Chapter 4 - MNSSF Teaser

1440 Words
       NAKA-NECKTIE, PUTING POLO SHIRT at brown slacks, his shiny black shoes threaded the auditorium, damang-damang niya ang titig ng mga estudyante sa kanya, lahat nagbubulungan kung sinong propesor siya, mukhang napakabata kasi. Dumaan siya sa paunang stretch ng mga seat ng silya na naka-reserved talaga sa mga guro ng University. Bago pa man siya makaupo ay may kumalabit na sa kanya sa likod, isang babaeng may lagpas na ata trenta ang edad, naka-blue pencil skirt at halos lumuwa na ang cleavage sa revealing cut shirt nito.      “Hi, Ms. Paula from Student Affairs department, I believe ikaw yung bagong professor sa College ng Social Sciences?” Napatango si William, at isang segundo pa’y binigyan na siya ng pamphlet ng program ng Freshmen’s Welcome Day. Pinaupo siya nito sa gilid niya, isang minuto pa, bumula na ang bibig nito kakakuwento, ito daw ang emcee, at ng lumaon, napuno na ang silya ng mga late profs at mga late na estudyante. The auditorium was crammed, may mga Seniors pababa sa Sophies na may bitbit na welcome banners.      Hindi na niya nabuksan ang program, ng umalis si Ms. Paula, isang kakosa niya sa Department na baguhan ring propesor noong nag-Senior siya ang lumapit sa kanya, si Jeff. Philippine History ito at habang siya, Politics naman ang sisimulan na niyang ituro. Sa tingin niya, makakasundo niya ito.      Makalipas ng tatlumpung-minuto, matapos niyang umalis muna ng isang minutopa upang bumili ng mineral water sa vending machine at mapaupo, mabuksan ang tab ng mineral at pagka’y tinunggab ang laman niyon ay halos mai-shoot niya bigla sa katabing si Jeff ang laman ng bibig niya. Napataas ang mukha niya sa podium, hindi makapaniwala sa naabutan niyang nag-i-i-speech!      ISANG EVIL AT AMUSED SMIRK ang pinakawalan ni Jasmine, she was standing in the podium, siya bilang si Jasmine Ferrer ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa lahat ng estudyanteng kumukha ng entrance sa University na iyon! Kitang-kita niya ang pagmaang ni William sa kanya, na nasa katapat ng podium lang niya.      Haha. Magaling, akala mo siguro William matatakasan mo ako ano? Ang kampante mo siguro, alam mo sigurong feedback tungkol sakin sa Highschool, na bobita ako, kampanteng-kampante ka siguro na never mo makikita ni toenails ko sa vicinity ng akala mong prestihiyosong University na ‘to!Puwes! Alam mo ba ginawa ko? Sa kauna-unahang beses sa buhay ko, nagsunog ako ng kilay, hindi ako natulog hangga’t hindi ko memoryado lahat ng equations, pati scientific theories.      “At ang inspirasyon ko po, sa pagsisikap ng pag-aaral ay ang aking fiancé-“impromptu speech niya ng abisuhan siya dahil siya ang may highest rating eh, siya daw ang mag-i-Inspirational speech sa lahat ng freshies. “Kung hindi po dahil sa kanya-“ sinulyapan niya si William at hindi nakatiis ay dinilaan ito na ikinalaki ng mata nito.      “Wala po ako sa harap niyo ngayon!” Napatingin siya sa crowd na medyo napanganga sa tinuran niya, ang iba’y nagbulungan. Hala! Nagulat ata at sa kabubuwitan kong ito ay may fiancé nako? “Opo,” masaya niyang confirm ulit, “may fiancé na po ako, pinagkasundo kami ng mga mama namin, mga bata pa lang kami. At para kay mama, tutuparin ko po ang pangarap niya, para sa amin ng fiancé ko na, andito po at nakaupo ngayon!”      Sa gulat niya ay biglang napatayo si William-      “Ahy, este nakatayo po pala ngayon!” pagtatama niya. Nagulat na naman ang crowd at nagkabalian ng leeg, tinitingnan ang mga katabi, lalo na ng mga kumpulan ng Seniors na nakatayo sa gilid.      Napaupo at mukhang nagulat rin si William, kaya’t napaupo ulit.      “Ahy, teka, umupo siya ulit!” habol niya.      Obviously, mukhang na-magnet ang iilang titig sa kaka-upong bulto lang naman ni William. Ngunit bigla niyang naalala ang payo ng papa Sam niya at ni Tito Arthur: Hija, papayag kaming mag-aral ka sa University ni William, para mapalapit ka sa kanya at makita niyang maayos ka namang tao, ma-mo-monitor mo rin ang galaw niya, pero isa lang ang hihingin namin, para rin sa trabaho ni William, hindi mo pwedeng ipagkalat sa buong eskwela na fiancé mo siya. Pwede mo lang yung ipagtapat pag graduate ka na. Alam mo naman, bawal ang teacher-student relationship, hindi ba?      Ang dapat lang nilang malaman, malapit na magkaibigan ang pamilya niyo, hanggang doon lang.      Patay! Mukhang sa bukod sa ginulat niya si William ay baka katayin na siya nito mamaya! May rescue line dapat siya…      Sa pagkamangha ng lahat ay may tumayo bigla sa kumpulan ng mga Freshies na iyon na isang bulto. Napataas ito ng kamay, at sa halos isang cadet officer na boses ay may in-anunsiyo. “Ako po si Darren! At ako ang inspirasyon ng pinakamatalino at pinakamagandang estudyante sa University na ito. Huwag po kayong mag-alala, iingatan ko po si Jasmine Ferrer, bago po kami umabot sa tamang edad para magpakasal!”      Sa isang iglap pa, napuno ng hiyawan ng mga estudyante ang buong auditorium. Mukhang na-excite sa panibagong loveteam na kakaabangan sa University. Manghang-mangha naman ang mga profs, at kintal naman ang pagkalitong bigla sa mukhang iyon ni William.      Napabulong pa sa kanya bigla si Jeff, “Ibang-iba na talagang mga kabataan ngayon ano? Ke’ bata pa ay may mga fiancé ng nalalaman? Sayang eh’ maganda pa naman!”      Biglang napabalik ng titig si William sa nagulat ring si Jasmine, hindi niya alam kung sinong una niyang dapat sana’y nabugahan ng tubig, yung nasa podium ba o yung katabi niya.      “Ah mali! Hindi po siya-“tilaok naman ni Jasmine bilang esplikar sa naganap na anunsiyo ngunit naagaw na ng emcee ang microphone sa kanya. Napairap ito sa kanya at sinabing malapit na ang lunchtime. Mariin niyang ini-laser ng tingin si Darren. At ang kumag!  Hanggang dito ba naman ay sinundan pala siya?      Pababa na siya ng hagdan ng stage na bwisit na bwisit sa maganda na sanang speech niya ng hagilapin niya ulit ng tingin si William. Patay-mali rin siya nitong tinitigan, at bago pa man siya mag-iwas ng tingin ay una na nitong naiiwas ang ulo sa kanya, na animo’y walang nangyari. Nahuli pa niya ang pagngiti nito sa katabi nito at ang pagtango-tango ng ulo.      Hay, William! Wala kang takas sakin, kita mo lang at makikita mo mukha ko mamaya! Haha! Excited na ‘ko. Matititigan na kita ng matagal for free! Parang tanga siyang biglang kinilig, at di na napansin ang hagdan, kaya’t ang resulta, napamudmod mukha niya pababa!      HINDI MALAMAN NI WILLIAM KUNG TALAGANG ganoon lang talaga si Jasmine tuwing mga klase nito o sadyang dinapuan na ito ng sakit sa pag-iisip, kanina pa ito nakanganga, kung sa anime pa, kulang na lang i-eksahradang patayuin ang dulo ng tenga nito sa listo at sa pagkaka-straight ng postura nito. Bawat kilos niya, sinusundan ata ng eyeballs nito, kulang na lang kudlitan ng heartshape ang dalawang mata nito. Hindi siya masyadong makapag-concentrate, ngayon lang siya naisala sa ganoong mga titig, na halos ni paggalaw ata ng dulo ng daliri niya ay napapansin ng bubuwit. Oo na, ‘bubuwit’ na ang palihim niyang tawag sa makulit na si Jasmine!      Noong una, parang maliit niya itong kapatid, binibigyan pa niya ito ng kendi noong elementarya ito at Highschool pa siya, pero noong nag Grade Six na ito, nagsimula na ang panunukso ng mga kabarkada niya noon. College na siya noon at naging kapansin-pansin nga ang hindi pangkaraniwang paghingi ng atensiyon sa kanya ni Jasmine, animo’y hindi na ito bata at isang maliit na dalaga na, mas naging awkward pa sa kanya ang lahat ng minsang hatdan siya mismo ng bubuwit ng cake na binake nito sa labas ng Boy’s dormitory niya. Valentine’s day noon, at walang kagatol-gatol na nilasap ng mga ka-dorm mate ang cake ni Jasmine na hugis puso pa ang desinyo, habang pinaparinggan ang tinik niya sa mga bata. Nagpasalamat naman siya sa bata, pero sinabihan itong huwag ng sususlpot basta-basta sa dormitoryo niya. Hindi na niya ininda ang nangyari, inisip na baka ganoon lang talaga si Jasmine o di kaya’y kay Tita Amy naman talaga galing ang cake. Pero lihim sa kanya ang pagbuo ng unti-unting hinala na ‘crush’ siya nito.      Sanay na dapat siya sa mga ganoong uri ng paghanga, Highschool pa, marami naring nag-co-confess sa kanya na crush nga daw siya nila kahit daw masungit siya o di palapansin. But garnering Jasmine’s almost brutally showy affection carried a different note within him. Nasanay na kasi siyang parang kuya nito.      Kaya’t ganoon na lang ang gimbal niya ng i-anunsiyo ng papa niya ang pagpupumilit na i-pares siya kay Jasmine!      Mukhang may loveteam na rin naman ito, na kasalukuyang nahahagip niya ngayong nakatunganga kay Jasmine sa ilang layo ng silya sa mga kumpol ng estudyanteng kaharap niya ngayon. Eh’ ba’t hindi nalang kaya dito ibunton ng ‘bubuwit’ ang tampurorot na pag-irog nito? Iwas-stress pa sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD