Kabanata Dalawangput Anim

2010 Words
Malaki at maaliwalas din ang opisina ni Mommy may picture ng isang batang lalaki sa likuran ng swivel chair niya na nakapatung sa isang may kahabaang cabinet may mga trophies at plaques din na naka display. Kaya nangiti ako talagang kamukha ko siya ganuon ako noon bata pa ako. Tulad ng office ko glass wall din ang halos kalahati ng pader. Kaya napatayo ako at humarap sa transparent wall glass kitang-kita ang malawak na siyudad dahil narin sa tindi ng sikat ng araw maaliwalas pagmasdan ang kapaligiran. Buhol buhol pa rin traffic kahit tanghali na. Nalibang ako sa pagmamasid sa mga nagsalimbayang mga sasakyan kaya hindi ko namalayang may nagbukas ng pinto. Isang pagtikhim ang nagpalingon sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi rin ako nakakilos agad kaya natitigan ko nalang ang maamo niyang mukha. May mga wrinkles na siya na hindi na naitago ng foundation make up niya. Nakasuot na siya ng reading glasses. May mga puti na rin ang alun-alun niya buhok na nakapusod. Pero napaka ganda parin niya. "Mom" anas ko na hindi ko alam kung narinig ba niya dahil kita ko na kumunot ang noo niya. "Who are you?" malumanay niyang tanong sakin. Kaya naglakad ako palapit sa kanya. "Clarkson Angelo Villaneza po. Si Emerson Villaneza po ang Daddy ko." pagpapakilala ko sa kanya pero nakita kung nanglaki ang kanyang mga mata. Kaya inalalayan ko siyang umupo sa couch na inupoan ko kanina. "Para po sa inyo." aniko at inabut ko sa kanya ang bouquet ng mga tulips maging ang cake ay ibigay ko sa kanya. Atsaka ako naupo sa tabi niyang nakangiti. "Ano ang kailangan mo? Bakit may dala ka nito? Kanino galing ang mga ito?" sunod-sunod na tanong niya matapos niya tanggapin ang mga binigay ko sa kanya. "Binili ko po yan para talaga sa inyo." aniko. Dahil kinakabahan ako hindi ko alam kung paano ko ipakikilala ang sarili ko. "Salamat kung ganoon. Sana hindi kana nag-abala pa." aniya kita ko namang titig na titig siya sa akin. "Sa totoo lang po hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko sa inyo. Pero bilin po ni Daddy bago siya nalagutan ng hininga hanapin ko kayo at ihingi ko siya ng tawad sa inyo. Marami daw po siyang naging pagkukulang sa inyo. Isa na po doon ang pagsisinungaling niya sa inyo ng sabihin niyang nahulog sa hagdan si Lorenz Angelo na siyang ikinamatay nito. Isa po yun kasinungalingan dahil buhay na buhay po ako." mahabang paliwanag ko kita kung tinutop niya ang dibdib niya kaya dali dali kung kinuha ang pitsel sa ibabaw ng mesa niya at nagsalin ng tubig sa baso. "Eto po inum po muna kayo." utos ko sa kanya inabut naman niya yun at tinunga. "Ayus lang po ba kayo?" tanong ko ng ibaba na niya ang baso na halos mapangalahati niya ang laman. "Anung sinabi mong buhay ang aking anak nasaan siya. Inilibing siya sa tabi ng puntod ng mga magulang ni Emerson." asik na niya sakin. "Wala pong laman yun. Buhay na buhay po ako. Ako po ang anak niyo ni Daddy. Sinabi din niya sakin na patay na kayo sa isang car accident noong bata pa ako. Nalaman ko lang po ang lahat ng ipagtapat niya sa akin bago siya namatay. Ako po si Lorenz Angelo ang inyong anak. Binago po niya ang pangalan ko para mailigaw kayo. litaniya ko. Pero bigla siya tumayo at hinila rin ako patayo. "Tumalikod ka." utos niya sakin ng makatayo ako. Naramdaman kung pilit niyang hinihila pataas ang polo ko. "Bakit po" tanong kung nagtataka. Dahil pilit niyang hinuhubad ang polo akung suot. "Itaas mo ito." utos niya kaya niluwagan ko ang belt ko para kumawala ang suot kung polo na itinataas niya. "Ikaw nga." bulalas niya at niyakap niya ako at humagulgol na siya ng iyak kaya niyakap ko na din siya umiiyak na din ako. "Mommy" anas ko. "L-lorenz a-anak buhay ka nga. Buhay ka" aniyang paulit ulit at mas lalo pang lumakas ang pagiyak niya. "Mom missed na missed ko po