"POKEMON!" KABADO NIYANG USAL NG MABANAAG ang bultong iyon ni Nathan, mukhang bagong shave ang boss niya, mas neat na itong tingnan. Sinundan niya ng tingin ang pag-upo nito sa swivel chair, gusto na niyang himatayin. Nagkaproblema ba sa landline wiring, baka nga naman siguro tumalon ang connection?! Tama! Tumalon lang ang koneksyon!
Naku, kung ano talagang naiisip niya. Isa lang ang solusyon sa lahat ng katanungan niya, kailangan niyang mag-imbestiga!
"Ms. Dizon," tawag nito sa kanya, napapihit naman siya, "did you just call me this New Year's eve? Pinaalam ko yung numero at nalaman kong residence niyo" monotone nitong anunsiyo.
"Ahhh, yun ba?" napatikhim siya, "Ka-ka-si..." Diyos, ko, tulungan mo ko! Napatawa siya, "Naku sir, sorry po talaga, ikaw siguro yung napindot na numero ng pamangkin ko, naabutan ko kasi yung may hawak yung telepono namin, alam niyo na, naglalaro, tapos nakasabit kasi sa gilid ng telepono yung mahahalagang numbers, tulad ng number sa opisina po at ba-bahay niyo..." Plak! Ang pangit naman ng alibi ko!
Nangunot ang noo ng kausap, "Talaga? Binigyan kita ng numero sa bahay?" suri nito. "Dalawa kasi ang bahay namin dito sa Metro Manila, yung ngayon na tinitirhan ko sa Loyola at yung isa, na tinitirhan noon noong buhay pa si papa-"
"Oo nga po, dalawa yung nabigay niyo!" putol niya dito at napatayo, "Sir, pumarito po si Architect Dominguez, tinatanong ang tungkol sa Del Cielo, ang schedule po sa pagbisita niyo sa site?"
"Ah..." napatango-tango ang lalaki, mabuti na lamang at biglang nalimutan ang katanungan nito ukol sa misteryosong pagtawag nila sa bahay nito. "Yes, schedule us, pupunta tayo sa Palawan bago matapos ang linggong ito, we will be going to what they called the Teardrop island, isa sa mga grupo ng isla sa Calamian."
"Ho?" mulagta niya, "Sasama, pati ako?"
Naningkit ang kaharap, "Why, Ms. Dizon? Diba kasali sa job description mo ang pagsama sa akin sa mahahalagang travel occasions lalo na't mga proyekto, and also we will be meeting the developer."
Napasigop siya ng hangin, ng tunghayan niya ang nakakapikong gwapong mukha nito, hindi niya maiwasang sulyapan ang labi nito. Gusto niyang mag-freak out! "Ms. Dizon, kinakausap kita, habambuhay ka bang tatayo diyan?!"
*********************************
NAPAHALUKIPKIP si Chloe sa seat ng maramdaman na ang pagdausdos ng LET 410 aircraft na inukupa nila, may halos isang oras rin ang ibinyahe nila mula Maynila. Nalulula niyang pinagmasdan mula sa window kanina ang napakagandang asul na dagat na pinagkukumpulan ng maliliit na isla na kasinglaki lang ng hinlalaki niya mula sa mataas na himpapawid. Unang pagkakataon niya ngayong makatapak sa Palawan.
Napalingon siya sa katabing si Mr. Dominguez, tabain ito at may kuwarenta na ang edad. "Busuanga Airport na ito hija, o Yalu King Ranch airport kung mararapatin" ngiti nito. Sa kabilang isle ay mahimbing na nakapikit parin si Nathan. "Gisingin mo na si Sir Nat, hija, ganyan talaga yan, kahit pa siguro mag earthquake o tsunami ay hindi gigising yan."
Napatango siya, sinundan na ng tingin ang naunang bumabang mga kasamahan nila, si Mr. Dominguez ay tinulungan siya sa pagkuha ng bagahe niya mula sa luggage compartment, kasama rin nila si Mrs. Romulo, isang construction manager at isa pang lalaki na landscape engineer at isa pang civil engineer. "Si-sir..."nanginginig na tinapik niya ang braso nito, "sir..." mas malakas na tapik ang ginawa niya. Parang anghel naman ito kung makatulog, para itong si San Gabriel. "Sir!" mas lumakas ang boses niya desperada na siya kaya sinipat na ang pisngi nito.
"Sir!" tili niya at hindi nangiming malakas na tapikin ito sa mukha na animo'y sinampal na niya ito.
Yes! Nasampal ko na rin ang hudyo! Mabilis na naidilat ni Nathan ang mata nito, ng masilayan siya ay nasapo nito ang pisngi nito. "Did-did you just slap me?!"
"Ha?" gitla niya, "Wa-wala noh! Grabe naman kayo, para kayong si sleeping beauty kung makatulog, lumalaklak ba kayo ng sleeping pills?!" angil niya na nalimutang boss pala ang kinakausap.
"Ms. Dizon, nasa labas nga tayo ng office, pero boss mo pa rin ako!" pakli nito at napatayong bigla, hindi niya naisipang umatras kaya halos magtama at magdikit na ang pagitan nila, "at sinira mo ang maganda kong panaginip, may hahalikan na sana ako alam mo ba-" napatigil ito, naramdaman niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya at pagka'y dumako sa nakadilat niyang mata.
"Tapos may pumuputok na fireworks sa himpapawid, pinagsamang madilim at makinang ang lugar, pinagsamang maingay at tahimik-"hindi niya maipaling ang mukha at animo'y may glue na nagdidikit sa mga mata nilang iyon. Sandaling nag-usap ang mga mata nila, may lenguwaheng bagong nadiskubre at tinatantiya pa lamang, alam niyang may sasabihin sana ang mga matang iyon ng biglang-
"Sir Castillo! Ms. Dizon! Hinahanap na tayo ng developer!" sigaw ni Mr. Dominguez. Ng ibalik niya ang tingin sa mga matang iyon, bumalik ang reserved state niyon, walang bakas na may sinambit ang mga matang iyon sa kanya kanina, nangusap iyon sa napakasuyong himig.
******************************
"YOU NEVER FAIL TO AMAZE ME, Les-este, Mr. Benitez!" masayang kinamayan ni Nathan ang pamilyar na mukhang iyon na inabutan sa airport. The small sturdy and petite man was smiling too.
"You're surprised, right? Pinakiusapan ko talaga ang mga boss ko na ako na ang mamahala sa proyektong ito, since they chose your company man!" tinapik siya nito sa braso at napatawa siya. Si Lester ay isa sa mga matatalik niyang kaibigan simula elementary hanggang highschool, hindi niya inaasahang isa na itong real estate developer ngayon at tauhan ng kompanyang Del Cielo.
"May halos isang oras rin tayong ba-biyahe," tinuro nito ang isang malaking van," pagdating sa port, sasakay tayo ng yate at doon natin pag-uusapan sa inihanda naming quarter sa parte ng isla ang mga detalye."
"I can't wait," tugon ni Nathan.
Habang nakapuwesto sa unahan ng van ay hindi maiwasang sulyapan ni Nathan mula sa rearview ang sekretarya. How could she have known the scene in my dream? And her lips, the very line and mould of it, seemed so familiar...it was so enticing awhile ako...
"Naibenta ang ilang daang ektarya ng isla sa mga Del Cielo dalawang taon na ang nakakaraan,"natigil ang pag-sulyap niya kay Chloe ng magsalita na si Lester, "ilang milyon rin ang halaga ng lupa, at ngayon nga, gusto nilang mas pagtibayin pa ang turismo sa Pilipinas lalo na sa Palawan by developing that parcel of land into one of the finest hotel resorts. It will cater the high-end tourists, providing not ony the natural beauty of the environment but the taste of class while staying in a true oasis.The Del Cielo calls this the Tear of the Star project, and we will name the resort 'Le Lacrime della Stella'.
"Beautiful name," sambit ni Nathan. Napatango-tango rin ang kausap. Ng lumipat na nga sila sa yate ay ipinagpatuloy nila ni Lester ang pag-uusap habang nakakapit sa barindilya at pinapanood ang sariwang pagaspas ng alon.
"THE LAST TIME WE SAW EACH OTHER WAS at that club, remember that night pare?" pinutol muna ni Lester ang usapan ukol sa proyekto at mas naging personal ang usapan nila.
"Oh, yeah," napailing-iling si Nathan, "that crazy night eight years ago, kayo ang may kasalanan nun!" angil nito.
"Hindi kami ang lumaklak ng red wine at mababa ang alcohol tolerance!" ngisi ni Lester, "Ikaw yun!" Napailing si Nathan at tinapik na lamang si Lester upang tumigil na.
"Alam mo naman ang nangyari sa pamilya namin noon diba?"
"And you kissed a stranger in a New Year's eve and you liked it!" panunuya ni Lester.
"Wala iyon! Alam mo namang hinamon niyo lang ako nun, tsaka hindi ko na nga alam kung anong mga kabaliwan ang ginawa ko noong gabing yun, hindi ko nga alam kung anong sinabi ko dun sa babae, kung nag sorry ba ako, basta! Alam mo ba pare, nitong mga nakaraang araw ay parang lagi kong napapanaginipan yung eksena? Yung may ninakawan ako ng halik, hindi ko nga alam kung bakit, binabangungot na ako, o baka nagmumulto na siguro yung babaeng yun..."
"Sino kaya yun?" napangiti si Lester, "thirty-three ka na pare, ipahanap mo kaya yun, baka yun ang destiny mo?!"
Napatawa si Nathan, "Imposible!" wika niya habang itinutuon ang mata sa berdeng isla na habang papalapit ay mas lumalaki sa paningin niya. "I don't believe in corny stuffs like that pare, lalo na iyang destiny, falling-star, that's foolishness!" ngisi niya at napailing, "at kung hindi ako nalasing noong gabing iyon, I would never have committed such foolishness towards a stranger, malay ko ba kung sino yung babaeng yun, baka nga nanay na iyon na may isang dosenang anak!"
Malutong na tawa ang pinakawalan ni Lester, "You never change, Nathan, you're still a pessimist!"
Napailing si Nathan, "No Lester, I'm just being realistic, tayo lang naman ang niloloko ng mga kung anu-anong romantic movies na iyan, in real life, puro sakit at problema lang ang dala ng pag-ibig, mystery and magis doesn't exist, and women's purpose I discovered for myself, is just for our pastime!" Napalingon bigla si Nathan sa likuran, may namataan kasi siyang paggalaw ng kung anong bagay, siguro nga'y namalikmata lang siya.
*******************************
WALONG TAON simula ng mala-mahikang gabi na iyon ay inalagaan na niya sa puso ang alaala ng isang estranghero. Walong taon siyang parang tangang nakatulala sa langit sa may terasa nila tuwing pumapatak ang bagong taon, hindi siya natutulog hanggang abutan na lang siya ng paglitaw ng araw.
Hindi na niya naatim na magka-boyfriend pa dahil sa lahat ng panahong iyon pinaniwala niya sa sarili niyang may isang taong nakalaan para sa kanya, at yun ang estrangherong iyon...
All those years, I was a damned fool to believe in destiny!
But her cherished moment was just a joke for someone else, epekto lamang pala ng kalasingan, epekto lamang ng hamon, that "foolishness", that "crazy night" ika nga ni Nathan.
Mabuti na lamang at naisipan niyang pumunta sa parteng iyon ng yate kanina, mabuti at narinig niya lahat. Sabi nga nila, "reality is stranger than fiction", her reality was really strange, but her reality broke her very core belief about love: that love was written in that one special star... Tama si Nathan, it was foolishness. Dapat ay mas naging realistic siya. Dapat noon pa lang, dapat noon pa...
Habang tanaw ang malawak na dagat ay hindi mapigilang mamilisbis ang pinipigilang luha ni Chloe. Nasasaktan siya. Habang mas lumalapit na sa isla ay hindi maiwasang may sumulpot na ideya sa utak niya. Kung anu't-ano pa man, hindi dapat ang reyalidad niya ang masira sa sitwasyong ito, it must be Nathan's reality that must be destroyed!
Nathan Castillo, I'm going to show to you that stuffs like falling-stars isn't a joke at all! You'll fall in love with me and let's meet again, ipapaalala ko sayo ang minsan mong ipinangako...
**************************************
HINDI LAMANG ang anyo ng isla na animo'y korteng luha ang kakaiba, maipagmamalaki rin ang nadatnan nilang tanawin. It was a picturesque island na pinalilibutan ng lush greenery, mahaba at malawak ang stretch ng white sand at kumikinang sa linaw ang asul na dagat. The island was a real beauty. Ng makababa na sila at umapak sa board ay sinalubong naman sila ng iilang mga naka-unipormeng katiwala na sinabitan sila ng mga kwintas na gawa sa mga petals ng rosas. Tinuro ni Mr. Benitez ang isang puting building sa di kalayuan.
"Mr. Castillo, nandito si Mr. Del Cielo upang pag-usapan niyo ang kontrata, ang building ang siyang magsisisilbing panandaliang tirahan niyo upang mapag-aralan ang site, walang signal ang lugar, kung may tatawagan ay pwede namang magpahatid sa bayan sa pamamagitan ng yate, may kuryente naman ngunit limitado lang mula sa maliit na solar plant na ipinatayo noong nakaraang taon."
"Anyway, I and Ms. Dizon will not stay long, siguro'y mga madaling araw bukas kami uuwi, may susundong private plane sa amin, but my team will stay for a week para simulan na ang blueprint at pagpaplano Mr. Benitez." Matipid na tugon ni Nathan na tinango-tanguan naman ng team.
Ng makapasok na nga sila sa building ay nalula si Chloe ng madiskubreng sopitikada naman ang loob ng building na animo'y isa lamang maliit na hotel. May sari-sariling designated na kuwarto sila ay inayos na niya ang maliit na bagaheng dala. Napabuntog-hininga siya, of course, hindi nga naman talaga silang magtatagal sa napakagandang isla na iyon ng matagal, may aasikasuhin lamang silang kasunduan sa mga Del Cielo ni Nathan.
Napailing siya sa naisip kanina bago pa lumabas ng yate. Paano kaya niya paiibigin si Nathan sa sitwasyon nila? Parang ang hirap naman noon...
Hindi ba dapat ay kalimutan na lang niya ang nangyari? No way! Naging first kiss niya ang lalaki, pinaasa siya nito ng walong taon, tapos kakalimutan lang niya? Nathan must repay! Kailangan niya itong turuan ng leksiyon, may pinaglaruan itong buhay ng hindi nito alam... At para ano? Dahil nalasing lang ito nadamay siya sa paniniwalang meron ngang destiny!
"Glad to see you son!" napatayo mula sa bilugang conference table ang isang matandang lalaki na may pitumpo na ata ang edad, naka business suit ito kasama pa ang ibang apat.
"It's my pleasure meeting you, Mr. Del Cielo," pakikipag-kamay ni Nathan.Kinamayan din ng matanda si Chloe, panay ito ng ngiti, mukhang mabait. "Kung hindi mo nalalaman ay kaibigan akong matalik ng ama mo, hijo,and I'm very happy na ipinagpapatuloy mo ang magandang legacy ng iyong ama," turan ng matanda na inimbitahan na silang umupo. Sinulyapan ni Chloe nag sandaling natahimik na si Nathan.
"Walang anu man po," anito. "Kung may masaya man, kami iyon, sa pagtitiwala niyo sa amin para sa proyekto na ito."
"Oh, nothing, your company has a good standing, hijo, kaya hindi ako natatakot na ipagkatiwala ang proyektong ito sa inyo, and besides, kung hindi naman dumaraan sa bidding ay kayo ang first choice ko, kaya nga dito natin pag-uusapan ang detalye ng proyekto, to make it personal and for you to also glance the place. Alam mo hijo, this project is not only a business, this hotel resort would be a gift of mine to my sole daughter, Fiona." Ilang minuto pa nga ay listo na siyang nakinig, sinimulan na ng dalawang kampo ang kasunduan at pagpaplano ukol sa proyekto.
NAPAGOD SIYA sa paglilibot sa isla kasama ang team nila at ng mga Del Cielo.The island was a real gem of beauty, napagplanuhan ng team nila na i-co-conserve ang natural forest na napansin sa paligid ng isla, mga two-to-three storey hotel ang planong gawin, na naayon sa kundisyon ng lupa.
Maraming amenities ang napagplanuhan tulad na lang ng facilities na naayon sa mga mahihilig mag snorkeling, o di kaya'y parasailing at iilan pang beach sports. Napaupo siya sa medium-sized na kama at hihiga na sana ng maalalang dapat nga pala siyang magpalit, puno na ng pawis ang polo shirt niya. Ng malinis na ay tuluyan na siyang napahiga sa kama.
Ng ipatong niya ang dalawang kamay sa likod ng leeg ay hindi niya maiwasang maalala ang kasama kanina: si Chloe.
Walang imik ang babae kanina, pag kinakausap niya o may tinatanong, maaasim na titig ang nakukuha niya mula rito, hindi na iyon usual na titig nito na mukhang naiinis lang, may kakaiba talaga sa titig nito sa kanya.
Galit ba ito dahil sa eksena nila sa eroplano? Hindi naman siguro. Bago pa siya makapag-isip ay unti-unti na siyang nilamon ng antok.
May pananabik na yuyuko na sana siya sa estrangherang iyon, nakapiring ang mata nito sa isang maskara. Malakas na sigawan ang naririnig niya, kasabay na malakas na mga putok ng fireworks sa di-kalayuan. Biglang tumahimik ang paligid.
May kalahating pulgada na lang ang layo nilang iyon ng may biglang tumapik sa kanya sa likod. Animo'y na estatwa siya at napatigil ng mas malakas na hampas na ang natikman ng likod niya. Ng ipihit niya ang katawan ay nagimbal siya sa nasilayan. Si Chloe! Suot-suot nito ang isang leopard print costume, nakapalawit sa kamay nito ang animo'y isang latigo. Galit na galit ito, para itong dragon na magbubuga ng apoy.
"Nathaaaaaan!" galit nitong sigaw. "Bakit mo siya hahalikan? Huwag mo siyang hahalikan!" ihinampas nito ang latigo sa lupa.
"Ha? Bakit, anong pakialam mo?! Magtimpla ka na lang ng kape, black, with cream, no sugar!" nakangiwi niyang ganti, ng lumingon siya ulit sa likod ay wala na ang babaeng naka-maskara!
"Napakasama mo!" biglaang iyak na ng babae.Hindi alam ang gagawin kaya't inabot niya ito, yinakap ito upang aluin.
"Sorry, na Chloe, Chloe, ikaw naman talaga ang gusto kong halikan..."