Chapter 5 - MNSSF Teaser

791 Words
       “MS.FERRER-“sa biglaang pagsambulat ni William ng tawag sa kanya gamit ang malamig at baritono nitong boses ay agad siyang napatalima. Napatayo siya ng wala sa oras. “Right?’ kumpirma nito, infairness, um-akto itong parang hindi siya kilala! Haha! Ayiiii! Nakakakilig!      “Mukhang nakikinig ka ng mabuti-“nagpakawala ito ng isang ngiti, ewan ba niya kong acting ba yun, “As the highest rater for the entrance exams of Freshies for this University, would you mind supplementing some thoughts to the class again about what I’ve discussed Ms. Ferrer?”      “Di-discussed?” maang niya, naglahong parang bula ang kanina’y invisible heart shape sa mata. Ngak! Mukhang gumaganti si William!      “Yung legislative, executive at judicial branch sa sistema ng gobyerno-“supply sa kanya ng info ni Darren, ang pangalawang pinakamataas sa kanya sa ratings ng exam. Ngumiti ito sa kanya at napasipol ang buong klase. Napatuon siya muli kay William na ngayo’y hindi na ngumingiti. He really looked professor-like, dignified, mas nag-mature ito sa get-up at aura, pero animo’y nadagdagan naman ang kung anong kakisigan at kagwapuhan meron ito. He looked more polished, at andiyan parin ang lamig at animo’y misteryosong katahimikan at pader na inihaharang nito sa sarili. Ito ngang new-found friend at katsika niya kanina sa mga naunang klase na si Julie ay lihim niyang gustong sabunutan, pagpasok kasi nila sa classroom kanina, bumulong na ito sa kanya na nagwagwapuhan daw ito kay William, kanina pa sa Welcome ceremony! Hay, ba’t naman kasi kelangan niyang dalhin sa sarili ang lihim nila, at mukhang wala pa talaga siyang balak i-acknowledge nitong si William na kakilala… “Errr…” nangalap siya ng hangin. Napag-aralan naman niya to! Mukhang naaalala naman niya, pero hindi naman talaga kasi siya nakikinig sa lumalabas sa bibig nito. Yung bibig lang nito ang tinititigan niya, o di kaya’y ang galaw, bawat pilantik ng daliri, bawat hinga ng dibdib. Na-overwhelm ata siya! Sa unang pagkakataon ay mabibigyan siya ng dalawa’t kalahating oras na free film-showing na pinamagatang ‘The Full Features of William Villegas’. Ang saya saya lang! “The legislative, err and the excutive-“ May dalawang minuto rin niyang pinilit mag-esplikar sa alam niyang bali-baligtad at ewan ba niya kung saang baul niyang kinuhang sagot ng bigla na lamang siyang putulin ng lalaki ng marinig na niya ang background na pagtawa ng mga kaklase. “I find it quite disappointing that the rating results did not quite match your performance in the actual Ms. Ferrer-“tugon nito, shutting her mouth up in a second.“I don’t tolerate someone who doesn’t live his or her life for the pursuit of knowledge and life. At tulad ng pulitika Ms. Ferrer, hindi sa lahat ng oras nadadaan lang sa kasikatan at kayamanan.” Napaupo siya ulit, nakabusangot ang mukha. Kinalabit lang siya ni Julie habang namataan niya ang pagtatanong sa mga matang iyon ni Darren. Dinilatan niya si Darren at napasulyap ulit kay William.      PAPASOK NA SIYA NG LIBRARY AT INI-OFF na ang tawag niya kay Nichola, matapos ng haiskul ay lumipad na ito ng Canada, doon nagtatrabaho ang mama nito bilang hospital attendant, doon na rin ito magkokolehiyo. Malungkot man ay nangako parin itong dadalaw tuwing bakasyon nito sa Pilipinas.  Pagpasok na pagpasok niya ng lib, ramdam niya ang mga tinginang iyon na biglang napasulyap at napaiwas rin sa kanya. Mga ate at kuya niyang lihim ata siyang pinagpipiyestahan ng tsismis, kung mabilis ang balita, baka nakarating narin ang unang araw ay mga blunder at mga bulilyasong nagawa niya sa iba pang mga klase. Hindi naman talaga siya maka-concentrate, kasi naman eh’, nanggagalaiti siya sa panunupla ni William sa kanya sa unang klase nito!      Hindi talaga makakatakas ang loko sa kanya!      Ini-scan niya ang library, halos mabali na ang leeg niya. Wala ito sa Teacher’s office nito, aasta lang sana silang kaklaruhin ang assignment kuno nila na ibinigay nito kasama si Julie ng banggitin ng isang may kabataan ring prof na may kinuha daw saglit sa library si William.      Ayun! Na-bulls eye niya ang isang bultong nakatayo sa pinakamalayong estante ng libro, mataas ito kaya’t agad niyang napansin, naku kung hindi niya kilala si William mapagkakamalan rin niyang estudyante!      Napakaripas siya ng takbo, mina-magnet ang ulo ng lahat. Halos kapusin na siya ng hininga ng maabutan sa gitna ng pasilyong iyon si William na may hawak ng isang libro sa kamay. Napatulala ito sa kanya. “William!” tilaok niya at napayuko, pakiramdam niya ang tagal tagal na niya itong hindi nakita. “Masaya ako na nakapasok-“ Sa gulat niya ay mabilis ng naglakad palayo si William. Puwes! Dinala ang dalawang palad sa bibig, ipinalibot na parang speakers at sadyang na-realize ang katotohanang makakasama at makikita na niya ito ng madalas ay napasigaw. “Sir Williaaaam!” anas niya, “Sir Williaaam! Pagbubutihan ko ang assignments ko!” ang laki ng ngiti niya, everyone gasped, napalingon muli si William kasabay ng pagtunog ng maugong na buzzer bell mula sa librarian!          

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD