Chapter 7

2294 Words
"MOCHO?!" GILAS NIYA NG BIGLANG umeksena ang aso ni Cream. Imbes na ang braso ni Nathan ang matamaan ng latigo niya, walang anu-anong lumipad sa hangin si Mocho at ito ang sumalo ng latigo. Bigla itong bumagsak at nangisay-ngisay na animo'y mamamatay na. "Mochooo!" tili niya, bigla niyang naibukas ang talukap ng mga mata at napahingal. Panaginip lamang pala. Isang napaka-weird na panaginip, pati pa ba sa pagtulog niya ay umeeksena si Nathan? Nakakapagtaka, mukha ngang sidekick talaga nito ang asong iyon! Napatayo siya at napalakad-lakad, napalingon siya sa pinto ng marinig ang isang ingay sa kaharap na kwarto. Kwarto iyon ng boss niya. May naisip siya kaya biglang napatakbo sa pintuan ng silid at sumilip doon. Nakita niya ang pagbukas ng pintuan at ang paglabas ng matikas na bulto ni Nathan doon. Isinara niyang muli ang pintuan at kinausap niyang muli ang sarili. Ano? Susundan ko ba yung hudyong yun? Bahala na nga si Sailor moon! Sinipat niya ang faded shirt niya at pajamas, at inayos ang buhok. Isang minuto pa'y maingat siyang lumabas ng kuwarto. Saan na kaya yun? Lumabas? Magsta-stargazing ba ito? Maingat rin siyang naglakad hanggang maabot na ang entrance ng building, ang tanging nakabukas na ilaw ay ang ilaw mula sa lobby. Ng tuluyan na siyang makalabas, nagitla siya sa pagdapyo ng napakalamig na hangin sa katawan, madilim sa paligid at nabanaag niya ang nakasinding sulo di-kalayuan sa ilalim ng isang niyog. Hindi naman siya nangiming tuluyang lumabas, natukso siya ng marinig ang mahinang pagaspas ng alon sa di kalayuan. Tuluyang napabuka ang bibig niya ng masilayan ang kabuuan ng langit na puno ng kumikinang na mga bituin,may last quarter moon na nagbibigay ng kaunting ilaw, animo'y isang napakalawak na diyamante na nag spa-sparkle ang dagat. "Beautiful!" bulong niya sa hangin. "Katulad mo..."bulong ng isang tinig sa tenga niya. Napatalon siya at napatili, ng ilingon niya ang mukha, ang nakangising si Nathan ang nasilayan niya. "Talagang ganyan ka ba talaga ka-desperada, sinusundan mo ko noh?" "Excuse me, Nathan! Hindi kita sinusundan, masama bang mag-star-gazing?!"pagmamalinis niya. "Na-nathan?!" takang sambit nito. "Oh, bakit? Tapos na ang office hours, kaya pwede na kitang tawagin ng kung anu-ano!" pandidilat niya dito. "Whoa!" bulalas ng kausap, "You're really something Ms. Dizon," narinig niya ang munting tawa nito. "I mean Ch-Chloe..." Hindi niya maintindihan kung bakit sa pagkalamig-lamig na gabi ay naramdaman niya ang biglang pag-init ng pisngi sa pagtawag nito sa pangalan niya. "I-ikaw, bakit ka nandito, sir?" tanong niya at pinagmasdan ang mukha nito na medyo naaaninag niya mula sa ilaw ng sulo sa kalapit na niyog nila. "Binangungot ako, kaya napa-isipan kong magpahangin muna." "Ako rin, binangungot," hindi naiwasang magkatitigan sila sa puntong iyon.Pa-pareho kaya kami ng bangungot? Napag-isip-isip ni Chloe. Napapihit siya at inilayo ang tingin sa lalaki, napataas ang mukha sa langit. "Alam mo bang may bituing nahulog mula sa himpapawid noong bagong taon?" wika niya, sandaling nanlaki ang mata niya sa narinig na namutawi sa sariling bibig. "Bituing nahulog?" she heared Nathan grunt. "Baka ang ibig mong sabihin ay falling star, alam mo, hindi naman dapat falling star yan kasi hindi naman bituin yan, meteoroids ang nahuhulog, bato, foolish name for a stone-" monotone na eksplinasyon nito. Hindi napigilang mai-roll ni Chloe ang eyeballs niya. Naramdaman niya ang pagsurot ng inis sa dibdib. "Alam mo, hindi ko naman hinihingi ang scientific fact ukol sa mga falling star, ang sinabi ko lang may falling star na nahulog noong New Year's eve!" "Talaga?" napangisi si Nathan. "Eh, di nahulog, tapos?" Tuluyang naningkit ang mata ni Chloe. So, talagang wala lang ang gabing iyon para sa hudyong ito? Akalain mo nga namang nakalimutan o di kaya'y