HINDI NA NIYA NAPIGIL ANG panggigigil, suot ang leopard print na kapit na kapit sa katawan ay hinipo niya ang latigong hawak sa kamay, hinampas niya iyon sa lupa at lumikha iyon ng malakas at matinis na tunog. "Parang awa niyo na po! Hindi na po mauulit! Magpapakabait na po ako, titimplahan ko po kayo ng kape mula sa mug, mag-oovertime po ako palagi!" halos humagulgol na si Nathan, habang nakagapos sa malaking punong iyon ng balete. Gutay-gutay na ang suot nitong sako ng harina, napakadungis rin ng mukha nito, para itong bagong lublob sa putik.
Hinampas niyang muli ang latigo at nagpakawala siya ng isang napakasayang tawa na animo'y mapupugutan na siya ng hininga. "Hindi pa iyan sapat! Lumuhod ka! Lumuhod kaaaaa!" pandidilat niya.
Napaluhod naman ang lalaki na patuloy parin sa paghagulgol.
"Patawarin niyo na po ako ma'am, hindi na po mauulit! Magpapakabait na po ako sa inyo, patawarin niyo na ko-"
"Hindi kita mapapatawad! Ito ang bagay sayo!!!" bigla niyang hinampas ang latigo sa puwitan ng lalaki. Napasigaw sa sakit ang lalaki. "Hindi ka pa ata natuto, Mr. Castillo! Alam mo ba ang susunod kong gagawin sayo? Bubuhusan kita ng isang drum, hindi, dalawang drum ng alikabok!" napatawa siya.
Biglang lumitaw ang dalawang drum ng alikabok sa gilid niya. Masaya niyang binuhat ang isa, eksaktong nasa hangin na ang drum at ibubuhos na niya sana sa sumisigaw sa pagmamakaawang si Nathan ng bigla siyang matipalok at mapahiga sa lupa. Nakahiga siya sa paanan ng nakaluhod na madungis na si Nathan at ikinabigla niya ang nakakalokong ngisi nito.
Yumuko ito, napapikit siya, and she felt him lick her cheeks, his licks and small kisses travelled all around her face. It went in her forehead, the tip of her nose, and suddenly, she knew it was going to land in her lips!
Napatili siya at napabangon.
"T-tita Chloe!" gimbal na pahayag ng pamangkin niyang si Cream sa gilid ng kama niya, may dinampot itong nakamulagtang aso sa gilid ng kama niya. "Why did you flung away, Mocho?! He's just l*****g and waking you up!" pagalit na maktol ng bata.
Sinapo niya ang noo at napahingal. Gosh! Fairytale n asana naging nightmare pa! Kainis! Sinuri niya ang dala-dalang aso ni Cream, maliit ito at may puti at itim na mataas na mga balahibo. "Sino yan?" tigagal niya.
"He's Mocho, and he's hurt now!" matigas na tugon ng englisera niyang pamangkin, "Mommy bought this one kanina, a gift for the coming New year, he's a Japanese pug!" napansin niya ang maliit na icing na nakadaplis sa pisngi nito. Ini-roll niya ang sarili at napaupo sa gilid ng kama, pinahid ang pisngi ng bata na cute at medyo kulutan ang buhok.
"Ate Chloe had a bad dream, that's why she accidentally flunged away Mocho," hinimas niya ang aso na biglang kumahol sa kanya.
"Look, he don't like you," flat-tone na pahayag ng bata at hinimas si Mocho. Ang pagbigkas nito ng Mocho at tulad ng "mocha" na pinalitan ang letrang "a". Sinuri niya ang mata ng aso, imposible naman sigurong saniban ito ni Nathan. Napaismid siya sa aso, hindi rin naman talaga siya mahilig sa aso.
Ang tangi niyang naging pet sa buong buhay niya ay si "Lala" isang goldfish noong grade one siya na namatay rin matapos ng isang linggo dahil naparami ata niya ng kain ng pellets.
"Mom, wants to wake you up, ang sabi niya sa akin you'll be baking the cheesecake for the New Year's eve, it's already five p.m."
Sa kakanuod niya sa ate niya sa pag be-bake ay nakabisado na rin niya ang ilang recipes nito, at kung minsan, kung dumadagsa ang orders nito, siya ang nagiging assistant ng ate niya.
"Oh, ba't ka may icing sa pisngi kanina?" lito niyang tanong.
"It's chocolate icing, didn't you see?" sabad ng pamangkin na nakaka nose-bleed kung minsang kausapin. Tuwang-tuwa naman ang ate niya sa accent ng pamangkin niya, English nga ang language of communication ng mag-ina. Siya lang ang tanging nagkikintal ng pagka-"Pilipino" sa puso ng pamangkin.Bukod sa englisera ito ay mana ata ito sa run-away father nitong naging "Best in Science" noong elementary. "Nag bake si mommy ng tatlong cake, but she'll deliver it to our neighbours, tita, at isa pa, siya na ang nagluto ng spaghetti at afritada." Napatango siya.
"Okay, tita will be downstairs later, Cream," nakangiwi niyang pinahiran ng tissue ang mukha na feeling niya ay puno na ng saliva ni Mocho. Galit na napakahol ulit ang aso sa kanya.
Castillo rin ba ang apelyido ng asong ito? Mukhang may topak rin...
Tumakbo na palabas ng kwarto niya si Cream at ng sumiwang ang pinto, narinig niya ang pagtawa ng ama sa ibabang palapag ng bahay. Napabuntong-hininga siya, ilang oras na lang ay bagong taon na naman, maalala na naman ng ama nila ang pagkamatay ng ina. Hinaplos niya ang larawan ng ina nasa isang picture frame sa side table.
"Ma, New Year's eve na naman, ano kayang mangyayari mamaya? Di ba sayo ko lang nasabi, ikaw lang ang nakakaalam nun, ano Ma? Mangyayari na kaya yun? Ma, I miss you..." namilisbis ang luha sa pisngi niya. Pinahid niya iyon at napatayo na.
Habang imini-mix sa electric mixer ang cream cheese, zest at vanilla, napansin na niyang lumambot ang mixture, hindi niya mapigilan ang pagmumuni-muni habang paunti-unting inilalagay ang asukal at flour sa bowl na hawak. Ano kayang trabaho meron ang estrangero ngayon? Okay na ring mahirap noh, basta masipag! Ano kaya kung CEO ito ng isang kompanya? Sinaway niya ang sarili sa isipin, kung tulad rin lang ito ng isang Nathan Castillo, naku! Huwag na lang!
May mystery at magic ang estrangherong iyon, at ni katiting ng one percent ay wala niyon ang isang Nathan, at imposibleng mabulong nito ang mga katagang iyon...
Whoever you are, I want to see you again, but let's leave it to the stars, when you'll see a star fall in the sky in an eve like this, then you'll hear my voice, and let's meet again...
**************************
NAKATANAW SILA mula sa terasa, nakaupo ang ama sa nakapuwestong silya habang masaya silang pinapanood ng pamangkin niya at ate niyang hinihipan ang torotot. Nakahain sa isang maliit na lamesita ang handa nila, sa dining room nila, nakadisplay ang mga bilugang prutas na inihanda ng ate niya. Nilapitan niya ang ama at yinakap ito mula sa likod ng silya.
"Papa, papa, I love you, maging malakas ka ha, huwag kang magiging bad boy, para makasama ka pa naming ng maraming-maraming taon..." hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha. Narinig niya ang pagtawa ng ama at pag-abot nito sa pisngi niya mula sa kinauupuan.
Masaya siya at nagawa na silang samahan ng ama sa pagsalubong ng bagong taon, batid niyang labis itong nasaktan sa pagkawala ng kabiyak. "Hija, mag te-twenty eight ka na, humanap ka na ng asawa ng magkaroon na ng playmate itong si Cream..." sambit ng ama.
"Papa naman!" pinahiran niya ang pisngi at napaismid, "nag e-emote na ako dito eh iba naman ang sina-suggest! Hay, papa, darating din yan!" Tumalon-talon na si Cream habang karga si Mocho, nagsimula na ang pagkislap ng mga fireworks sa kalangitan.
"Ten, nine, eight!" masayang sigaw ng ate niya habang tumatalon narin habang hawak ang kamay ng anak. "Sige tumalon tayo nak, para tumaas tayo!"
"Hindi na uobra yan sayo!" tawa niya, may apat na pulgadang liit ang ate niya kesa sa kanya. Pinatunog narin niya ang torotot at masayang inikutan ang ama, "Seven, six, five, four, three, two!" sigaw niya.
"Oneeee!!!" lubos na natawa ang ama ng lumapit narin ang ate niya at si Cream at sabay nilang yinakap ito.
"Happy New Year!!!" masaya niyang tili, sa maikling panahon man lang ay nagagalak siyang nakalimutan nilang pamilya ang mga alalahanin na pinagdadaanan sa buhay. Lumipat na siya ng puwesto at nakataas ang mukhang tinanaw ang makukulay na fireworks display ng mga kalapit na kapit-bahay, maingay rin ang paligid sa putok ng mga kwitis, Super lolo, at iba't-ibang paputok. Sandaling dumilim ang langit, sandaling walang fireworks na dumisplay, mga limang segundo ata siyang nakatulala sa langit ng makita niya ang isang bagay na iyon.
Sandali lamang ngunit nasundan iyon ng paningin niya. She can't be mistaken. What she just briefly saw awhile ago was a...falling star!
"Cream, nakita mo iyon?" bulalas niya sa pamangkin habang nakakapit sa barindilya, katabi niya itong nakataas din ang mukha.
"What tita? That tiny bit of dust or rock called meteorite, falling into the Earth's athmosphere while burning, so-called a meteor?" walang kainte-interes na tugon ni Cream, kumahol-kahol din si Mocho sa kanya na animo'y sumang-ayon. Tumigil ito sa pagkahol ng iabot ni Cream sa bibig nito ang maliit na slice ng cheesecake. Hindi na niya napansin ang napaka-anti-climactic na pahayag ng pamangkin.
Whoever you are, I want to see you again, but let's leave it to the stars, when you'll see a star fall in the sky in an eve like this, then you'll hear my voice, and let's meet again...
It's Christmas eve and she just saw a falling star! This might sound crazy but she just felt it's destiny! Nakasulat ang tadhana ng pag-ibig niya sa bituing iyon!
Nilingon niya ang papa at ate niyang masayang nagtatawanan sa gilid, agad siyang napatakbo patungo sa kuwarto niya. Binuksan niya lahat ng drawers niya, binuksan ang cabinet at nagpagulong gulong na siya sa sahig upang mahanap ang maliit na box na pinagsidlan niya ng asul na papel na iyon.
It has already been eight years, alam niyang tinago niya ang box na iyon, pero ang problema nalimutan na niya kung saan.
Ngayon pa ba magloloko ang memorya niya? Eh kailangang-kailangan na niya ngayon ang papel na iyon! Ang papel na may sulat ng numero ng telepono ng estrangherong iyon... "What are you doing tita?" kunot-noo palang pinapanood siya ng pamangkin na sinundan siya.
"Go back to your mommy Cream, may hinahanap lang si tita..." pinahid niya ang pawisang noo at kumuha na ng stool upang matingnan ang taas ng dresser.
Malaki-laki naman ang kwarto niya na may purple motiff, but it was crammed with papers, boxes and books, marami ring drawers kaya nagmumukhang masikip.
Sa sobrang pagka environment-friendly nga niya, hindi niya maitapon ang mga lumang papel at iba pang abubot sa isiping mare-recycle pa niya ito ulit, in return, nagmukhang junkshop ang kuwarto niya.
"Mocho ran here, I followed him..." tugon ng bata, "Mocho! Mocho!" tawag nito at dumapa at sumilip sa ilalim ng kama niya, "Mocho?"
"Tita, Mocho's under your bed! Kunin mo siya, pleaseee.." pagsusumamo sa kanya ng pamangkin ng hindi maabot ng kamay ang alaga.
"Cream, may hinahanap pa si tita, mamaya na lang," aniya at patuloy na hinalungkat ang taas ng dresser.
"He's gonna die!" madamdaming maktol ni Cream, "Mocho, come!" naiinis na tawag nito sa ilalim ng kama.
"Hindi ka maiintindihan niyan, tagalog ang lenguwahe ng asong yan!" biro niya sa pamangkin at bumaba nalang ng stool upang matapos na ang pang-iimbyerna ni Cream. Inabot niya ang flashlight sa isang drawer. Dumapa siya at flinash-ligh-an ang ilalim ng kama.
May ilang buwan narin siyang hindi nakakapag-general cleaning kaya puno na ng alikabok ang ilalim niyon.
"Mocho!" hintatakot na tili ni Cream na animo'y nakitang nasa bingit ng kung anong panganib ang alaga.
