Kabanata Dalawangput Lima

2254 Words
Idinayal ko nanaman ang number na kabisado ko na kahit nakapikit pa ako. Dahil araw-araw ko na itong kinukontak. Bago pa at kahit sa kalagitnan pa ako ng trabaho ko ginagawa ko ito. Pero hindi parin ako mapagbigyan ng appointment kahit saglit lang. "Sorry sir full load na po ang schedule ni Mrs. Khan." 'yun ang lagi kung naririnig na sagot sa aking ng sa tantiya ko ay secretary ni Mommy. Minsan gusto ko na ngang sigawan at murahin siya dahil maiirita na ako sa boses niya. Paanong magiging loader ang schedule ni Mommy sa araw-araw wala na bang pahinga yun at puro meeting nalang ginagawa sa araw-araw. Gaano ba siya ka-busy o ayaw lang niya akung ipakausap kay Mommy. Humanda ka pagnakapasok ako dyan matitikman mo kung paano magalit ang isang Villaneza. Pagsisihan mo itong ginagawa mo sa akin. Hihintayin ko nalang na matuntun ni Thom kung sino ang Doctor ni Mommy para makakuha ako ng iba pang information sa kalusugan niya. Tama rin ang mga payo ng mga kaibigan ko. Pero kailangan ko paring mag-try na tumawag sa office niya. "Wala na ba akung ibang appointment? Wala na bang iba puro ba business lahat ng schedule ko?" sunod sunod na tanong ko sa secretary ko. Nakakasawa din ang puro business tama nga si Dwayne dapat paminsan minsan mag unwind din ako. May eded narin ako at kailangan ng mag-relax paminsan minsan. Nakita ko naman nagkamot lang siya ng kilay niya. "Meron ba akung ibang schedule maliban sa business?" tanong ko ulit. "Meron po madam pero hindi naman po kasi related sa business kaya po nire-reject ko." turan niya na parang siya pa ang boss ko. "Anung sinabi mo? Kailan pa kita binigyan ng karapatan para manipulahin mo ang schedule ko hindi ba sabi ko sayo sabihin mo sakin lahat ng gustong makipag-appointment sa skin at ako ang mag-didesesyon kong tatanggapin ko ang request nila. Wala kang karapatan kontrolin ako. Sa sunod na gawin mo yan sisiguruhin kung mawawalan ka ng trabaho." mariin turan ko sa kanya lagi kung napapansin na lagi siya ang nasusunod sa mga schedule ko. Minsan siya pa nagca-cancelled ng ibang appointment ko ng wala akung pahintulot. "Sino-sino ang mga humihingi ng appointment? May listahan ka ba? asik ko sa kanya. Dahil pagnalaman ni Ella kung anung ugali nito siguradong tanggal agad ito. Masyadong mahigpit ang mag-kapatid. Hindi ko naman sila masisi dahil sila ang nag-angat ng negosyo kung papalubog na dahil narin sa mapagsamantalang mga tao. Kaya hanggang ngayon minu-monitor pa ni Dwayne lahat ng galaw ng mga empleyado ko. "Meron pong araw-araw na tumatawag dito para manghingi ng kahit ilang minuto ng oras niyo." aniya. Kaya naihampas ko ang aking palad sa lamesa ng marinig ang sinabi niya. "Kailan pa siya nagumpisang tumawag?" dagdag ko pa. "May limang buwan na madam na araw-araw siyang tumatawag. Personal daw po kasi kaya de-decline ko yun hinihingi niyang appointment para sa inyo." aniya. "What!?? " sigaw ko sa kanya ang tangal na noon bakit hanggang ngayon hindi pa niya sinasabi sakin. Kung hindi pa ako nagtanong hindi ko pa malalaman. "Sinong tao 'yun anong pangalan niya. Kailan pa siya huling tumawag?" asik ko na sa kanya. "Last week po 'yun huling tawag niya. Clarkson Villaneza daw po name niya." aniya kaya napa tutop ako ng dibdib ko ng marinig ang pangalang 'yung. Hinding hindi ko malilimutan ang isang Villaneza. "Pagtumawag uli bigyan mo siya ng appointment i-schedule mo agad." ayaw ko ng mauulit pa yan. "Sige na umalis ka na sumasakit ang ulo ko sayo." dagdag ko pa sa kanya. Matagal ng panahong wala akung balita tungkol sa mga Villaneza dahil iniwasan kung magkaroon pa ng kaugnayan sa kanila. At sino si Clarkson Villaneza at bakit niya ako gustong makausap. Sino siya? Anong kaugnayan niya kay Emerson Villaneza? Mga katanungang nagpasakit ng ulo ko. Parang may kakaibang pakiramdam akung hindi ko mabigyan ng hahulugan. Kumusta na kaya siya ngayon. Mahihinang katok ang nadinig ko sa aking pinto habang abala ako sa pagti-type ng mga ire-reply ko sa e-mail ng isang foreign national na interesadong mag-invest sa kompanya ko. Kaya hindi ko pinansin kung sino mang ang 'yun ang gustong umabala sakin. "Oh! Busy or nagbibisi-bisihan lang?" ani ng isang tinig na wala habas nalang pumasok sa opisina ko ng wala akung pahintulot. "Ano na namang masamang hangin ang nagtaboy sa inyo rito. Iniistorbo niyo lang ako." singhal ko sa kanila. Pero nginisihan lang nila ako. "Tama na 'yang pagpapayaman aanhin mo ba ang sobrang daming pera kung wala ka naman pamilya?" pangaasar pa niya. "Asshole!.. huwag niyo akung istorbuhin dito kung kayo walang magawa magsilayas kayo dito marami akung trabaho." singhal ko naman sa kanila. Pero nagtawanan lang sila. "Palayasin mo pa kaya kami kung may good news kami sayo about your mother?" pagaasar pa nila. "What is it? Anong tungkol kay Mommy?" tanong ko agad pero nagtawanan lang silang tatlo. Kaya mapasandal nalang ako sa likod ng swivel chair ko. Nagtingin naman sila. "Sagot mo muna ang lunch namin bago namin sabihin." pang-iinis pa nila sakin. "Fvck!. mas mayaman pa kayo sa aking tapos sakin pa kayo magpapalibre ng tanghalian." saad ko naman "Seyempre ikaw ang may kailangan samin." ani pa Thom. "Ok ano ba 'yun?" tanong ko naman ng maalala ko na baka may alam na sila sa kalusugan ni Mommy. "Ganito 'yun nakausap ko na si Dr. Cruz ang cardiologist ng Mommy mo. May two years and one month na daw naoperahan ang Mommy mo at sa Australia daw ito pinagamot. Doon daw dinala ng anak niyang si Ella for surgery. Nagkaroon daw blood cots ito sa ugat na dinadaluyan ng dugo patungo sa puso. Kaya agarang ipinadala sa Australia ni Ella para doon isagawa ng operasyon. Noong una daw tinutulan pa ng Mommy mo na magpaopera dahil gusto na daw ng Mommy mong mamahinga na dahil hirap na hirap na daw ito. Kaya sapilitang dinala sa ibang bansa ni Ella. At naging tagumpay naman daw ang surgery. At full recovery na daw ito bago pa lang pinayagang makauwi ni Ella dito." mahabang paliwanag ni Thom. Kaya hindi ko namalayang umagos na pala ang aking luha. Dahil sa mga narinig muntik na din palang hindi kami magkita ni Mommy. "Huwag ka ng mag-aalala dudes everything is gonna be alright. Ngayon ka pa ba mag-aalala ayus na mother mo pwede ka ng makipagkita sa kanya." ani naman ni Axel. "Kunting ingat pa rin hindi natin alam ang kondisyon niya ngayon although wala ng panganib pero iba parin kung mag-iingat tayo may edad narin siya." paalala pa ni Thom. Iba talaga pag may Doctor kang kasama. "Let's go lunch na tayo gutom nako." aniya at tumayo na. Kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko dahil alam kung hindi ako titigilan ng