Prologue

1475 Words
Prologue My mother told me to find a man who would be my equal in every way. “Don’t let yourself fall for someone who will put your world before theirs. Fall for powerhouse who lives as fearlessly as you do. Find the man who makes you want to be a better woman.” Ang ideal man ko ay dapat nasa around 25 to 30 ang edad. Single. Gusto ko yung may trabaho. Yung kaya akong buhayin kasama ang mga magiging anak namin. Bata pa naman ako para isipin ito pero kapag nag-iisa ako at walang magawa, iniisip ko ang magiging future ko. Sino kaya ang nakalaan para sa akin? Sana yung mga nasa isipan ko. I am a public school teacher. Nagtuturo ako sa Tuao Central School. Grade 1 ang aking mga estudyante. Bata pa lang ako pangarap ko na ang maging guro. Ako lagi ang gumaganap bilang guro sa tuwing kami ay naglalaro kasama ang aking mga nakababatang kapatid at mga pinsan. Nagturo ako sa private school sa loob ng tatlong taon. Masasabi kong enough na ang experience na iyon para maging effective akong guro. I do home visits sa mga mag-aaral na nakikitaan ko ng problema. I solve their problems while working hand-in-hand with their parents. Sa kakahome visit ko ay napakarami kong naging karanasan. Hinabol ng aso, naligaw, naulanan, naglakad pauwi at higit sa lahat nabastos at hindi kinausap ng magulang ng aking mag-aaral. I met him. Yung lalaking napakapresko ng dating. Yung akala niya, siya na yung pinakagwapo sa lugar nila, akala niya siya na yung pinaka hunk dahil sa pawis niyang nagingintab sa tuwing nagtatrabaho siya. He has body, agorgeous body. He also has a buffy butt and long and strong legs. Erase. Erase. Ano bang naiisip ko. One time bumisita ako sa kanila dahil sa low scores ng aking mag-aaral. They live in the nearby place. Cato. Payak ang lugar. Tahimik at malapit sa bukirin. And then nagtanong-tanong ako sa mga tao kung saan ang tahanan nila Travis Alcantara, ang aking mag-aaral. Itinuro nila ako sa isang makahoy na lugar. Kung iisipin at titingnan moa ng lugar, tahimik. Walang masyadong kabaahayan at sa dulo nito ay may isang old-fashioned house. Sa tabi nito ay may machine shop. Parang walang katao-tao nang mga oras na iyon. 3:00 pa lang ng hapon ng Sabado ay parang tulog na ang mga tao sa loob niyo. “Tao po. Dito po ba nakatira si Travis?” sigaw ko malapit sa di kalayuan. “May tao po ba rito?” pag-uulit ko. ‘Hello, anybody home?” sigaw kong muli. Aalis n asana ako nang may sumigaw. “Natutulog ang bata, huwag mong gisingin.” Hindi naman masyadong malakas ngunit tama lang para marinig ko. Nanggaling ito sa may machine shop. Kaya’t sinundan ko ang tinig. “May tao po ba rito?” tanong ko habang papalapit sa shop. Walang sumasagot. Kaya’t deretso lang ako sa paglapit. Nang matunton ko ang lugar kung saan nanggaling ang  boses ay nakita ko ang isang lalaking nasa ibaba ng kotse. Half of his body ay nakikita sa labas at ang half ay nasa ibaba. I can see his dirty jeans na medyo nakalislis pa ang laylayan at nalagyan na ng mga grasa ang ilang parte nito. Nakasuot lamang siya ng beach walk na puti. Maalikabok na ang mga paa nito ngunit paa pa lamang ay lalaking lalaki na ito. Mula sap aa ay natuon ang tingin ko sa sando niyang puti na ngayon ay puno na rin ng grasa. Parang ang sexy niya. “Ano bang nasa isip ko?” “Dito po ba nakatira si Travis?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Sa halip ay kalansing ng tools na gamit niya sa ibaba ang narinig ko na tumama sa semento. “Excuse me manong. Dito po ba nakatira si Travis Alcantara?” pag-uulit ko. Sa kasamaang palad, hindi siya sumagot. “Bingi po ba kayo? Naririnig niyo po ba ako?” naiinis kong tanong. Maya-maya ay mabilis siyang lumabas mula sa ibaba ng sasakyan at tumayo. Oh My God. Sigaw ng utak ko. Lord, bakit po ganito? Baka po magkasala ang mga mata ko. He is tall. Mas mataas siya sa akin ng mga walong pulgada. Hindi siya maputi ngunit hindi naman kaitiman. Nangingintab ang balat niya dahil sa pawis. He looks sexy sa fitted niyang sando na puno na ng grasa. His face? Just serious. Makapal ang kilay. Balbas sarado pero hindi naman gaanong makapal. Sa tingin ko ay mga nasa 35 na siya. Pero may isang bagay na napansin ko sa kanya. Hindi siya tumitingin sa akin. Sa halip, ay binuksan niya ang kotse at mula sa labas ay pinaaandar niya ito. “Naririnig niyo po ba ako?” Pag-uulit ko. “Kanina pa,” sa wakas ay sagot niya. Ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Para bang walang tao sa tabi niya. “Teacher po ako ni Travis,” pagpapakilala ko. Akmang iaabot ko ang kamay ko para sa shake hands pero sinara niya ang pinto at nagtungo sa harapan ng sasakyan at binuksan ang makina nito. Aba, bastos ito ah. “Anong ipinunta mo rito, MA’AM?” may diin sa pagkakasabi niya ng Ma’am. “Maghohome visit sana ako at gusto ko sanang kausapin ang magulang ni Travis,” saad ko. “Okay,” aniya. Yun lang? Yun lang ang sagot niya? “Look Mister?” naiinis kong tanong sa first name niya. “ Thor,” aniya. “Mister Thor, kung wala po kayong pakialam sa sasabihin ko at kung wala po kayong oras para paglaanan ng panahon ang anak ninyo ay bigyan niyo na lamang po ako ng ibang makakausap para maibigay ko ang report card ng anak ninyo,” napataas na ang boses ko. “Mukha na ba akong may anak?” tanong niya. Ngayon ay hinarap niya na ako at kinuha ang face towel saka pinunasan ang mga namumuong pawis sa noo niya. May mga hibla rin ng buhok niyang naliligo na sa pawis kaya hinawi niya ito paitaas. Damn. Bakit ang lakas ng dating niya? “Kung hindi ikaw ang ama niya, siguro trabahador ka nila. Nasaan ang tatay niya?” tanong ko na ngayon ay nakapamewang na sa harap niya. “Nagtatrabaho,” sagot niya. Nakapamewang na rin siya at hawak ng kaliwang kamay ang putting face towel. “Kung gayon, nasaan ang nanay niya?” Tanong ko. Nag-iinit na ang ulo ko. “Wala siya,” simpleng sagot niya. Umiwas siya ng tingin at nagtungo sa kabilang pintuan ng kotse para kunin ang bottled water mula sa upuan doon. Maya-maya ay may tinig ng bata mula sa aking likuran. “Papa, I want ishnacks po,” si Travis. Pupungay pungay ang mga mata nitong halatang kagigising lang. Gulo gulo rin ang buhok nito at nagkukusot ng mga matang tumakbo sa maruming lalaking ngayon ay nasa harapan ko na. Yumakap ito sa kaliwang hita ng lalaki at tiningala ang tinawag niyang Papa. “Papa, kilala mop o si Teacher?” tanong ng bata. So, ito pala ang tatay niya. Magkamukha sila. Dito niya nakuha ang pagkamoreno, at sige, pagkagwapo na rin. “Siya ba yung sinasabi mong beautiful teacher mo nak?” maya maya ay binuhat niya ang kanyang anak. Parang kasyang kasya lang sa mga daliri nito ang tagilran ni Travis. Parang napakaliit na bagay lamang ni Travis sa kanya nang binuhat niya ito. Ang sarap nilang pagmasdan. Magkamukha sila. At sa sinabi ng lalaki na Beautiful Teacher, biglang nag-init ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin. “Yes po papa, hi teacher, this is my gwapong papa,” pagpapakilala ni Travis mula sa tagiliran ng ama. “Hi Ma’am beautiful,” nakangiting saad ng lalaki habang tatlong beses nagtaas baba ang kanyang makakapal na kilay. Parang sinasabi niyang, Hey, call me handsome. “Hello Travis, how are you?” lumapit ako at hinimas ang magulo niyang buhok. “I am fine teacher Julia. Ano pong ginagawa niyo ni papa?” tanong ng bata na agad namang ikinagulat naming dalawa. “Nak, pasok muna tayo sa loob ha? Anong gusto mong meryenda?” pag-iiba ng ama. “I want Oreo and Cold Milk, papa,” sigaw ni Travis sabay taas pa ng kanang kamay. Hinalikan pa ni Thor ang bata sa pisngi sabay tingin sa akin na tila ba nagsasabing, Pasok po muna kayo sa loob ma’am. That’s’ my first encounter sa kanya. Napakalayo niya sa ideal man ko. Pero possible bang mainlove ako sa kanya? Possible bang magkagusto rin ako sa may anak na? Tadhana na lang siguro ang makapagsasabi nito. Pero kung maging kami, gugustuhin ko rin namang maging ina ng cute na si Travis. Bonus na lang ang gwapo niyang ama. Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD