Nandito kami ngayon, nagluluto ng pagkain. Hindi pa kase sila nag-aalmusal. "Gurl, totoo ba ang nasagap kong chismis!" tanong ni Kadilyn nang pumunta siya dito para tumulong maghugas. Napakunot naman ang noo ko, anong chismis huli yata ako ngayon. "Bruha ka sa kuwarto ka pala ng Young Master, natulog. My god kinikilig ako, ano? Anong pakiramadam nang makatabi siya?" tanong nito sa akin, kilig na kilig pa siya. Habang sinasabi, paano kaya nila nalaman ang tungkol doon. Wala namang ibang nakakaalam kun'di si Hannah. Buwisit na babaeng iyon tss. Ipinagkalat. "Kadilyn, huwag kang maingay..." sabi ko at nilakihan siya ng mata. "Ano naman, alam naman nang lahat. My god kinikilig kami, akalain mong isang katulong pero nakatabi ang boss!" sabi nito, halos mamatay na siya sa kilig. "Ano bang