SABAY NA HUMIHINGAL SILANG NAG-PANG-ABOT NI William sa labas ng operating room na iyon, nasa labas, magkatabing nakaupo ang mga ama nila. At bago pa man sila makapagsalitang dalawa, napatayo na ang mga ama nila, sabay silang yinakap. Isang minuto pa, pumalahaw ng impit na iyak si Jasmine habang napatulo naman ang isang luha mula kay William.
Wala na sa mundo ang noo’y nagkakape lamang na si Amy at Antonette. Magkasama ang dalawa sa isang aksidente…
MATAPOS NG ISANG BUWAN
“Lubos naming ikinalulungkot ni Sam ang pagkawala ng mga mama niyo sa aksidente na iyon, at napagdesisyunan naming magkumpare, na hindi kami matatahimik kung hindi namin ipagtatapat sa inyo ang lahat at kung hindi namin matutupad ang mga huling hiling ng asawa namin. William, Jasmine-“
Nasa isang round table sila sa pamamahay ni Tito Arthur, ng mga Villegas, naka-upo silang dalawa ni William na magkatabi.
“Gusto naming sabihin sa inyo,na noon pa lang, gusto na kayong ipagkasundo ng mama niyo. Mag-aasawa kayo sa tamang panahon, pag nakatapos na ng kolehiyo si Jasmine. At kahit ayaw niyo pa, hindi namin babaliin ang mga hiling ng yumao naming minamahal-“
Hindi alam ni Jasmine ang i-re-reak. Gustong tumalon bigla ng puso niya! Alam niya sa sarili niya na nalulungkot siya sa lahat ng nangyari, pero ng sabihin iyon ni Tito Arthur, bigla siyang napalingon kay William-
Na kumunot ang noo. “Wha-what?!”
“Oo, ikakasal tayo-“tango niya, “Fiance na kita actually, bata pa tayo,” dagdag supply niya at napalingon sa amang si Sam na lumaki ang mata. “Bale, alam ko na po! A-at para kay mama…” biglang napalumanay ang boses niya, “ay gagawin ko po yun.”
William’s already white face became more ashen. Maputi ito, matangkad at katam-taman ang taas, he was neat and his fashion was conservative but comfty, kalkulado ang mga kilos nito, at madalas ay tahimik at parang malamig lang. Minsan, sa sobrang lamig nito sa iba, madalas na maturingang masungit!
“S-si Jasmine?!” maang nito at saglit na napalingon sa kanya. “Nababaliw na ba kayo? She’s nothing more to me thanjust my little sister! Are you gonna make me commit i****t?”
i****t. Little sister. Ouch. Napatayo ito, wiggling his head, napatawa. And to their amazement ay tinuro si Jasmine. “I will never be this child’s fiancé! You must be all out of your mind!” at napatalikod ito.
Naging stoic ang mukha ni Jasmine. Basted agad-agad?