa pisngi ng ama ang bata.
Kinuha nito ang tuwalya at tumakbong pumunta sa kwarto.
“So ma’am, siguro po di pa ako nakapagpapakilala sa inyo ng pormal, Redenthor po ang pangalan ko,” lumapit siya sa akin upang makipagkamay.
Amoy na amoy ko ang sabon niya. Green na sSafeguard ito kung hindi ako nagkakamali. Wala siyang halong ibang pabango dahil dumiretso lang siya sa sofa mula sa banyo. Gosh, bakit kakaiba ang dating niya.
Nakita ko rin na bagong shave lang siya. Ang linis lang tingnan ng mukha niya. Ang aliwalas.
Inabot ko ang kamay niya at bahagya niyang ginrip ang kamay ko tanda na sincere siya. Damang dama ko ang bigat ng kamay niya. Magaspang ito na halatang pukpok sa trabaho. Above all, ramdam ko ang init ng palad niya na dumadaloy na tila ba paranmg kuryente na nagpapataas ng mga balahibo sa batok ko. Shocks, shake hands lang ito pero I swear, ito na yata anmg pinakamatagal na two seconds ng buhay ko.
“Julia Lorenzo po,” pagpapakilala ko.
“Ma’am, pwede po bang Thor na lang ang itawag niyo sa akin. Nakatatanda po kasing pakinggan ang mister,” request niya.
“Pwede rin po bang huwag niyo po akong opo-in kasi po bata pa po ako,” ako naman.
“So ibig sabihin niyan matanda na ako?” siya.
“May sinabi po ba ako?” ako.
“Ino-opo mo ako eh,” natatawa niyang sabi.
“Ah-eh, ano kasi,” caught flat footed.
“Thor na lang ma’am,”paguulit niya. Taas baba ngayon ang adam’s apple niya dahil sa bahagya niyang paglunok na halata naman dahil sa pagtigas ng panga niya.
“Sige, Thor,” pag-sangayon ko.
“So, ano atin?” tanong niya ngayon at sumandal siya sa sofa.
“Gusto ko sanang pag-usapan natin ang tungkol kay Travis,” ako.
“May problema ba sa pag-aaral niya?” tanong niya sabay lagay ng parehong siko niya sa kanyang mga tuhod.
“Sa kanyang pag-aaral ay mabuti naman. Sa behavior niya lang sa loob ng klase ay medyo parang may nakikita akong unusual para sa isang bata,” pag-eexplain ko.
“Bigyan mo nga ako ng detalye,” siya.
Ngayon ay nakatitig na siya ng husto sa mga mata ko. Nakikita kong seryoso siya. Parang mula sa kanyang itim na mata ay pinapasok ang puso ko ng kanyang emosyon. Pag-aalala. Concern. Pagmamahal sa anak.
“Wala siyang kaibigan. Ni ayaw niyang lumabas para maglaro. Mag-isa rin siyang kumakain sa klase. Tatayo lang siya pag tinawag ko. Lalakad lang pag pupunta sa CR at kapag paalis na ng school. Napakalayo niya sa ibang bata na magiliw na nakikipaglaro sa iba,” ako.
“May dinadala po baa ng bata na problema mula dito?” dagdag ko pa.
“Sa totoo niyan, mag-iisang taon nang ganyan ang anak ko,” ramdam ko ang lungkot sa kanyang mata. Ngunit hindi ko siya makitaan ng pagbabadya ng luha o anumang mas mabigat pang emosyon. Pinaglalabanan niya.
“Isang taon na mula nang namatay ang asawa ko,” panimula niya.
Tila naman nabuhusan ako ng malamig na tubig mula sa kinauupuan ko. Tama baa ng naririnig ko?
“Wait, ano ulit?” paguulit ko.
“Namatay ang asawa ko sa isang aksidente isang taon na ang nakararaan,” siya.
“Oh my. Sorry,” ni hindi ko naman alam ang sasabihin ko ngayon. Parang kasalanan ko tuloy dahil sa paghohome visit ko ay naungkat muli sa kanya ang malungkot na pangyayaring ito.
