YOU ARE RIGHT. It’s more than that. It’s a marriage problem, actually. Gusto na sanang isiwalat ni Brennan ang totoo pero sa huling sandali ay nag-alinlangan siya. What if he loses Aliyah again because of this? He would lose his sanity, for sure. Napapagod na naisandal ni Brennan ang ulo sa balikat ni Aliyah. Noong nakaraang araw ay natuloy pa rin ang pamamanhikan ng pamilya niya sa pamilya ni Cristine sa Bataan. Sa bilis ng naging daloy ng pangyayari, wala siyang nagawa kundi ang pansamantalang magpatangay sa tuloy-tuloy na agos. Dahil noon mismong gabing sorpresahin siya ng kanyang pamilya kasama si Cristine sa kanyang condo unit ay naitawag na pala ng kanyang ina ang nakatakdang pamamanhikan nila sa mga magulang ni Cristine. Excited namang kinumpirma sa kanya ng partido ng dalaga ang