"Kunin mo yung walis Cream, nasa likod ng pinto, quick!" utos niya sa pamagkin sa tonong parang nasa isang emergency rescue operation sila. "Ano ba naman itong asong ito, kanina pa ako binibigyan ng problema..." Inabot niya ang aso sa pamamagitan ng walis, hindi ito gumalaw na animo'y na-statue. "Mocho, halika na..." ginulo-g**o niya ang balahibo ng aso sa pamamagitan ng walis. Ilang segundo pa'y lumabas na rin si Mocho kagat-kagat ang isang string ng shoe tie.
Inabot ito ni Cream at tinanggal ang shoe tie ngunit mahigpit itong nginatngat ng alaga. "Ano ba yan?" nalitong inabot ni Chloe ang string tie, ginuyod niya iyon at natambad sa paningin niya ang rubber shoes.Binitiwan na ito sa pagngatngat ni Mocho.
Napailing siya, matagal na nga talaga siyang hindi naglilinis. Ginamit niya ang rubber shoes nakaraang taon sa isang fun run na dinayo nila ni Mayan dahil sa guwapong organizer. "Weird yang aso mo ha, Cream..." iling niya at sinuri ang rubber shoes, tinaktak niya iyon at nahulog ang isang maliit na pulang jewel box. "Oh my!" bulalas niya, tinitigan niya ang box, at napamaang. Pa-paanong napunta ang box na ito sa rubber shoes niya? Napakamahiwaga. Parte ba ito ng destiny?!
Tumayo siya at nagtatatalon, ilang segundo pa'y binuksan na niya ang box at nakita sa loob niyon ang isang nakarolyong maliit na papel.Napatili siya. "Tita, you're crazy!" napatayo narin si Cream karga si Mocho, "we will continue eating your cheesecake," wika ng bata at umalis na.
*******************************
HUMIGOP SIYA NG MARAMING hangin at nanginginig na kinuha ang telepono mula sa cradle. Sana naman po ay existing pa ang numerong ito! Isip niya habang hawak ang kapirasong papel.Tinabunan niya ang mouthpiece at sandaling nag-praktis ng sasabihin. Ano nga naman pala talaga ang sasabihin niya?
Ah basta! Bahala na si Sailor moon! Mabilis niyang idi-nial ang numero, ilang segundo pa'y sinabayan ng bawat t***k ng puso niya ang bawat "kriiing" na nadidinig.
Tumigil ang pag "kriiing", may millisecond na katahimikan, at nadinig niya ang mahinang paghinga.
"He-hello?" a full voice hovered over the line, maganda ang timbre ng boses na iyon, it was deep and masculine, then there came a grunt. A very familiar grunt. Na sinundan ng mabilis na pagdagdag, "Castillo residence, this is Nathan speaking, may I know who is this?"
Mabuti na lamang at may silya sa tabi niya, napahawak siya dun. "He-hello? Who is this?" may inis na sa boses ng kabilang linya. "Your number is unidentified, why are you calling in an eve like this?" tuluyan ng umasim ang tinig na iyon. "He-hello? Hello?!"
Hindi makagalaw si Chloe. Imposible! Imposible! Imposible! Tili ng utak niya, paano? Bakit si Nathan ang sumagot sa numero ng telepono na nakasulat sa papel na ibinigay ng estrangerong iyon, ang ibig bang sabihin nito'y si Nathan Castillo, ang boss niyang iyon, ang walanghiyang first kiss niya?! Nag-explode ata bigla ang brain cells niya!
"Hello?!" asik ng kabilang linya, "wala ka bang magawa? Whoever you are, don't call again!" narinig niya malakas na pagsalampak ng telepono, unti-unti namang dumilim ang paningin niya.
EIGHT YEARS AGO, NAKATUOD ANG ISANG DALAGITA SA gilid ng isang telepono, nasa isang kamay nito ang nakalukot na papel. Ilang araw ng ginagambala ang isip niya ng estrangherong iyon. Tatawagan ba niya ito? O maghihintay siya sa pagkahulog ng bituin mula sa kalawakan? Tanga ba siya? Hindi basta-basta na lang nagkaka-Falling star sa New Year! Halos imposible ang hinihingi nitong kondisyon. Inabot niya ang cradle, ngunit napabitiw rin ng pangunahan ng panghihina ng loob.