Kabanata Dalawangput Pito

2009 Words
Maaga akung gumising ngayon excited akung ma-meet ang aking pamangkin na sa tuwing makikita ko kahit sa malayo o sa picture lang lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Ganito ba talaga ang nararamdam kung kadugo mong matagal mo ng hindi nakikita o first time palang siyang makikita. Sabi ni Mommy sa mansyon nila ako mag-dinner para makilala ko si Franz. Dumiretso na ako sa banyo para naligo at ng makapag bihis na. Kailangan kung pumasok ng maaga para matapos ko agad ang mga trabaho ko. Sayang wala si Ella gusto kung makilala ang aking nag-iisang kapatid. Ano kaya magiging reaksyon niya pagnagkita kami matanggap kaya niya ako bilang kuya niya. Mabait daw ito sa pamilya pero masungit at istrekto daw ito sa iba ilag din daw ito sa ibang tao kaya kunti lang ang kaibigan ayun kay Mommy. Magaan ang aking pakiramdam na pumasok sa aking opisina pina-cancelled ko rin lahat ng schedule apoitment ko dahil ayokong may sisira sa masaya kung mood ngayon. Hindi ko pa alam kung anung gagawin ko pagnagkita kami ng anak ni Ella. Kinakabahan ako na hindi ko mawari kung bakit. Isang batang paslit lang naman ang aking makakaharap pero iba ang kabog ng diddib ko. Mas matindi pa sa kabang naramdaman ko ng magkipagkita ako kay Mommy kahapon. Ano bang meron ang batang 'yun at ganito nalang nararamdaman ko. Mga tanong sa isip ko na hindi ko alam kung anung kasagutan. Pagsapit ng alas tres ng hapon gumayak na ako paalis ng opisina ko kailangan ko pang dumaan sa mall para bilhan ng pasalubong ang pamangkin ko. Pagdating ko sa mall dumiretso na ako sa bookstore para tumingin kung anung pwedeng bilhin. Wala akung idea kung ano ba dapat bilin para sa bata. "Yes ano po hanap nila?" tanong ng sales clerk sakin ng makita niyang kanina pa ako paikot-ikot. "Miss ano bang pwedeng ibigay sa isang batang lalaki?" tanong ko nalang baka may ma-suggest siya. "Ilang taon naba sir? Pwede sir mga books dito sir marami kayung mapagpipilian." aniya sakin at i-guide niya ako sa mga pambatang mga libro. "Eto sir coloring books, yan sir ang madalas bilhin dito pangregalo sa bata babae man o lalaki. Eto sir panglalaki." aniya sakin at pinakita pa niya ang isang coloring book na may naka drawing na Spider-Man. Mga anime at marvel heroes. Kaya kumuha ako ng ibat-ibang klase pinili ko pa yun medyo makakapal. "Gusto naman n'yu sir mga toys marami rin sir kami dito anduon sir sa gawi ruon." aniya pa kaya napalingon ako sa mga toys section. Ng matapos akung makapamili nagpunta nako sa cashier para magbayad. Iniisip ko pa din kung maiibigan ba ni Franz ang mga binili ko. Hindi ko naman kasi alam kung anung hilig niya. Kung anung gusto niya. Pagkalabas ko ng mall sumakay na ako sa sasakyan ko dahil susunduin ko pa si Mommy sa office niya para sabay na daw kaming pumunta sa bahay nila. Habang sana biyahe kami maraming kwento si Mommy tungkol kina Ella at Franz. Nagmakarating kami sa tapat ng bahay nila. Nauna ng bumaba ang security ni Mommy na naka motor at pinabuksan na ang gate kaya tuloy tuloy ko ng ipinasok ang kotse ko. Nauna na akung bumababa at pinagbuksan ng pinto si Mommy. "Halika na sa loob hijo. Matutuwa ang pamangkin mo pagnakita ka niya." May kumpiyansang saad ni Mommy. Kaya sumunod lang ako sa kanya papasok sa loob. "Franz!.. where are you? I have a surprise for you." malakas na tawag ni Mommy pagpasok namin sa loob ng bahay nila sumusunod lang ako sa kanya. Ilang beses tinawag ni Mommy si Franz. Bago ito lumabas buhat sa kitchen na may ngiti sa labi yumuko si Mommy at humalik ito sa kanya. Habang ako'y nakatayo lang sa may living room. "Look who's with me?" ani Mommy at tumingin siya sa gawi ko kaya sinundan din niya ng tingin. Pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. "D-da..d" utal niyang bigkas. Para kaming naistatwa sa pagkakatayo ng magkatitigan kami. Hindi ko mawari kung anung mararamdaman ko. Kita kung namula ang kanyang mga mata at may namuong mga luha duon ganuon din ako. Kumakabog din ang aking dibdib. "D-daddy!" alanganin niyang bigkas na lalong nagpakabog ng dibdib ko. Nanantiya siyang ngumiti kaya binati ko siya ng "Hi!" at ngumiti sa kanya kaya nagtatakbo na siya patungo sakin iniluhod ko naman ang isang tuhod ko at ibinuka ang dalawa kung braso. "Daddy ikaw nga. You're here na" aniyang tuwang tuwa na siyang bumaloob sa aking mga braso at yumakap sa aking leeg ang dalawa niyang maliit na kamay. Narinig ko ang mahihina niyang hikbi kaya hindi ko rin napagilang hindi maiyak. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil parang may kakaiba akung daramdaman ng magdikit ang aming katawan. "Mommy's right you looked exactly like me. We both handsome." nagniningning ang mga mata niyang may luhang turan. Pinahid ko ng aking mga daliri ang luha niya sa pisngi bago ko pa pinahid din ang sakin. Inilagay pa niya ang maliliit niya mga palad sa magkabila kung pisngi at hinalikan ako ng ilang beses. Kita ko naman si Mommy na nagpahid ng kanyang luha. Hindi ko rin maintindihan kung anung mararamdaman ko naluluha ako sa saya kaya niyakap ko siyang muli. Hindi ko naman alam kung anung sasabihin ko at baka pumiyok lang ako pagnagsalita ako. Ang saya ko ng tinawag niya akung Daddy at mas lalo na ng mayakap ko siya na para bang may nagkukonekta sa aming dalawa na hindi ko maintindihan. "Ganito ba talaga ang pakiramdam pagnakita mo pamangki mo" piping tanong ko. Para sakin higit pa sa pamangkin ang nadarama ko para sa kanya. Nasabi na sakin ni Mommy na nagkahiwalay sila Ella at ang ama ni Franz. Kaya hindi ko rin alam kung anung sasabihin kay Franz. Ayaw ko siya ma-disappoint kaya ayos lang tawagin niya akung Daddy at ituring siyang anak. "Dad hindi ka na na busy sa work mo ngayon kaya umuwi kana? Sabi po kasi ni Mommy madami ka daw pong trabaho sa office mo." tanong niya sakin ng kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig siya sa mukha ko. Nakita ko naman tumangu-tango si Mommy. "Nope. Pero kailangan ko parin pumasok sa office everyday." tungon ko sa kanya nakita ko naman lumamlam ang mga mata niya kaya nag-indian sit ako at kinandong nalang siya. Hindi parin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko. "Dad pwede po ba ihatid mo ako sa school. Sabi po kasi nila wala daw po akung Tatay." aniya at nakita kung may namumuong mga luha sa kanyang mga mata kaya niyakap ko siya at hinagkan sa noo. "Sinong magsabing wala kang Tatay? Meron bang batang walang Tatay seyimpre lahat ng bata meron baka busy lang or nasa malayo lang ang work nila like me." paliwanag ko sa kanya. "Don't worried tomorrow ako maghahatid sayo sa school." dagdag ko pa. "Talaga Dad?" tanong niyang parang hindi makapaniwa. "Yes ako maghahatid sayo at susunduin din kita." aniko kita ko namang umaliwalas ang awra ng mukha niya. "Ipapakilala po kita sa mga classmate ko Dad." turan niyang parang nagmamalaki pa siya. "Sure" tanging tungon ko sa kanya. "Mom are you alright?" tanong ko kay Mommy nangmakita ko siyang nakatutop sa dibdib niya. Kaya kinarga ko na si Franz at nilapitan ko siya. Pinahid pa niya ang luha niya at tumingin sakin ng may ngiti sa labi. Inakay ko si Mommy papaupo sa couch at naupo din ako sa tabi niya. Alam kung may gusto siyang sabihin sakin na hindi niya masabi dahil nakayakap pa din si Franz sakin. "Ok lang ako Mom. Hindi ba buddy?" tanong ko naman kay Franz. "Yes Dad" agad naman niyang tungon. Kaya natawa ako. "Wait. I have something for you." aniko nangmatanaw ko ang naiwan kung dalang mga paper bag. Tumayo ako at kinuha ang mga iyon. "Here. I hope you like it." aniko at ibinigay ko kay Franz ang mga dala ko. "Woww!" bulalas niya ng isa-isa niyang ilabas sa paper bag ang mga coloring books na binili ko. Meron din mga super heroes na mga laruan sa isa pang paper bag. "Dad may color pencils ka po?" tanong niya habang kinakalikot niya ang paper bag. Kaya mapakamot ako sa batok ko dahil wala akung nabiling pencil color. "It's ok Dad madami po akung pencil color sa kwarto ko bigay ni Tito Dwayne at ni Papa Rem." aniya kaya napakunot ako ng noo. Dahil parang nakaramdam ako ng pagka inis sa mga binanggit niyang mga pangalan. "Who's that?" tanong kung bigla pero kay Mommy ako nakatingin. Tiningnan lang din niya si Franz na abala sa pagbuklat ng mga libro. Kaya nanahimik nalang ako. Alam kung ayaw niyang magsalita dahil katabi namin si Franz. Isa-isa niyang binubuklat ang mga books kung bigay sa kanyan dinig ko din binabasa niya ng mahina ang pamangat ng mga ito. "Dad i have like this madami po akung ganito bigay ni Papa Rem favorite ko kasi si superman." aniya ng mailabas niya ang laman ng isa pang paper bag na parang may pagmamalaki pang niyang turan at itinapat pa niya sa mukha ko ang isang parang robot na si Superman na bigay ko sa kanya. Pero naiinis ako sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng lalaking yun. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis sa lalaking yun ganon hindi ko naman siya kilala at hindi ko parin siya nakikita ng personal. "Madam nakahanda napo ang mesa" anunsyo naman ng isang may edad ng babae kaya nabaling sa kanya ang aming attention. "Tayo na para hindi lumamig ang pagkain." anyaya naman ni Mommy kaya ibinalik ko na mga paper bags ang mga libro at mga laruan. Bago pa kami tumayo at matungo sa dinning room. Isang mahabang dinning table ang bumungad sa amin. Maraming mga pagkain ang nakahain may tatlong platong nakaayus para lang samin. Talagang pinaghandaan ni Mommy ang pagdating ko. Pero hinila ako ni Franz papasuk sa kusina kaya napasunod ako. Tumapat siya sa lababo at pilit inaabot ang poset kaya kinarga ko siya ng bahagya para maabot niya at makapaghugas ng kamay. "Maupo na kayo." utos ni Mommy at nauna na siyang umupo sa dulo umupo naman ako sa tabi niya katabi ko naman si Franz na halos ayaw ng bumitaw sakin. Aabutin ko na sana ang kanin ng madinig ko siya. Kaya nagyuko nalang ako at nakinig sa mga dasal niya. "Papa Jesus thanks you so much po at safe na nakauwi samin si Daddy. Thank you din po sa mga blessing na binibigay niyo amin. Papa Jesus please take care my Mom also Papa Rem and Tito Dwayne at sana po good health na si Lola." dasal niya na hindi ko inaasahan na marunong na pala siyang magdasal at sa narinig ko parang gusto ko naman maluha. Matapos ang mahikli niyang panalagin sinalinan ko na siya ng kanin bago ko pa inabot kay Mommy ito. Binigyan ko rin siya ng mga ulam na gusto niya. Nagmatapos ko siya malagyan ng mga pagkain saka palang ako naglagay ng para sakin. Masaya ko siyang pinagmamasdan habang kumakain. Mukhang magana siya kumain paminsan-minsan tumitingin siya sakin at ngingiti kaya nangingiti din ako. Naguumapaw ang saya sakin dibdib. Nasulit ang matagal ko ng paghihintay na makita at makapaling sila. Isa nalang ang kulang ang nag-iisa kung kapatid. Alam kung tatanggapin din niya ako. Proproteksyonan ko sila at aalagaan. Panalangin ko nalang na tanggapin ako ng aking kapatid na si Ella para makumpleto na ang buhay ko. May Nanay na ako may kapatid at pamangkin pang cute. Kailangan ko rin siyang makausap para kung may mga problema siya pwede kaming magtulungan dalawa. Hindi man kami lumaking magkasama alam kung magkakasundo kami dahil ayun kay Mommy mabait daw siya sa pamilya. Kakausapin ko siya tungkol kay Franz baka makatulong ako sa kanya para hindi naman binu-bully si Franz ng kapwa niya bata. Proprotektahan ko siya sa mga taong makitid ang pag-iisip. . . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... ....thankaguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD