Chapter 3

2179 Words
SHE HOPPED OUTSIDE THE MINI VAN, tumambad sa kanya ang asul na mataas na gate ng bahay. "Anne Montes", basa niya sa papel na ibinigay ng ate, napatango-tango siya at pinindot na ang doorbell. May kaya siguro ang nakatira dito, naisip niya, malaki ang nababanaag niyang English style house.Ilang segundo pa'y sumiwang na ang gate at napasilip ang isang babaeng tingin niya ay katiwala. "Cream's Bakeshoppe goodies ho," kaway niya, "um-order po si Anne Montes para sa birthday ng anak niya ng tig one hundred na cookies at muffins, tapos may cake pa ho," ngiti niya at itinuro ang van. Binuksan naman nito ang gate at pinapasok sa garahe ang behikulo. "Eto ho," binigay na niya ang resibo kay Mrs. Montes na may kuwarenta na ang edad. Masaya niyang nilingon ang table kung saan ini-set up ang dala-dalang baked goodies at cake, maingay na nagkumpulan doon ang mga batang may suot na party hats na may edad lima hanggang otso. "Anong pangalan mo hija? Kain ka muna, magsisimula na naman ang party ni Jimmy. Mabilis lang, tutal naman alas sais na," ngiti ni Mrs. Montes. Sa palagay niya ay ampon nito si Jimmy, matanda na ito para magka-anak. "Ho-ho?" nangiti aiya at napailing, "naku huwag na po, nakakahiya, nagluto po sa bahay si ate..." "Si-sige na naman," hinawakan ni Mrs. Montecillo ang braso niya, "ano nga ulit ang pangalan mo?" Matipid niyang sinambulat ang pangalan niya. "Si-sige na, may mga parents naman, tapos may mga pamangkin akong darating, halos mas matanda lang kunti sayo, tapos yung isa, single yun, ipapakilala kita, ahy, single ka ba hija?" Napanganga si Chloe sa tinuran ng babae, at gusto ata siyang i-matchmake sa pamangkin nito! "Single nga po..." ngiti niya. "Naku! Tamang-tama! Ang ganda mo kasi eh, naisip ko lang bagay kayo ng pamangkin kong yun! Tapos, pwede mo na ring i-endorse yung negosyo mo sa ibang parents, hindi ba?" "Hi-hindi po sa akin ang Cream's, sa ate ko po, inutusan lang ako, nagtatrabaho po ako sa isang kompanya, sekretarya po ako." "Ah, talaga?" maang ni Mrs. Montes, "okay naman yang trabahong yan basta mabait lang ang boss mo, hindi ba, yung ipakikilala ko sayo head ng kompanya yun, napakabait nun..." ngiti nito. Napangiwi siya, "Naku, kaiba naman po yung boss ko sa pamangkin niyo," iling niya, "saksakan ng sungit, tawag nga nun sa labas ng office naming eh' demonyo, tapos minsan halimaw, o bakulaw, napakababaero pa at mayabang!" Napatawa ang kausap, mukhang natuwa sa kanya. "Eh di mag resign ka na hija, doon ka na lang mag sekretarya sa pamangkin ko, ahy teka, mag bo-blow na pala ng cake si Jimmy, babalik lang ako, kain ka ha?" Napatango at napangiti si Chloe, batid niyang magaan ang loob sa kanya ng babae. Gusto sana talaga niyang tumanggi ngunit ng madapuan na ng tingin ang nakahanda sa malaki at mahabang buffet table ay napaupo nalang siya sa plastic chair.  Naisip niya, sana isinama na lang niya ang siyam na anyos niyang pamangkin na si Cream, tiyak matutuwa yun, na-iimagine na niya kung ano ang gagawin ng pamangking iyon: e-englisan nito ang mga batang kalaro hanggang dumugo ang ilong, at ipapaliwanag ng pamangkin ang mechanism ng epistaxis! Matapos nga ng pagkanta ng 'happy birthday song' ay inabutan na sila ng isang babae ng plastic plates. Pinuntahan naman niya ang birthday celebrant at kumaway dito at bumati.Naghintay muna siya ng ilang minuto bago kumuha ng spaghetti, afritada at isang chicken drumstick at maraming macaroni.Minsanan lang din naman siya ganito kakapal ang mukha kaya itotodo na niya noh! Kumuha siya ng dalawang muffins sa salansan na inayos.Napabungisngis siya sa ginawa.Malapit na niyang masaid ang laman ng plato at kakagat na sana sa muffins na hawak ng mahagip ng atensiyon niya ang batang anak na si Jimmy ni Mrs. Montes. "Titooooo!" malakas nitong sigaw at tumakbo at yumakap sa isang lalaki. Nakangiting inabot ng lalaki ang isang nakabalot na malaking gift sa bata.Biglang nabitiwan ni Chloe ang muffins niya, at napahalukipkip sa kinauupuan.  Ngek! Ito ba ang sinasabing pamangkin ni Mrs. Montes? Kailangan na niyang makatakas, Naku! Nakakahiya to, patay! Lumapit na dito si Mrs. Montes, mabilis na itinuro ang isang bagay: ang plastic chair na katabi niya! "Hijo, salamat nga pala sa pagdalaw kay Jimmy, kanina pa yun excited sa magiging gift mo daw, upo ka muna dito, may ipakikilala ako..." ngiti ng matanda. Nakayukong napatayo si Chloe mula sa kinauupuan at mabilis sanang e-exit ng tawagin siya ng matanda. "Ah eto si...miss! teka-" gulat na pigil sa kanya ng matanda. Wala na siyang nagawa kundi pumihit at itaas ang nakayukong mukha na may ugom nang muffins. Sandaling nanlaki ang matang iyon ng binata, ang masayang mata ay naningkit at pakiramdam niya isa siyang specimen na matamang sinuri nito! Naku, patay na talaga! Dedbol! "Hijo, she's Chloe Dizon, they own the delicious goodie shop kung saan ako lately um-order, diba hija?" ngiti ng matanda, na obviously pinagma-matchmake sila, "and this is my pamangkin, Nathan Castillo..." Napalulon siya ng laway ng e-ekis na ng binata ang braso nito sa dibdib nito. Naghari ang nakakaingay na katahimikan. Narinig ni Chloe ang nakakabinging undiscorded music sa utak. "Wh-why? Do you know each other?" litong tanong ng matanda na pinagpalit-palitan sila ng tingin. "Yeah, I know this woman, she's my secretary tita," flat tone na tugon ng binata, "what a small world isn't it Ms. Dizon?" sarkastikong ngiti ng lalaki, tinitigan ang laman ng hawak parin niyang plato. S andaling namutla ngunit napabulalas ng tawa ang matanda, tinapik nito ang braso ni Chloe, "Hija, ikaw naman! Yung pamangkin ko pala ang tinutukoy mong demonyo, halimaw o bakulaw mong boss!" na-aamused na napangiti ang medyo tabain at mestizang matanda at napatawang muli. Mas lalong napahalukipkip si Chloe. Feeling niya gusto niyang magseizure, gayong parang na tetanus na naglock-jaw ang panga niya! "Ano?!" Nathan gaped in disbelief, "what, anong demonyo, tita, did I hear it correctly?!" "Ha-ha?" tigagal ni Chloe, "ah wala, ang sabi ng tita mo, ah basta wala!" nahihiyang napabaling siya sa matanda, "naku po, salamat po talaga, uuwi na ako," may pagsusumamo sa mata niya. "May pagkain ka pa sa plato, ubusin mo muna..." ngiti ng matanda. "Ah sige ho, i-te-take out ko na lang," napatingin siya sa dalawang muffins sa plato, Nakakahiya na talaga! Grrr! "Si-sir, nice meeting you, aagahan ko po bukas..." mapakla siyang napangiti. "I can't believe it," Chloe saw Nathan's eyes roll briefly, "i-te-take out mo ang idi-neliver mo lang sa client?!" a small chuckle escaped from him, nanunuya. "Hi-hijo, it's okay, at saka mukhang palabiro talagang itong si Chloe, right?" baling sa kanya ni Mrs. Montes. "O-oho, naku! Biro lang yun!" sandaling pinandilatan niya si Nathan, di bale na, wala naman sila sa office ngayon, "Una napo talaga ako, thank you po!" ngiti niya sa matanda. Tumango ang matanda. "Sayang naman, eh sana'y mag-usap pa kayo nitong pamangkin ko, siyempre, iba na yung nasa opisina kayo at nasa labas..." may paghihinayang na sambit ng matanda. "Tita!" Nathan chuckled again, "here you go again, matchmaking," napailing ito at sinuyuran ng tingin si Chloe, "eh wala namang pumapasa sa panlasa ko sa lahat ng itini-try mo-" Nathan just laughed and smiled, mapang-kutya man, pero na realized ni Chloe na first time nga pala niyang makitang tumawa at mangiti si Nathan. And he could be coined an angel kung pinapanood ang eksenang iyon sa 'silent film'! "Si-sige ho, salamat po talaga," balik-realidad na anunsiyo ni Chloe," mukhang sumasakit na ang tiyan ko, napasukan ata ng malakas na hangin..."tinitigan niya ang boss, kumaway na siya at napatalikod. Narinig niya ang malutong na pagtawa ni Mrs. Montes ng masilip ang pangungunot ng noo ni Nathan. ***************************** HINDI NIYA MAINTINDIHAN KUNG BAKIT KELANGAN niyang masiraan ng kotse, mabuti'y napa-parking siyang bigla sa gilid ng hindi naman medyo may ka-busy-han na highway. "Hey miss, you need help?" sumiwang mula sa tinted window ng isang Black Sedan ang isang lalaki. The guy was disalarmingly cute, singkit ang mata nito na klarong-klaro ang Chinese descent, balingkinitan ang kutis nito at mukhang neat. Napalinga siya sa paligid, at nag-alanganin kung pagkakatiwalaan ang lalaki. Napatango-tango narin siya, kanina pa kasi siya namumoblema at kanina pa walang humihinto at nag-oofer ng tulong. "Hey, don't be scared, I know you, your Nathan's secretary, hindi mo lang ako kilala but I work at the same company, papunta ka na rin hindi ba?" ngiti nito, nakalabas na ito ng kotse at biglang yumuko at sinipat-sipat ang ilalim ng nakabukas na hood, sinuri nito iyon. Kuminang naman ang mata ni Chloe, "Talaga? Sa Castillo ka rin nagtratrabaho?" galak niyang tanong at ka-trabaho pala niya ang lalaki, mas kumomportable ang pakiramdam niya. "Oo eh, nagloko ang kotse, ma le-late na ako..." problemado niyang dagdag. Naalala niyang bigla si Nathan. Nong nakaraang linggo ng minsang ma-late sya ng sampung minuto, kahindik-hindik na bulyaw ang natanggap niya, at inaburido siya ng hudyong Nathan na iyon buong araw sa puntong ipagpapalit na niya ang kaluluwa sa demonyo huwag lang ma-late ulit!  "Huwag kang mag-alala, akong bahala sa iyo kay Nathan, isumbong mo sa akin kung papapagalitan ka, makakatikim sakin yun!" pabirong ikinuyumos nito ang palad at ipinaling sa hangin. "Te-teka nga, huwag mong sabihing close ka sa boss ko? Tsaka, anong pangalan mo?" "Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala..." napatawa ito at napakamot sa batok, "Hans, Hans Castillo, Ms. Chloe Dizon," inilahad nito nito ang kamay sa kanya. "Ca-Castillo?" lito niyang tanong, "teka, Castillo ka rin? Ba-bakit alam mo ang pangalan ko?" tinuro niya ang sarili. Napangiti ito, nakabukas parin ang palad. "Oo nga pala, bago ka pa sa kompanya, I'm Nath's cousin, I work as a site engineer in the company,lagi akong nasa field kaya hindi mo ko madalas nakikita." "Ahh," tango niya, at inabot na ang kamay nito, napakunot-noo, "eh, ba't mo ko kilala?" Imposible naman sigurong maikuwento ako ng Nathan na iyon... "Nakita kita minsan, noong may inasikaso ako, napadaan ako sa may Xerox machine at nakita kita, pinagtanong ko ang pangalan mo, so nakilala kita," mas inilapit nito ang mukha, "mas maganda ka nga talaga sa malapitan," pilyong ngiti nito.  Inilayo niya ang mukha at napayuko sa may hood. "Ah, ano nga palang problema ng kotse ko? Unang beses kasi to," napailing-iling siya, ang totoo'y mas problemado talaga siya sa magiging reaksiyon ni Nathan keysa sa kotse niya. Ini-esplikar na ng lalaki ang problema ng kotse niya, tungkol iyon sa igniton at sparkplug. Nang mai-tow na sa sasakyan nito ang kotse niya at maihatid sa kalapit na talyer, naki-hitch na lang siya sa Sedan nito. Kung gaano ka cold at kasungit si Nathan sa kanya ay siyang ka-feeling close at bolero nitong si Hans, tanong ng tanong ito sa kanya ng panay kwento, nalaman niyang sabay ngang nag-aral ng Engineering ang dalawa sa University of Ilinnois sa Amerika, matapos ay kumuha si Nathan ng MBA sa LaSalle at si Hans naman daw ay namasukan na sa kompanya. Anak ito ng nakababatang kapatid ng ama ni Nathan, parang kapatid narin daw ang turingan ng dalawa. "San ka nag-la lunch, canteen?" lingon ni Hans sa kanya. "Ah, Oo" tango niya, napangiwi siya ng matitigan ang relos, late na siya ng sampung minuto. "Sabay tayo mamaya, pwede?" Hindi na napansin ni Chloe na nag-parking na pala ang Sedan nito. "Hey, pwede?" ngiti nito, nagulat si Chloe ng pumihit ito at pisilin nito ang pisngi niya. Napatango-dili siya, marahang iniwakli ang nakapisil na mga daliri nito, "Sa-salamat talaga, Hans!" taas-yuko ang mukha niya habang nakangiti. "Una nako!" kaway niya at naunang napalabas ng kotse at napatakbo. ************************ DID HE JUST SAW CHLOE EMERGE from that Black Sedan?! Nakakunot na tanong sa isip ni Nathan. Kaka-parking lang ng SLK Mercedez sports car niya ng mahagip ang bulto ng dalaga na mabilis na nagtatatakbo. Tinitigan niya ang relos, kung ganoon late na ito. Ako lang ang may karapatang ma-late sa sarili kong office... unti-unting naningkit ang mata niya. Matapos siyang laitin ng babaeng iyon sa harap ng 'tiya' niya kagabi ay may mukha pa itong ma-late! Sinuri niyang muli ang Sedan, na mukhang pamilyar sa kanya. Nagitla siya ng makitang may bumaba ulit sa Sedan na iyon. Si Hans! Napalitan ng pakalito ang kanina'y inis sa isip. Current flavor of the week ba ng pinsan niya ang sekretarya niya? He snorted and decided not to care, bumaba na siya ng kotse at inayos ang medyo tabinging necktie.He considered himself the god of neatness and order, when something goes beyond his routine, then he'll be snapping out and freaking. Noon, minsan na niyang hinayaan ang sarili na magpatangay sa agos ng buhay, sa agos ng damdamin, he went outside his ordered and planned life but he ended up hurting. Si Mariolle ang dahilan niyon, ang babaeng nagturo sa kanya na ang lahat ay nakasulat sa bituin, maging ang pag-ibig. Love has it's perfect timing and everything will fall into place when that one destined person for you comes knocking into your heart, by then, you will know, everything was already written in the stars. Hindi niya malilimutan iyon, the woman whom he have opened his heart said it the night before the confrontation happened. Engaged na sila. But one day, she came sobbing in his arms at sinabi nitong ipinagpalit na siya nito sa isang lalaki, that other man was way too much older but much more richer than him. Pera lang ang habol nito sa kanya, tama ang lahat, pinatunayan nito ang hinala ng lahat. That's why he cannot stop but scoff when love comes into the topic, specially that melodramatic starry-night stories, he already had enough of that foolishness! Kung may nakasulat man sa bituin nakakasigurado siyang ito iyon: na ang mga babaeng pinipili niyang maka-attach ay tulad lamang ng baseball sa Amerika at basketball naman sa Pilipinas: isang national 'pastime'. Napasinghap siya. Hindi na dapat niya ina-alala ang nakaraan. Mariolle, was just a bad dream. Nagising na siya sa bangungot na iyon, matagal na. Stars. May biglang sumilip sa katinuan niya. Napangiti siya.  Bakit hindi man lang ba tumawag ang estrangherang iyon?  Umaasa ba ito sa tadhana? Is that girl still waiting for that star's promise? Fool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD