“NAAALALA mo pa ba ang mga sinabi ko noon sa ‘yo, Aliyah? Kung hindi na, puwes, ipapaalala ko uli sa ‘yo. Ayusin mo ang sarili mo. Tandaan mo, hindi ka tae para tapak-tapakan lang ng ibang tao…”
A few hours ago, Aliyah remembered feeling gross at the thought of those words. Ang mga salitang iyon ang laman ng text message sa kanya ni Jeric habang nasa biyahe siya papunta sa firm. But now… she drew a sharp breath.
Sa isang iglap, pakiramdam niya ay noong nakaraang araw lang nangyari ang nasaksihan niyang panloloko sa kanya ni Brennan sa mismong opisina nito. Lahat ng sakit na akala ni Aliyah ay limot na niya ay nanumbalik sa simpleng pagtitig lang sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.
Nasorpresa siya nang maramdamang may kamay na bahagyang dumiin sa kanyang baywang. Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nasa tabi niya na si Jeric at nakaalalay sa kanya. Nanghihingi ng pang-unawa ang bughaw na mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Gusto niyang sumabog. Kaya pala ganoon ang text message nito sa kanya. May binabalak pala ito.
Sa mga sumunod na sandali ay ginusto ni Aliyah na kastiguhin si Jeric. Alam nito ang tungkol sa nakaraan nila ni Brennan. So how can he casually introduce them to each other as if nothing happened? And for heaven’s sake, why didn’t he tell her that he and Brennan were related?
Matalik silang magkaibigan ni Jeric. In fact, pumayag pa nga siyang magpanggap silang magkarelasyon sa harap ng pamilya ng lalaki para matigil na ang mga magulang nito sa pagreto sa iba’t ibang babae. And she thought it would benefit both of them. Mabisang paraan iyon para makaiwas sa mga lalaking nagpapahaging sa kanya sa opisina nila. For almost three years, they were partners in crime. So how can he put her on the spot with the man she had been praying to never see again?
“It’s… it’s nice to see you again, Aliyah.”
Bumalik ang mga mata ni Aliyah sa kanyang ex-boyfriend. It seemed like the last three years had not changed him, while it changed every bit of her. She smiled bitterly. Matiim pa rin kung tumitig ang gray na mga mata ni Brennan na pinarisan ng makakapal nitong mga kilay, aristokratong ilong, at maninipis na mga labing bihira kung ngumiti na nagbibigay ng aroganteng dating sa lalaki.
Nakasuot ng moss green long sleeves si Brennan na bahagyang hapit sa katawan nito kaya bakat ang malalapad na balikat nito. Litaw na litaw din ang mestizo nitong kulay.
Nang ngumiti si Brennan sa kanya, humugot siya nang malalim na hininga para kontrolin ang pagsabog ng kanyang mga emosyon. How can he just smile like that? Three awful years… were those enough to change his memory?
Sa kabila ng hapding nanunumbalik sa puso ni Aliyah ay pinilit niyang tumayo nang tuwid. “Really? Then forgive me for saying that I don’t feel the same, Brennan.” Pasimple niyang siniko si Jeric para alisin nito ang kamay sa kanyang baywang na para bang naaaliw namang ginawa nito. “Now, excuse me but I have to go.”
Mabibilis ang hakbang na tumalikod na si Aliyah at lumabas mula sa opisina ng kaibigan. Dere-deretso siyang nagpunta sa pinakamalapit na ladies’ room. Napatitig siya sa salamin kasabay ng pamumuo ng kanyang mga luha.
Kabubuo pa lang niya ng tiwala sa sarili pagkatapos ay heto na naman ang binata. It only took her one look at Brennan and she felt so ugly again.
What have I done for our paths to cross again, Brennan? Pumatak ang kanyang mga luha kasabay nang pagbabalik ng mga alaala mula sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Mga alaalang nagbibigay pa rin ng matinding sakit sa kanya hanggang ngayon…
Maryland, USA
ILANG sandaling natigilan sa pagpasok sa loob ng elevator si Aliyah nang makita ang naunang babaeng pumasok sa loob. Katulad niya ay naka-long sleeves din ito, lampas tuhod na palda, at flat na sandals.
Kulay lang ng mga damit nila ang magkaiba dahil hindi rin pahuhuli ang design ng suot ng babae sa kanya. Peach ang top ni Aliyah habang puti naman ang kulay ng kanyang palda. Ang babae naman ay carnation pink ang top at cream ang kulay ng palda.
Halos magkasintaas rin sila. Morena din ito gaya ni Aliyah. She was wearing green contact lenses that made the two of them the same while their hair were both mahogany colored. Ang sa kanya nga lang ay pinakulayan niya lang dahil iyon ang gusto ng kanyang fiancé na si Brennan. According to him, green eyes, mahogany colored hair, and the way she dressed suited her more.
Si Brennan ang first boyfriend ni Aliyah. Eight months pa lang ang relasyon nila nang mag-propose ito pero pumayag pa rin siya agad. Sa ngayon ay almost two months na silang engaged. He was her world. At sa laki ng pagmamahal niya kay Brennan, sinusunod niya ang lahat ng gustuhin nito sa takot na mawala ang lalaki sa kanya.
Nagkakilala sila ni Brennan sa pamamagitan ng client ni Aliyah na kaibigan naman nito. Siya ang nag-design ng bahay ng kaibigan ni Brennan na si Lance kaya nang magpa-house blessing si Lance ay invited siya pati si Brennan. And she had loved him since then.
Kaya laking tuwa ni Aliyah nang puntahan siya ni Brennan sa kanyang opisina isang araw at nagbakasakali kung pwede raw silang lumabas. Nagdahilan pa ang lalaki na may kakilala itong gustong magpa-design ng bahay. It was only while they were having dinner that she found out that it was just his excuse to see her. He pursued her. Doon na nagsimula ang love story nila. She sighed dreamily.
“Miss, do you still want to come in?”
Nahinto si Aliyah sa pagre-reminisce nang marinig ang malambing na boses na iyon. It was the same tone Brennan wanted her to use all the time. Kumunot ang noo niya. Alam niyang sa laki ng mundo ay hindi imposibleng magkaroon ng kamukha o katulad ang isang tao. Pero sobra naman na yata ang mga pagkakaparehas nila. Bukod doon ay nasa iisang lugar sila, ang hotel na pag-aari ng pamilya ni Brennan.
Hindi alam ni Aliyah kung bakit parang may sumibol na kaba sa kanyang dibdib pero mayamaya lang ay naipilig niya din ang ulo. It was all in her playful mind. Naiiling na pumasok na siya sa loob. Nang makita niyang nakailaw na ang button sa fifteenth floor na sadya niya ay hindi na siya pumindot pa.
Friendly na ngumiti sa kanya ang babae. “Nice blouse.”
Kiming ngumiti si Aliyah. Ang tinutukoy nitong damit ay regalo sa kanya ng kanyang fiancé. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng mukhang mabait na itsura ng babae ay hindi pa rin siya mapakali. Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makarating na sila pareho sa fifteenth floor.
Magkaibang daan ang tinahak nila ng babae. Ito sa kanan at si Aliyah naman ay sa kaliwa para magpunta sandali sa ladies’ room bago siya dumeretso sa opisina ni Brennan.
Ilang beses siyang napabuga ng hangin nang makapasok na sa banyo. Habang nakatitig sa sariling reflection sa salamin ay naalala niya uli ang sinabi sa kanya ng Ate Helena niya nang nag-usap sila noong nakaraang buwan sa telepono pagkatapos niyang magpadala ng kanyang pictures.
“The woman in the pictures you sent me, that’s not you, Aliyah. Send me other photos. Gusto kong makita ang kapatid ko at hindi ang ibang tao.”
Naipilig ni Aliyah ang ulo. This was not the time to entertain negative thoughts. Sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay inalis niya ang pangamba at insecurity sa sulok na bahagi ng kanyang dibdib na matagal-tagal na ring nananahan doon. Sinuklay ni Aliyah ang lampas-balikat na buhok. She fought that yearning feeling inside her chest. She suddenly missed her old self.
Sa naisip ay mabilis na inayos ni Aliyah ang sarili. Nag-retouch siya saka lumabas na ng banyo. Tinanguan na lang siya ng secretary ni Brennan nang makita siya dahil sanay na ito sa madalas niyang pagbisita roon. Kakatok na sana siya nang makarinig ng mga boses sa loob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Aliyah nang makita roon ang babaeng nakasabay niya sa elevator. Natetensiyon na pinagbuti niya ang pakikinig.
“Leave and I swear, I’m really going to marry her.”