kayo. Lumaki akung walang ina sa tabi ko."anas ko habang yakap ko siya ng kahigpit. Pareho kaming umiiyak ni Mommy. "Bakit ipinagkait tayo sa isat isa ni Daddy? Ano po bang nangyari? Bakit itinago niya ako sa inyo? Bakit siya nagsinungalin sa atin?" sunod-sunod kung tanong kay Mommy sa pagitang ng mga hikbi ko. Naramdaman kung umiling lang siya ng ilan beses. "Ang importante buhay ka andito kana sa akin. Huwag mo ng iiwan si Mommy ha anak." aniya at tiningala pa niya ako. Kaya hinalikan ko nalang siya sa noo at muling niyakap. Ngayon ko lang naramdaman ang yakap ng isang isang ina, napakagaan pala sa pakiramdam. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming umiiyak na magkayakap ni Mommy ang importante sakin kasama ko na si Mommy at tanggap niya ako. Napakasaya ko tulad ng hinihiling ko ang mayakap at mahagkan ang aking ina. Ang makapiling siya. Ngayon sa mga bisig ko na siya. "Mom hindi niyo naba kailangan magpa-DNA test tayo?" tanong ko sa kanya pero hinampas lang niya ako sa braso. "Hindi ko na kailang yun dahil kita ko at alam kung anak kita. Naramdaman ko yun kaninang una kitang nakita iba ang kaba dito sakin dibdib. aniya at itinuro pa ang tapat ng puso niya. 'Yung birth mark mo sa may tagiliran mo na parang mapa ang palatandaan ko sayo. Noong bagong panganak ka napaka pula niyan na parang tuyong dugo. Hanggang ngayon ganuon parin ang kulay at hugis n'yan mas lumapad nga lang ngayon. Namana mo yan sa sakin. Ang sakin naman nandito sa puno ng hita ko." aniya itinuro pa niya kung saan banda at itinaas niya uli ang polo ko at hinimas niya ang pulang balat ko na may laking dalawang pulgada. "Meron din ganyang balat si... ohh! never mind nataon lang siguro." aniya na parang bang may naalala siya. "Nakuha mo rin sakin ang kulay ng balat ko maging ang kulay ng mga mata ko malaki ang pagkakahawig mo sakin. Shape lang ng mukha mo at ilong ang nakuha mo sa Daddy mo. Dagdag pa niya. "Mom ayus lang ba kayo wala nabang masakit sa inyo? Hindi naba kayo nahihirapang huminga?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya na ikinakunot noo niya. "Nalaman ko po kasing ng undergo kayo sa heart surgery." dagdag ko pa. "Naku matagal na yun. Sinong nagsabi sayo?" tanong niya sakin. Kaya naman ikinuwento ko sa kanya ang lahat kung paano ko siya natuntun. "Kaya nga po hindi ako nagpakikilala agad sa inyo baka kasi makasama sa inyo kung mabibigla kayo." litaniya ko na siyang totoo. "Sigurado akung magkakasundo kayo ng kapatid mo. Kaya lang masyado silang busy ni Rem sa bago nilang project sa Australia." aniya. "Mom sino po 'yung batang lalaki?" tanong ko at itinuro ang picture sa ibabaw ng cabinet. "Ahhh... si Franz yan anak ni Ella isinama ko na dito pauwi dahil hindi na maasikaso ni Ella sa dami ng trabaho niya sa kompanya natin. Siya na ang nagpapatakbo ng mga business natin. Nasa US siya ngayon next week babalik na siya sa Australia. Buti nalang tinutulongan siya ni Rem. Litaniya ni Mommy. "Bakit tinanghali ka ng punta dito? Kanina pa ako naghihintay? Buti nalang natapos agad meeting ko." tanong niya. "Mom ang aga kung nagpunta dito pero hinaharas ako ng mga tao niyo. Ayaw nila akung papasukin. Maging ang secretary mo inaaway nila ako. Kung hindi sa body guard mo baka hanggang ngayon nasa labas pa rin ako. Mom ayoko sa kanila mga arrogant sila. Wala kabang ibang matinong empleyado?" pagsusumbong ko kay Mommy. "Ipapatawag ko sila kausapin mo at ikaw na ang magdisesyo kung anung dapat gawin. Isa ka din CEO sa kompanya ng mga Villaneza at alam kung malawak ang kaalam mo pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo maging sa paghawak ng mga tao. Anak kita na isa rin CEO at nagmamay-ari ng mga negosyo ng mga Khan tapos mababastos kalang ng mga empmeyado natin. Kung andito lang ang kapatid ko hindi rin yun papayag na may babastos sa iyo. Alam