mga ito. Pero bago pa ako tumayo sa bumukas uli ang pinto ng opisina ko at iniluwa naman sila Ford at Aiden. "Wooa.! late na pala kami sa news" bungad agad nila. "Damm! anung sinasabi mong nahuli kayo sa balita mas nauna pa nga kayung naka alam kaysa akin." singhal ko naman sa kanila kaya nagtawanan sila. "Ano kainan naba?" tanong naman ni Aiden. "May magagawa pa ba ako sa inyo sinugod na ninyo ako dito." aniko. "Ok! Let's go. Minsan minsan lang ito." ani naman ni Ford. Napuno nanaman ng ingay namin ang lobby kaya naghahabaan ang mga leeg ng mga empleyado ko. Ganito kami noon. Balik nanaman kami sa dati. Lalo na ngayon nalaman kung wala ng panganib sa kalusugan ni Mommy kung magkita man kami. Masaya kaming nagpunta ng parking lot kung nasaan ang mga sasakyan namin at kanya kanya kami ng sakay sa mga kotse namin para magpunta kung saan nila gustong kumain siyempre nauuna si Thom kaya siya ang susundan namin kung saan restaurant niya kami dalhin. Kinabukas pagdating ko palang sa opisina ko dinayal ko na ang number na kabisado ko na at halos araw-araw kung kinokontak. Laking tuwa ko ng bigyan niya ako ng schedule ng appointment ko. Sa loob yata ng limang buwang ngayon lang ako pinagbigyan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa tuwa kaya isa isa kung tinawagan ang mga kaibingan ko. Nag offer pa silang samahan daw nila ako. Pero tinanggihan ko sila. Gusto ko ako lang pupunta kay Mommy. Halos hindi ako makatulog dahil sa excitement. Maaga palang gising na gising na ako. Kaya ang aga kung pumasok sa opisina. Pagsapit ng alas otso gumayak na ako dahil ang usapan alas diyes y media. Dumaan pa ako sa isang kilalang flowers shop dahil bulaklak ang naisip kung ibingay kay Mommy. Pinili ko ang mga white tulips at pinalagyan ko din ng mga orchids. "Sir mukhang special na tao pagbibigyan niyo. Misis nyo ba sir?" tanong ng babaeng nag-arrange ng bulaklak. "Sa mother ko." may pagmamalaki kung tungo kaya napa "wow" ang babae. Matapos sa flower shop, tumuloy naman ako sa kilalang bake shop kaya lang hindi ko alam kung anung gusto niya. Kaya napili ko ang vanilla nalang dahil nakita kung maganda ang ayus niya. Nagmarating ko ang building ng office ni Mommy tumuloy ako sa parking lot. Kinuha ko lahat ng dala ko para kay Mommy. At nagtuloy-tuloy na sa loob. "Good morning I have a scheduled appointment to Mrs. Lorena Khan." aniko sa receptionist na humarang sa aking. "Anong pangalan mo?" Pabalang na tanong sakin ng isang babae. "Clackson Villaneza" sagot ko naman. "Wait lang." aniya at may kinalikot sa computer monitor. "Para kanino yan?" dagdag na tanong niya uli sakin "Para kay Mrs. Khan." tungon ko naman pero nagtawanan lang sila. "Naghahanap ng sugar Mommy sayang gwapo pa naman tamad naman." dinig kung sabi naman ng isa. "Wala ang pangalan mo. Baka naman idi-deliver mo lang yan kaya wala kang pangalan. Aniya at tiningnan pa niya akong mabuti. "Iwanan mo nalang yan dito at hindi ka rin namin papasokin. Bawal ka doon kahit gwapo ka kung namimitwit ka lang naman ng matandang mayaman buti pa umalis ka nalang." asik pa ng isang babae at nagtawanan pa sila. "Miss may appointment talaga ako kahit tawagan mo yun secretary ni Mrs. Khan. 10:30 ng umaga ang scheduled ng appointment ko. Miss baka pwede pakita tawagan nalang secretary niya." pakiusap ko pa sa kanila. Pero ayaw nila akung papasukin Kinokontak ko naman 'yung number ng secretary hindi naman sumasagot. "Miss please kailangan ko ng pumasok baka hinihintay na ako ni Mrs. Khan." pakiusap ko nanaman pero ayaw parin akung papasukin ng mga babae hinaharang nila ako. Ayaw ko namang mag iskandalo dito. Ilang beses na akung nakikiusap dito pero hindi nila ako papasukin. Ganito ba kababastos mga empleyado dito. Kanina ko parin tinatawagan 'yung number ng secretary pero hindi naman sinasagot. Mukhang marami akung makakaaway dito. Mag-iisang oras na ako dito ganito parin trato nila sakin pinagtatawanan nila ako. May nagsasabi pang mukha daw akung pera. "s**t! napagkamalan pa akung naghahanap ng sugar Mommy" bulong ko nalang kilala ba nila ako. Humanda sila ako pa ang kinalaban nila. "Miss baka pwede niyo na akung papasukin mag-iisang oras na ako dito. Baka pwedeng paki tawagan yun secretary ni Mrs. Khan kailangan ko na kasing makausap siya." asik ko na dahil naiirita na ako dito lalo na sa mga babaeng nagtatawanan. "Sino po sila" tanong naman ng isang lalaking may dalang bote ng mineral water. Nakikita ko siya, isa siya sa mga body guard ni Mommy. "Clarkson Villaneza may scheduled ako ng appointment kay Mrs. Khan pero ayaw nila akung papasukin. Kanina pa ako dito may isang oras na yata." pagsusumbo ko sa lakaki. "Naku! bakit hindi niyo siya papasukin kanina pa siya hinihintay ni madam." aniya sa mga babae kaya natigil sila sa pagbubulongan. "Dito sir sumunod ka sakin. Para kanino ba yang mga dala mo?" tanong niya sakin. "Para kay Mrs. Khan." aniko. "Nanunuyo ka sir huh." aniya na may panunukso. "Pasok kalang sa elevator..25th. floor." aniya at iniwan na niya ako. "Salamat" aniko bago pa ako nakapasok sa elevator. Paglabas ko naman ng elevator may mga security rin nakakalat dito. "Sir saan kayo?" agad na tanong ng isang lalake. "Kay Mrs. Khan. May appointment ako sa kanya." aniko Nilapitan niya ako at tinapatan Hand held metal body scanner. "Kailangan lang sir pakitaas ang kamay ng kunti." aniya. "Ok na sir diretso lang." dagdag pa niya matapos niya akung ma-scanned. Dumiretso nga ako tulad ng sinabi ng lalaki pero bago pa ako makalapit sa pinto na may nakalagay na CEO's Office hinarang nanaman ako ng isang babae. "Saan ka pupunta?" mataray niyang tanong sakin "I'm Clarkson Villaneza i have a scheduled appointment to Mrs. Lorena Khan." pagpapakilala ko. "Bakit ngayon kalang tapos na ang oras ng appointment mo." taas kilay niyang wika sakin. Pero dahil andito na ako hindi ko na siya pinansin at binuksan ko na ang pinto malapit sakin at pumasok na sa loob. Sumunod naman siya sakin. Wala naman akung nakitang tao sa loob kaya ibinababa ko sa mesang salamin ang mga dala ko at hinarap siya. "Kasalanan mo kung bakit hindi ako agad pinapasok dito. Hindi ka nag-abiso sa receptionist na darating ako. Dapat nasa data base ng computer 'yun." asik ko sa kanya. "At hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakakausap si Mrs. Khan." mariing kung wika at maupo na ako sa couch at hindi na pinansin ang katatalak niya. Hindi ko sasayagin ang araw na ito. Kailangan kung makausap si Mommy at sana tanggapin niya ako. . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. ........."Lady Lhee".......... .....thanksguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD