Francine
'Ito na naman si Keve, hindi ba siya nag-sasawa ng kakasuyo sa akin.
Sinabi ng wala akong panahon sa lovelife-lovelife na 'yan, sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kan'ya bakit hindi 'yon na lang ang ligawan niya!
At ito namang kakambal ko parang hindi ramdam na ayaw ko. Kainis!' Bulong nito sa sarili.'
"Twinny, let's go home. I'm not feeling well, right?" bigla kong naalala ang sinabi ng magaling kong kakambal para lang makasingit kami sa pila.
"Ha? 'Di ba–" Bigla kong tinakpan ang bibig niya.
"Ahmn... Keve, I'm sorry next time na lang, ha! Masama kasi talaga ang pakiramdam ko kaya kailangan na naming umuwi," saad ko sa kan'ya, ayaw ko kasi talagang sumama.
"Gano'n ba! Eh, 'di hatid ko na lang kayo?" Prisinta nito upang ihatid kami.
"Naku! Hindi na, nandiyan lang sa labas si Mang Augusto, siya rin ang naghatid sa amin kanina," tinanggihan ko agad siya sabay hila kay Chezca.
"Sige, mauna na kami. Bye!" 'yon lang at umalis na kami, hindi ko na siya nilingon pa.
Chezca
"Twin! Ano ka ba naman! Sandali nga!" Binawi ko ang kamay ko kay Francine dahil bigla niya na lang akong hinila at iniwan namin si Keve do'n.
"Bakit mo naman ginawa 'yon? Gusto lang naman niya na makipag-usap saglit." Pigil ko habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Hello! Hindi ba obvious na gusto kang makausap ng tao?" Sinamaan ko ito ng tingin.
'Nakaramdam ako ng inis sa kakambal ko. Manhid!'
Francine
"And I don't care, Chezca," sagot ko naman agad sa kan'ya.
"Alam mo namang ayaw ko 'di ba? At pagpumayag ako ng isang beses sa paanyaya niya baka isipin niyang okay na sa 'kin ang ligawan niya!" pagpipigil ko ring mainis dahil ayaw ko ring mag-away kami.
"Your over acting Francine, it's just a coffee date. Ano ang inaalala mo, eh, kasama niyo naman ako,'' aniya.
'Nakakainis bakit parang kampi pa siya kay Keve ako pa ngayon ang over acting.'
"Whatever Chezca, umuwi na tayo," ani ko na lang.
Nakita ko naman na tila nauubusan na siya ng pasensya at pinaikutan pa niya ako ng mga mata.
"Fine!" Nakabusagot ang mukha niya na halatang napipilitan at nagpipigil.
Napangiti naman ako dahil alam kong asar na siya sa akin.
'Ang cute ng kakambal ko pagnakabusagot.
Hmmn... alam ko ang magpapaganda ulit ng mood nito.'
"Twinny," tawag ko rito. "Puwede ba na dumaan muna tayo sa groceries store?"
"What? Are you kidding me, Francine? Kanina lang gustong-gusto mong umuwi tapos ngayon dadaan tayo ng groceries store."
Pikon na siya na talaga niyan dahil tinatawag na niya ang pangalan ko.'
"Im sorry," paumanhin ko.
"May bibilhin kasi akong ingredients na kulang do'n sa ibi-bake ko sana." kunwari malungkot ako.
"Gusto lang naman sana kitang ipag-bake ng favorite cake mo eh!" bigla naman siyang natigilan at lumingon sa akin.
'Gotcha!'
Napangiti ako dahil alam kong nagustuhan niya 'yon.
"–Uh! Bakit hindi mo agad sinabi, Twin? Sige, bati na tayo," aniya sabay yapos sa braso ko.
"Ang sweet mo talaga Twin! Alam mo talaga kung ano ang pantanggal ng inis ko." Sumakay na kami agad ng kotse dahil nariyan na si Mang Augusto.
"Ano pa nga ba? Alam naman nating marupok ka pagdating sa sweets," Natawa kaming pareho.
Keve
'Badtrip!'
Ang hirap talaga suyuin ni Francine, last year ko pa ito inusuyo para lang pumayag siyang ligawan ko, kaso mailap naman ito palagi.
Gusto ko siya dahil simple lang at hindi maarte, karamihan sa mga babae dito sa campus ay masyadong papansin at sila pa mismo ang naghahabol sa akin na pinaka ayaw ko sa lahat.
Ayaw ko sa gano'n, at si Francine ang nakita kong wala man lang interes sa akin.
Kaso, nasobrahan naman yata dahil hindi niya talaga ako pinapansin. Buti pa ang kakambal niya kinakausap ako.
Bigla akong natigilan at napaisip.
'Tama! Si Chezca! Magpatulong kaya ako sa kan'ya para maging malapit kay Francine'
'Haha!' ba't ngayon ko lang naisip 'yon?
'Sa wakas Francine! Baka sa tulong ng kakambal mo ay pumayag ka rin na ligawan kita' Napangiti ako habang papalabas ng university.
Wala naman na akong gagawin dito kaya mabuti pang umuwi na lang.
'Chezca ikaw na lang ang pag-asa ko' bulong ko, at sumakay na ako sa kotse upang makauwi na.