“PALAGI ka na lang nagpapatihulog. Wala ka namang safety gear. Kaya ka nasasaktan, eh.” Nangingilid ang mga luhang napayuko na lang si Aliyah nang marinig ang nanenermon na boses ni Jeric. Pinuntahan sila nito ni Joshua para yayain sanang kumain sa labas pero wala siyang ganang umalis nang gabing iyon kaya nag-stay na lang ito sa bahay niya. Magpapa-deliver na lang daw ito ng pagkain nila. Kanina pa tahimik si Jeric at hinahayaan lang siya. Nakipaglaro na muna ito sandali ng computer game kay Joshua pero mayamaya lang ay sumunod na sa kanya sa sala ang binata. Tahimik na umupo lang sa sofa sa tabi niya si Jeric hanggang sa siya na rin ang kusang nangumpisal tungkol sa nangyari sa kanila ni Brennan. Nang yakapin siya ni Jeric, tuluyan nang tumulo ang luha niya. “Tingin-tingin din sa ibab