“Okay lang. Bali, pagkawala niya sa amin, palaging malungkot ang bata dahil sa halos araw araw noon ay ang asawa ko ang nagpreprepare ng lahat ng para sa anak naming. Habang nasa shop ako, si Nica ang kalaro niya. Si Nica rin ang nagluluto at lahat. Siya rin ang nagpapaligo at nagluluto ng pagkain. Kaya ngayon, ay ako na ang umaako ng lahat ng iyon. Alam ko, iba ang aruga ng isang ina pero ginagawa ko ang makakaya ko para lang maramdaman ng anak ko na may tatay pa siya. Na mahal na mahal ko siya,” kwento niya.
Damang dama ko ang bawat salita sa mga sinabi niya. Kinukurot nito ang puso ko. Ayaw kong bumigay.
“Mula noon, lagi na lang siyang tahimik kapag may nakikita siyang pamilya na naglalakad sa daan, kompleto. May anak, may tatay at may nanay. Halos gabi gabi ay hinahanap niya si Nica. Masakit para sa akin na hindi ko manlang maipaliwanag sa anak ko na wala na ang nanay niya. Napakabata niya pa para maintindihan ang lahat ng ito. Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Kaya ayw kong nakikita niya na apektado ako at nalulungkot. Kailangan kong maging metatag para sa kanya,” dagdag niya pa.
“Makatutulong ba ako?” agad namang tanong ko.
“Paano naman kaya?” curious niyang tanong. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
“I can be his mother,” shocks. Naririnig ko baa ng sinasabi ko? Ano raw?
Natawa siya ng malakas at pinunas ang mukha niya ng mga palad niya. Kung kanina ay nakakunot ang noo niya, ngayon ay kunut na kunot na dahil sa nasabi ko.
“Ahah. Tsk. Ma’am. Nagbibiro ka ba?” tinatawanan niya ako.
“Mali ang nasa isip mo Thor. I mean, gusto kong tumulong sayo sa kanya na maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Kahit sa school lang kung bibigyan mo ng permiso,” pag-eexplain ko.
“Ibig mong sabihin, ipararamdam mo sa kanya na may nanay siya sa school. Tapos pag-uwi niya wala na,” siya.
“Pwede rin namang after school,” ako.
“woah. So uuwi ka rin dito?” siya.
Paano ba ito? Bakit ko ba kasi nasabi iyon.
“Sa palagay ko, pwede ka lang din namang tumulong para hindi siya malungkot. Pero nasasayo na iyan kung hanggang kalian. Nagpapasalamat ako in advance,” seryoso niyang saad.
‘Sige po, gagawin ko ang aking makakaya,” determinado kong saad.
Kapagkuway nagpaalam na ako.
“Ihahatid na kita. Bibili rin kasi ako ng piyesa sa bayan,” pagboboluntaryo niya.
“Okay lang ba?” pabebe talaga ako.
“Papa sama ako,” si Travis.
“Sige anak, samahan mo muna si teacher, paandarin ko lang yung motor,” siya. Sabay labas at kuha sa susi ng motor.
Maya-maya ay umaandar na kami. Nasa harapan niya si Travis. Nasa likod naman ako ni Thor.
Ang lapad ng likod niya. Kita ito kahit malaki ang T-shirt niyang isinuot. Hindi siya nagpapabango pero amoy ko ang natural niyang scent.
Medyo binilisan niya ang takbo kaya napakapit ako sa balikat niya. Naidiin ko ng bahagya ang pagkakakapit kaya lumingon siya.
“Awww sorry, nakalimutan ko angkas pala kita,” sabay tawa niya. Binagalan niya ang takbo.
Nakahihiyang malaman niyang namula ako sa sinabi niya.
Pangarap ko talaga ay maging ganito ang magiging pamilya ko. May cute na anak. At bmay gwapo at sweet na asawa. Haha.
____
Thanks for reading.