Isang linggo na pala mula nang, magtrabaho ako dito. At ngayon linggo day-off ko kaya lalabas ako ngayon, binigyan rin pala ako ng boss ko ng allowance. Ipangbabayad ko ang pero na ito sa renta ko, doon muna ako pupunta tapos pupunta ako ng mall. Bibili na rin ako ng cellphone ko. "Manang aalis na po ako!" "Mag-ingat ka Hija!" "Opo, Manang!" "Ehem!" aalis na sana ako pero may umubo sa likuran ko. Humarap agad ako rito at nakita ko ang Young Master. "Young Master, aalis po muna ako..." paalam ko rito. "Sino kasama mo?" tanong nito, mabuti na lang l, wala na si manang dito. "Wala po..." "Good..." sabi nito at umalis na. Hindi ko naman kase nakakalimutan ang mga rules niya. Umalis na ako at sumakay ng Jeep papuntang apartment ko. Pagdating ko sa apartment ko, agad akong humiga sa