“SURPRISE!” Napamaang si Brennan sa nadatnan niyang mga tao sa condo unit na kabibili pa lang niya noong nakaraang linggo. Ang buong akala niya ay ang kinuha niyang tagalinis lang ang naroon dahil tuwing ganoong araw lang nagpupunta doon ang ginang pero ang kanyang mga magulang ang tumambad sa kanya. Naroon din ang mga magulang ni Jeric. Madilim ang anyong nakatitig sa kanya ang pinsan. And then in the middle of them was Cristine. Heck, what a surprise. Lahat ng mga naroon ay may hawak na wine glass habang mismong bote naman ng alak ang hawak ng kanyang fiancée. Inabutan siya ni Cristine ng wine glass. Ilang sandali pa ay binuksan na nito ang bote ng alak at mayamaya ay isa-isang sinalinan ang mga baso nila. Ang wine glass ni Brennan ang huling sinalinan ni Cristine. “What? Aren’t yo