mo bang sobrang higpit niya at istrekto pag dating sa trabaho?" mahabang wika ni Mommy habang nakikinig lang ako sa bawat sabihin niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag na nakapatung sa ibabaw ng table at ng dial. Maya-maya nga may narinig na silang kumakatok. "Come in" sigaw ng kanyang ina. Dahil siya ang nakaupo sa executive chair nanglalaki ang mga mata ng mga babaeng nagpasukan. Ni hindi na nga niya inanyayahan umupo ang mga ito. "So nagkita-kita ulit tayo. Gusto niyo bang ipakilala ko uli ang sarili ko sa inyo?" Tanong niya sa mga babaeng mga nakayuko. "Bueno. My name is Clarkson Angelo Ibanez Villaneza CEO of Villaneza's Group of Company and the only son of Mrs. Lorena Ibanez Khan." kita niyang nanglaki ang mga mata ng mga babae. "Sa kompanya ko sa lahat ng ayaw ko sa mga emeyado ko ay yung bastos at walang pespeto sa kapwa. Dahil nakakasira yan sa imahe ng kompanya. Siguro naman ngayon alam na ninyo ang gusto kung ipahiwatig." aniko. "Sir sorry po hindi na mauulit." anila na halos magkakapanabay pa nilang wika. "Halos isang oras niyo akung pinagtawanan sa labas. At pinabintangan ng kung anu ano. Inaakit nyo din ako. Hindi ko tino-tolerate ang mga aroganteng empleyadong tulad niyo. Bilang anak ng CEO niyo may karapatang akung magbigay utos sa kompanyang nasasakupan ng pamilya ko. So pack all your things and all of you are fired. Now all of you leave." mariing utos niya. Kaya walang nagawa ang mga babae kahit ng mamakaawa pa ang mga ito kundi lumabas para lisanin na ang kompaya nila. "Mom hindi pa ba kayo nagugutom? Sa labas nalang tayo kumain treat ko po." aniko dahil nakita ko sa wall clock ang oras 1:45 na kaya inalalayan na siya. Palabas ng opisina. Nagtitinginan naman ang mga empleyado nila sa amin ni Mommy. Nagtayuan naman ang mga securities niya nagmakita kaming lumabas ng opisina. "Madam san po tayo pupunta? " tanong ng isang security ni Mommy katabi nito yung lalaking nagpapasok sakin kanina. "Ewan ba dito sa anak ko kung saan niya ako dadalhin." ani Mommy na may ngiti sa labi. "Anak niyo Madam?" tanong noon lalaki. Kaya tinapik ko naman siya sa balikat. Nadinig kung ng sorry pa siya at nagkamot ng batok pero hindi ko na pinansin. Sino ba naman kasing hindi mag-iisip ng hindi maganda kung ang dala mo ay bulaklak at cake. "Sama na kayong lahat treat ko na rin kayo dahil sa mahigpit niyong pagbabantay kay Mommy. Bantayan niyong lang siyang mabuti." bilin ko pa sa kanila na sabay-sabay naman silang sumagot ng "Sir yes sir." Sa kotse ko na sumakay si Mommy kasunod namin ang mga body guards niyang nakasakay sa SUV at may isang naka motor na nakadikit sa sasakyan namin. Dinala ko sila sa isang kilalang Italian restaurant. Nagmakapasok kami ni Mommy sa restaurant sa isang table na two seater kami umupo habang mga securities naman niya'y nagkanya kanya ng upo sa mga table nila malapit lang samin. Maraming kwento si Mommy sa akin lalo na tungkol kay Franz ang pamangkin ko daw at sa kapatid kong babae na masyado daw busy sa mga business at wala na daw time halos sa sarili. Masaya sa mga kwento niya si Mommy pero iniiwasan niyang mag kwento tungkol kay Daddy kaya wala akung makuhang magandang sagot kung bakit niya kami pinaghiwalay ni Mommy. Kung bakit nagsinungaling siya at itanim sa isipan naming mag-ina na patay na kami. Ano ba ang naging buhay nila noon. At bakit ayaw na niyang balikan pa ngayon. Rerespetohin ko nalang kung anung gusto niya ang importante kasama ko na siya ngayon. At napakasaya ko, sana noon pa sinabi ni Daddy di sana buo kaming pamilya at masaya. Baka buhay parin sana siya ngayon. At masaya kaming magkakasama. Sana kumpleto kami at naranasan no kung paano arugain ng isang ina. . . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... .....thanksguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD