Chapter 4

2740 Words
"PAPA, NAKIKINIG KA BA?" pamaktol na inabot at kinuha ni Chloe ang pinag-kakaabalahan ng ama sa overbed table. Kasalukuyan itong nakaupo sa higaan sa silid ng hospital habang nasa gilid naman siya at nginunguya ang isang mansanas.  "Wow, mukhang country house ba to?" gilas niya ng matunghayan ang animo'y blueprint ng isang bahay na hindi pa natatapos. Napatango ang ama na may limampu't siyam na ang edad at napangiti, "sila Mrs. Smith, naalala mo yung kaibigan ng mama mo sa high school, yung laging tinitirintas ang buhok mo pag dumadalaw ka?"  Sandaling nahinto sa pagnguya si Chloe at napatango rin at napangiwi. Naalala nga niya si Ms. Alvarez na mahilig tirintasin ang buhok niya tuwing dumadalaw siya sa teacher's office ng ina noon. "Hindi mo nababalitaan eh' nakapangasawa na yun ng kano, tapos gagawa raw sila ng vacation house sa Tagaytay kaya ako ang kinumisyon," galak na wika ng ama, matagal-tagal na ring walang kliyenteng lumalapit dito simula ng magka-renal failure ito at manghina. Inayos ng ama nito ang salamin at kinuhang muli ang iginuhit. "Eh' di masaya na kayo, naku basta pa', huwag lang kayong masyadong magpapagod ha?" may lambing niyang tugon. "Hindi na, hindi ka ba nakinig sa doctor kanina anak? Ma-di-discharge na ako bukas, kaya wala na kayong dapat ipag-alala," puno ng confidence na tugon ng ama. "Tama yan! Mabuti naman at sa wakas ay naging mabait kang pasyente kasi alangan namang dito mo kami pagpaskuhin at ipag-New Year ni Ate at ni Cream noh!" pabiro niyang pinagalitan ang ama, na matigas ang ulo pagdating sa pag-inom ng prescribed medications nito. "Asus! sige na, ipagpatuloy mo na ang kuwento mo, nakikinig naman ako sayo eh, yung sa Na-Nathan ba yun?"  Kung masakit sa kanya ang pagkamatay ng ina, batid niyang mas doble ang mararamdaman niyang sakit kung mawawala ang ama, she grew up as his daddy's girl, naaalala niya noon, nagseselos pa ang ate niya sa kanya dahil laging siya ang pinapaburan ng ama.  Her papa was also her silent listener, mas nakakapapahayag siya dito, simula pa noon, naging habit na niya ang pagkukuwento dito, pero siyempre naman may tinitira siya sa sarili, lalo na yung mga censored. Tulad na lang kanina, bumagal ang pagpapak niya ng hawak ng mansanas ng bumalik sa guni-guni ang matamis este maasim na alaala: Habang sine-set-up ang laptop at projector sa conference room para sa gagawing presentation ni Nathan ukol sa bagong Del Cielo project sa board, hindi na napansin ni Chloe na nasagi ng heels ang wirings, at dahil tatanga-tanga ay napasigaw siya ng biglang matipalok at unti-unting naramdaman niya ang katawan na pumapadausdos sa tiled floor.  In a flash, an arm grabbed her waist from the back, mabilis siyang naipaling sa hangin at napatayo, nabangga ang likod niya sa animo'y isang matigas na dingding. She lowered her eyes at namataan ang isang medyo mabalahibong braso na mahigpit paring nakalikos sa bewang niya. She gasped at napalingon sa likod. Her eyeballs almost bulged out ng madiskubre kung sino ang superhero niya, it was Nathan! At ang bango, bango, bango pala nito kung ganoon kalapit... He smelled so nice and manly, his scent was... his scent was almost Napapikit siya, Nathan's scent was- Napadilat siya at muntik na napatumbang ulit ng bitiwan siya ng demonyong "superhero". Napapihit siya at napaharap kay Nathan, sapo ang dibdib. Nakita kaya nito ang pagpikit niya? Naku! Nakakahiya! "Are you really that clumsy?! Muntik mo nang masira ang laptop!" angil nito at inayos ang pagkaka-ayos ng laptop sa podium. Inabot nito ang isang kapirasong coupon bond, "here, nakalimutan kong isingit, paki photocopy ng mabilis bago pa magsimula ang meeting-" Hinablot niya ang coupon bond. This! This jerk! At ang laptop pa pala ang inaalala nito, ni hindi man lang nagtanong kung okay ba siya?! Kinalaunan, hindi na niya masyadong matandaan ang detalye ng meeting, what she recalled doing was to secretly draw Nathan's face in a blank small sheet, sinasaksak niya ng ballpen ang drawing nito! "So childish, anak," tanging komento ng ama at tumawa. "Huwag niyong sabihing kinakampihan niyo yung Nathan na iyon pa'?" simangot niya. Of course, censored ang kinuwento niya dito. "Oh," sandaling napalingon ang ama sa kanya, na-aamused na napangiti "look at that, is that a twenty-eight year old woman? Chloe, I don't know who your boss is, ang alam ko lang, mukhang pinoproblema mo ng masyado ang lalaking iyan, naku! Cool ka lang nak, ano bang matinong gawin pag inaaway ka?" binalik ng ama ang tuon sa ginagawa. *************************** CONFRONTATION. TAMA! CONFRONTATION NGA ang tawag sa ginawa ng sarili niyang sekretarya, on the record ito ang unang empleyadong kumompronta sa kanya. She was really annoying. She even did it in a day like Christmas eve matapos niyang aprubahan ang bonus nito! Kanina, paalis na sana siya ng mas maaga ng tawagin siya nito. Ang akala niya'y may regalo siguro itong ibibigay, but he was stunned by what he just thought was a speech! "Merry Christmas po Sir Nathan," ngiti nito ngunit bigla ding naglaho ang mala Close-up nitong ngiti, "alam kong hindi ako makakatulog at hindi ako magpapasko kung hindi ko to masasabi sayo, Nathan Castillo, kalakip ng pagiging isang boss ang pagiging tao, at kalakip ng pagiging tao ang pagkakaroon ng damdamin. In simple words, Sir, maging sensitive naman kayo, kung minsan po kasi, sumosobra na kayo! Pinapagalitan niyo ako ng sobra eh' ang liit liit ng kasalanan ko.Tapos yung ibang tao, tinatanggal niyo minsan kaagad, ni hindi lang man kayo naawa kay Ellen?! Magpapasko mamaya tapos ngayon niyo siya tinanggal! Hindi niyo ba alam na may global recession ngayon?! Tapos minsan nga, wala akong kasalanan parang sa akin niyo binubuhos ang ewan niyo, ewan ko ba kung anong galit yan!" Panandalian itong tumigil upang huminga ng isang beses, sisingit pa sana siya dahil nararamdaman na niya ang pagdikit ng mga kilay niya ngunit naunahan siya nito. "Sir! Kung tatanggalin niyo ko dahil dito, wala na akong pakialam, pero kargo-de-konsensya niyo na yun! Kaya kung gusto mong mahalin ka at hindi lamang sundin, buksan mo ang puso mo sa amin, don't look at us as just your employees. Alam kong may matututuhan ka, at mamahalin ka ng mga empleyado katulad ng pagmamahal na inialay nila sa ama mo..." tumingin ito sa relos, "ahy salamat! ala-singko na, timing! Pwede na po diba akong mag-out? Advance Merry Christmas!" bumalik ang ngiti nito at isinabit ang sling bag, patakbo nitong tinungo ang glass door. Ano kayang nakain ng babaeng yun?! Tiyak niya, may araw din ito! *************************** "PATAYIN NIYO NA KO! PATAYIN NIYO NA KO!" napahingos si Chloe at sandaling pinahid ang naka-ambang pagtulo ng sip-on niya. Bumulalas na naman siya ng iyak na parang gutom na sanggol at tinungga ang laman ng beer mug. Kasalukuyan silang nasa bar na naging habit na nilang pagtambayan tuwing December 25. Natawa lamang ang mga kaibigan niya. "Ang tindi mo girl! Nagawa mo talagang kumprontahin ang isang Nathan Castillo?!" gilas ni Jenny na sinegundahan ng mga kaibigan. "Anong magaling at matindi, eh wala na ata akong trabaho nito!" napaiyak na naman siya, may kaunti siyang naipon sa banko, pero hindi pa iyon sapat para ipatayo na nila ng ate niya ang pangarap nilang malaking cakeshop. "Kuh! Ang dapat diyan magbigay ka na ng resignation letter bago ka pa i-fire ng boss mo!" suhestiyon ni Raffy. "Naku kayo, talaga! Tinatakot niyo itong si Chloe, hindi pa naman natin alam, baka natauhan nga yung boss niya, diba?" sabat ni Flor. "Uy, ikaw Chloe ha, kilala kita, pag naiinis ka idina-drawing mo lang ang mukha ng tao sa papel, tapos sinasaksak mo, mukhang special case ata tong si Nathan na boss mo-" "Mayan naman, sumosobra na talaga siya, naiinis bigla eh' naka upo lang ako, talagang special siya, special child!" "Yay! Baka naman special sa puso mo, ikaw Chloe ha-" "No way!" pandidilat niya kay Raffy, "No way!" tili ulit niya ng magbungisngisan ang barkada, "ano na naman ba kayo, no way!" parang tangang napahagulhol siya ulit. Saan ka na? Saan ka na ba, sana nandito ka inaalo ako, hindi tulad ng mga kabarkada ko! Nang maglayo ang mukha nila, she gasped to breathe in air, and before she could even utter a word, yumuko ito at may ibinulong sa tenga niya, she could now smell the tinge of alcohol in his breath...He sticked out a piece of paper in her palms, and before she could even comprehend what he just whispered, he was gone.Nagpatuloy ang sigawan, but that man was gone, maybe, forever... ************************ HABANG NAGTO-TOOTHBRUSH AY HINDI MAPIGILANG tanawin ni Nathan ang sarili sa salamin. Am I really a demon? Guwapo naman ako ha, may demonyo bang guwapo? Naalala niya ang eksena sa party ng tita Anne niya kung saan nga niya nadiskubre ang palayaw niya. Sandali siyang napatigil at sinuring mabuti ang sarili habang puno pa ng puting toothpaste bubbles ang gilid ng bibig. Kinuha niya ang maliit na towel sa gilid at pinunas sa medyo basa pang buhok, animo'y may music video na bigla namang nag flash sa utak niya. Para iyong sirang plaka na pabalik-balik ng rewind sa utak niya. It was a scene where he came running to grab Chloe's waist ng makitang papadausdos na sana ito sa sahig, when he lifted her up, tumama sa kanya ang likuran nito, bahagyang nahalikan niya tuloy ang buhok nito. Pumihit siya at nagitla ng matunghayan itong nakapikit, suddenly, he had this urge to bow down his head and...KISS HER?! No! He must be crazy. Not this time again, with a secretary! ************************* "A-ANO? JOKE LANG PALA YUN?!" biglang naramdaman ni Chloe na nilubayan na siya ng dugo sa mukha. "Oo, ano ka ba! Ba't mo ko sineseryoso palagi ang mga pinasasabi ko, nag-away nga kami ng mister ko noh, kaya iyak ako ng iyak nun," inayos ni Ellen ang salamin at tumawa, "Joke lang yung sinabi ko na tinanggal na ko ni Sir Nathan, hello? Christmas eve kaya nun, sinong matinong boss ang nagtatanggal ng trabahante sa araw na iyon?" Mawawalan na ata siya ng ulirat, ang totoo'y nagkaroon nga siya ng lakas na kumprontahin na si Nathan dahil sa buong akala niya'y walang puso nitong tinanggal ang kaibigan sa posisyon! Naningkit ang mata niya kay Ellen. Grrr! "E-ellen, Kung ikaw ang boss, anong mararamdaman mo kung inaway ka ng trabahante mo sa araw na tulad nalang ng katatapos na...Christmas eve?" "Bakit? Sino naman yan?" "Ah-ahh, yung kaibigan ko, ginawa niya yun, naku nakakaloka!" "Tama! Luka-loka nga!" nanlaki ang mata ni Ellen, "talagang nagawa niya yun? Naku, kahit na kasingsama ni Satanas yung boss ko, kung binigyan niya ko ng Christmas bonus hindi ko gagawin yun, hindi ba siya nahi-" Napahinga si Chloe at nagpasalamat na nagshift ang attention ni Ellen sa iba, yun nga rin ang napansin ni Chloe, pag nalilihis na ang atensiyon nito, nakakalimutan na nito ang nakaraang usapan. "Si Hans, si Hans ba talaga ang sa tingin ko'y papalapit sa atin?" medyo pumiyok ang tinig nito. Napalingon siya sa likod at nakita nga ang lalaking abot-tenga ang ngiti. "Hey there, Chloe! Mind if I join?" tawag nito at ipinatong sa lamesa nila ang tray nito. Umupo ito sa tabi niya, at kahit malapad naman ang upuan ay pinausad at siniksik siya nito sa dingding sa gilid, na halos magka-glue na ang mga braso nila. Napatikhim siya at malakas na siniko ito upang bigyan sila ng pagitan.  Natawa ang lalaki, "kamusta na ang kotse mo?" kaswal nitong tanong at parang hindi napansin si Ellen na nakatunganga sa kanilang dalawa, naradaman din niya ang mapanuring mabilis na mga sulyap ng mga kababaihang empleyada sa mga kalapit na lamesa sa canteen. "Okay na, nakuha ko na noong nakaraang araw sa talyer, naku, salamat talaga," ngiti niya ngunit napangiwi ng biglang ilapit ng lalaki ang mukha nito sa kanya. Dumikit ang daliri nito sa gilid ng labi niya at pagkaraa'y may pinunasan lamang pala. "May sauce ka sa gilid ng bibig mo," nakakaloko nitong ngisi. Napayuko siya sa chicken barbecue niya sa plato. "Excuse me, magkakilala kayo?" buo at mataas na boses na tanong ni Ellen.Napatango silang dalawa ni Hans. Kinuwento na nga ni Chloe ang nangyari tungkol sa kotse niya habang nagsimula ng kumain ang lalaki. Noong nakaraang araw nga ay hindi naman lumitaw ang lalaki sa canteen noong sabihin nitong makikisabay nga ito sa kanya. "At nangako siyang makikipag-date sa akin tuwing lunchbreak!" malakas na anunsiyo ni Hans at bumalik na ng kain. Nagkatinginan si Chloe at si Ellen, sandaliang napataas din ng tingin ang mga kababaihang nasa kalapit nilang tables, may ibang napatayo at matalim siyang inismiran bago tumalikod ng lakad. "Na-naku! Hindi!" tigagal niya at pinandilatan ang katabi, "Nagbibiro lang itong si Hans, ano ka ba? Siyempre, pwede naman siyang makisabay sa atin ka-kasi friends!" Pinagpalit-palitan sila ng tingin ni Ellen, at ewan ba niya kung inggit ang nabanaag niya sa mata nito o pag-aalala. Naiintindihan naman niya kung kamumuhian na siya ngayon ng lahat ng kababaihan sa kompanya, paglaanan ba naman siya ng pansin ng isang Hans Castillo na sa na-research niya ay "crush ng ata ng lahat ng nakapalda sa kompanya." Nahagip din niya ang balitang bawat departamento nga ay may napaiyak na ito.Mabilis niyang sinaid ang pinakahuling butil ng kanin at napatayo. "Hans, una na kami ni Ellen ha," ngiti niya at sinenyasan si Ellen na nalilitong napatayo rin. "Babalik ka na kay Nathan?" may pabirong maktol sa boses ng lalaki.Pinunasan na nito ang bibig ng tissue at napatayo rin, "kung ganoon, ihahatid ko nang pauwi sa office niya ang date ko," parang tuta nitong ngiti. Naku! Mukhang may kanya-kanyang topak talaga ang mga Castillo, una si Nathan, at ngayon naman ay si Hans! At talaga ngang ihahatid siya nito sa opisina, nauna ng bumaba sa ikapitong palapag si Ellen at naiwan nalang silang dalawa para sa ikawalong palapag. Malaking tawa ang naibulalas niya when they hopped outside the elevator, Hans said something very funny.  Sa pagtawa niya, hindi na niya namalayan ang paa, sa taas ng heels niya, she took one undecisive stride at napatipalok. NANG ITAAS NI NATHAN ANG TINGIN, hindi na niya naisalo ang parker pen na iniitsa sa hangin, sa halip, napapikit siyang bigla ng diretsong lumanding sa ulo niya ang mabigat na ballpen. Tama ba ang nakita niya? Nakita ba talaga niya ang pinsan niyang si Hans na pumasok sa napakaganda niyang glass door ng opisina karga-karga na katulad ng prinsesa ang sekretarya niya?! "Bi-bitiwan mo na ko!" matinis na tili ni Chloe, namumutla ito at ng ibaba na ni Hans ay napatingin sa kanya, animo'y nabigla ng makita siyang nakapostura sa swivel chair. "Okay na ba yung natipalok mong paa?" nakayukong tanong ni Hans kay Chloe at napatingin narin sa kanya, napakaway ito, "Hello Nath, este sir, natipalok kasi yung sekretarya niyo kaya hinatid ko na!" Hindi niya napigilan ang bahagyang paniningkit ng mata, hindi niya alam kung anong isasagot o gagawing reaksiyon. "See you later, Chloe..." narinig niyang masuyong bigkas ng pinsan sa dalaga. Napatango-dili naman ang babae at nagpasalamat. Ano to? Nanood lang siya ng romantic movie, ganun?! Ng lumabas na nga ang pinsan, halos hindi makatingin sa kanya si Chloe, mabagal na napalakad ito sa lamesa nito. Nang maupo na ito, nagkatinginan sila. "Yung response letter, saan na?" matalim niyang bigkas para may mabigkas lang. "Le-letter? Wa-wala naman po kayong binilin na letter..." lito nitong bigkas. "Ah, talaga?" tugon niya, "Ms. Dizon, I wan't to tell you something." "Ano po sir?" tatayo sana ito pero pinigil niya. "This is nothing important really, and I really don't care about this, it's just it's annoying Ms. Dizon, kung may kaharutan ka man sana huwag mong dalhin dito sa opisina. Even if it's my cousin wala akong pakialam, like what I've told you, don't make any nuisances. Kung may pwedeng makipaglambingan dito sa apat na sulok ng office, ako yun, dahil pag-aari ko to. Isa pa, hindi ka uuwi ng maaga ngayon,one of the the Del Cielo Developers executive contacted me personally, isa sa pinakatanyag na land development company ang Del Cielo, this coming 2013, they'll build the largest hotel resort right in one of the most beautiful island in Palawan,and they've chosen us as the design-build general contractor for the project. I don't want to disappoint them. I wan't you for an overtime, understood?" litanya niya. Napatango lang ang babae, bahagya niyang nakita ang pagngiwi nito. "I didn't hear your answer, Ms. Dizon, understood?"inis niyang dagdag, he doesn't like her reaction. "Yes sir!" may tigas na tugon ni Chloe. "Okay, serves you right, Ms. Dizon, buti at hindi pa kita sinasante sa ginawa mong kapangahasan noong nakaraang araw, gaya nga ng sabi mo, may global recession na nangyayari, buti na nga lang may konsensya ako-" wala sa sariling naiwika ni Nathan. "About that sir, I'm very sorry, akala ko kasi, sinisante mo si Ellen. Thank you rin sa pagpapanatili niyo sakin, pero as for the thought at sa mga naiparating ko, hindi magbabago yun. My opinion about you will stand, not until a miracle happens." He saw her creamy white cheeks suddenly blush. Nagkatitigan sila. Uh-oh, this is not good, how long will we be staring at each other? Considering that this lady is getting lovelier in my eyes every passing second...bigla niyang pinagalitan ang sarili. "Ms. Dizon, huwag mo kong tingnan ng ganyan katagal, baka isipin kong hindi lang si Hans ang gusto mo..." monotone niyang pahayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD