Unang araw ng enrollment ng kambal kaya nagtungo sa kuwarto ng mga anak nito si Melissa upang gisingin.
Hindi na ito kumatok pa dahil may hawak naman siyang susi ng kwarto.
Pagbukas ni Melissa ng pintuan ay hindi nga siya nagkakamali.
Mahimbing pa ang tulog ng dalawala at mukhang wala pang balak gumising sa kung ano mang panaginip, kaya ang ginawa ni Melissa upang magising ang dalawa ay pumalakpak habang nagsasalita.
Pumalakpak si Melissa ng aay na beses. "Mga anak! Gumising na kayo! 'Di ba ngayon ang unang araw ng enrollment niyo sa school?" Unti-unti namang gumalaw ang dalawa, nagising na sila sa boses ng kanilang ina.
"Good morning mga anak!" masayang bati ni Melissa sa kambal.
"Good morning too, Mom," tugon ni Chezca.
"Morning too, Mommy," tugon naman ni Francine.
Tila antok pa ang dalawa at pina- pakiramdaman ang mga mga sarili.
Maya-maya ay tumayo na si Chezca at pumasok na sa washroom.
Si Francine naman ay nag-iinat pa ng katawan.
"Mommy, anong oras na po, ba?" tanong ni Francine sa ina.
"Naku! Mag-aalas otso na ng umaga anak, kaya nga ginising ko na kayo, eh," tugon naman ni Melissa sa anak.
"Gano'n po ba? Napasarap ang tulog namin ni Chezca eh!" Natawa naman si Melissa.
"Oo nga anak, halata naman." Sabay rin silang natawa.
Lumabas naman si Chezca galing washroom at nakaligo na rin ito.
Si Francine naman ang sumunod na pumasok doon.
Nang makapagbihis na silang dalawa ay agad na bumaba para mag mag-almusal.
Wala na ang Daddy nila kaya silang tatlo na lang.
"Oh, magsikain na kayo mga anak para makapag pa-enroll na kayo," ani ni Melissa sa kambal nang makababa na ang mga ito.
"Yes Mom," sabay nilang tugon.
Ilang saglit pa ay natapos na silang mag-almusal kaya nagpaalam na ang mga ito sa kanilang ina upang makaalis.
"Mommy, we have to go," ani ni Chezca
"Mom, we're leaving. See you later, love you," ani naman ni Francine sabay halik sa pisngi ng ina.
"Love you, Mommy." Yumakap naman si Chezca sa Ina at humalik sa pisngi nito.
"I love you too, mga anak," malambing na sabi ni Melissa sa mga Anak.
"Take care, umuwi kayo agad, ha!
O 'di kaya'y magmessage kayo kay Mommy kapag may pupuntahan pa kayong dalawa para hindi kami magworries ng Daddy niyo, okay?"
Ngumiti naman ang dalawa sa kanilang Ina, "We will, Mommy. Bye!" at tuluyan na itong nagpaalam.
"Madam, hatid ko na muna ang kambal," ani ni Mang Augusto, bago sila umalis.
"Sige po, Mang Augusto mag-iingat po kayo, ha!
Tawagan niyo ako agad kapag nagkaproblema." Tumango na lamang ang driver nila saka sumakay na ng kotse at tuluyan nang umalis.
Habang lulan ng sasakyan patungo sa university kung saan sila nag-aaral magkapatid ay nag-usap ang dalawa.
"Twin, excited na ako sa pasukan!" masayang ani ni Chezca kay Francine.
"Ikaw, excited ka na ba?" tanong pa niya rito.
Lumingon naman si Francine kay Chezca at ngumiti.
"Of course, dahil last year na natin 'to in college sa wakas ga-graduate na rin tayo, Twinny," tugon rin nito kay Chezca nang nakangiti.
"Gosh! Makakapag-work na rin tayo Twin, and we earn money from our job!" tila nagniningning pa ang mga mata nito sa pagkakasabi.
"I'm so excited, Twin. Then from my first salary, I want to buy gifts for Mom and Dad. But I have to think it, first. You know! They have it all already kaya ano pa nga ba ang wala sa kanila, Twin?" Napapailing na lang si Francine sa mga naiisip bigla ng kakambal.
"Oo naman! Masarap sa feeling kapag pinaghirapan mo ang pinang gagastos mo.
Kahit pa binibigyan tayo nila Mom and Dad, iba pa rin kapag galing sa sariling pinaghirapan. Pero sa ngayon dapat ay makapag tapos na muna tayong dalawa bago natin magawa 'yang mga ini-imagine mo!" Napanguso naman si Chezca sa sinabi ni Francine.
Hindi nila namalayan na nakarating na pala sila sa school.
"Kambal nandito na, tayo!" tawag pansinin ni Mang Augusto sa dalawa kaya kumilos na ang mga ito.
Bumaba naman si Mang Augusto para pagbuksan silang dalawa ng pinto.
"Salamat po, Mang Augusto," pasasalamat ni Chezca.
"Thank you po," pasalamat rin ni Francine rito.
"Walang anuman kambal, susunduin ko kayo ulit mamaya.
Sige, pumasok na kayo," ani naman nito sa dalawa. Ngumiti naman ang kambal sa kan'ya bago umalis.
Nang makapasok na sila sa Campus ay agad na silang nagtungo sa Registrar office at doon sila pumila na dalawa.
"Excuse me, guys makikiraan lang," paumanhin naman ni Chezca, hawak niya ang isang kamay ng kakambal para makasingit sila.
Kapag hinayaan niya kasing mag-isa si Francine ay baka after 10 years pa siguro ito matatapos kaya gagamitin niya ang charm sa mga naunang nakapila.
Gan'yan kalakas ang loob niya, hindi tulad ni Francine na napakamahiyain.
"Ahmn, guys!" tumikhim si Chezca sa mga nauna sa pila, at pabor talaga ang gagawin niyang pagpapacute dahil puro lalaki ang mga ito.
kN
Mukhang mga Criminology Students.
"Makikiusap sana kami ng Twinny ko if puwede ba, na mauna kami sa pila? Kasi masama ang pakiramdam ng Twinny ko, eh!" kunwaring malungkot niyang sabi sa mga ito
Nagulat naman si Francine sa biglang sinabi ng kapatid.
'Hala! Ako pa talaga ang ginawang rason, magaling.' Isip-isip niya.
Bumulong naman si Chezca sa tenga ni Francine.
"Twin, hindi mo kailangan magsalita pakita mo lang na matamlay ka kunwari," sabi pa nito sa kan'ya.
'Unbelievable!' pero kalaunan ay sinunod niya na lang.
"Oh! Sure Franchezca, sige mauna na kayo ng kakambal mo,'' sabi naman ng isang lalaki, kaya nagtagumpay silang mauna na sa pila.
Mabilis lang ang process kaya natapos rin sila kaagad.
Binalingan naman nina Franchezca ang mga nagpauna sa kanilang dalawa sa pila.
Tumango siya. "Thank you very much, guys," nagpasalamat si Franchezca sa mga ito.
Ngumiti lang si Francine sabay tango sa kanila. Pinangatawanan niya talagang hindi magsalita.
"Welcome Chezca," tugon naman sa kanila ng lalaki, at tinanguan na lamang niya ito saka umalis na silang dalawa sa area ng registrar.
"Twin! O 'di ba, ang bilis lang nating nakapag pa-enroll?" Natatawa pa talaga si Chezca, masaya talaga siya sa nagawa.
"Loka ka talaga Twinny," aning saway ni Francine sa kapatid.
"Ako pa talaga ang ginawa mong props do'n buti na lang nakalusot 'yang pagpapacute mo!" Napapailing nitong sabi.
"Subukan lang nilang tumanggi, hindi ko sila papansinin forever. Joke!" sabay peace sign nito kay Francine.
"Ewan ko sa 'yo, ngayong wala naman na tayong gagawin.
Uuwi na ba tayo?" tanong ni Francine kay Chezca.
"Hmmn...ikaw may gusto ka pa bang daanan? Kasi ako wala naman na, eh!"
Habang nag-uusap silang dalawa ay hindi nila napansin na papalapit na pala sa kanila si Keve Amarri Suarez.
Third year college pa lang sila ay sinubukan na niyang manligaw kay Francine ngunit hindi siya nito pinapansin.
Mas priority kasi nito ang pag-aaral at wala pa raw umanong balak na makipag relasyon at wala pa sa isip nito ang mga bagay na 'yon.
"Hi, Twins," bati ni Keve sa dalawa ng makalapit ito sa kanila.
"Kumusta? Nakapag pa enroll na ba, kayo?" tanong nito.
"Hello Keve, okay naman and we're done enrolling a while ago, lang." si Chezca ang bumati at sumagot rito.
"How about you?" balik tanong naman ni Chezca kay Keve, samantalang si Francine naman ay tahimik lang habang nag-uusap ang dalawa.
"Yeah! Kakatapos ko lang. So, saan na kayo pupunta?" tanong ulit ni Keve sa kanila.
"Wala na, eh!" agad naman sumagot si Chezca.
"If you don't mind, puwede ko ba kayong ma-invite for coffee?" Napakamot ito sa kan'yang ulo habang sinasabi 'yon. Tila nag-aalangan pa habang nakatitig kay Francine.
Asus! Hindi na lang kasi sabihin, that your invited may twin sister for a coffee date. Sinabit mo pa ako, eh 'di nagmukha lang akong chaperon." Nakangising ani ni Chezca kay Keve na may panunud'yo.
Natawa naman si Keve sa kadaldalan ni Chezca.
"Hindi naman sa gano'n," dagdag pa nito.
Napailing naman si Francine sa pagkataklesa ng kakambal niya.