“ALAM kong sa ginagawa kong ito, nagdedeklara na ako ng World War sa pagitan namin ng pinsan ko. But I’ve never felt something as strong as this, Aliyah. In fact, it’s so strong that I’d be damned if I wouldn’t give this a try.” Bumuntong-hininga si Brennan. Hindi nakatiis na itinaas niya ang strap ng negligee ni Aliyah, pabalik sa orihinal na ayos ng mga iyon. Habang nakikipagtagisan siya ng tingin sa dalaga ay inatake siya ng labis na pagsisisi. Binalewala niya ang kung anong meron sila noong dalawa. How could he disregard a woman as lovely as the one he was looking at this very moment? How could he disregard her love? Hindi sinasadyang napatitig si Brennan sa dibdib ni Aliyah na taas-baba nang mga sandaling iyon na marahil ay dala ng sobra-sobrang galit sa kanya. Nanunuyo ang lalamun