hindi nakintal sa kokote nito ang naibulong sa kanya noong gabing iyon! Hindi na niya napigilang isiwalat ang kanina pang gustong sabihin, "Alam mo bang minsan, may isang lalaking nangako sa isang babae na magkikita silang muli pag may falling star na nakita ang babaeng iyon sa pagpatak ng bagong taon?" Natahimik si Nathan, at umiling, pumihit at mas inilapit ang mukha sa kanya, "What's happening to you, Ms. Dizon? You're getting weird, sino naman ang korning lalaking iyan, huwag mong sabihing ikaw ang babae?" napangisi ito. "A-ako?" piksi niya. "Hindi noh! Ka-kaibigan ko..."napakamot siya sa leeg, "yung lalaking yun, hindi yun 'korni', okay?" angil niya. "Things like that are for the hopeless romantics, mga taong walang magawa, ika nga, mga taong malayo sa reyalidad ang pag-iisip!" "Alam mo Mr. Castillo, hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo!" gusto niyang hampasin ito sa ulo ng mabalik ang selective amnesia nito. "Alam mo, pag may nahulog na falling star ngayon, mapipilitan kang halikan ako, doon ko ipapamukha sa yo na walang korni-korni sa mundo!" Napamaang ang kaharap. "Wha-what?" napatawa ito, "ganyan ka na ba ka-desperada? Dinadamay mo ang mga bituin para manantsing sakin?" "Heh!" angil niya, napamulagta rin si Chloe sa naibulalas, pero batid niyang wala ng atrasan. "Alam mo Mr. Castillo, mawawasak yang persepsyon mo sa pag-ibig na iyan pag may nahulog na falling star ngayon!" Ngek! Ang imposible naman ng pinagsasabi niya! Patay! "Talaga lang ha?!" tugon ng kaharap, "Then, so, be it! Maghihintay tayo ng falling star ngayon, mapipilitan akong halikan ka pag meron, at kung wala naman, sisisantehin kita bukas! Maghahamon ka pa?" ngiti nito. Napa-atras si Chloe, nasapo ang dibdib. Anong sasabihin niya? Itutuloy ba niya ang kabaliwan niya? Tuturuan ba talaga niya ng leksiyon ukol sa pag-ibig ang isang Nathan Castillo? "Be it!" angil niya, naramdaman niya ang panlalabot ng tuhod. "Why are you doing this?" mapanuyang inilapit ni Nathan ang mukha sa kanya. "You wanted me so badly to trade your life with a single falling star?" "Hindi ko to ginagawa dahil may gusto ako sayo, Mr. Castillo! Ginagawa ko to para ipamukha sayo na stuffs like falling star isn't a joke at all, by then, you will know, nakasulat pala ang tadhanan mo sa mga bituin!" asik niya, she felt a trickle of tear escape from her eyes. Bakit nga ba napakahalagang paniwalaan ng isang Nathan Castillo ang mga kabaduyang bagay tulad ng bituin? Simple lamang siguro ang sagot: dahil walong taon na ang nakakaraan, hindi paman niya ito kilala, inilaan na niya ang damdamin para dito... ****************************** "OKAY, LET'S SEE!" HAMON niya dito, "pagbibigyan kita, tutulala tayo sa langit hanggang lumitaw ang araw!" kutya niya. Tahimik na napa-upo sa buhangin ang kaharap, "walang pipikit, walang mandadaya!" tugon nito na ikinangiti niya. This lady is making me laugh and smile, for peculiar, crazy reasons... Napaupo na rin siya sa buhangin katabi nito. They're doing a crazy bet between a star! Hindi niya alam kung bakit lihim niyang dinadasal na may mahulog ngang bituin! "Marami na akong nahalikan, Ms. Dizon, kissing you right now would only mean nothing, kaya huwag kang aasa na basta-basta mo na lang mababago ang persepsyon ko sa pag-ibig..." "Basta, huwag kang pipikit, Mr. Castillo!" maktol lang nito. "Ms. Dizon," singhap niya, "kung totoo ang mga idealismo mo sa pag-ibig, hindi iiwan ng ina ko ang papa ko at ipagpapalit sa kabit niya, hindi ako ipagpapalit ng babaeng kaisa-isang minahal ko sa walang kuwentang lalaki..." hindi na niya mapigilan ang maibulalas ang kinikimkim sa isip, "Have you ever fallen inlove? Hindi ka palang siguro nasasaktan kaya nabubulag ka sa mga nakakatawa mong ideya" "I have fallen in love, Mr. Castillo," mariing sagot ng katabi, "nasaktan na niya ako, pero hindi ibig sabihin nun na ititigil ko na ang paniniwala ko sa kahiwagaan ng pag-" Ng ipaling niya ang ulo sa himpapawid ay sadya niyang nakita ang isang makinang na bagay na biglang bumulusok pababa mula sa langit, mabilis iyong naglaho, at nagtago ang kislap nito na animo'y nilamon ng dagat. He just saw a falling star! "Di-did you just saw that?" gulat na itinuro niya ang langit. "Did you saw that, Ms. Dizon?" gilalas niya. "Ang ano?" litong turan ng katabi, "nagsasalita ako dito eh'!" "Ang sabi'y walang pipikit!" baling niya. "Hindi, hindi naman ako pumikit!" nagugulumihang wika ni Chloe. "Kung ganoon, pumikit ka..." seryoso niyang sambit. ********************************** HINDI NIYA MAPIGILAN ANG pagpikit ng mga mata, sapat na ang nakita niyang kinang mula sa mga mata ni Nathan upang ipaubaya rito ang pagkakataon.  Wari'y nanumbalik ang eksena walong taon na ang nakakaraan, naamoy niya ang katangi-tangi nitong bango, at habang sapo ng mga kamay nito ang pisngi niya ay naalala niya ang init at kuryenteng nadama ng idikit nito ang kamay sa balat niya.  Wari'y tumigil ang oras, wari'y tumahimik ang mundo at tanging naririnig nila ang malakas na tambol ng dibdib ng isa't-isa. Marahan at walang pagmamadaling sinakop nito ng tuluyan ang labi niya, masuyo ito at may lambing, batid nilang hawak nila ang matagal na oras upang lasapin ang masarap at nakakakiliting sensasyon na pinagsasaluhan nila ngayon. Naikapit niya ang kamay sa leeg nito, upang maiwasang tuluyan silang mapadausdos sa buhangin.  She never imagined this man could be gentle, wala sa himaymay ng bawat kilos nito ngayon ang pagkakakilanlan ng isang Nathan Castillo: who was reserved, ice-cold at masungit, kontrolado lahat ng galaw, sarkastiko ang pananalita, yung klaseng hindi mo maiisip na malambing at romantiko. She wished this moment could just freeze because she never felt this good with any man...Ngayon lang ulit, matapos ng walong taon... Nang tuluyan nilang ilayo ang mukha sa isa't-isa, nagtama ang mata nila, at may napag-usapan ang mata nila, may lenguwahe iyong ginamit, wari'y may sinabi ang mata nito na biglang naglaho. Napatayo si Nathan, inabot ang kamay niya, "Get up, Ms. Dizon, nilalamig ka na, bumalik ka na sa building," ng muli niya itong titigan, bigla na lang naglaho ang kislap ng mata nito, wala na siyang mabasa mula dito. Napatayo na rin siya, "Okay," may lungkot niyang sambit. "Kung ganoon, may nakita kang falling star?" tanong niya. Napatango ito. "Yup, but like I told you, walang magbabago, kaya bumalik ka na sa kuwarto mo," napasinghap ito, "Huwag mong kalimutang sekretarya pa rin kita, Ms. Dizon, and rule number three must be etched in your mind," biglaang panlalamig ng boses nito. Nanlumo siya sa narinig mula dito, ang buong akala niya'y may espesyal na namagitan sa kanila ilang segundo lang ang nakakaraan! So, that was it! Pati ba naman halik nila, ay wala lang pala dito?! "The rule that I should never fall inlove with a Nathan Castillo?" may pait siyang napatawa, "Puwes, okay! Tutuparin ko yan! Pero ang pinupunto ko dito, ang tinuturo ko lang sayo sir, ay hindi mo kontrolado lahat. Oo, you make your own destiny, oo kontrolado mo minsan, pero madalas sa hindi, kelangan mo lang maniwalang minsan lang talaga, nangyayari ang destiny, ano mang korni o hindi!" ********************** DALAWA LAMANG sila sa private plane na iyon na pag-aari ng kompanya, nakaupo siya sa isle na tanaw ang bintana, habang nasa kabilang isle rin ito sa dulo na kalinya lang niya.Nang tanawin niya ang ilalim, namataan niya ang islang siyang naging saksi ng sandali lamang ngunit masaya at mapait niyang alaala kasama si Nathan. Tulad nga ng korte ng isla, luha lamang ang idinulot na alala sa kanya ng islang iyon. Anong mukha pa ang ihaharap niya dito matapos ang nangyari sa kanila kagabi? Tinanaw niya ang bulto nitong mahimbing na natutulog sa di-kalayuan.Wala siyang nagawa kundi umidlip narin. "Hey, wake up..." isang tinig ang pumukaw sa kanya. Nang idilat niya ang mga mata, ang nakangising mukha ni Nathan ang nasilayan niya, nasapo niya ang pisngi, alam niyang tinapik at hinaplos siya ng kaharap niya, naningkit ang mata niya, kung hindi siya nagkakamali, parang may dumantay rin kasi sa labi niya. Imposible... "Ikaw na naman ba ang lumaklak ng sleeping pills?" ganting-angil ng kaharap at inabot sa kanya ang bagahe niya. Napatayo siya at nakaismid na hinablot ang bag niya mula sa kamay ni Nathan. "It's your day off, magpahinga ka,"anito. Gusto sana niyang sumigaw ng "Tse!" pero pinigil niya ang sarili. Sa halip, napatango na lamang siya. "Okay, ingat ka..." anito ng mapababa na sila. Napalingon siyang muli dito. Sinabi ba nitong mag-ingat siya? Ang hudyo! Mukhang nanghuhugas ata ng kamay sa nangyari sa kanila kagabi! "Wala, ang sabi ko, alis ka na," monotone na pahayag ng lalaki at sinuri ang reaksiyon niya. "Siyanga pala, teka, mahilig ka ba sa pet?" out-of-the-blue nitong dagdag tanong. "Pe-pet?!" taka niya. "May pet akong goldfish, pero pinatay ko!" masungit niyang tugon. Napahigop siya ng hangin at naniningkit ang mata na tumalikod. Wala na ba talaga itong matinong sasabihin?! "TITA! WE BOUGHT MOCHO FROM THERE!" excited na anunsiyo ni Cream at itinuro ang isang pet shop corner ng mall. "Come, tita! Idadalaw ko si Mocho sa friends niya, there's a fat Persian cat there, too!"Day-off nga niya pero kinumisyon naman siya ng ate niyang samahan nga si Cream sa mall, may biniling arts and crafts materials ang pamangkin para sa scrapbook project nito sa klase, hindi na niya napigilan ng isama nito si Mocho sa lakad. Sinuotan nito ng pampers at ala 'broadway'costume ang aso upang maiwasan ang magkalat. "Cream, huwag na, nagmamadali tayo, okay?" "Trust me," wink lang ng bata at pagka'y napatakbo. Nang pumasok na nga sila sa shop ay nagulat siya sa nadatnan. Mula sa counter ay nabanaag niya ang isang pamilyar na mukha. "Mrs. Montes," kiming kinawayan niya ang babae ng makalapit na sila ng counter. "Oh, it's you, hija!" malaking ngiti ang ginanti ng babae ng makilala siya. "Chloe, right?" napayuko ang babae, "And I think I know this child, and this dog!" bulalas ng babae. "Hi! I bought Mocho here, is it okay if he meet his old friends?" gilalas ng pamangkin. Na-aamused na napatango ang babae. Natutuwang tinunghayan ni Chloe ang babae, "May pet shop ho pala kayo? Napansin ko nga po sa bahay niyo, ang raming aso at pusa, kaya pala," ngiti niya, "Pagpasensyahan niyo na po yung sa party po ha..." tinanaw niya si Cream na nagpalibot-libot sa shop at mapanuring tinutunghayan ang mga nakahawlang aso, kumahol kahol naman ang hawak nitong si Mocho. "Oh, no problem, hija! Yeah, this pet shop is just a small business, yung yumao kong asawa na kapatid ng ama ni Nathan ay isang vet, kaya nakuha ko na rin sa kanya ang pagkagiliw sa mga hayop, ka-kamusta na pala ang pamangkin ko?" Sinabi niyang 'okay' lang, matipid. Biglang napabalik si Cream sa tabi niya,"Ma'am, where is that handsome tall man?" mahinhing tanong ng pamangkin niya kay Mrs.Montes. Nagkatinginan muna sila ni Mrs. Montes bago nito sagutin ang bata. "You mean, your tito Nathan? He's not here, maybe your tita knows where he is." "Really! Tita? You know him?!" excited na tili ng bata.Nangunot ang noo ni Chloe at nagtatanong na bumaling kay Mrs. Montes. "Yung New Year, bumisita kasi si Nathan dito, tapos nandito si Cream at yung mommy niya, tinulungan sila ni Nathan na pumili ng aso, nag day-off kasi yung assistant ko dito."  'Ta-talaga?!" maang niya at mapanuring dinantalan ng titig si Mocho. Kaya naman pala! Kasabwat ni Nathan ang asong ito! "And speaking of my pamangkin-" Napamaang si Chloe sa gulat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD