Kabanata Dalawangput Walo

2026 Words
Masaya kung pinagmamasdan ang mapayapang mukha ni Franz na himbing na natutulog sa aking tabi. Nakayakap pa siya sakin na para bang mawawala ako sa kanya. Ganito ba talaga niya ka-missed ang kanyang ama. Banayad kung hinagod ng aking palad ang malambot niyang buhok medyo mahaba na ito. Tama nga si Mommy kamukhang kamukha ko siya. .............Flashback............ "Anak kung hindi ko lang nakitang sa kapatid mo yan lumabas baka isipin ko pang ikaw ang may anak kay Franz" Pabulong na saad ni Mommy habang nakatitig siya samin ni Franz. "Siyempre naman Mom kadugo ko siya. Pareho kaming gwapo." pagbibiro kung tungon kay Mommy kaya natawa siya. "Pagpasensiyahan mo na siya at ni hindi niya nakita ang kanyang ama, wala din nababanggit si Ella tungkol dito. At ayaw ko rin siya puwersahing magkwento tungkol sa lalaking 'yun dahil mukhang hindi maganda ang naging karanasan niya sa piling nito. Ayaw kung bumalik nanaman siya sa dati at baka bumigay na siya." mahabang paliwanag niya na may namumuong luha sa kanyang mga mata. "Ano po bang nangyari sa kanya? Anong ibig niyong sabihin? Ano bang mga pinagdaanan niya?" sunod sunod kung tanong dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Hirap na hirap siya noong nagdadalang tao siya lagi siyang umiiyak araw at gabi, na muntik ng ikapahamak nilang mag-ina mabuti nalang at naagapan namin. Muntik ng nawala si Franz noon almost one month siya naka-bed rest." aniya at pinahid pa ang luhang naglandas sa pisngi niya. "Buti nalang malakas ang loob ni Ella at kinaya niyang lahat kung hindi baka walang Franz ngayon na nagbibigay aliw sakin." dagdag pa niya. "Mom huwag na kayong umiyak fighter ang kapatid ko. Kita niyo nga napalaki niya ng maayus si Franz." pagaalo ko kay Mommy. "Ikaw na ang umunawa kay Franz kung napagkamalan kang Daddy niya. Hayaan mo ipapaliwanag ko nalang sa kapatid mo lahat. Naghahanap din kasi ng father image si Franz. Kung ako lang ang masusunod gusto ko ng mag-asawa siya. Gusto ko ng magpakasal na sila ni Rem." aniya na ikinakunot noo ko. "Mom huwag niyong pangunahan si Ella. Baka masaktan nanaman siya. Baka saktan lang siya ng lalaking 'yun." aniko, dahil naiirita ako pagnadidinig ang pangalan ng lalaking 'yun. Bakit ba ipinagpipilitan ni Mommy kay Ella ang lalaking 'yun. "Pagnakilala mo si Rem magugustuhan mo rin siya. Mabait siya at alam kung magiging mabuti siyang asawa at ama ni Franz." pangungolit pa niya. "Mom hayaan nalang natin ni Ella kung anung gusto niya. Huwag natin ipilit kung ayaw niya." inis kung saad. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiinis marinig palang ang pangalang 'yun. "Ako maghahatid kay Franz sa school niya bukas para hindi siya binu-bully ng mga classmate niya." diklara ko nalang para huwag na niyang ipagpilitan pa ang lalaking 'yun. .........End of the Flashback........ "Dad" paus niyang anas at lalo pang yumakap sakin at ipinikit ulit ang mga mata. Kaya niyakap ko nalang siya at ipinikit na din ang aking mga mata para matulog. "Get up buddy baka ma-late ka sa school." panggigising ko kay Franz na mukhang sarap na sarap pang matulog. Pupongas-pungas naman siyang bumangon at tumingin sakin. Kaya binuhat ko na siya at ininababa ng kama. "C'mon ligo na tayo." aniko at ginulo ang buhok niya. Hinila ko na siya papasok ng banyo. Tinimpla ko ang temperature ng tubig bago pa kami tumapat sa shower. Tulad ng gusto niya sabay kaming naligo. Nagmatapos kami'y sabay din kaming lumabas ng banyo. "Sir paliligoan ko lang po si Franz" ani ng isang tinig ng babae sa likod ng pinto habang kumakatok ng mahina. "Paki dala nalang mga uniform ni Franz dito ako na bahala." utos ko sa babae ng buksan ko ang pinto. "Ay! Nakaligo na pala siya. Sige po sir dalin ko nalang dito" aniya ng makita niya si Franz at nagmamadali ng lumisan. Nagmabihisan ko na si Franz sabay din kaming lumabas ng kwartong inakupa ko. At dumiretsong bumababa ng hagdan patungo sa dinning room nakahawak lang siya sakin kamay kaya nangingiti ako. "Good morning Mom." Bati ko kay Mommy ng makita ko siyang nakaupo na at naghihintay na samin. "Good morning halina kayo. Maupo na." utos ni Mommy kaya maupo narin kami ni Franz. Sinandukan ko agad siya ng pagkain sa plato niya. "Let's go ihahatid na kita hanggang sa loob." anyaya ko kay Franz na tuwang-tuwa. Kasunod namin ang yaya niya at dalawa body guards ni Franz. "He's my Dad." pakilala agad niya sakin ng may lumapit sa kanyan bata. "May Daddy kana?" Takang tanong pa ng isang bata na parang hindi makapaniwala. "Yes he's may son." saad ko naman na ikinangiti ng malawak ni Franz. "Hi! Teacher good morning. This is my Dad." pakilala pa niya sakin ng may makasalubong kaming mga teacher. "Hi! Good morning. Pogi naman ng Daddy mo kamukha mo." kumento naman ng isa pang teacher kaya nangiti ako. Dahil lahat ng makakakita sa amin iisa ang sinasabi magkamukha daw kami. Nakakagaan ng kalooban pang sinasabi nilang magkamukha kami ni Franz. Mag-ama daw kami. Hindi ko rin mapigil ang sarili kong hindi mapangiti. Kung hindi lang siguro ako nagpadalus-dalos baka may anak narin ako. Kung hindi nawala si Clara ang nag-iisang babaeng minahal ko pinarusahan at sinaktan ko ng walang kasalanan. Sa tuwing naaalala ko siya parang pinipiga ang aking puso. Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakalimutan andito parin siya sa puso ko at mamahalin habang buhay. "Mom minsan pasyal ko naman si Franz." aniko kay Mommy. Gusto ko siyang makasama pa. Baka pag dumating ang kapatid ko hindi ko na mahiram si Franz. Dahil sobra siyang kung magbantay sa anak niya, kailangan pang may kasamang yaya at dalawang body guard. Hindi ko naman pwedeng kontrahin kung anung gusto niya. Ayaw kung magkaroon pa kaming dalawa ng hindi pagkakaunawaan lalo at hindi pa kami nagkikita. "Ingatan mo lang ang pamangkin mo. Alam mong ayaw ni Ella na kung saan-saan nakakarating si Franz, para rin sa kaligtasan niya kaya masyadong mahigpit si Ella." ani Mommy. "Mom meron bang banta sa kanila kaya ganoon nalang kung proteksyonan ni Ella si Franz at maging kayo? May banta ba sa buhay niyo?" hindi ko na mapilang tanong kay Mommy dahil ang higpit ng security nila. Twenty four hours na may bantay maging sa mansyon. "Hindi ko alam kay Ella. Ang sabi niya nasa panganib ang buhay niya kaya nga ayaw niyang umuwi dito. Lagi din niya kami pinababantayan. Kung ako lang kahit wala akung body guard, si Ella lang mapilit." litaniya ni Mommy na maiiling pa. "Sino naman ang nagtatangka sa buhay niya Mom. Baka makatulong ako kung sino yun pwede nating kasuhan." aniko. Kaya ko siyang proteksyonan kung kailangan gamitin ko ang mga koneksyon ko gagawin ko alang-alang sa kapatid ko. "Hindi ko rin alam kung sino ang kalaban ng kapatid mo. Pero ang alam ko may gustong pumatay sa kanya. At hanggat nabubuhay ang taong yun nasa panganib ang buhay ng mag-ina." mahabang wika niya. Kaya nagulat ako ng marinig ang mga yun. Sinong gustong pumatay sa kapatid ko. "May naka-away ba niya Mom? May nagawa ba siyang hindi maganda?" sunod sunod na tanong ko. Dahil hindi siya pagtatangkaan kung wala siyang nagawang masama. "Wala naman siyang nababanggit sa akin. Basta nang umuwi siya puro siya sugat at pasa sa katawan. Ang sabi niya may gustong pumatay sa kanya buti daw nakatakas siya." paliwanag niya. "Pag umuwi siya kausapin mo baka sayo magsabi." dagdag pa niya. "Kailan ba ang uwi niya. At susubukan kung kausapin siya para matulongan ko naman siya. Baka may magawa ako para sa kanya." aniko kay Mommy. Pwede kaming humingi ng tulong sa mga kaibigan ko para mahanap kung sino man ang gustong pumatay sa kanya. "Wala siyang sinabi kung kailan uwi niya. Hindi yun nagsasabi kung kailan basta nalang dumadating yun ng walang abiso." aniya. Pero paano kami magkikita para makausap ko siya at matulungan kung anong problema niya. Lumilipas ang mga araw pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano makakatulong sa pamilya ko. Minsan nagpupunta ako sa opisina ni Mommy para matulongan siya sa mga gawain niya. Minsan naman ipinapasyal ko ko Franz. Pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano ko matutulongan ang aking kapatid. Ano ba ang dahilan at may banta sa buhay niya sinong binangga niya. Mga katanungan hindi ko pa alam hanggang ngayon ang sagot hanggat hindi ko pa siya nakakausap. "Hi! Mom" bati ko kay Mommy pagdating ko dito sa mansyon nila dahil halos isang linggo akung hindi nakapunta dito sa dami ng trabaho ko. "Si Franz Mom. May pasalubong ako sa kanya." at itinaas ang paper bag na dala ko. "Wala siya hijo pinasundo ng kapatid mo. Nasa hacienda sila ngayon." ani Mommy na ikinagulat ko. "Dumating na si Ella?" Takang tanong ko dahil wala man lang siyang nababanggit sakin. Kay tagal kung hinintay na makauwi ang kapatid ko tapos hindi man lang nasabi sakin. Kung hindi pa ako nagpunta dito hindi ko pa malalaman. "Oo noong isang araw pa. Anduon sila ngayon sa hacienda. Hindi pa yun pupunta dito mas naglalagi yun doon kaysa dito. Kung andito man yun mas madalas siya kila Dwayne tumutuloy." litaniya pa niya. Para bang baliwala lang sa kanya na hindi dito sa bahay umuuwi si Ella. "Mas ligtas daw siya sa bahay nila Dwayne lagi din may dalang baril ang mga 'yun kaya huwag kang lalapit ng walang pahintulot at baka mapagkamalan kang kalaban. "Sinong Dwayne Mom? Bakit ibang lalaki nanaman yun. Bakit niyo siya pinapayagang sumama sa kung kani-kaninong lalaki?" naiiritang kung tanong dahil ibang lalaki nanaman ang binabanggit niya. Ilang lalaki ba ang nauugnay sa kanya. Pero natawa lang siya. "Anak hindi naman basta-basta lang na lalaki si Dwayne matinong tao siya madalas siyang nagpupunta sa opisina. Siya ang tumutulong sakin sa mga negosyo ko. Pagwala kami siya ang nagma-manage ng mga business ko. Siya din ang nagsalba sa muntikan ng pagkalugi ng mga negosyo ko, silang dalawa ni Ella ang magkatulong na nag-angat ng business ko. Kaya nga madalas yun mag inspection sa bawat department ng kompanya. Kung hindi dahil sa kanilang dalawa baka wala na akung kabuhayan ngayon." mahabang paliwanag niya. Sana noon pa nakilala ko na agad sila para ako nalang ang tumulong sa kanila. Kung hindi pa nawala si Daddy hindi ko pa malalaman ang lahat ng ito. Paano nalang pala kung buhay pa si Daddy ngayon baka hindi ko parin malalamang na buhay pa ang aking ina at may kapatid pa ako. Bakit sa tuwing may mawawala may pumapalit naman. "Mom saan ang hacienda niyo gusto kung magpunta doon. Gusto ko ng makita ang kapatid ko." diklara ko. Para malaman ko kung paano ako makakatulong sa mga problema niya. At bakit may banta sa buhay nilang mag-ina. Sino ang gustong manakit sa kanila. "Hintayin mo nalang siyang magpunta dito hijo. Hindi mo din siya makakausap doon. Baka next week uuwi din yun dito." aniya. Hindi ko alam na may hacienda sila. "Makakapunta ka rin sa hacienda isasama kita. Maganda doon alam kung magugustohan mo din doon." dagdag pa niya. Gusto ko talagang sa hacienda noon kinukumbensi ko si Daddy na bumili kami ng hacienda pero ayaw niya wala daw magaasikaso. Hihintayin ko nalang makauwi si Ella. Ano kaya magiging reaksyon niya pagnagkita kami. May kapatid na ako na p'wedeng kausapin at masasabihan ng mga problema ko. Pwede ko siyang isama sa ibang lakad ko. Sana magkasundo kami. Mga dalangin kung malapit ng matupad dahil dumating na ang kapatid ko magkikita na rin kami. Kailangan ko nalang maghintay ng ilang araw. Ayoko naman magpilit na pumunta sa hacienda at baka makagulo pa ako sa halip na makatulong. Madami na akung masamang karanasan sa pagiging aggressive at ayaw ko ng makasakit pa ng damdamin ulit ng iba. Ayaw ko na rin magdusa ako sa mga maling hakbang ko. Lalo at involve ang kapatid ko at si Mommy. Gusto ko na ng payapang buhay alang-alang kay Clara. Para sa kanya ang ginagawa ko. Kung saan man siya naroroon ngayon alam kung maligaya na siya kasama ang mga magulang niya. . . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... ....thanksguys.....loveu....lrs...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD