Nang makauwi na ang kambal ay masaya silang pumasok sa loob ng bahay at agad na hinanap ang kanilang Ina.
''Mom! Were here!'' sigaw ni Franchezca pagbungad palang. Ngunit wala ro'n ang mommy nila.
''Nasaan kaya si Mommy,'' sambit pa nito.
Nagtungo naman si Francine sa kitchen para dalhin do'n ang mga pinamili nila sa groceries store at agad na bumalik, paakyat na siya sa kuwarto para maka-pagbihis.
"Wala rin si Mommy sa kusina, baka umalis," anito.
"Siguro nga! Ano na ang gagawin mo?" tanong nito sa kakambal.
"Hmmn..magbi-bake na ako, gusto mong tumulong?"
"Sige," tugon ni Franchezca.
"Okay, magbibihis lang ako, tapos sumunod ka na lang sa kitchen. Prepare ko lang ang mga ingredients na gagamitin natin."
Nang makapagbihis ay bumaba na si Francine at nagtungo na sa kitchen. Inilabas na ang mga kakailanganin sa pagbi-bake ng cake para sa kapatid. Napangiti ito dahil tuturuan niyang magbake si Franchezca para hindi lang puro kain ang alam.
Napahagikgik pa siya dahil sa katakawan ng kapatid na ngayon ay naririnig na niyang pababa na ito ng hagdan, inilabas na rin niya ang dalawang apron at hair net.
Nang makarating na si Franchezca sa kitchen ay agad niyang inabot ang apron at hair net. "Twinny isuot mo 'to, oh!"
"Okay! Ahmmn...ano ang gagawin ko?" tanong ni Franchezca na hindi pa alam ang gagawin.
"Twinny, gusto mo ba'ng matutong magbake?" tanong nito kay Franchezca.
"Oo naman, bakit tuturuan mo ba, 'ko?" Napangiti si Francine dahil pumayag ang kapatid niya upang maturuan.
"Okay, ikaw ang magbi-bake tapos gagawa nang lahat, assist lang kita at kailangan tandaan mo ng itinuro ko sa 'yo, ayos lang ba?" anito sa kakambal.
"Mamaya bibigyan kita ng list para sa mga ingredients sa paggawa ng Strawberry Cake, pero sa ngayon ay actual kitang tuturuan." Napatango naman ito kay Francine sa pagsang-ayon.
Inihanda na ni Francine sa table lahat ng kakailanganin nila ang listahang ginawa nito para sa kay Franchezca.
"I-seprerate na muna natin ang dry at wet ingridients, 'yon ang unan nating paghahaluin bago natin ulit naman pagsasama-samahin ang dry at wet ingridients natin. Gets mo na ba?" tumango naman si Franchezca na ang talagang nakikinig ito sa kakambal.
Nang maisalang na nila sa oven ay agad naman nilang nilinis ang mga ginamit na baking tools.
"Grabe! Madali lang naman sana siya gawin, Twin. Kaso ang dami mo namang hugasan pagkatapos." Natawa si Francine sa tinuran ng kapatid.
"Gano'n talaga, but after that matutuwa ka dahil nagawa mo," aniya. Nagkibit balikat na lamang si Franchezca habang hinihintay nilang maluto ang cake at nagkuwetuhan na muna silang dalawa.
"Twin ayaw mo ba talaga kay Keve?" Napalingon naman si Francine kay Franchezca sa tinanong nito sa kan'ya.
"Ayaw," agarang sagot naman nito sa kapatid.
Napanguso naman si Franchezca dahil hindi naman na muna nag-isip man lang ang kakambal niya.
"Eh 'di sabihan mo na lang para hindi na siya umasa, kawawa naman," sabi pa niya pa.
"Sino naman nagsabi na umasa siya? Matagal ko nang sinabi sa kan'ya 'yon! Siya lang ang ayaw tumigil," banas na tugon naman ni Francine.
"Gano'n ba? Eh 'di ibig lang sabihin no'n ay pursigido talaga siya sa 'yo, Twin. At seryoso, malas nga lang siya kasi hindi mo siya gusto!"
Natigil lang silang dalawa nang tumunog na ang timer. Agad naman sinuot ni Francine ang gloves upang ilabas ang binake nila sa oven.
"Wow! Ang ganda, umalsa na siya," masayang sambit ni Franchezca nang nailabas na ni Francine ang cake mula sa oven.
"'Di ba! Sabi ko sa 'yo matutuwa ka kapag nagawa mo!" Nakangiting tugon nito sa kapatid na tuwang-tuwang habang nakatitig sa cake.
"Oo nga! Tapos ano na ang gagawin natin, Twin?" Napahalakhak naman si Francine dahil parang bata ang kakambal niya kung matuwa.
"Wait lang, kailangan na muna natin itong palamigin, Twinny. Hindi pa puwedeng tanggalin sa baking pan kapag mainit," aniya kay Franchezca.
"Ay! Gano'n ba, sorry na excite lang." Napakamot naman ito ng ulo, feeling niya ang engot niya sa part na 'yon.
"Halika na, iwan na muna natin ito dito. Antayin nalang natin sina Mommy sa sala." Sabay hila nito kay Franchezca palabas sa kitchen.
Sakto naman ang labas nilang dalawa nang makarinig silang dalawa sa labas ng itong ng kotse. Kilala nila ang tunog na 'yon kaya alam nilang nand'yan na ang mga parents nila.
"Sina Daddy na 'yan," ani Franchezca.
"Oo nga, tara salubungin natin sila." Sabay na silang lumabas para salubungin ang parents nila.
"Daddy!" Sabay nilang sinalubong ang Daddy nilang si Froilan.
"How are you, my two lovely Princesses?" masayang sinalubong naman ni Froilan ang mga prinsesa niya.
"We're good po, Daddy." Sabay nilang hinalikan sa pisngi ang Daddy nila.
"Hey, guys! How about me?" tila kunwaring nagtatampo si Melissa dahil hindi siya sinalubong ng kambal.
"Of course Mommy!" Ito naman ang sinalubong ng kambal at hinalikan sa pisngi.
"Mommy, hinanap po namin kayo pagkauwi pero wala po kayo. Saan po kayo nagpunta?" tanong ni Francine sa kan'yang Ina.
"Naku! Sorry mga anak, may pinuntahan lang ako at pagkatapos ay dinaaan ko na lang ang Daddy niyo sa firm. Malapit lang naman kasi ang pinuntahan ko ro'n kaya sumabay na ako sa Daddy niyo," saad naman ni Melissa sa mga anak.
"Mga Anak, namis lang ako ng Mommy niyo kaya sinundo niya na lang ako do'n," ang panunukso ni Froilan kay Melissa.
"At Bakit, bawal ba kitang daanan? Hayaan mo! Sa susunod hindi na kita pupuntahan, last na 'to!" Umirap pa si Melissa sa asawa bago pumasok sa loob ng bahay.
Nagtawanan naman ang tatlo sa inasta ni Melissa.
"Mga Anak, sandali. Sundan ko lang ang Mommy niyo. Baka mamaya hindi ako patabihin, yari ako!" paalam naman ni Froilan sa mga anak at agad na hinabol ang asawa.
Napailing at natatawa na lamang ang kambal sa mga parents nila na akala mo ay mga teenager pa.
"Akala mo manan kina Mommy at Daddy mga nagliligawan pa rin, eh!" natatawang ani ni Franchezca nang maiwan na lang sila ni Francine sa labas.
"Ang cute kaya nila, maganda nga 'yon! Mahal na mahal nila ang isa't isa kita mo si Mommy may patampo-tampo pa'ng nalalaman. Pero sure ako pagdating sa kuwarto nila ay bati na sila agad," nagtawanan naman silang dalawa habang papasok ng bahay.